Kabanata 5

2103 Words
LUMIPAS ang dalawang lingo at masasabi ni Annette na seryoso nga si Nicolo sa sinabi nito dahil araw-araw ay hiniharana siya ng lalaki at pinapadalhan ng bulalak. Hindi rin ito umalis sa may tabi niya at mas naging close pa ito sa anak nilang si Jaime. Na labis niyang kinatuwa, ngunit isang bisita ang hindi inaasahang dumating sa apartment nila na siyang sumira sa mood niya. “Rei? Ano ginagawa mo rito?” gulat na bulalas ni Nicolo na nasa tabi niya. Kakauwi lang nila galing sa may ospital. May nakita na kasi silang donor para kay Jaime at ngayong araw pinasa ilalim sa mga test ang anak nila ang donor nito kung magiging okay at magiging compatible ba talaga ang mga ito at safe ba isalang sa operasyon. “Nandito ako para sunduin ka,” sagot ng babae at lumapit sa gawi ni Nicolo na hindi man lang inaalala na nasa tabi siya ng lalaki. Kung pakapalan lang rin ng mukha ay ito na ang nanalo. Kung noon ay pinapalampas niya ang panlalandi nito sa lalaki ay iba na ngayon pero hihintayin niya muna kung ano ang sasabihin ng lalaki bago siya umaksyon. “Hindi ba’t pag-usapan natin ang tungkol diyan. Hindi ako uuwi, I will stay with my family here—” “Hindi pwede! Hindi ako papayag, matagal kitang hinintay, Nic—” “Please, Rei. Huwag ka gumawa ng eksena rito, umuwi ka na—” “Hindi! Hindi ako uuwi hangga’t hindi ka kasama—” “Dammit! Hindi nga ako sasama sa iyo. Mas mahal ko ang pamilya ko, Rei, so please, understand—” “Niloloko ka lang ng babae iyan! Ginagamit niya lang ang anak niyo para hindi mo siya i—” Malakas na sampal ang nagpatigil sa babae sa pagsasalita. Sinampal niya lang naman ito, iyong pang asawang sampal ba, hindi pa siya na kontento, sinampal niya uli ito at sa pagkakataon ito ay sa bilang pisngi naman na halos matumba ito sa lakas. “Sana naman ay sapat na ang dalawang sampal para magising ka sa kahibangan mo pero kung hindi pa sapat ang sampal, willing naman akong gamitin ang mga paa ko para tadyakan ka para naman magising ka sa katangahan mo—” “Walanghiya ka—” “Ikaw ang walanghiya! Kung dati ay hinahayaan lang kita ngayon ay iba na, kung kikakailangang maging bayolente ako ay gagawin ko para lang maprotektahan ko ang tahanan na binuo ko sa mga anay na katulad mo, kaya’t kung ako sa iyo ay uuwi ka kung ayaw mo ipalakadkad kita sa security rito—” “Huwag kang feeling asawa, hindi naman kayo kasal—” “Hindi nga kami kasal pero may anak siya sa akin kaya’t may karapatan ako sa kaniya, may responsibilidad siya sa akin at higit pa roon ako na ang mahal niya. Ako naman talaga simula pa lang, inaagaw mo lang. Ikaw ang feeling sa ating dalawa, dahil kahit saan dalhin kabit ka pa rin, ako pa rin na una at ako pa rin ang may karapatan, kaya’t ikaw tigilan mo na kami dahil kapag ako talaga na puno ikiskis ko iyang makapal na mukha mo sa daan para naman makaramdam ka ng hiya.” Tumayo si Rei at mabilis ang hakbang na sumugod sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit at tinaas ang isang kamay upang sampalin siya pero pinigilan ito ni Nicolo at marahas na winaksi ang kamay nito. “Tama na, umuwi ka na habang may natitira pa akong respito sa iyo. Tapos na tayo noong nakaraang linggo pa, alam kong alam mo hindi lang ako ang may kasalanan sa paghihiwalay ito. Pinili ko ang pamilya ko, walang masama roon, ikaw piliin mo ang sarili mo o iyong ibang lalaki mo pa…” “Nagulat ka? Matagal ko nang alam na may iba kang lalaki maliban sa akin, I don’t say anything kasi wala naman iyon sa akin. So, hangggang may pasensya pa ako at nasa tamang wisyo pa, go home, Rei,” mariing pahayag ni Nicolo. Maging siya ay nasindak sa sinabi ng lalaki at na gulat din siya at the same time sa narinig. Well, ano pa ba maasahan niya sa babaeng tulad ni Rei, hayok sa lalaki. “I HATE YOU BOTH!” sigaw ng babae bago sila tinalikuran. Napa iling na lamang siya sa inasta nito. Napa-angat siya nang tingin nang maramdaman niya ang kamay ni Nicolo humawak sa kamay niya. “I’m sorry for all the trouble and pain, I cause you. Pangako babawi talaga ako, sisikapin ko maging better person not just for you and Jaime but also for myself,” seryosong pahayag ng lalaki at hinalikan ang kamay “That’s good to hear, I will be looking forward to it.” Ngumiti siya ng tipid at inaya ang lalaking pumasok na sa loob. *** MALAPAD ang mga ngiti ni Annette habang tinatanaw ang kaniyang mag amang naghahabulan sa gilid ng dagat habang siya ay naka upo sa may cottage at hinahanda ang pagkain nila. Nasa outing sila ng mga sandaling iyon, pinagdidiwang nila ang kaarawan ni Jaime at ang success ng operasyon nito. Oo naging maayos ang operasyon ng bata at ngayon ay ligtas na ito sa kamatayan pero required pa rin ang montly check-up nito. Masayang-masaya ang puso niya dahil okay na ang anak nila ni Nicolo at sila, medyo ayos na din. Natutunan na niyang buksan ang tenga, utak at puso niya sa lalaki kahit papaano, dahil sa tingin niya’y deserve naman nito bigyan ng pagkakataon dahil pinapakita naman nitong nagbabago na ito at bumabawi sa kanila ni Jaime. Isa na dun ang effort nitong makahanap ng donor para sa anak nila, ang pag-stay nito sa tabi niya kahit kasing lamig na siya ng yelo. “Mommy! Mommy!” Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng anak nila si Jaime. Tumaktabok na ito papapunta sa direksiyun niya habang nasa likod nito si Nicolo na sinasaway ang anak na huwag tumakbo ng mabilis baka ito ay madapa. “Yes, sweetheart,” malambing na giit niya nang yumakap na ito sa may binti niya. “Let’s swim, Mommy,” naka ngiting sabi ni Jaime at hinila ang suot niyang balabal. “Mamaya na anak, kumain muna tayo,” malumanay na tugon niya at lumuhod sa harap ni Jaime para maging pantay sila. Ginulo niya ang buhok ni Jaime na ngayon ay mayabong na. Bumalik na rin ang sigla at naging makulay na in ang pisngi at labi nito. Hindi niya mapigilan yakapin ang kaniyang anak, para sa kaniya isang himala ang mabuhay pa ito. “I love you so much, sweetheart,” madamdaming bulong niya. Niyakap din ni Jaime ang maliit na kamay nito sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo “I love you too, Mommy, kayo ni Daddy,” pahayag ng bata at nilingon ang amang naka tayo sa may gilid nila. “Tama na muna ang drama kumain na muna tayo,” natatawang aniya at binitiwan na ang anak sabay tumayo. Tinulungan siya ni Nicolo sa paghahanda ng kakainin nila. “Salamat sa lahat ng tinulong mo at pagpapasesnya.” Tumingin sa kaniya ang lalaki at ngumiti ito. “No, salamat kasi hinayaan mo akong bumawi.” Tumawa silang dalawa at pagkatapos nun nagsalo sila habang masayang nagkwe-kwentuhan. Naligo rin sila ng sabay, na parang mga batang naghahabulan sa tubig at sa gilid ng dalampasigan. PAGDATING ng gabi ay nagtaka si Annette dahil kay tahimik ng maliit na sala sa inukupahan nilang silid kaya’t hindi niya mapigilan silipin ang mag-ama niya na nag paalam sa kaniya kaninang manood ang mga ito ng tv. Napahawak siya sa kaniyang kamay nang bumukad sa kaniya ang nakalagay sa may mesa, mga petals ng pulang rosas, nala kurba heart at may nakalagay sa loob. “I have surprise for you, follow the arrow,” basa niya sa nakalagay. Tumingi siya sa gilid kung saan ang mga arrow, tinuturo nito sa labas kaya’t sinundan niya iyon hanggang sa makarating siya sa kalagitnaan ng madilim na bahagi ng resort. Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata nang bigla na lamang umiilaw ang paligid. Napakagat siya ng ibabang labi nang marinig niya ang pamilyar na tinig na kumakanta. “Every minute, every second of the day, I dream of you in the most special ways You're beside me all the time, all the time…” Napahawak siya sa kaniyang bibig nang lumitaw sa kaniyang paningin si ni Nicolo na may hawak na mikropo, ito pala ang kumakanta akala niya kasi may nag pasound trip lang, kay ganda kasi ng boses nito. Sa tagal nilang magkakilala at magkasama, never niya pa itong narinig na kumanta ngayon lang. Napakagat siya ng ibabang labi niya nang naglalakad na ang lalaki papunta sa kinakatayuan niya. Napatawa siya nang makita niya si Jaime na inabot ang ama nito ng isang bungkos ng bulalak na inabot naman kaagad ni Nicolo at hinalikan sa noo ang anak nila na kumindat sa kaniya nang magtama ang mga mata nila. “I dream of you in the most special ways… you're beside me, all the time… all the time...” Sa huling linya ay nakahawak na ang lalaki sa may kamay niya habang nakatitig sa mga mata niya at marahan siyang hinila at nilagay nito ang dalawang kamay niya sa balikat nito at marahan silang sumayaw. “You look so beautiful tonight, this flower is for you,” pahayag ng lalaki at lumayo sa kaniya ng konti. Inabot naman niya ang bulalak at napahawak siya sa kaniyang kamay nang bigla na lamang lumuhod ang lalaki sa kaniyang harapan. Pakiramdam niya tumigil ang paghinga niya nang may hinugot ito sa may bulsa nito at bumukad sa kaniyang mga mata ang isang diamond ring. “Oh my god!” gulat na bulalas niya. Hindi niya mapigilan mapa-iyak ng sandaling iyon dahil matagal na niyang inaasam-asam na mag propose sa kaniya ang lalaki. Matagal na niyang inaasam na alukin siya nito ng kasal at ngayon ay nangyari na. “Alam kong masyadong madali, alam ko rin na marami akong kasalanan sa iyo, kaya nandito ako sa harap mo ngayon, humihungi ng isa pang pagkakataon na maging akin ka uli, officially. Let’s start over again, ikaw, ako at ang anak natin. Ibaon natin sa limot ang mga masakit na alala, dahil ngayon gabi kung ako’y iyong bigyan ng pagkakataon na maging mister mo. Tatapusin ko na ang paghihirap mo, sapagkat hanggang dito na lang, ang mga masasama at masasakit na alala, papalitan natin iyon ng magaganda at masasayang aalala na sabay nating bubuoin. Let’s save this family, let’s get married and restart our lives together, please, Annette, marry me,” madamdaming pahayag ng lalaki at kinuha ang kamay niya. “SAY YES, MOMMY!” sigaw ng anak nilang si Jaime. Napatingin siya sa paligid nila at hindi niya maiwasang mapaiyak ng todo nang makita niya ang mga poster at mga signs na na hawak-hawak ng mga taong naka palibot sa kanila. Say yes, ang nakasulat sa mga sign at sa poster naman ay ang mga pictures nilang magkasama mula ng college at nang pinanganak niya si Jaime at noong nasa ospital sila at hinintay matapos ang operasyon. Nagulat siya nang makita may picture rin sila nang nasa Disney land sila, far shot iyon pero makita mo talaga ang kasiyahan sa mga mata nila. Nilagay niya ang kaniyang isang kamay sa bibig niya at binaling ang tingin sa lalaking naka luhod pa rin sa harap niya ngayon hawak-hawak ang singsing. “Please, marry me, be my wife and bear my surname and children,” seryosong pakiusap ng lalaki. Huminga siya ng malalim. “Yes, Nicolo. I will marry you; I hope this time you will be careful of my heart.” Ngumiti ang lalaki at kaagad na sinuot sa kaniya ang singsing at walang ano-ano na binuhat siya at pina ikot-ikot habang siya ay napatili na lamang at tumawa ng malakas. Napatigil lang siya nang tumigil si Nicolo sa pag ikot-ikot at nagtama ang mga mata nila. “I promise to be careful of your heart until we die,” seryosong pahayag ng lalaki at hinuli ang kaniyang labi na kaagad din naman siya tumungon sa halik nito. Narinig niyang nag sihiyawan ang mga tao sa paligid nila at nang maghiwalay sila ay bumukad sa kaniya ang magagandang fireworks sa langit at nakalagay ang salitang, “Congratulations.” Hanggang dito na lang talaga ang masasakit at masamang alala ng pagsasama nila, handa na siyang palitan iyon ng masasaya at magagandang alala kasama ang kaniyang mag ama. To be continued... Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD