CHAPTER 10

1146 Words
HINDI siya halos makahinga sa higpit ng yakap ni Kristel sa kanya. Iba ang ganda nito habang nakasuot ng korona sa ulo. Beauty queen na beauty queen ang dating. Nasa gym sila ngayon at hinihintay na makapag-set up ang mga reporter na gagawa ng documentary para sa kaibigan. “I missed you, friend! Este...Sister Olive na pala.” Hindi maitago ni Kristel ang saya sa boses nang bitiwan na siya nito. “Olive na lang. Hindi pa rin naman ako professed na madre.” Tumango-tango si Kristel. “Tama. Olive na lang talaga ang itatawag ko sayo dahil naiilang pa rin ako sa ideyang madre ka. Oh my goodness... naka-belo ka talaga!” Natawa na lang siya rito. Bukod din sa belo ay mukhang naiilang din ito sa suot niyang white long sleeves at mahabang dark blue skirt. Hindi rin naman talaga niya masisisi ito. Mula noong naghiwalay sila ng landas sa kolehiyo ay hindi pa siya nito nakikitang maysuot na belo kahit pa alam na nito ang plano niyang pumasok pagka-madre. “Ngayon lang ito dahil kagagaling ko lang sa kumbento. Pero okay rin lang naman sa amin na hindi magbelo kung nasa paligid ng mga kaibigan at pamilya. Hindi rin naman nasusukat lang sa suot na belo at abito ang pananampalataya. Nasa tao iyon.” “OMG...I can’t believe this. Ikaw ba talaga iyan? Nalulusaw ako sa mga words of wisdom mo, friend.” Tumawa siya. “Ano ka ba? Ako pa rin ito. Same old Olive na kaibigan mo. Siyempre nakasanayan ko na na ganito kaya huwag ka nang mailang.” Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Kristel. Narinig niya na tila may pinagagalitan ito sa kabilang linya. “Wala ka na ba talagang ibang nakuha na pwedeng interview-hin? Naku! Tinatamad ka yata eh. Hindi ka nag-effort na maghanap ng iba. Di bale, nandito ang bestfriend ko. Pwede siyang interview-hin din. Okay...dalhin mo ang mga yan dito. Bilisan niyo dahil kayo na lang hinihintay.” Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay mapapasubo siya sa gusto ng kaibigan. “Anong i-interview-hin ako, Kristel?” Ngumiti ng ubod ng tamis si Kristel at alam na alam na niya base sa mukha nito na may hihingin itong pabor. “Ang documentary ko kasi... kailangan ng mga classmates na gagawa ng statements tungkol sa akin. Sino pa ba ang makapagbibigay ng mas comprehensive na statements kundi ikaw lang. “Pero hindi ba’t may mga dadating namang ibang makapagbibigay pa ng interview? Pasensya na pero narinig ko kanina.” “Naku...Hindi maaasahan kasi masyado ‘yong mga kinuha ng lalaking ‘yon.” Hindi pa man lubusang naipapaliwanag sa kanya ni Kristel ang gusto niyang malaman ay isang itim na kotse ang biglang dumating sa entrada ng gym. Mula roon ay lumabas ang isang lalaki. “Is that...?” “Yes. Siya nga.” “And you’re close friends with him?” “Unfortunately, yes.” Hindi siya makapaniwala kung sino ang lalaking naglalakad papalapit sa kanila. Tama nga ba ang nakikita niya? “Olive, si Mark.” Pakilala ni Kristel sa tatlong lalaki. “Mark. Ikaw ba talaga ‘yan?” She can’t believe the troublemaker Mark has transformed into a very fine man. “New and improved!” Malapad ang ngiti nito. “Hindi kita halos makilala, ah.” She couldn’t believe na makikita niya ulit ito na mukhang may narating na sa buhay. He is extremely business-like at kung magsalita ay tila hindi mo aakalaing naging mga basagulero at sakit lang ng ulo noong high school. Umiling si Mark. “Ikaw ang hindi namin halos makilala. I can’t believe you are a nun now.” Nagkibit balikat siya. “Well, somethings are meant to happen. Teka, paano kayo naging close?” Sandaling nagkatinginan si Mark at Kristel. Hindi siya sigurado kung tama ang iniisip niya pero pakiramdam niya ay higit sa magkaibigan ang dalawa. “Boyfriend ko si Mark, Olive.” Sagot ni Kristel. Kahit may duda na siya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. “Wow! Really? Well, congrats sa inyo!” Hinawakan ni Mark ang kamay ni Kristel. “Thanks, Olive.” Bakas sa mukha ng dalawa ang saya. Iba talaga siguro ang nagagawa ng pag-ibig. Ngayon pa lang ay pinagdadasal na niya na tumagal ang relasyon ng dalawa. Ilang sandali pa ay nagtanong sa kanya si Mark. “Teka, alam ba ng superior mo kung ilang beses kang nagpabalik-balik sa principal’s office noong high school ka?” Mark joked which made her laugh. “Well, hindi pa. Pero huwag na lang ipaalam sa kanya dahil nakakahiya.” Muli silang nagtawanan. “Mukhang nagkakasiyahan na kayo nang wala ako, ah.” She could feel her body froze when she heard someone spoke behind her. That voice...Kilalang-kilala niya ito. “O, eto na pala ang isang magbibigay ng interview!” “SORRY, Kristel. May inayos pa kasi akong problema sa planta kaya medyo natagalan ako.” His voice is all the same. How could she forget? Halos sabay silang lumaki ng lalaking ito. She slowly turned around to finally face the man she hasn’t met for eight years. And she couldn’t help but gasp when she finally have a clear view of him. Isang dipa lang pagitan nila ni Rafa kaya klarong-klaro sa kanya ang mukha nito. Ang mga mata, ilong at labi na tumanda na pero para maging isang gwapong mama lamang. Pero kahit gusto pa niya ang bagong hitsura nito something bothered her about him. It was the seriousness of his voice and the coldness of his expression. It was so unlikely of him dahil ang huling nakilala niyang Rafa ay magiliw at makulit. “Busy ka naman talaga parati.” Sagot ni Kristel kay Rafa pagkatapos ay siya naman ang binalingan. “Rafa is the owner of a large construction firm.” Naririnig man niya si Kristel ay hindi pa rin maalis ang tingin niya sa mukha ni Rafa. “R-Rafa.” “It’s nice to see you again, Ollie.” He paused and tilted his head. “Or is it Sister Olive now?” She swallowed hard. Bakit ba ganoon na lang ang epekto ng sinabi ni Rafa sa kanya. Para kasing may kumurotsa puso niya. “J-just Olive. Ako pa rin naman ito.” Rafa shook his head. “Of course not. I can’t make a joke on you now. You can’t be Ollie again.” He laughed but she didn’t find his words funny. Bagkus tila sumama ang sikmura niya nang pakiramdam niya ay hindi na siya magiging kaibigan pa ni Rafa. Ano ba Olive? Umayos ka. It’s wrong to feel that way. Pero kahit anong paalala sa kanya ng isip ay rumerebelde pa rin ang loob niya. Mabuti na lang at inanunsiyo ng reporter na magsisimula na ang mga interview nila. Kung hindi ay patuloy siyang malulungkot nang ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD