Kabanata 4

2274 Words
TATLONG ARAW na mula noong dumating sila sa New York, kung saan nakatira ang kaibigan ni Nicolo na si Doctor Kenneth Anderson. Sa nakalipas na mga araw na iyon ay inukol nila ang oras sa loob ng ospital, dahil kaagad na pina admit si Jaime para ipasa ilalim sa iba’t-ibang test at ngayon araw ang labas ng final test nito. Kinakabahan siya para sa anak at para sa kaniyang sarili dahil kung ano-anong masamang eksena ang pumapasok sa utak niya. “Don’t worry too much, Jaime will be okay,” malumanay na sabi ni Nicolo na nasa tabi niya. Napatingin siya sa lalaki. “Hindi mo maalis iyon sa akin—” “I know, ngunit kailangan natin maging matatag para sa bata at para rin sa kakabuti nating dalawa,” seryosong sabi ng lalaki. Sasagot pa sana siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng hospital room kung saan nag-s-stay pamsamantala si Jaime. Bumukad sa kanila si Kent at sa likuran nito ang isa pang doctor na siyang kasama ni Kent sa pag aasikaso sa case ng anak nilang si Jaime. “What is the result?” “It’s positive, your son, is have an acute lymphocytic leukemia,” seryosong giit ni Kent. Tulad ng sabi rin ng Doctor sa Pinas sa kaniya. Naninikip ang kaniyang dibdib sa kaba at pag alala. Kahit alam na niyang ito talaga ang magiging resulta hindi niya pa rin maiwasang masaktan. “But the goodnews is, acute lymphocytic leukemia is curable, kaya’t huwag kayo mawalan ng pag asa. Maari pa natin mailigtas ang inyong anak,” malumanay na dagdag ni Kent. “What kind of treatment naman ang kailangan for him, Doc.?” Tanong ni Nicolo sa kaibigan nito. “Chemotherapy, is one of the treatments for a patient who has a lymphocytic leukemia. Ngunit mas maigi sana if makahanap tayo ng donor for him, para sa stem transplants.” May iba pang pinag-usapan sina Kent at Nicolo na hindi niya naman maintindihan kaya’t lumapit na lamang siya sa gawi ni Jaime at hinaplos ang maputlang pisngi ng anak. Parang kinukutsilyo ang puso niya habang nakikita itong nahihirapan kada minuto, her son doesn’t deserve this. Kung pwede lang siyang makipagpalit ng katawan rito ay gagawin niya. “Magpahinga ka na muna, ako na muna magbabantay sa kaniya.” Napa-angat siya ng tingin at pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya. “Hindi na, hindi pa naman ako pagod. Dito lang ako, babantayan ko siya.” Bumuntong hininga si Nicolo. “Kung gano’n ay kahit umiglip ka man roon sa sofa, huwag mo pabayaan ang sarili mo, Ann. Mahirap na pag pati ikaw ay magkasakit rin, kaya’t makinig ka sa akin,” seryosong giit ng lalaki at hinawakansiya sa may braso at marahang hinila patayo. Wala siyang nagawa kundi hayaan itong alalayan siya paupo sa sofa. “Paano ka? Alam naman nating wala ka rin tulog tulad ko.” Tipid na ngumiti ang lalaki. “Don’t worry about me, sanay ako sa puyatan, ikaw ang inaalala ko.” Bumuntong hininga siya. “Sana’y gumana talaga ang chemo, hindi ko kasi alam kung ano magagawa ko kung—” “Shh, gagana iyan, magtiwala ka lang. Nagkausap kami ni Kent, sabi niya ay may alam siyang pwede pag kuhanan ng donor para sa anak natin kaya’t huwag ka na masyado mag-alala. Magiging maayos din ang lahat.” “Sana nga…” sabi niya na lamang at humiga na sa sofa at pinilit ang sariling makatulog. ANG TATLONG araw ay naging isang buwan at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakita ng tamang donor para sa bata, tanging chemo therapy lamang ang treatment na sinasagawa para kay Jaime. Dahil doon, naglalagas na talaga ang buhok ng bata, at panay ang suka nito araw-araw na dahilan para mas lalo siyang mag-alala. “Wala pa rin ba kayong nakita?” kaagad na tanong niya nang makita si Nicolo na papasok sa sala ng bahay na kasalukuyang tinitirahan nila. Oo lumabas na sila sa ospital at bumalik lang roon pag schedule na para sa chemo therapy ni Jaime. “Nicolo?” tawag niya sa atensiyon ng lalaki nang hindi ito sumagot. Tumingin ito sa kanya at akmang bubuka ang labi para magsalita nang bigla na lamang ng ring ang cellphone nito. Sumenyas ito sa kaniya na sandal lang kaya’t tumango siya. Kitang-kita niyang nagkasalubong ang kilay ng lalaki nang makita nito kung sino ang tumatawag pero sinagot pa rin nito. “Hello…I can’t go back yet. No! Oh, come on, Rei. Try to understand my situation—what? Whatever you say…Don’t you dare!” Napakurap-kurap siya sa narinig, ilang araw na rin niyang napapansing panay away ng dalawa sa cellphone at alam niya kung ano ang dahilan. “Mukhang naka abala ako a, sige mamaya na lang—” “Wait, Ann,” pigil ng lalaki sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na kaagad din naman nitong binitiwan nang mapansin nitong matagal niya itong tinitingan. Sa nakalipas na isang buwan ay medyo naging casual na rin naman ang pakikitungo nilang dalawa sa isa’t-sa. Nagiging sweet lang sila pag nakatingin si Jaime pero pag hindi ay bumabalik sila sa pagiging ganito, tila estranghero sa isa’t-isa. “Kung kailangan mo nang umuwi ay ayos lang naman. Magpapatulong na lang ako kay Kent at pwede ka naman dumalaw-dalaw na lang kay Jai—” “Hindi ako uuwi hangga’t hindi ko nasisiguro ligtas na si Jaime sa kamatayan. Mas mahalaga sa akin ngayon ang kalusugan ng anak ko,” seryosong pahayag ng lalaki. Nagkibit balikat na lamang siya. “Sabi mo ‘e.” KINAGABIHAN, nagulat si Annette nang makita niyang naka upo sa may sala si Kent at naka dekwatro ito habang binabasa ang isang magazine na kaagad din nitong binaba nang mahagip ng mga mata nitong naka tayo siya sa may harap nito. “Si Nicolo ba sadya mo? Wala siya rito ‘e, lumabas—” “Nag away ba kayo uli?” Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata sa tinanong ng lalaki. “Huh?” “Sabi ko nag away na naman ba kayo? Akala ko pa naman okay na kayo, dahil sa wakas ay nakita kong nagsama kayo muli at mukhang sweet na naman kayo sa isa-isa’t isa pero bakit parang nalugi na intsik na naman si Nic?” Napa taas ang kilay niya. “Nagkakamali ka kung iniisip mong kami ang nag away na dalawa.” “What do you mean?” nalilitong tanong ng lalaki. “Hindi ako nagpalungkot sa kaibigan mo kundi ang babae niya sa pinas, mukhang nagkatampuhan dahil hindi makauwi—” “WHAT? May ibang babae si Nic? Are you serious?” Tumango siya. “Oo meron mas bata sa akin, hindi ba niya na banggit sa iyo?” Umiling ang lalaki. “No, ang alam kong babae niya ay ikaw lang naman dahil kada tawag niyan sa akin nag e-emote iyan at pangalan mo lagi lumalabas sa bibig.” Kumunot noo niya. “Ngayon-ngayon lang ba iyan?” “No, mula noong nakunan ka.” Matagal niyang tinitingan si Kent dahil hindi lang siya makapaniwala sa narinig. “Sinasabi niya sa iyo?” “Oo paglasing, gabi-gabi ako niyan tinatawagan at parang sirang plakang paulit-ulit ang sinasabi.” “Kaya nga masaya ako noong malaman kong pupunta kayo rito at nakita kong okay na kayo pero kanina mukhang wala naman siya sa sarili niya…” Hindi siya naka imik. Hindi kasi kayang tanggapin ng utak niya ang mga nalaman niya. Ang akala kasi niya’y wala lang sa lalaki ang pagkawala ng anak nila at ang paglayo ng loob nila. Ngunit matapos niyang pakinggan ang ikwento ni Kent ay isa lang nasa isip niya. She needs to talk to him, kailangan niyang makumpirama kung totoo ba ang sinabi ni Kent. “Alam mo, Ann. Minsan kasi kailangan mo ring buksan ang puso at tenga mo para malaman mo talaga ang katotohanan. Kilala mo naman si Nic, hindi iyon mahilig sa salita at lalong mahina rin iyon sa gawa lalo pa kung pinaparamdam mo sa kaniyang hindi mo siya kailangan. Nasasaktan din iyon at nahihirapan kaso hindi niya lang pinapakita sa iyo dahil nga lalaki siya at gusto niyang maging sandalan mo siya ngunit knowing your personality, you are independent at hindi rin ikaw ang tipong pinapakita ang nararamdaman. Iyon ang problema niyong dalawa, hindi kayo naging honest sa isa’t-isa.” Napatitig siya kay Kent at napabuntonghininga dahil napagtanto niyang tama ito. Pareho kasi silang hindi showy ni Nicolo. “Ngunit may mali pa rin siya, inaamin ko naging pabaya ako bilang asawa niya ngunit hindi naman ata iyon sapat para maghanap siya ng iba. I was in the process of healing, hindi madali ang mawalan ng anak, I needed time to be alone—” “Naintindihan kita kung magagalit kasi nga mali nga naman mambabae ang kaibigan ko ngunit hindi mo ba naisip na baka ginawa niya iyon dahil nawalan na siya ng pag asang buksan pa muli ang puso mo?” “Kung mahal niya ako handa siyang maghintay, kung mahal niya ako pipiliin niyang manatili sa tabi ko kahit kasing lamig pa ako ng yelo, dahil understandable naman iyong rason ko bakit ako ng kagano’n. Iyon ang hirap sa lalaki dahil hindi ninyo kayang magtiis at maghintay. Lagi niyong nirarason pag nag-c-cheat kayo na kasi may kulang sa aming mga babae, kasi hindi na naming na bibigay ang kailangan niyo—” “Teka lang, Ann. Ba’t nadamay ako? Hindi ko pa nga naranasan magkasintahan, basta ang point ko lang ay bigyan niyo ang isa’t-isa ng chance para kay Jaime.” “Hindi mo ba nakikitang bumabawi siya? Kung alam mo lang kung ano mga ginagawa niya para lang makahanap ng donor para sa anak niyo. Mahal ka niya, Ann. Mahal niya kayo ni Jaime, hindi niya lang iyon ma amin sa iyo, alam mo naman iyon torpe. Iba lumalabas sa bibig, iba ang nasa puso,” seryosong dagdag pa ni Kent nang hindi siya umimik. “Give him a chance to fix the family, you two build together and open your eyes, ear and heart to him. Panigurado hindi mo iyon pagsisihan—” “How can I give him a chance kung meron pa siyang unfinished business sa ibang babae? Paano ko siya bibigyan ng pagkakataon kung iununa niya hiya niya? Kung gusto niyang ayusin ang pagkakamali niya at iligtas ang anak namin at ang pamilyang ito, dapat kaya niyang ipaglaban ito ng walang paalinlangan. Hindi niya dapat iaasa sa iyo o kanino man—” “Narinig mo, Nic? Gumalaw-galaw ka na oy, hindi ka na teenager para matorpe-torpe ka pa diyan,” seryosong giit ni Kent habang ang mga mata ay nasa likuran niya. Natigilan naman siya nang mapagtantong nasa likuran pala niya si Nicolo. Bago pa man siya lumingon sa gawi nang lalaki ay naramdaman na niya ang kamay nitong humawak sa kamay niya. “Hindi ko alam paano sisimulan, at kung ano ang sasabihin ko para maibsan ang hinanakit mo sa akin kasi I know sorry is not enough to ease the pain that I cause. Ngunit sana’y hayaan mo akong bumawi, officially, sa iyo at sa anak natin. Hindi ako mangangakong hindi kita masasaktan pero mapapangako kong hindi na ako susukong intindihan ka at mananatili ako sa tabi mo kahit ano pa ang problema ang susubok sa relasyon natin. Bigyan mo lang muli ko nag isa pang pagkakataon, pangako, hindi ko sasayangin ang tiwala ibibigay mo—” “Paano mo magagawang hindi masira ang tiwala ibibigay ko kung hindi mo pa nga natapos ang dapat mo tapusin sa ibang babae?” naka taas kilay na tanong niya. “Kakausapin ko siya bukas na bukas rin, kung gusto mo sumama ka pa para makita mo at hindi ka maghinalang nagsisinungaling ako.” “Hindi gano’n ka simple ang lahat tulad ng inaakala mo, Nic. Hindi porke umayaw ka na at iiwan mo na ang babaeng iyon ay matatapos na ang lahat at mawawala na ang galit ko sa iyo—” “Alam ko kaya nga handa akong hintayin ka maghilom—” “Huwag ka magsalita at mangako patunayan mo,” mariing giit niya. “Kung gano’n papaya ka na—” “Alam mo, Nic. Kung talagang determinado ka, hindi mo kailangan humingi ng permiso sa akin, gagawin mo ang kailangan mo gawin para mapa “Oo” ako ng wala nang permiso na papayag ako sa gusto mo. Humindi man ako, kung determuinado ka talagang makuha muli ang tiwala ko, sisige ka pa rin kahit alam mo na maaring masasawi ka lang, gano’n kasi pag nagmamahal ka, you will take the risk. Gets mo ba ang ibig kong sabihin?” Napakamot ang lalaki sa batok nito. “I’m sorry, mgayon lang kasi ako nanunuyo talaga, alam mo naman dati pa na hindi ako magaling manuyo.” Ngumiwi siya. “Oo, pasalamat ka dati, gusto rin kita kaya hindi kita pinahirapan pero ngayon sorry ka.” Natawa ng mahina ang lalaki. “Okay lang sa akin, deserve ko naman, wala pa nga sa kalahati ng naranasan mo ang paghihirap ko.” Umikot ang eye balls niya. “Mabuti naman at alam mo.” “Oo, pero huwag ka mag-alala, babawi naman ako.” “Talaga lang ha? Tignan natin kung hanggang saan aabot iyang determinasyon mo.” Ngumiti lang ang lalaki sa kaniya habang siya’y napa-iling na lang. Gabi ng magpaaalam si Kent, nag-usap pa kasi ang mga ito sa may mini bar, hindi na rin naman siya nakiusyuso kasi usapang lalaki iyon ‘e. To be continued... Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD