“I CAN’T imagine how hard it was for you to know the truth.” Kristel was hugging her right after she shared her story with them. Pati nga si Kristel ay mukhang nalungkot din dahil sa kwento niya.
Kasalukuyan silang nasa isang restaurant sa Sto. Domingo at kumakain ng lunch.
“It was liberating actually. Masaya ako at nalaman ko na ang rason bakit ipinagpipilitan nila noon na ipasok ako sa kumbento.” She answered honestly. Mag-iisang linggo na niyang nalaman ang katotohanang iyon at hindi na ito mabigat sa pakiramdam niya. “Ipagdadasal ko na lang na sana ay mabuti si Ollah ngayon. Sigurado din naman akong kasama niya ang Diyos kaya wala akong dapat ipangamba.”
She just heard Kristel sighed. “Wow...I still can’t believe you are this kind of person now. Napakagaan siguro ng pakiramdam mo ngayon.”
Ngumiti na lang siya sa komento ng kaibigan. Kung alam lang ng mga ito ang dinaramdam niya. They would definitely eat their words.
Mag-iisang linggo na mula noong nagkita sila ni Rafa at inihatid siya nito sa bahay. Pero mula noon ay hindi pa ito naaalis sa isip niya. She has prayed her heart out to make him disappear pero mas lalo pa itong nagsusumiksik sa isipan niya. She started even hallucinating about him.
“DoesRafahave a red car, Kristel?” Hindi na niya mapigilang magtanong sa mga kaibigan. Ilang araw na kasi niyang nakikita ang pulang kotse sa tapat ng bahay nila. Randomly in a day ay humihinto ito doon pero wala namang bumababa na driver o pasahero mula rito. Though the car has a tinted window, nakikita naman niya mula malayo ang harap nito. And she doesn’t know why she felt like it was Rafa in the driver’s seat.
“Hindi ko alam kung meron.” Kristel shrugged. “But I wouldn’t wonder if he would have one.”
“Bakit naman?”
Si Kristel ang sumagot. “He owns a big company.Marami na iyang pinapatayong mga buildings at structures sa buong bansa. Mayaman na masyado yun. At saka first year college palang ay nag-o-OJT na sa sariling kumpanya. Matalino din yun kaya hindi rin kataka-takang magaling magpalago ng pera.”
“Talaga? Ganoon kaaga siya nagsimulang magtrabaho? Parang after high school natin yun di ba?”
Tumango si Kristel. “Korek! Workaholic nga raw masyado sabi ni Mark. Para bang may asawa at anak na pinag-aaral. Grabe I heard na kahit linggo ay nasa opisina. Bakit mo nga ba natanong, Olive?”
“W-wala naman.”
“Naku, ikaw nalang magtanong mamaya.” Kristel told her.
“Mamaya? Bakit mamaya?”
“Kasi, nangingimbita si Mark sa restobar niya. Doon daw magdi-dinner. Inimbita rin ang iba nating classmates parang instant reunion kumbaga,” ani kayKristel.
“I’m sorry guys.” Mabilis niyang tanggi. “Alam niyo naman siguro ang dahilan kung bakit ako nandito. This is my time to reflect if I’m meant for a religious life. Kaya hindi pwede ako sa mga lakad na ganyan.”
She was never told by the Novice Mistress that she’s not allowed to be on a party. Pero sa sarili niyang pagkakaintindi ay talagang reflection lang naman talaga ang dapat niyang gawin.
Nakapag-reflect ka na ba?
Sa totoo lang ay wala pa siyang nabubuong sagot sa tanong na iyon. She’s willing to become a nun. Pero gusto niya ay iyong wala nang gumugulo pa sa isip niya. She wanted to serve the Lord without reservations. At inaamin niyang isa sa mga nagpapagulo ng isip niya ay si Rafa.
In the back of her mind, he was also another reason she doesn’t want to come to the reunion. Bakit naman kasi nakita pa niya ito sa eskwelan sa parehong araw na nagpunta rin siya doon. Sometimes, she wanted to blame destiny for taking part of her confusion.
Mag-a-alas sais na nang makauwi siya ng bahay. Nalaman niya sa kapatid niyang umalis ang mga magulang nila para sa isang catering service sa isang kasal sa karatig munisipyo. She ended up cleaning her old room. Na-miss na rin kasi niyang siya mismo ang naglilinis noon. She didn’t just clean the room. Niligpit din niya ang mga luma niyang mga damit at planong ipamigay iyon sa mga bata sa ampunan.
She was busy cleaning when she heard a commotion outside. Napalinga siya sa wallclock ng kwarto niya. Mag-aalas diyes na pala. She was too busy and didn’t think of the time. Sumilip siya sa may bintana at napansing isang pulang sasakyan ang nakaparada sa gitna ng kalsada.
Nagulat siya nang mapansing ito pa rin ang parehong sasakyan na pumaparada sa tapat ng bahay nila.
Lumabas siya sa kalsada at nag-imbestiga na rin. She really was hoping he was not Rafa or else magkakaproblema siya nang malaki.
Talagang malaki.
“Ano pong nangyari dito Mang Nestor?” Tanong niya sa kapitbahay nilang matanda.
“Naku Olive, kanina pa iyan nakaparada sa gitna ng kalye. Eh nakakadistorbo na sa mga dumaraang sasakyan. Lasing yata eh. Kasi kanina, lumabas ‘yan. Pasuraysuray kung maglakad. Pero pumasok naman ulit.” Sagot ng matanda.
Nilapitan niya ang kotse at tiningnan ang driver noon mula sa harapan. Napasinghap siya.
Rafa...
Agad siyang kinabahan. She doesn’t want to entertain assumptions pero hindi niya maiwasang bumaha ang mga ito sa mapag-usisa niyang utak.
“H’wag kang mag-alala, Olive. Nakatawag na kami sa barangay. Sila na ang bahala diyan.” Ayon kay Mang Nestor.
Mas kinabahan siya. Baka kasi damputin ito ng mga tanod o di kaya pulis. “Sinubukan niyo bang buksan ang pinto ng kotse?”
“Naku, ayaw naming makialam diyan. Ang barangay na ang bahala.”
She moved to the driver’s side of the car and opened it. Nakahinga siya nang maluwag nang bukas iyon.
“Teka, Olive. Huwag ka nang makialam diyan. Baka kung anong gawin niyan sa’yo.” Babala sa kanya ni Mang Nestor.
Umiling siya. “Ako na po bahala sa kanya. Kilala ko po ito. Taga-rito din ito sa atin. Sa kabilang barangay lang. Tulungan niyo na lang po akong ilipat siya sa kabilang upuan. Ako nalang po ang maghahatid sa kanya.”