CHAPTER 01
“YES!” bulalas ni Olive nang makita ang pangalan niya sa listahan ng mga estudyante ng Grade 10 section Mt. Sierra Madre. Ibig sabihin niyon ay pasok pa rin siya sa first section class sa taong ito katulad na lamang noong mga nagdaang tatlong taon niya sa high school.
Muli niyang sinipat ang listahan at
binasa ang pangalan niya.
Olive
Torres.
She then closed her eyes and joined her
hands as she prayed.
Lord,
thank you po talaga at binigyan Ninyo po ako ng chance ulit.
Wala naman siyang duda sa kakayahan
niyang mapabilang sa mga estudyanteng nararapat na ituring na magagaling sa
buong Grade 10. Sa katunayan ay nakakakuha din naman siya ng mga parangal sa
dulo ng bawat taon dahil nag-aaral naman siya nang mabuti. Kaya lamang ay
masyadong kritikal ang nangyari bago matapos ang third year niya sa hayskul.
And it was all because of her lifelong mortal enemy named Rafael Montaner.
Hindi naman siya palaaway na tao. Pero
talagang napakagaling ni Rafa sa pagpapakulo ng dugo niya. That person has
tormented her all throughout her student life. Hindi rin niya ma-figure out
kung bakit mula kindergarten hanggang sa nag-high school siya ay hindi man lang
sila nagkakahiwalay ng klase. Maaring dahil kakaunti lamang ang paaralan nila
sa bayan ng Santo Domingo. Kaya naman kahit anong dasal niyang sa ibang
eskwelahan magpa-enrol si Rafa ay hindi nangyayari.
She gazed at the list again.
Lord,
thank you po ulit. Promise ko po magpapakabait na ako. Hindi ko na papatulan
ang lalaking iyon. Kahit makulit siya. Kahit awayin pa niya ako.
Magko-concentrate na po ako sa pag-aaral. At saka Lord—
“Hello classmate.”
Naputol ang kanyang taimtim na
pasasalamat at saka napabuntong hininga. Hindi na niya kasi kailangan pang
hulaan kung sino ang bumati sa kanya. She knows his voice as if my audio DNA
detector ang tenga niya.
Bukod doon ay nanunuot din sa kanyang
ilong ang samyo ng panlalaking cologne na gamit nito. He has been wearing that
perfume for years that is why every time she smells that scent, she’s always
reminded of him. At aaminin niyang mabango talaga si Rafa kahit noon pa.
Sana nga lang ay kasingbango ng cologne ang ugali nito.
Patience,
Olive...Paalala niya sa sarili. She has promised
one thing to herself at iyon ay ang hindi na kailanman papatulan si Rafa. This
is the most important year in her high school life kaya wala siyang planong
magkaproblema dahil lamang dito.
Aakma siyang iiwas nang biglang iharang
nito ang kamay sa dadaanan niya. She was pinned to the wall as he moved closer
and closer to her.
He was way a lot taller kaya napilitan
siyang tingalain ang mukha nito. Pero hindi ito rason upang ma-intimidate siya.
She gave him her signature death glares.
“Huwag mo na akong hamunin dahil hindi na
kita papatulan, Rafa," banta niya rito. Lagi din niyang inaalala ang
pangako niya sa mama niya na magbabago na siya. Ayaw na niyang bigyan pa ito ng
sakit ng ulo. Isa pa ay naisip rin niyang matanda na ang mga ito para
problemahin ang away bata na ginagawa nilang dalawa ni Rafa.
“Nakakatakot ka naman, Ollie. I’m just
being friendly.” Sumilay ang ngiti sa labi ng binata. It wasn’t a smirk like he
usually does. Sa tingin niya ay isa iyong matamis na ngiti.
Matamis
na ngiti? Hindi marunong ang unggoy na iyon na ngumiti nang matamis.
“We both know we can’t be friends. Kaya
umalis ka d'yan bago natin parehong pagsisihan ang mangyayari sa atin.”
She was dead serious when she said those
words but based on his expression, he’s not buying it.
“Ganyan ba ang dapat na greetings mo sa
isang classmate sa simula ng school year? Masyado kang harsh. Nasasaktan ako sa
sinasabi mo.” Pumikit pa ito at umiiling na tila ba ay nasasaktan.
Nagpapatawa ba ito?
“To my usual classmates, pwede pa. But
you’re way too special to be treated like
ordinary, Rafa. So, nagkakaintindihan na tayo? Now let me go.” Itutulak na sana
niya ito nang muli itong magsalita.
“Special pala ako sa’yo. That’s too nice
of you, Ollie.” Nakatitig muli sa kanya ang mga mata nito. But it's not what
just made her heart suddenly stop. It seems like he was smiling sweetly again
at her. Mas matamis kaysa sa ipinakita nito kanina.
Magpaayos
ka nga ng mata, Olivia! Kung anu-ano na ang nakikita mo!
She mustered her patience and faced him
again. “Talagang mabait ako. Dahil kung hindi, kanina pa kita pinatulan.”
He smirked. “Hindi ako sanay na humihina
ka. I’m going to miss my arch nemesis, Ollie.”
“Bakit mo ba ako tinatawag na Ollie.
Olive ang pangalan ko. ‘Wag mong i-murder.” Sa lahat kasi ay ito lang ang
tumatawag sa kanyang Ollie.
“Eh ano ngayon kung Ollie ang tawag ko
sa’yo? Eh sa gusto ko ‘yun eh," nakangising sagot nito.
Muli siyang napabuntong hininga. “Look,
Rafa. You hate me and I despise you. Dapat lang na hindi na tayo mag-usap pa
kahit kailan.”
“Good idea. But I beg to disagree.
Magkaklase pa rin tayo. Magkakaroon pa rin tayo ng pagkakataon na mag-uusap.”
Biglang bumalik sa kanyang alaala ang
nangyari bago matapos ang last school year. Dahil sa matindi nilang sagutan ay
muntikan na silang hindi matanggap para sa taong ito.
“Kung para sa iyo ay nakalimutan mo na
ang huling na-prinicipal’s office tayo, ako hindi. I still remember you putting
that insect in my bag. At dahil doon muntikan na tayong hindi nakapag-enrol
pareho dito—”
“Eh nilagyan mo rin naman ng karatula ang
likod ko kaya it’s not just all about me.”
Gusto niyang matawa nang maalala niya ang
galit na galit na mukha nito nang mabasa ang nasa idinikit niyang bond paper sa
likod nito habang nagsi-CAT. It said: Sorry
girls, I’m gay.
She sighed. “Sige. Kung tungkol sa klase,
walang problema. Magkakaroon tayo ng chance na magkakausap. But beyond that,
wala na tayong dapat pag-usapan pa. And for once, can we stop this nonsense?
Aren’t we too old for this?”
There was his wicked smile again. “Not
until you surrender to me.”
Kahit gusto na niyang patulan ang
pang-iinis nito ay pilit niyang kinalma ang sarili. Alam niyang siya ang
malulugi kapag pagbibigyan niya ito.
She looked at him in the eyes.“That will
never happen.”
Sa wakas ay nagawa na niyang itulak ito
at makawala sa pagkakasandal sa pader.
“Then I’ll make it happen,” pahabol na
sabi ng lalaki.
“In your dreams!” matigas na sagot niya
rito. But instead of answering back, Rafa just gave her that
smile again. And that smile is enough to make her worry. Alam niyang hindi magiging
madali ang buhay niya sa hayskul.
********
“DIYAN ka muna, Olive, ha? Naiwan ko ang
wallet ko sa classroom,” paalam ng kaibigan ni Olive na si Kristel. Nasa
canteen kasi sila upang magmiryenda.
"Uy, bilisan mo. Ayokong mag-isa
rito," sagot niya sa kaibigan. Madali kasi siyang mabo-bored kapag ganoong
siya lang mag-isa.
Kristel flipped her hair. "Ang bilis
mo naman akong mami-miss. I'll be back before you know it. Enjoy-in mo muna
'yang chocolate cake mo. Dahan-dahan rin sa pagsinghot niyang rose mo d'yan.
Baka maubos ang bango."
She rolled her eyes at her friend. “Ewan ko sa’yo. Para ka na ring si Rafa. Ang kulit-kulit.”
“Eh siyempre, best friend mo ako. Tsaka h’wag mo akong ikumpara doon sa lalaking iyon. Hindi ko ipagsisigawan na may secret admirer ka. Di tulad ng Rafa na iyon na lahat yata ng pwede gamiting pang-asar sa’yo ay iniipon niya. I wonder kung ano na namang pakulo no’n?”tila nag-iisip nitong sabi.
“Seriously? Pag-uusapan pa natin ang mokong na ‘yon. Don’t worry, Kristel. Wala siyang pwedeng ipanakot sa akin o pwedeng ipang-asar. I’m ready.”
“Naks! Ready talaga?”
“Ako pa? Di uubra ang mga kalokohan no’ng lalaking ‘yon.” Hinarap niya ang kaibigan. “Teka, aalis ka ba o makikipagchikahan pa?”
“Eto na. Basta ‘wag mong ubusin ang amoy
ng rose.” Humagikgik ito at saka mabilis na naglakad pabalik ng classroom kaya
naman naiwan siya roon na nakaupo sa isang sulok habang nilalantakan ang
paborito niyang chocolate cake.
Napatingin siya sa rosas na nasa tabi ng platito na kinakainan. Iyon ang rose na tinutukoy ni Kristel. Puti iyon at sobrang ganda. Nakita niya ang rosas sa ibabaw ng mesa niya nang umagang iyon. Pero ang totoo ay hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng parehong rosas. Halos isang linggo nang may nag-iiwan ng puting rosas sa mesa niya.
Kung sino man ang secret admirer niya ay wala siyang ideya. Wala kasi siyang napapansing lalaking lumalapit sa kanya at nakikipag kaibigan. Hindi rin naman siya ligawin. Ni hindi nga siya nagkaboyfriend ever since.
Secret admirer? Imposible!
Baka namali lang ng lagay ng rosas ang kung sino man at nahulog iyon sa kanyang mesa. Ipinilig niya ang ulo at itinuon ang atensyon sa cake. Sarap na sarap na sana siya sa pagkain ng paborito niyang dessert nang biglang may tumabi sa kanya.
“Hello, Ollie.”
Napasimangot siya nang makita kung sino
iyon.
“Ano na naman ang kailangan mo?”
Nilakipan niya ng taray ang boses. Ang aga-aga kasi ay mukhang plano na naman
siyang bwisitin ni Rafa.
May kinuha ito sa bulsa nito at saka
nilagay sa mesa. Isa iyong larawan pero hindi niya makita kung sino o ano ang
nasa larawan dahil nakataob iyon. Akma niyang kukunin iyon pero mabilis
siyang pinigilan ni Rafa.
“Ooops! Sandali lang. Di mo pwedeng hawakan
‘to.”
She rolled her eyes. “Wala akong balak
sumakay sa mga kalokohan mo, Rafa. Kaya pwede iwan mo na ako rito at baka di
ako matunawan sa kinakain ko.”
Tumawa si Rafa. “Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pumapayag na maging ‘Master’ ako.”
Itinaas niya ang isang kilay. “Ano? Ikaw, tatawagin kong Master? Sira ka ba?” Pagkasabi ay tumawa siya nang malakas.
“Laugh all you want. Pero papayag ka rin sa gusto ko.”
“At paano mo naman ako mapapapayag aber? Nakakalimutan mo ba kung sino ang kausap mo? Hinding-hindi ako titiklop sa’yo.”
“Titiklop ka dahil dito.” Pagkasabi ay
ipinakita nito sa kanya ang larawan kanina.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan kung sino ang nandoon. That chubby girl in the photo was her! Siya iyon noong Grade 3 pa lang sila habang nilalantakan niya isang plato ng chocolate cake.
Naaalala pa niya ang araw na iyon. Classroom party nila iyon nang magpa-contest ang guro nila. Pabilisan ng pag-ubos ng cake. At dahil gusto niya ang chocolate cake ay agad siyang nagpresintang sumali. She ate the hell out of that chocolate cake kaya naman nagmukha siyang batang isang taong hindi kumakain. Her face was smudged with chocolate. Her cheeks all puffy dahil sa kakalamon noon. Sumatutal, nakakahiya ang hitsura niya sa larawang iyon!
“Bakit meron ka niyan? Akin na ‘yan!” Akma niyang kukunin ang litrato pero inilayo iyon ni Rafa.
“Nakalimutan mo na ba? Mahilig akong
kumuha ng pictures. At isa ito sa mga pinakapaborito ko. Kaya bakit ko ibibigay
sa’yo?”
She gritted her teeth. Mukhang nababasa
na niya ang plano ni Rafa. Papasunurin siya nito gamit ang picture na iyon.
“Kung sa akala mo ay matatakot ako dahil
d’yan, nagkakamali ka.”
Tumaas ang gilid ng labi ni Rafa. “Kahit
ilagay ko ‘to sa bulletin board ng classroom?”
Nanlaki ang mata niya sa narinig.
“Subukan mo lang!”
“You know me, Ollie. Pwede kong gawin
‘yon.”
Napatingin muli siya sa larawan. Tsk! Nakakahiya talaga ang hitsura
niya doon. For sure, tatawa ang buong klase kapag nakita iyon.
“Hindi mo gagawin iyon.”
“Try me.”
“Isusumbong kita.”
“You know you can’t Olive. Remember what
the principal told us?”
Yeah
right. They could get expelled anytime. Ito ang
kondisyon ng principal nila. They should avoid any fight or else they’d be
kicked out.
Oh how she wanted to hit him right now
but she knew better.
“I hate you!” hindi niya mapigilang
masabi rito.
“Oh, you can’t hate me, Olive.”
“I can. And I really hate you now. Sana
hindi na lang kita nakilala.”
“Then you’ll be missing this good-looking
man in your life.”
“Ang kapal mo!”
“Gwapo naman!”
“I hate you!”
“Alam kong gwapo ako!”