CHAPTER 11

1482 Words
The interviewwent smoothly. Rafa and she didn’t have a time to talk again. He was at the far corner with Mark habang siya naman ay ibinuhos ang panahon sa pagbabasa ng mga tanong na ibibigay sa kanya ng reporter. Sa tingin niya ay mas mabuti na iyon dahil hindi niya gustong kwestyunin pa ang sarili kung bakit siya nakakaramdam ng kalungkutan nang makita si Rafa. Mabuti na lang din at interesting ang mga tanong ng reporter at nakukuha talaga nito ang atensyon niya. Napangiti tuloy siya. Kung hindi siya nag-madre ay baka nag-iinterview din siya ng mga tao para makagawa ng magagandang istorya. Kahit papaano ay nakakaramdam siya ng panghihiyang sa kinuhang kurso. Hindi kasi niya ito lubos na nagamit bukod sa pagiging guro sa mga batang ulila. This is God’s will, Olive. He knew better than you. Paalala niya sa sarili. Nang matapos na ang lahat biglang nagsalita si Mark. “Everyone, lunch is on me.” Napasulyap tuloy siya sa relo at nalamang mag-aalas dose na pala. She immediately answered the generous man. “I’m sorry Mark. I can’t go. Hindi pa ako nakakauwi sa bahay namin. My mother didn’t even know I have this vacation.” “Nagbabakasyon din pala kayong mga madre?” Tanong nito. Tumango siya. “In special circumstances, yes.” “And you are in a special circumstance right now?” Kristel’s forehead knotted. She nodded slowly. “Sort of.” Ngumiti siya nang mapansing nasa kanya ang mata ng mga kaibigan. “Hey. Tapos na ang interviews.” The guys laughed except Rafa. Pero kahit papaano ay nakangiti naman ito. “So we’ll just see you around?” Tanong sa kanya ni Mark habang naglalakad sila palabas ng gym. “Maybe. My vacation is two-week long pero nakalaan na iyon para sa personal reflection ko.” “But I insist you spend time with me.” Si Kristel iyon at lalong humaba pa ang nguso. Tumawa siya. “Oo na. Ikaw talaga.” She glanced at Rafa’s direction who wasn’t listening to them. Bagkus ay naglalakad na ito patungo sa isang puting pick-up. Muling bumalot ang lungkot sa puso niya. “I should go.” Paalam niya sa mga ito. “Teka,” agap ni Mark, “anong sasakyan mo?” “Maraming tricycle dyan. I’m fine.” Umiling si Kristel. “Hindi pwede. Ihahatid ka namin.” “Si Rafa nalang ang maghahatid sa’yo.” Singit ni Mark. Hindi man lang siya nito tinanong at agad tinawag si Rafa. “Rafa, pare! Pakihatid naman si Olive sa kanila.” Rafa who was opening the door of his car suddenly stopped and looked at them. “Kasi Pare, marami na kami rito sa kotse ko. Dito kasi sasakay ang staff ng gumagawa ng docu. Nakakahiya naman kay Olive.” Paliwanag ni Mark. “T-teka. Kaya ko na ang sarili ko.” She insisted. Hindi niya lubos maisip na silang dalawa lang ni Rafa sa isang sasakyan. “Okay na sa akin ang mag-tricycle. Hindi naman malayo—” “Ihahatid na kita.” It was just brief pero nararamdaman niya ang lamig sa boses nito. “Huwag na, Rafa. I’m fine. Really.” “For old times’ sake.” He went to the opposite door of the front seat and opened it. “Come on.” Awkward... Napalingon siya kay Kristel at ngumiti lang ito sa kanya. She’s sure nararamdaman din nito ang pagkakakaiba ng pakikitungo nilang dalawa ni Rafa sa isa’t-isa. And she won’t ask why dahil alam nito kung paano silang dalawa ni Rafa noon. “Sige na, friend. Pahatid ka na kay Rafa.” Kristelinsisted. Wala siyang magawa kung hindi ay tumango na lamang at naglakad patungo sa bukas na pintuan ng kotse ni Rafa kung saan nakatayo pa rin doon ang huli. He took her bag guided her inside the car. Pagkatapos ay inilagay nito sa backseat ang bag bago umupo sa may driving seat. There was a deafening silence during their ride. Rafa was just looking forward and not saying anything. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na siya na ang unang magsalita. “Salamat sa paghatid mo sa akin.” Rafa nodded. “Like I said, for old times’ sake. We we’re at least friends before, hindi ba?” Ngumiti siya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang tamang isagot sa sinabi nito. “Kumusta ka na? Wala na akong balita simula noong gumradweyt tayo ng high school. Did you become a soldier like you wanted before?” Kailanman ay hindi niya nalimutan ang pag-uusap nila noong araw na umuulan at napakalungkot ni Rafa. She was the first one to hear his problem then. “I didn’t become a soldier.” “Siguro sinunod mo ang gusto ng papa mo. I can’t blame you.. Parents always have such influence in our lives. Just like mine.” “I heard from Kristel that you’re parents wanted you to become a nun kaya ka pumasok sa kumbento.But…are you happy being a nun?” He looked at her briefly and set back his eyes on the road again. Sandali siyang natigilan sa tanong nito. Of course, masaya siya sa pagiging madre. Pero hindi naman nito tinatanong kung buong puso na ba siyang papasok sa bokasyong iyon. Pero wala namang dahilan para ipaliwanag ang sarili. Kaya sasagutin na lamang niya ito nang simple. “Y-yes. Masaya naman ako.” Tumango si Rafa. “Good for you. Ako kasi...hindi naging masaya.” Lumingon muli ito sa kanya at tiningnan siya sa mata. “Marami akong pinagsisisihan hanggang ngayon. Mga bagay na sana ay ginawa ko noon.” She felt her heart ache for him. Marami pala itong hang-ups sa buhay. “You can always make it right again, Rafa. You still have choices.” He laughed. His eyes then went back on the road. “May mga bagay talaga na hindi pwede. At kung ipipilit ay masasaktan lang ako. The worst thing is that I can’t even try to make it happen.” Mas lalo siyang nahabag sa narinig. Malamang ay napakabigat ng dinadala ni Rafa. No wonder his expressions is now different than before. “God will give you strength. Maniwala ka sa kanya.” It was all she could say because it was what she believed is true. He shrugged. “He took something away from me. And I can’t even complain.” “Rafa...” Naramdaman niyang inihinto na nito ang sasakyan. “We’re here.” Nilingon niya ang labas ng kotse. Nasa harap na pala sila ng gate ng bahay nila. “Thanks for driving me home.” Hindi ito sumagot bagkus lumabas ng kotse at pinagbuksan siya. Kinuha rin nito ang itim niyang bag at iniabot ito sa kanya. “Ollie... I mean, Olive.” He looked at her in the eyes and suddenly she felt made her heart ache again. Malulungkot ang mga mata nito. Sa totoo lang ay parang isa ito sa mga batang ulila na bagong dating lang sa ampunan—malungkot, nangungulila at nahihirapan. “Ano ‘yon?” “I’m happy to see you again. You won’t believe this but...I missed you. And that’s for real.” She tried to absorb the words he said. She should be happy because a friend misses her. Pero bakit malungkot din siya? Para bang nakikibagay ang puso niya sa nararamdaman nito. “Thanks that you still missed me as a friend and... an archenemy too. Hindi ba?” Ngumiti ito nang bahagya pero agad nawala iyon. “Yeah.” Buong tapang niyang inilapat niya ang isang palad sa balikat nito. “Whatever you’re feeling now. It will pass. Just ask Him. Mapagbigay Siya, Rafa. Ibibigay niya sa iyo kung buong puso mong ipagdadasal iyon.” He looked at her in the eye once more. “Ikaw...” “A-Anong ako?” He shook his head. “I mean, ikaw. Ikaw maharahil ay pinagbigyan na niya. Because you’re such a beautiful person...inside and out. You always make someone’s day better.” Nahigit niya ang hininga. Marami naman ang nakapagsabi sa kanya noon pero bakit tumagos sa kanya noong ito na ang nagsabi? If he said that eight years ago...surely it would make a difference. A big one. “Rafa...” “I have to go. Some clients are waiting for me.” “O-Okay.” Can I see you again? Pero hindi na niya ito naisatinig. Bakit pa pakiramdam niya ay magkakasala siya kung sasabihin niya iyon? Pinagmasdan na lamang niya ito habang naglalakad pabalik ng sasakyan. And when he’s gone, she can’t help but feel something she knew she never should...She is confused. But he’s just a friend. He was a friend ten minutes ago...Ngayon ay hindi na siya sigurado. And the worse is that she never felt such confusion in eight years. Just now—after being with Rafa for ten minutes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD