CHAPTER 12

1251 Words
ALAS dose na ng gabi perohindi pa rin makatulog si Olive. Rafa’s words still linger inside her head. It was there the whole time even she was already with her family. Her parents and siblings were happy to see her. Halos isang taon din kasi niyang hindi nakapiling ang mga ito. At masaya siya dahil malulusog naman ang pamilay niya at tila walang problema naman sa bahay. Her father’s food business after getting off the ship turned out great. Her mother continues being a devotee like before. And her siblings who are still in college are doing fine as well. Lahat yata ay nasa ayos. Maliban lamang sa kanya. She groaned. Kaya ba siya binigyan ng Panginoon ng panahon para makapag-isip? Alam ng Diyos na mangyayari ito. Isa kaya itong hamon sa kanya? And if it is, then ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang hirap. Tumayo siya at akmang lalabas sana ng silid nang makita ang mga magulang na nag-uusap sa may sala. They seemed so serious kaya hindi nalang siya tuluyang lumabas. She was about to close the door when she heard her name being mentioned. “Sa tingin ko naman ay naging mabuti ang pagpapasok ko kay Olive sa kumbento.” Sabi ng mama niya. “Hindi ko pa rin alam. Itinulak natin siya sa isang bagay na hindi niya lubusang gusto noon.” Sagot ang ama niya. “Mukhang masaya naman siya. Kaya sa tingin ko ay tama lamang ang desisyon natin.” “Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung araw na humingi siya sa akin ng tulong. Kagagradweyt lang niya ng kolehiyo noon at hiniling niya sa akin na kung maaari ay hindi na siya magpatuloy sa pagmamadre at maging nobelista nalang tulad ng pinag-aralan niya.” Naalala niya ang araw na iyon. It was the day when she felt her heart was so heavy going back to the convent to be a candidate. Pero nakumbinsi naman siya ng ama na pagbigyan na lamang ang kagustuhan ng nanay niya. It was the only instance that she felt difficult entering the convent again. Pagkatapos kasi noon ay natanggap din naman niya ang kapalaran niyang maging madre. What about now, Olive? Do you still feel the same? She shook her head. She doesn’t want to entertain her heart as of the moment. Ginugulo nito ang mga nakalatag na na plano niya sa pagiging madre. “Huwag mo nang isipin iyon.” Narinig niyang sagot ng ina. “Ang mahalaga ay magiging totoong madre na talaga siya.” “Pakiramdam ko kasi ay mali pa rin iyon.” “Isipin mo na lang kasi na para sa pamilya din natin ito. Siya ang magdadasal para sa atin sa Panginoon. Mabait ang anak natin. Pakikinggan siya ng Panginoon kung ito ang hihingi sa kanya na patawarin tayo sa mga nagawang kasalanan natin.” Agad siyang nakadama ng kaba habang pinapakinggan ang mga ito. Anong kasalanan naman itong ibig sabihin ng ina? “Hindi kasi natin siya dapat pinilit. Tayo dapat ang humingi ng tawad sa Panginoon sa mga kasalanan natin.” “Humingi naman tayo ng tawad na. Pero sa tingin ko pa rin ay hindi dapat na ipinagpilitan nating pumasok siya bilang madre.” “Namatay si Ollah nang dahil pinili natin si Olive. Habang buhay kong dadalhin sa konsensya ko ‘yon. At hindi mo ako masisisi dahil ina ako ng mga batang ito.” Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya. Anong pinagsasasabi ng kanyang ina? Sino si Ollah? Bakit ito namatay? She bravely went out of the room and faced her parents. Hindi na niya matagalan ang pakikinig lamang habang pinag-uusapan ng mga ito ang malaking misteryo sa buhay niya. “Ma, Pa. Sino si Ollah? Bakit siya namatay? Anong kinalaman ko doon?” She tried to be so calm. Why is God letting her feel so different emotions in a single day? “A-anak...” Hindi halos makapagsalita ang kanyang ina. Gulat na gulat ito nang makita siya. “Olive, anak... Patawad at narinig mong lahat ng pinag-usapan namin ng nanay mo.” “Gusto ko pong malaman ang totoo,Pa. What is the reason you pushed me to enter the convent?” Narinig niya ang paghagulgol ng kanyang ina. And with that she knew she should brace herself for the truth. “Si Ollah ay...kapatid mo. Kakambal mo, Nik.” Umiling siya. “Wala naman po akong maalala na may kakambal ako.” “You are Siamese twins. Magkadikit kayo sa dibdib nang ipinanganak kayo ng mama mo.” Matagal na niyang tinatanong sa mga magulang ang tungkol sa peklat niya sa dibdib. Ang sagot ng mga ito ay isa raw iyong aksidente sa kanya noong sanggol pa siya. Hindi pala totoo iyon. Pilat iyon na bunga ng pagkakadikit nila ng kanyang kambal. “T-then why did she die because of me?” “Nalaman ng mga doctor na hindi magsu-survive ang isa sa inyo because you two share only one heart. Bukod doon, masakitin din si Ollah. The doctor suggested that you two should be separated or else, mamatay kayo pareho. Halos hindi kami makatulog ng mama mo sa kaiisip kung ano ang gagawin. We were determined to keep you both alive. Pero ayaw din namin mamatay kayong pareho dahil sa wala kaming naging desisyon.” “Araw-araw, inuusig ako ng konsensya ko. Bakit kami nagdesisyon nang ganoon?” Nagsalita ang mama niya kahit umiiyak pa rin. “Alam ko, wala kang kasalanan, Olive. Hindi mo kasalanan na ibinigay ng kapatid mo sa iyo ang buhay mo ngayon. Hindi rin dapat kami sisihin dahil wala talaga kaming pagpipilian noon. Pero hindi rin namin mapigilan ang sariling isiping dahil nagdesisyon kami kaya nawala siya.” “Kaya naisip niyo na ipasok ako sa kumbento?” “Para ipagdasal ang kasalanan namin.” Ang Papa niya ang sumagot. “Baka kung ikaw na mabait at malapit sa Diyos ang hihingi ay magawa kaming patawarin ng Maykapal sa nagawa naming desisyong iyon.” Doon na niya hindi mapigilan ang pagluha. She was a sacrifice. She gazed up to her parents and it broke her heart when she saw them both crying as well. Tumayo siya at sabay na niyakap ang mga magulang. There was no anger in her heart—only forgiveness. Naiintindihan niya nang lubusan ang mga ito. “Sana mapatawad mo kami anak.” Umiiyak na sabi ng mama niya. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa mga magulang. “Naiintindihan ko po kayo. Hindi ko po halos maisip ang hirap ng ginawa niyong desisyon noon. At kahit nakakahiya kay Ollah, nagpapasalamat din po ako dahil nabubuhay ako ngayon dahil sa desisyon ninyo.” Hinawakan siya ng ama sa kamay. “Anak, maiintindihan namin kung hindi mo na ipagpapatuloy ang pagma-madre. Kaya ka nga binigyan ng dalawang linggo para makapag-isip nang mabuti. Kung gagamitin mo ang katotohanan bilang rason upang hindi ka na magpatuloy ay maiintindihan ka naman ng mga madre doon. Sundin mo ang tunay mong pangarap anak.” Tumingin siya sa kanyang ina. Nakita niya ang buong pusong pagsang-ayon nito. She closed her eyes and just hugged them both again. Walang namutawi sa labi niya maski isang salita. Because honestly, she doesn’t know what to say. She will use up all the two weeks to make up her mind. Ang mahalaga ay may nalaman siyang mahalagang susi sa pagkatao niya. Pero ano ba ang nangyayari at lahat ng mga bagay ay sinusubok siya? Did God really doesn’t want her to be a nun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD