bc

Hanggang Dito Na Lang

book_age18+
864
FOLLOW
1.5K
READ
second chance
drama
tragedy
comedy
twisted
lighthearted
betrayal
first love
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Si Annette at Nicolo ay mag live in partner, may isang silang anak na ang pangalan ay Jaime. Noong una ay maayos naman ang pagsasama ng dalawa kahit pa hindi kasal ang mga ito ngunit nagbago ang lahat nang miscarriage si Annette, nagkaroon ng pader sa pagitan ng dalawa at lumala pa noong malaman ni Annette na may babae si Nicolo.

Imbis na magwala ay pinili ni Annette na manahimik, hanggang sa isang gabi kinausap ni Nicolo si Annette na makikipaghiwalay ito sa babae dahil kinukulit ito ng kabit nitong si Rei. Isang nursing student na matagal nang may gusto kay Nicolo. Pumayag naman si Annette ngunit may hiniling ito at iyon ay sana makapaghintay ang lalaki hanggang sa lumisan ang anak ng mga itong si Jaime dahil may malala itong sakit, nais ni Annette na pabaunan ng magandang alala ang bata bago ito lumisan sa mundo.

Pumayag si Nicolo sa hiniling ni Annette dahil napagtanto nitong mas mahalaga ang mag-ina nito kaysa sa babae nito. Pinangako ni Nicolo sa sariling babawi ito sa mag-ina, tatapusin na niya ang paghihirap ng kinakasama nitong si Annette, dahil hanggang dito na lang ang masasakit at masasamang alala, papalitan niya iyon ng masasaya at magagandang alala. Ngunit ang tanong, makakaya kaya patawarin ni Annette si Nicolo? Makakaya kaya nitong makasamahan ang lalaki matapos ng mga ginawa nito?

Abangan...

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
NAPATINGIN si Annette sa labas ng bintana, napabuntonghininga siya nang mapansing magdi-dilim na pero hindi pa rin dumadating si Nicolo. Narito siya ngayon sa labas ng eskwelahan ng kanilang anak na si Jaime, kinder garden na kasi ito at siya ang naghahatid sundo sa anak dahil wala naman siyang trabaho, she give up her dream to become a flight stewardess para maging hands on Mommy. Nagkakilala sila ni Nicolo sa may eskwelahan nila dati sa college. Niligawan siya nito, matapos ang dalawang buwan ay sinagot niya ang lalaki at noong makapagtapos na sila na buntis siya bigla, akala niya noon ay papakasalan siya ng lalaki ngunit hindi nangyari. Hindi naman siya nagtampo at that time kasi wala pa namang trabaho nun si Nicolo, kaya’t intindi niya. Mag-pi-pitong taon na silang nagsasama pero wala siyang narinig na “Will you marry me” sa lalaki. Nasasaktan siya ngunit hindi na lamang siya nag komento ayaw niya namang madaliin ito, kontento na siyang nagsasama sila at naibibigay naman nito ang pangangailan ng anak nila not until last year at ngayon taon. Ramdam niyang may nagbago at alam niya kung ano ang dahilan nagbabagong iyon pero she keeps her mouth shut. Ayaw niyang mag-away sila at maghiwalay, ayaw niya kasing maranasan din ng anak niya ang makaroon ng broken family gaya niya kaya tinitiis niya na lamang “Mommy, why are you crying? May masakit po ba sa iyo?” Napakurap-kurap siya at mabilis na pinunasan ang kaniyang luha at tumingin sa kaniyang anak na inosenteng nakatingin sa kaniya. “Napuwing lang ako, baby. Nagugutom ka na ba?” malumanay na sabi niya. Yumakap ito sa bewang niya. “Buti naman po, ayaw ko po kayong nakikitang umiiyak, Mommy. Nalulungkot rin po ako.” Niyakap niya ang kaniyang anak ng mahigpit at hinalikan ang noo nito. “Hindi na iiyak si Mommy para hindi na rin malungkot ang kaniyang baby.” Ngitian siya ni Jaime. “Good po, bakit ang tagal na naman ni Daddy?” Umiwas siya ng tingin sa tanong ng anak. Ayaw niya magsinungaling rito pero ayaw niya ring masaktan ito. “Baka na traffic lang,” aniya. “Lagi naman siya nalalate,” reklamo ng anak nila. Totoo iyon, lagi itong ginagabi sa pagsusundo sa kanila, may time pa ngang sumakay na lang sila sa taxi dahil sobrang late na wala pa rin ang lalaki. Hindi rin ito namamalagi sa bahay nila kahit wala itong pasok sa opisina. Okay lang naman sa kaniya kasi nasasanay na rin na man siya, naawa lang siya sa anak nila. “Huwag ka nang malungkot pagdating niya mamaya, babawi iyon,” pag aalo niya sa anak. Hindi umimik si Jaime kaya’t napa buntong hininga siya. Alam niya kasing nagtatampo na ito sa ama. Huwag sanang gabihin muli si Nicolo baka kasi tuluyan na talagang sumama loob ni Jaime rito. MEANWHILE, ang relasyon nila ni Nicolo ay nag umpisa sa tinatawag na bawal na pag ibig dahil may asawa na ang lalaki at may isang anak. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang mahalin niya ito, mula pa kasi talaga pagkabata ay lihim na niyang hinahangaan ang lalaki. Alam niyang mali, at alam niyang masasaktan lang siya sa huli ngunit hindi niya masaway ang puso niyang mahalin ang lalaki. “Alam na ba ni Annette na hihiwalayan mo siya?” mahina ang boses na tanong niya sa lalaki habang naka unan siya sa dibdib nito. Kakatapos lang nila pinagsaluhan ang physical type of love. Namiss niya ng sobra ang lalaki dahil paminsan-minsan lang sila nagkikita dahil may trabaho ito at siya naman ay nag-aaral. Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki. “Hindi mo pa sinabi?” hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Dahil naiinis siya, pinangako kasi ni Nicolo sa kaniyang iiwan nito ang asawa at magsasama na sila. Hindi naman kasi kasal si ni Nicolo at ang kinasama nitong si Annette kaya kahit paano ay nakampante siya. “Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, Rei.” Bumangon siya. “Panahon? Hindi ba’t magda-dalawang taon na akong naghihintay sa iyo, hindi pa ba sapat iyon?” Umupo ang lalaki at inabot ang kamay niya. “Alam kong marami akong pagkukulang at kasalanan ngunit bigyan mo pa ako ng ilang araw, pangako, kakausapin ko na talaga si Annette—” “Bakit hindi ngayon? Bakit sa susunod na araw pa?” galit na tanong niya. “Nagdadalawang isip ka na bang iwan ang hilaw mong asawa? O baka naman wala ka talagang planong iwan siya—” “That’s not true, alam mo naman na ikaw lang mahal ko—” “Then leave him, Nic. Kung talagang mahal mo ako, ako pipiliin mo, no more buts and excuses,” mariing turan niya. Humukot ng malalim na hininga ang lalaki. “Okay, I will talk to her later, sa ngayon ay aalis na muna ako susunduin ko pa sila sa eskwela.” Lihim na napa ngiti siya, alam niya kasing hindi siya mahi-hindian ng lalaki. “Okay, pero babalik ka rito mamaya hindi ba? Hihintayin kita at sana sa pagbalik mo magandang balita na ang maririnig ko.” “Hindi ako makapangakong babalik ako rito mamaya but l’ll try,” malumanay na giit ng lalaki at nagbihis na. *** YAKAP-YAKAP ni Annette ang kaniyang anak na si Jaime dahil tulog na ito, napatingin siya sa orasan alas otso na ng gabi at wala pa rin si Nicolo. Bumuntong hininga siya at kinuha ang mga dala nilang gamit at akmang tatayo para pumara na lamang ng taxi dahil paniguradong nakalimutan na naman sila ng lalaki. Napa upo siya muli nang matanaw niya ang sasakyan ni Nicolo na papunta na sa direksiyun nila. “Akala ko hindi ka na susulpot,” may bahid ng inis na aniya nang bumaba ang lalaki sa sasakyan nito at nilapitan sila. Kinuha nito sa kaniya si Jaime at walang imik na naglakad papunta sa backseat. Pinaikot niya ang kaniyang mga mata at sumunod sa mga ito. Pagkabukas ng lalaki ng pinto ng backseat at nauna siyang pumasok. “Akin na si Jaime, ilagay mo sa kandungan ko,” malumanay na aniya. Kaagad naman nito sinunod ang sinabi niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang mantsa ng lip stick sa kuwelyo ng lalaki at amoy na amoy niya ang perfume ng babae rito. Kiniyukom niya ang kaniyang kamao at kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sariling singhalan ang lalaki dahil baka magising ang anak nila. Umiikot na ito sa kabila at sumakay. Walang imik silang dalawa habang nasa bayahe, ayaw niya itong kausap at alam niyang gano’n rin naman ito sa kaniya. Pagdating sa harap ng bahay nila ay bumaba ang lalaki sa may driver seat at pumunta sa kinakaroonan nila ni Jaime. Binubat nito ang bata habang siya ay walang imik na sumusunod sa mga ito. “Kumain na ba kayo?” tanong nito bigla nang nasa loob na sila ng kwarto ni Jaime. “May kailangan ka ba?” balik tanong niya rito dahil alam niyang hindi ito magbubukas ng paksa kung wala itong gustong hingiin. Minasdan siya ng lalaki tapos bumuntong hininga ito. “Gusto ko sanang mag-usap tayo.” Kumunot noo niya. “Tungkol saan?” Sumulyap ito sa gawi ni Jaime tapos bumalik ang tingin nito sa kaniya at walang pasabing hinawakan siya nito sa may siko at ginaya palabas. “Ano ang pag-uusapan natin?” kaagad na tanong niya. “Gusto mong makipaghiwalay gano’n ba?” sabi niya nang hindi ito umiimik. Nakita niyang nagulat ang lalaki sa sinabi niya. Alam na niyang may babae ito, matagal na hindi lang siya umiimik pero lumalayo lang siya rito. Matagal na silang hiwalay ng kwarto dahil iyon ang hiniling niya na hindi naman nito tinutulan. “Hindi na makapaghintay ang jowa kaya ngayon nagpapaalam ka na sa kin?” dagdag pa niya. “Alam ko matagal na may babae ka,” sabi niya ulit ng hindi ito umiimik nakatingin lang ito sa kaniya na animo’y isang estudyanteng na huli nangopya ng exam. “Marahil ay nagtataka ka kung paano ko nalaman at bakit wala akong ginawa para pigilan ka. Well, I know naman na kahit pigilan pa kita itutuloy niyo pa rin naman. Walang problema sa akin kung makikipaghiwalay ka, dahil matagal na naman tayo naghiwalay hindi ba? Nagsasama lang tayo sa iisang bahay dahil kay Jaime,” mahabang pahayag niya at pinilit niyang huwag magpakita ng emotion habang sinasabi iyon. “Kung gano’n payag ka?” Natawa siya ng mahina. “Mapipigilan pa ba kita? Hindi, hindi ba?” Umiwas ng tingin ang lalaki kaya’t alam na niyang tama ang hinala niya. Buo na ang pasya nitong iwan siya. “Hindi rin naman kita masisi because Rei is young and beautiful. Higit pa roon she is sexy and she can satisfy you in bed hindi tulad ko lusyang na.” Tumawa siya habang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Lumapit si Nicolo sa kaniya para abutin ang kamay niya pero lumayo siya. “No. You don’t need to feel sorry, kasalanan ko rin naman, ginusto ko rin naman maging ganito dahil mas matimbang sa akin ang pagiging ina at asawa kaysa sa pansarili kong kapakanan.” Kinagat niya ang ibabang labi. “Ann…” Umiling siya. “Huwag ka makonsensya, piliin mo kung sino iyong mas timbang sa puso mo. Ngunit may hihilingin lang sana ako, payag naman akong maghiwalay tayo ‘e, dahil matagal ko nang tanggap na hindi na ako, na hanggang dito na lang tayo.” Pinahiran niya ang kaniyang pisngi at suminghot siya. Naglakad siya papunta sa may gilid kung saan ang cabinet nila. Binuksan niya iyon at kinuha ang kulay brown na envelope at ibigay sa lalaki. “Ano ito?” kunot noong tanong nito. “Buksan mo,” aniya. Nang mabasa ng lalaki ang laman ng envelope ay nabinitiwan nito iyon marahil dahil sa gulat. “Laboratory test iyan ni Jaime, noong nakaraang buwan ko lang rin nalaman, ang sabi ng doctor ay rare cases ang sakit niya at kahit na ipagamot pa siya ay hindi rin magtatagal ang buhay ng bata…” Nilagay niya ang kamay sa bibig upang hindi lumabas ang hikbi mula roon. “Yes, Nicolo, our child is dying,” umiiyak na aniya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” “Paano ko sasabihin sa iyo kung hindi ka naman nanatili rito. Kung umuwi ka man, hindi ka rin naman tumatagal, aalis ka rin,” aniya. “Pwede mo naman akong tawagan—” Ngumiti siya ng mapait. “Kung tawag lang rin, kailang beses na ako sumubok na tawagan ka kaso lagi busy ang linya mo. Gano’n talaga iba na kasi priority mo ngayon ‘e kaya ako na lang mag a-adjust, kami ng anak mo.” “I’m sorry, Ann—” Umiiling siya. “You don’t have to.” Humakbang muli ito at akmang yayakapin siya pero umatras siya at tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay. “Hindi na kailangan, I can bear this, sanay na ako. Iyon nga, payag akong maghiwalay—” “Let’s not talk about it. Pag-usapan na lang natin kung paano mailigtas si Jaime—” “Huli na, gaya nga nagsabi ko kanina, malala na ang sakit ni Jaime. Kung napansin mo namumutla siya at may mga pantal-pantal ang mga balat niya—” “f**k it!” mura ni Nicolo at ginulo nito ang buhok. “Ang tanging magagawa na lang natin ay pabaunan ng magagandang alala ang bata. Kaya nga hinihiling ko na kung maari ay mamalagi ka rito, spent time with him. Namimiss ka niya araw-araw, hindi lang iyon nagsasalita pero malaki rin ang tampo nun sa iyo. After this, you can do whatever you want ngunit at this time kailangan ka ng anak mo.” “Kung gusto mo kakausapin ko si Rei—” “You don’t have to. Ako na ang kakausap sa kaniya,” putol nito sa mungkahi niya. Napatango siya. “Ikaw bahala, bukas ay araw ng linggo kung wala kang gagawin pwede bang—” “Wala akong gagawin, saan ba gusto ni Jaime pumunta?” Napatitig siya sa lalaki dahil hindi niya inaasahan na papayag ito kaagad. “Sa zoo, mahilig siya sa mga animals, dalhin mo siya roon bukas—” “Hindi ka sasama?” “Ayos lang sa iyong sasama ako?” hindi niya maiwasang itanong. Ito naman ngayon ang napatitig sa kaniya. Ito kasi ang unang beses na lalabas uli sila na magkasama, hindi na kasi nila ginagawa ito mula noong nakunan siya, oo nakunan siya noong 3-year-old pa lang si Jaime at ang sinisi niya nun ang sarili at si Nicolo. Sa palagay niya isa rin iyon sa dahilan kaya’t may pader sa pagitan nila, hindi na kasi sila nag-uusap nun ng maayos, kung nag-uusap man about na lamang sa kailangan rito sa bahay at kay Jaime. “Ann?” Napakurap-kurap siya. “I’m sorry, ano iyong sinabi mo?” Nakita niyang dumaan ang pag-alala sa mga mata nito at bumuka-sara ang mga labi nito ngunit tinikom nito muli sabay bumuntonghininga. “Ang sabi ko, mas okay kung kasama ka baka magtaka si Jaime pero kung naiilang ka sakin ay—” “Hindi, ayos lang naman. Inaalala ko lang baka isipin mong ginagamit ko ang bata para pigilan ka—” Umiling ang lalaki. “Kilala kita, hindi ka gano’n uri ng babae, Ann.” Kahit papano ay lumuwag ang dibdib niya. “Mabuti naman kung gano’n. Matulog na tayo gabi na, maaga pa tayo bukas—ay teka, aalis ka pa pala. Saan ka naming hihintay—” “Hindi ako aalis.” Napatingin siya sa lalaki dahil hindi iyon ang inaasahan niya sagot. Umaalis kasi ito pagkatapos nito silang ihatid ni Jaime galing sa eskwela kaya’t nagtaka siyang hindi ito aalis ngayon. “Bakit ganiyan ka makatingin?” Napa-iwas siya ng tingin. “Wala, hindi ka aalis? Baka hinihintay ka niya.” Oo, alam niya rin kung saan ito dumi-diretso, pag umalis ito at wala sa bahay nila. Hindi lang siya nagsasalita, dahil wala naman siyang magagawa kung iyon ang gusto nito ‘e. “Ayaw mo bang narito ako, Ann?” Napa-angat siya ng tingin. “Huh? Hindi naman, bakit mo nasabi iyan?” Nagkibit balikat ang lalaki. “Para kasing pinapaalis mo ako.” “Feel mo lang iyan, tinanong lang naman kita—” “May karapatan ka din naman pigilan ako kung gugustuhin mo, may karapatan ka din namang magalit sa akin kasi nasaktan kita—” “Alam mong hindi ko ugali manumbat, alam mo rin na hindi ako iyong tipong namimilit. Kung gusto mo umalis, umalis ka. Kung gusto manatili, manatili ka. Exception na lang pagkailangan ko na talaga hindi lang para sa sarili ko para din sa anak ko.” “Sabi ko nga,” sabi na lang nito. “Mauna na ako matulog sa iyo,” aniya at akmang tatalikod. “Ann...” “Hmm?” Bumuka-sara ang bibig nito pero walang labas, nagkamot ito ng batok. Napakunot naman noo niya. “May sasabihin ka?” “Goodnightt,” mabilis na giit nito sabay talikod. Habang siya ay napasunod ang tingin sa lalaking mabilis ang hakbang na pumasok sa silid nito sabay sira nun. Imbis na dumiretso sa kwarto na inukapahan niya ay dumiretso siya sa silid ni Jaime at umupo sa may gilid ng kama ng bata. Hinaplos niya ang pisngi ng kaniyang anak at kinumutan ito. Tumingala siya dahil ramdam niyang namumuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. Naalala niya na naman ang kalagayan ng anak niya, 4 months left, iiwan rin siya ng anak niya. “Hindi ko alam kung makakaya ko pang mabuhay pag nawala ka na. Ang lupet naman ng mundo, ikaw na nga lang ang meron ako, kukunin pa niya…kung pwede ko lang idungtong ang buhay ko sa buhay mo, anak ay gagawin ko,” mahinang pahayag niya habang sinusuklay-suklay ang itim na itim na buhok ng anak niya na ngayon ay manipis na. Humiga siya sa tabi nito at pinanlandas niya ang kaniyang daliri sa ilong at mata ng bata. “Naalala ko pa noong unang kita ko sa iyo, kay taas ng ilong mo at bilog na bilog ang mga mata mo. Minana mo talaga lahat sa ama mo, ang unfair nga ‘e. Wala kang nakuha sa akin…mahal na mahal kita.” Pinahiran niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya at niyakap niya ang kaniyang anak na si Jaime, tulog na tulong ito. MEANWHILE, nasaksihan lahat ni Nicolo ang pangyayari sa kwarto ng anak nila ni Ann. Kitang-kita niya mula sa kinakatayuan niya kanina kung paano umiyak ang babae at narinig rin niya ang mga sinabi nito. Naawa siya sa kinakasama, alam niyang nasasaktan ito ng sobra pero knowing her attitude hindi niyon ipapakita sa kaniya. Mas pipiliin nitong manahimik sa tabi, iyon ang pinaka ayaw niya sa ugali ng babae. Masyado itong malupet sa sarili at masyadong mabait sa iba na kabaliktaran ni Rei ang babaeng kasalukuyan niyang nagugustuhan. Makasarili si Rei at spoiled ito, lahat ng gusto ay kukunin talaga nito sa kahit anong paraan. Ginulo niya ang buhok at napasuntok siya sa may dingding ng kaniyang silid sa samu’t-saring emosyun na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nawalan na sila rati ng anak, at saksi siya kung paano naghirap si Ann, alam niyang baka saktan nito ang sarili pag nawala pa si Jaime. Kahit sa pagligtas na lamang sa anak nila ay makabawi man lang siya. Mabilis na tumayo siya at tinawagan ang kaibigang niyang doctor nasa amerika, kung kailangan nilang mag ibang bansa para masagip lang ang anak nila ay gagawin niya. “Babawi ako sa inyong dalawa,” bulong niya sa hangin matapos ibaba ang tawag. ... Binibining Mary

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook