PAPASOK na sana si Annette sa may backseat dahil nasa loob na si Jaime. Binuhat ito kanina ng ama at maingat na pinaupo sa loob habang siya ay nakamasid lang sa mga ito. Napatigil siya sa pagbukas ng pinto ng sasakyan nang may humawak sa kamay niya kaya’t napatingin siya sa may ari nun.
“Bakit? May kailangan ka?” malumanay na usisa niya.
“Doon ka na lang sa may front seat umupo,” giit ni Nicolo nakinagulat niya.
Hindi kasi siya umupo sa tabi nito mula noong nagkalabuan sila kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong inalok na maupo sa tabi nito.
“K-kung naiilang ka sa akin, sige diyan ka na lang,” bawi ni Nicolo at binitiwan ang kamay niya sabay talikod.
Naiwan siyang nakatayo at napa-iling na lamang. Ang hirap ng sitwasyon nila sobra pa sila sa hindi magkakilala, ngunit hindi niya rin naman masisi ang sarili at ang lalaki. Pareho nilang sinaktan ang isa’t-isa na kahit hanggang ngayon ay naiwan pa rin ang sukat kaya’t siguro ang laki ng pader sa pagitan nila.
Bumuntong hininga siya at humakbang patungo sa may front seat at binuksan ang pinto nun. Nakita niyang natigilan si Nicolo nang makitasiya, tipid na ngitian niya ang lalaki at umakyat sabay upo.
“May itatanong ako sa iyo at sa tingin ko makakapag-usap tayo ng maayos kung narito ako,” malumanay na katwiran niya.
Tumango lamang ang lalaki bilang sang-ayon at pina-andar na nito ang makina habang siya ay inayos ang seat belt niya.
“Ano ang plano mo?” mamaya ay tanong niya.
Sumulyap sa gawi niya ang lalaki. “I’m planning to bring Jaime in Disney Land bago tayo tumungo kina Kent.”
Napatingin siya sa gawi ng anak nila na malapad ang ngiti habang kumakanta ng theme song ni Mickey Mouse. Paboritong panoorin iyon ng anak nila, kaya’t hindi nakaka biglang alam na alam nito ang kanta, hindi niya maiwasang mapangiti.
“Maganda nga iyang plano mo, tiyak na matutuwa si Jaime. Gustong-gusto pa naman niya si Mickey Mouse,” nakangiting komento niya.
“Mukha nga ‘e,” sang ayon naman ni Nicolo.
“Ngayon ko lang siya muli na kitang nakangiting ganiyan…” hindi niya maiwasang ikomento.
“Ako rin.”
Napatingin siya sa lalaki. Nababasa niya ang pangungulila sa mga mata nito at pagsisi. Umiwas siya ng tingin at tinuon na lamang ang kaniyang atensiyon sa labas.
“Sabi ni Kent, pwede naman maglaro si Jaime at pwede rin naman sumakay sa mga ordinary rides. Huwag nga lang iyon mapapagod siya ng todo.”
Tumingin siya sa lalaki. “Iyon nga sinabi sa akin ng Doctor, nakakalungkot nga ‘e. Minsan hindi ko alam kung paano ko siya itrato na hindi siya masasaktan.”
“I’m sorry,” hingi ng pasensya ng lalaki.
Hindi siya umiimik at binalik ang tingin sa may labas. Hindi niya alam kung ano ang masunod na mangyayari sa kanilang dalawa, pero isa lang ang sinisiguro niya. She will do everything para gumaling si Jaime, because she can’t bear to lose her son.
***
HAPON na nang dumating sila sa may hotel na pansamantalang tutuluyan nila sa Tokyo Japan. Manghang-mangha siya sa ganda ng Tokyo at sa hotel na pinasukan nila habang buhat-buhat naman ni Nicolo si Jaime na naka tulog sa haba ng bayahe nila.
“O-order lang ako ng pagkain,” paalam ni Nicolo sa kaniya matapos nitong ilagay sa may kalakihang kama.
Narito na sila sa loob ng room na pinili ng lalaki, isa iyong exclusive room, merong malaking kama at may kalaparang sala at maganda ang loob.
“Sige,” tugon niya at ibinaba na ang mga dala niya.
“You can take a bath if you want,” giit ng lalaki at nilingon siya.
Napatitig siya rito at wala sa sariling inamoy ang sarili. “Hindi pa naman ako mabaho a,” giit niya at sumimangot.
Natawa ng mahina ang lalaki. “Well, hindi mo naman kailangan hintayin mangamoy ka pa bago ka maligo, mahaba ang bayahe natin kanina at—”
“Oo na maliligo na, dami mong alam,” masungit na putol niya sa sinasabi ng lalaki at pumasok sa banyo.
PAGLABAS niya sa banyo ay nakita niyang naka tayo sa may sala si Nicolo at nasa tenga ang cellphone at mukhang hindi nito nagugustuhan ang sinasabi ng kausap nito dahil naka kunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay.
“I can’t do that, Rei! Could you please stop being a brat? This is serious problem…. no! I won’t, hintayin mo na lang ako umuwi…. what—”
Napailing siya at lumayo sa gawi ng lalaki ayaw na niyang making sa pinag-uusapan ng mga ito. Naririndi siya at naninikip rin ang kaniyang dibdib. Bumuntong hininga siya at namili ng susuotin pagkatapos ay walang imik na sinuot ang mga iyon. Pagkatapos niyang magbihis ay nag hanap siya ng maaring susuotin ni Jaime mamaya. Dahil mamaya na sila pupunta sa Disney Land at bukas flight nila papunta sa states, hindi pwedeng tumagal sila rito dahil mas maigi maagang ma-examine ang lagay ng anak nila.
“Kain na muna tayo, Ann.”
Napa-angat siya nang tingin nang marinig niya ang boses ni Nicolo na ngayon ay naka tayo na pala sa may gilid niya.
“Mauna ka na, gigisingin ko lang si Jaime—”
“Ako na ang gigising sa kaniya, ihanda mo na lang ang kakainin niya,” putol nito sa sinabi niya at lumuhod sa may gilid ng kama at hinaplos ang buhok ng anak nila.
She can’t stop herself na pagmasdan ang mag ama niya. Napatingala siya nang maramdaman niyang tila bumibigat na naman ang ilalim ng mga mata niya at nagbabanta na ang mga luha niyang malaglag kaya’t tumayo siya at kaagad na pinahiran ang ilalim ng mga mata niya.
“Sige, salamat.”
***
NAPATITIG siya sa mag ama niyang tila ba magkabarkada kung magkulitan sa harap niya. Parang gusto niyang kunan ng video ang ginagawa ng dalawa ng mga sandaling iyon. Ito kasi ang pinangarap niya nun pa at ngayon ay natupad na. Magkahalong saya at lungkot ang nadarama niya dahil she knows, pansamantala lamang ang pagsasama nilang tatlo.
“Ba’t hindi ka kumakain?”
Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata ang marinig niya ang boses ni Nicolo at dun niya lang din na pagtantong walang bawas ang mga pagkain na nakalagay sa plato niya. Nawili pala siya sa kakanood sa dalawa.
“Huwag mo ako pansin, pagpatuloy mo lang ang pagpapakain ay Jaime,” aniya.
“Hindi ko iyon maari gawin…ang hindi ka pansin,” seryosong sabi ng lalaki nakinagulat niya.
“At bakit naman?” nakataas kilay na tanong niya.
“Dahil…” Tumingin ito sa anak nilang nakatingin sa kanilang dalawa at malapad ang mga ngiti sa mga labi nito.
“Dahil malulungkot kami ni Jaime pag magkakasakit ka dahil hindi ka kumain ng maayos, hindi ba anak?”
Kaagad naman tumango ang anak nila. “Opo, kaya kumain ka ng marami, Mommy para may lakas ka pong makipaglaro sa amin ni Daddy mamaya.”
Ngumiti siya dahil ang cute ng anak nila. “Oo na po, kakain na. Pinagkaisahan niyo pa talaga ako ano?” kunwareng nagtatampong giit niya.
“Aw, gusto magpalambing ni Mommy, Daddy,” sabi ni Jaime sa ama nito na tumingin sa gawi niya.
“Subuan mo rin po siya, para dumami rin ang kakainin niya,” dagdag pa ng anak nila.
Pinalakihan niya ng mga mata si Nicolo upang ipaalam rito na hindi nito dapat patulan ang kapilyuhan ng anak nila ngunit tila wala lang itong nakita. Tumayo ito at bago pa man siya makalayo ay umupo na ito sa may tabi niya at kinuha nito ang kutsarang ginagamit niya sabay sumandok ito ng kanin at ulam.
“Say ah,” nakangiting sabi nito at inangat ang kamay upang subuan siya.
Napangiwi siya at tumingin sa gawi ni Jaime na malapad ang mga ngiti na animo’y kinikilig na ewan.
“Open your mouth na, Mommy,” utos ng anak nila.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang bata at hinayaan si Nicolo na subuan siya hanggang sa ubos niya ang kainin at ulam sa may plato niya. Hindi nga niya alam kung paano siya naka survive sa grabe ng kabog ng puso niya na animo’y mah-heart attack siya ano man oras.
Hiyang-hiya si kay Nicolo lalo pa’t noong siya naman ang nagpakain rito. Oo, nagsubuan sila ng lalaki na hindi naman nila nun ginawa kahit noong mag nobyo sila ngayon lang. Ang kulit kasi ng anak nila kaya’t wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito.
***
TAMANG-TAMA lang ang pagdating nila sa may Disney land dahil nag-u-umpisa na ang event. Manghang-mangha sila ni Jaime sa magagandang lights at mga rides na nadadaan nila habang papasok sila. Napatigil sila nang makita nila ang mga taong nagkukumpulan sa may daanan at may natanaw siyang mga umiilaw na mga sasakyan.
“Doon tayo, mukhang may palabas sila,” anyaya niya sa mag ama niya.
Kinarga ni Nicolo ang anak nila habang siya ay nasa unahan ng mga ito. Hahakbang na sana siya papunta sa may nakita niyang palabas ngunit napatigil siya nang hawakan ni Nicolo ang siko niya kaya’t napatingin siya rito.
“Bakit?” usisa niya.
“Mas maigi kung maghawak kamay tayo para hindi natin mawala ang isa’t-isa. Marami ang tao at baka maiwala mo kami gano’n ka rin sa amin.”
Napatitig siya sa lalaki at kay Jaime na sumang-ayon sa ama nito. Wala siyang magawa kundi hayaan si Nicolo na hawakan ang kamay niya at humawak rin siya sa kamay nito at walang imik nilang tinahak ang daan papunta sa mga taong nagkukupulan.
“Wow, they are beautifu!” manghang komento ni Jaime habang tinuturo ang mga umiilaw na sasakyan na iba-iba ang kurba at kulay.
“Oo nga, tingnan mo ang isa may naka upong princess sa ibabaw,” aniya at tumingin sa gawi ng mag ama niya.
Pumalakpak si Jaime at tuwang-tuwa ito nang makita si Mickey mouse naka sakay sa isang napakalaking float na puno ng iba’t-ibang ilaw.
“Mickey mouse!!” hiyaw ng anak nila at kumaway pa ito sa mascot.
Kumaway rin siya, ginaya niya ang anak at sabay silang sinigaw ang pangalan ng mascot na siyang lumingon sa gawi nila at kumaway pabalik.
Ilang saglit pa ay mga sumasayaw naman ang pumalit sa mga float na umiilaw. Ang gaganda ng mga ito panoorin lalo pa’t gabi, hindi masakit sa mata ang ilaw na ginamit ng mga ito sa mga suot. Napangiti siya nang makitang ginaya ng anak nilang si Jaime ang pag sayaw ng mga mascot. Napa nganga siya nang sumusunod ay ang karwahe ni Cinderella at naka sakay roon ang babae habang sa likod nito ay iba pang karkakter, umiilaw rin ang float at mga kasuotan ng mga ito na labis niyang kinatuwa.
Pagkatapos ng parade ay nagsialisan na ang mga tao gano’n rin sila. Hindi pa rin binibitiwan ni Nicolo ang kamay niya kahit wala na wala na masyadong tao, sa tuwing sinusubukan niyang bawiin rito ang kamay niya ay hinihigpitan lamang ng lalaki ang paghawak sa kamay niya.
“Time to find a ride for my little man,” naka ngiting giit ni Nicolo at hinila siya papunta sa kung saan ang mga rides.
Bumuntong hininga lamang siya at hinayaang hilahin siya ng lalaki ayaw naman niyang magtaka ang anak nila. Ayaw niyang sirain ang magandang mood nito, tumigil sila sa may harap ng isang rides na ang pangalan ay, “Dumbo the flying Elephant.” Ang rides na pwede sa mga mata dahil hindi naman extrema at paikot-ikot lang naman iyon. Pwede rin sumama ang mga magulang, lalo pa’t kung tatlo lang naman kayo.
Siya ang bumili ng ticket, dalawa lang sana ang bibilhin niya dahil akala niya hindi naman sasama si Nicolo pero nagulat siyang sinabihan siya nito gawin niyang tatlo kaya’t heto na ngayon. Nakaupo na sila sa loob ng malaking elephant at may tubig sa ilalim noon. Napatingin siya sa gawi ni Jaime na pumapakpak sa tuwa. Nawala naman ang pagkailang nararamdam niya dahil nakita niyang masaya ang anak nila, hanggang sa paunti-unti nang umangat ang elephant at marahang umikot. Napayakap siya sa kaniyang anak habang si Nicolo naman ay naka akbay sa kaniya. Naiilang siya ngunit hinayaan na lamang niya dahil baka magtanong si Jaime. Nang bumaba na sila ay kaagad na kinakarga ni Nicolo si Jaime at inabot sa kaniya ang kamay nito, marahil ay para alalayan siya sa pagbaba. Iyon ang akala niya na aalalayan lang siya ng lalaki pero nagulat na lamang siya nang kahit sa labas na sila ay hindi pa rin binitiwan ng lalaki ang kamay niya.
“Doon naman tayo sa Nemo Submarine Voyage, hindi ba’t gusto mo makita si Nemo, little man?” biglang giit ni Nicolo habang lumalakad sila.
“Yes! I want to see nemo, let’s find nemo, Daddy and Mommy!” excited na sabi ni Jaime.
“Okay, bilisan natin,” sagot naman ni Nicolo at binilisan nito ang paglakad habang siya ay nagpahila lamang sa lalaki.
NAPAHIGPIT ang kapit niya sa may arm chair ng upuan, nasa loob na sila ng submarine at nag anunsyo na ang kapitan na baba na sila sa ilalim. Napamulat siya nang maramdaman niya ang pagpisil ni Nicolo sa kamay niya.
“It’s okay, don’t be afraid. Tignan mo si Jaime,” masuyong giit nito.
Napabalik siya sa anak nilang malapad ang ngiti at mukhang pinigilan lamang ang sariling mapatalon sa tuwa. Medyo kumalma siya at pagdating nila sa ilalim ay napalitan ng paghanga ang kabang naramdaman niya lalo pa’t sumalubong sa kaniya ang magandang lamang dagat. Ang maganda pa roon ay pinapaliwanang ng kapitan ang mga lamang dagat na dadaanan nila. Ilang saglit pa ay bumukad sa kanila si Nemo at ang papa nito.
“Look, there he is, hi Nemo,” tuwang-tuwang sabi ng anak nila.
Napangiti siya dahil ang kyut nitong tignan na animo’y wala lang sakit nararamdaman. Nang tumagal ay pa ay bumakad sa kanila ang iba pang eksena sa movie ng Nemo ang pinagkaiba lang ay ang pakiramdam mo habang pinapanood mo ang mga eksina dahil tila ba naroon ka rin mismo sa pinangyarihan dahil malapit siya at klaro.
Nang gabing iyon pakiramdaman niya nasa isang magandang pananginip siya dahil lahat ng pinakangarap niya para sa kanilang tatlo ay natupad. They spent time together like a real family, na siyang kinatuwa niya ng sobra. Marami pa silang sinakyan, umuwi lang sila nang matapos na silang maglibot at kumain. Pagdating nila sa may hotel room nila ay maingat na hiniga ni Nicolo si Jaime sa may kama.
“You can sleep beside him, dun na ako sa sofa,” sabi bigla ni Nicolo matapos nitong maihiga ang anak nila.
“Sige pero… bumalik ka rito buwas bago magising si Jaime baka kasi magtanong siya,” aniya na hindi tumitingin sa lalaki.
“As long as it’s okay for you. I will do it,” tugon naman ng lalaki.
Kaya’t hindi niya maiwasang mag angat ng tingin. Bumuntong hininga ang lalaki at na kamot ng batok nang mapansin nitong nakatitig lang siya rito.
“Matulog ka na, paniguradong napagod ka kanina,” malumanay na aniya at inalis ang sapatos at medyas ng anak nila.
“Ikaw rin, magpahinga ka rin,” tugon ng lalaki.
Tumango lang siya at hindi na nag abala pang tingnan ito muli. Sa pag akalang umalis na ito sa kinakatuyuan nito ay umupo siya sa kama at humiga sabay pikit ng mga mata.
“Goodnight, Ann…”
Napamulat siya nang mga mata at natigilan siya nang makita niya si Nicolong naka tayo sa may gilid ng kama habang naka tingin sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at kaagad na inayos ang pagkahiga, naka dress kasi siya at wala ano-ano lang siya kanina humiga kaya’t tumaas ang laylayan ng dress niya at lumitaw ang kaniyang hita.
“Night…” aniya at tumagilid ng higa.
To be continued...
Binibining Mary