5

2114 Words
Ilang araw din kaming hindi bumalik sa malaking bahay lalo na’t sa ginawa namin sa lalake ay baka maghiganti ito sa amin tuwing gabi. Naglalagay ako lagi ng mga bawang sa pinto at bintana ng aming kwarto para maging depensa kung sakaling umatake ito.  “Ano ba ‘yong pinaglalagay mo na mga bawang sa pinto, Celeste? Kaya pala nawawala ang mga bawang dahil pinaglalaruan mo,” sabi ni Mama sa umaga ng Lunes nang magising ako at nadatnan itong nagluluto.  Hinihiwa niya ang mga bawang na pinaglalagay ko sa pinto kaya namilog ang aking mga mata. Mabilis kong tiningnan ang mga bawang na inilagay sa bintana ng aming kwarto at wala na rin doon ang iilang kapiraso kaya natataranta kong binalikan si Mama sa kusina.  “Panangga iyon sa bampira, Mama! Sa aswang!” giit ko sa namimilog na mga mata.  Nanliit ang kanyang mga mata sa akin at dinala ang plato malapit sa kawaling may mantika at medyo umuusok na sa init. Hininaan niya iyon habang nasa gilid ako at pinanood siyang ginisa ang bawang kasama ang iilang naroon sa plato na pinaghihiwa niya.  “Hay naku, Celeste! Tigilan mo ako riyan sa kalokohan mo. Nagpapaniwala ka sa sabi sabi riyan sa gilid eh hindi naman totoo. Walang ganoon dito,” ani Mama saka isinunod iyong manok.  “Pero totoo po sila! Nakita ko nga iyong halimaw sa malaking bahay! At takot siya sa bawang! Nanghihina siya! Bampira ‘yon, Mama!”  Namilog ang mga mata ni Mama at nabitiwan ang sandok. “Anong malaking bahay? Iyong bahay ng mga Herrera?!”  Tumango ako. “Opo! Tinapunan ko ng bawang ang lalakeng nakatira roon at napaatras siya! Nanghina siya kaya sigurado akong bampira talaga ‘yon—“  “Jusko, Celeste?! Maligo ka roon at pupunta tayo mamaya sa kanilang bahay! Hihingi ka ng tawad sa kanila!” putol ni Mama na ikinamilog na rin ng aking mga mata.  B-Bakit ako hihingi ng tawad? At higit sa lahat, bakit kami pupunta roon?! Sigurado akong mapapahamak kaming dalawa ni Mama pag sumulong kami roon lalo na’t gaganti iyon sa ginawa namin nila Janna sa kanya!  “A-Ayoko po!” Napaatras ako habang nanlilisik ang mga mata ni Mama, nasa akin na ang buong atensyon.  “Kung hindi ka hihingi ng tawad doon ay igagapos kita sa puno ng mangga para kagatin ka roon ng mga langgam!” pananakot niya.  Lumunok ako at natutop ang bibig. Iniisip ko pa lang ang iilang langgam na kakagat sa akin doon ay parang ang sakit na agad sa katawan. Ngunit kung pupunta rin kami roon sa malaking bahay ay kakagatin lamang din ako ng bampirang lalake! O baka nga ay gawin pa akong hapunan ng kanyang pamilya dahil sa ginawa ko.  Ngayon ay mamimili na lamang ako kung sinong kakagat sa akin!  “Magpapakagat na lamang ako sa langgam— Oo na po! Maliligo na!” Mabilis kong takbo nang makita itong akmang huhubarin ang tsinelas para gawing pamalo sa akin.  Padabog akong pumasok sa aming cr at halos matumba pa ang pintong gawa lamang sa kahoy. Kasama ko naman si Mama mamaya kaya wala akong dapat ipangamba ngunit para makasigurado ay magbabaon pa rin ako ng bawang sa aking bulsa nang may pang laban kami kung sakaling magwala ang bampira.  Palibhasa hindi iyon nakita ni Mama! At bakit kailangan ko pang humingi ng tawad? Masyado talaga siyang mabait sa lahat. Siya ang nagturo sa akin na dapat maging ganoon lagi kahit hindi man namin kauri. Mabait naman talaga ako. Ngunit iba na ‘yong mga aswang! Hindi ka dapat mabait sa mga ganoon dahil ikaw ang kakainin nila ng buhay!  Nakasimangot akong umupo sa mesa habang hinahanda ni Mama ang hapag at naglalagay ng adobo sa aking plato. Nakita ko roon ang mga bawang na sinali niya sa pagluluto. Eh pambala ko sana ito sa lalakeng ‘yon...  Matamlay kong ginalaw ang pagkain habang nilalagyan ni Mama ng kanin ang aking plato.  “Bilisan mo ang pagkain at pupunta tayo ngayon sa mga Herrera bago ako pumasok sa trabaho. Nakakahiya ka, Celeste. Kahit ano nalang talaga ang pumapasok sa iyong utak bata ka!” pangaral ni Mama. Sumubo ako hanggang unti-unting napagtanto ang isang bagay. Iniiwasan din ba nila ang mga pagkain na may bawang? Namilog ang aking mga mata saglit. Napatingin naman si Mama habang umuupo na at matalim agad ang tingin sa akin.  “Ano na naman ‘yang kalokohang naisip mo?” tanong niya sa nanghihinalang boses habang nilalagyan ng kanin ang kanyang plato.  “Ah eh... Ang sarap po kasi... Mama... Dalhan nalang po kaya natin ng adobo ang mga tao sa malaking bahay bilang peace offering?” suhestyon ko.  Kumunot ang kanyang noo ngunit halata sa kanyang ekspresyong maigi niyang pinag-iisipan ang aking sinabi.  “Medyo marami nga ang naluto ko...” marahan niyang wika. “At masarap ang adobo mo, Mama! Sigurado akong magugustuhan ‘yon nila!” maligalig kong sabi.  Tumango tango siya. “Sige at dadalhan natin sila. At huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan doon at talagang malilintikan ka sa akin!” Pinandilatan niya ako ng mga mata.  Tumango tango agad ako at ganadong sumubo. Nauna pa akong natapos kay Mama. Tumulong ako sa pagliligpit ng pinggan saka ko siya hinintay saglit lalo na’t hinugasan niya agad ang aming pinagkainan.  Nagbihis siya at inihanda ang tupperware na pinaglagyan ni Mama ng adobo.  “Halika at itatali ko ‘yang buhok mo. Hindi mo man lang sinuklay...” Naiiling niyang sabi nang hinila ako patungo sa harap ng salamin na nakadikit lamang sa dingding ng aming bahay.  Tahimik kong pinanood ang kanyang repleksyon sa salamin habang hinahagod niya ang aking buhok.  “Kailan po uuwi si Papa, Mama?” tanong ko nang maalalang ilang buwan na ang lumilipas at hindi pa rin bumabalik si Papa.  Ang alam ko ay nagt-trabaho ito sa Manila. Umalis ito sa aming baryo dahil mahirap maghanap ng trabaho na malaki ang sweldo rito. Nagpapadala naman si Papa ng mga laruan na galing doon ngunit mas maganda pa rin talaga kung umuwi siya.  “Ah... Hindi ko pa alam anak...” mahina niyang bigkas habang tinitingnan ang aking buhok.  “Kailan po natin tatawagan ulit si Papa, Mama?” Tiningala ko siya.  Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.  “Hayaan mo at tatawagan natin siya pag hindi na siya busy...”  Tumango ako at ngumiti. Medyo gumaan ang aking loob habang nanatili namang tahimik si Mama. Siguro ay namimiss niya rin ito.  Pagkatapos i ponytail ni Mama ang aking buhok ay umalis din naman kami. Naka simpleng puting bistida ako habang si Mama ay naka blouse at itim na pants habang siya ang may dala noong tupperware na nakasilid sa isang paperbag.  Kumaway pa sa akin si Janna kasama sina Rina at Althea nang mamataan kami ni Mama na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng mga nakaparadang tricycle.  “Saan kayo pupunta, Celeste? Ang rami naming kwento sa’yo! Parang inatake ng bampira kagabi ang bahay nila Rina dahil kumalabog daw ang bubong nila! Mukhang nag ala tiktik iyong lalake roon sa itaas at balak silang kainin!” kuwento ni Janna na ikinahilaw ng aking ngiti lalo na’t naririnig iyong lahat ni Mama.  “Baka ay ligaw na pusa lang iyon, Janna. Hindi totoo ang ganyan,” ani Mama na ikinatutop ng bibig ni Janna.  Nahihiya nilang iniwas ang tingin kay Mama. Kumaway ako para makapagpaalam na at hinila ang aking ina paalis doon lalo na’t baka pagalitan niya lamang isa isa at malaman niyang sinama ko pa ang mga ito para batuhin iyong lalake ng bawang. Baka hindi na ako sa puno itatali pag nagkataon... Malalakad lang naman ang malaking bahay ngunit mas pinili ni Mama na magtricycle kami lalo na’t dederitso rin siya sa kanyang trabaho mamaya.  Kausap ni Mama ang tricycle driver at nakikipagngitian siya rito lalo na’t kilala si Mama sa buong baryo namin sa pagiging mabait. Habang maingay sila ay nanatili akong tahimik at hindi mapakali dahil sa nanlalamig kong kaba. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri at mas lalong naging tambol ang aking puso nang matanaw ang malaking itim na gate.  Nandito na kami! Paano kung pagkapasok namin doon ay sugurin agad kami? Paano kung inaabangan nalang pala noong lalake ang pagbabalik namin? Paano kung may nakaplano nang patibong doon sa loob at nahulog kami sa kanyang inihandang mga bitag?  Lumunok ako nang huminto na ang tricycle driver sa tapat ng malaking gate. Naunang bumaba si Mama at nagbigay ng pamasahi sa driver.  “Maraming Salamat po, Mang Eduardo,” nakangiting sabi ni Mama na ikinangiti nito pabalik sa kanya.  “Walang anuman, Cindy...”  Napunta ang tingin ni Mama sa akin at inilahad ang kanyang kamay lalo na’t hindi pa ako bumababa. Kinakabahan kong kinuha ang kanyang kamay at inalalayan ako palabas.  Umalis na ng tuluyan ang tricycle na sinundan ko pa ng tingin. Dapat ay hindi namin ito pinaalis! Paano nalang kung may nangyari sa amin sa loob edi sana may mahihingian agad kami ng tulong.  “Sana pinaghintay na lamang natin iyong tricycle, Mama,” sabi ko habang mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.  “Hayaan mo na.” Saka niya pinindot ang doorbell na nasa gilid lamang.  “B-Baka wala pong tao,” alibi ko ngunit nang tingnan ang maliit na gate ay bukas na naman ito.  Bumitiw ako sa kanyang kamay at nagtungo sa maliit na gate para sumilip.  “Celeste! Halika nga rito!” Dahan dahan kong itinagilid ang aking ulo para tingnan ang loob at agarang nakita ang lalake na naglalakad ng nakapamulsa sa kanyang pants habang naka puting tshirt ito. Namilog agad ang aking mga mata nang mahuli niya agad ang aking tingin kaya mabilis kong inalis ang aking pagkakasilip at umatras.  “Celeste!” si Mama na hinila ang aking braso para pumirmi sa kanyang gilid. “Mali ang pumasok nalang bigla sa bahay ng kung sino! Bastos ang ganoon!”  Hindi ko na naririnig si Mama dahil mas malakas na ang kalabog ng aking dibdib. Gusto kong umatras at tumakbo para makalayo ngunit sa sobrang higpit ng hawak ni Mama ay hindi ako makawala. Isa pa, hindi ko naman pwedeng iwanan si Mama! Baka anong gawin sa kanya!  Ilang sandali lamang ay may dumungaw na sa maliit na gate. Mabilis akong nagtago sa likuran ni Mama at niyakap ito sa likuran.  “Ah... Magandang umaga, hijo...” marahang bati ni Mama.  “Good morning, Madame,” pormal niyang bati pabalik.  “Uh... Nakarating sa akin ang balita na may ginawang kalokohan daw itong anak kong si Celeste rito... Gusto ko lang sanang humingi ng tawad ganoon din ang aking anak sa kabastusang ipinakita niya...” si Mama at pilit akong hinihila paalis sa kanyang likuran.  Hindi ako nagpahila at sumilip lamang sa likod ni Mama, nanatili roon. Seryoso ang mukha noong lalake at muling nahuli ang aking mga mata. Namilog agad ang akin saka agad nagtagong muli at ibinaon ang mukha sa likod ni Mama. “Oh iyon ba? Pumasok po muna kayo. Medyo mainit po rito sa labas...” aniya sa magalang na boses at mas nilakihan ang pagkakaawang ng pinto noong maliit na gate.  Mabilis akong namutla. T-Totoo ngang takot siya sa sikat ng araw! Totoo nga ang hinala namin sa kanya!  Tumango si Mama. “Salamat, hijo...” Saka niya hinila ang aking kamay para makapasok kaming dalawa.  Naging tahimik ako at hindi na makaimik. Yumuko ako nang dumaan sa kanyang gilid at mabilis na lumipat sa gilid ni Mama para makalebel ito. Huling pumasok ang lalake at isinara ang maliit na pinto. Nakita ko pang inilock niya ang tarangkahan.  Nakakulong na kami sa loob! Mabilis kong kinapa sa bulsa ng aking bestida ang bagong buong bawang na binili ko pa kanina sa tindahan para makasiguradong may pambala kami. Naunang maglakad ang lalake habang sumusunod naman kami ni Mama.  Medyo nakukuryuso ako sa loob ng malaking bahay ngunit mas nanaig ang desperasyon sa akin na hindi kami mapahamak ni Mama habang nasa loob kaya halos hindi ako kumurap habang ginagala ang tingin sa bawat gilid at baka may biglang magpakita at atakihin kami bigla.  Tuluyan kaming nakapasok. May sumalubong na katulong base na rin sa suot nito. Kaedad lamang ni Mama ang babae.  “Pakidalhan po ng meryenda ang aking bisita,” sabi ng lalake sa katulong na tumango agad at umalis para sundin ang utos nito.  Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Saglit akong namangha at pakiramdam ko ay maharlikang pamilya ang nakatira sa loob sa halip na mga aswang, engkanto at bampira. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD