CHAPTER 04

1735 Words
“ANOTHER white rose? Bongga talaga ang beauty mo Olive. Sino kaya ang secret admirer mong iyan?” “Ewan ko ba, Kristel. Sana magpakilala na siya.” Halos sabay silang dumating ni Kristelsa classroom nila nang umagang iyon at agad nilang nakita ang rosas sa ibabaw ng upuan niya. Wala itong kalakip na note gaya ng dati. “Para bastedin?” Biro ni Kristel. “Depende. Baka naman mabait at magustuhan ko diba?” Bakit Olive? Nasabihan mo na ba ang nanay mo na hindi ka na magmamadre? Napasimangot siya nang maalala ang ina. “Ay, sana hindi. Kasi ako, boto pa rin kay Rafa.” Kumunot ang noo niya. “Saan galing iyon, Kristel? Alam mo namang inis na inis ako sa lalaking iyon.” “OA ha. Bakit ba ayaw mo sa kanya. Matalino at gwapo.” “Kahit gwapo pa siya eh ubod naman ng sama ng ugali. Never ko siyang magiging boyfriend. Naku sana lang talaga gwapo ang admirer ko. Mabait. Matalino.” “Like Rafa?” “Namumuro ka na, girl.” “Joke lang. Sige, dapat alamin na natin yang secret admirer mo na iyan.” Ngumisi ang kaibigan. “I have a plan!” “Talaga?” “At walang kahirap-hirap ito.” Mas lalo tuloy siyang nae-excite. Humanda ka na secret admirer. Makikilala na kita! “SIGURADO ka ba dito sa plano mo, Kristel? Paano kapag hindi niya trip magbigay ng rose sa akin today? Eh di useless lang ang effort natin na mag-aga rito.” Wala pa masyadong tao sa school grounds nang dumating sila. Ika-anim pa lang kasi ng umaga. Silang dalawa naman ni Kristel ay naglalakad na patungo sa likod ng classroom nila. Mula doon ay aabangan nila kung sino ang mag-iiwan ng rose sa upuan niya. “I think magbibigay siya today. Malakas ang feeling ko kasi napapadalas na ang pagbigay niya. Kung wala ngayon eh di bumalik naman tayo bukas,” sabi ni Kristel. “Ganon?” “Ganon iyon.” “Natatakot ako,friend. Baka hindi ko type ang admirer ko.” Natural naman ang pakiramdam na iyon. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. “Eh di bastedin. Kaysa naman magpadala pa nang magpadala eh wala naman siyang aasahan sa’yo.” Sagot ni Kristel. May point ito. Mabuti na rin iyong malaman niya ng maaga. Dahil baka hindi talaga niya gusto ang lalaki at nag-e-expect ito na may chance sa kanya. Uunahan na lamang niya itong bastedin kung sakali. Mas nakakaawa ito kung tatagal pa. “May tao!” Ayon kay Kristel. Mabilis silang napayuko at nagkubli sa sementadong pader ng silid aralan nila. “Sino iyon?” Pabulong na tanong niya. “Hindi ko nakita. Basta alam ko may tao. Tingnan niyo na lang.” Sabi ni Kristel. “Kinakabahan ako.” Aniya. “Ako o ikaw ang titingin?” Tanong ng kaibigan sa kanya. Huminga muna siya nang malalim. “Ako na.” Dahan dahang sumilip siya mula sa bintana. Nakapikit pa ang mata niya dahil sa sobrang kaba. “Sino iyon?” Makulit na tanong ni Kristel. Nang buksan niya ang mga mata ay hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang lalaki ay nakatayo at inaamoy ang isang white rose bago ipatong iyon sa upuan niya. “R-Rafa?” Kaagad siyang hinila ng mga kaibigan at ito naman ang sumilip sa bintana. Nagsitakipan ang mga ito ang bibig para hindi lumabas roon ang mga nagbabadyang tili. Siya naman ay halos matulala. Totoo ba ang nakita niya o guni guni lamang? It can’t be him. He can’t be my secret admirer. He’s my arch enemy. My worst nightmare. The devil in disguise! “Girl! Sabi ko na nga ba. May gusto sa iyo si Rafa. The way he looks at you. The way he smiles when you’re around. This is the truth!” Excited na excited si Kristel. No. He can’t like me. We’re the best enemies. Hindi niya alam kung paano matatanggap ang bagong ideyang iyon. “Baka nagkakamali tayo. Hindi maaring may gusto siya sa akin.” She tried to deny. “And why not? You’re pretty and smart. Anong hindi niya magugustuhan sa iyo?” Si Kristel ang nagsalita. Parati talaga siyang ini-encourage nito. “Kung may gusto siya sa akin, why does he treat me badly? It doesn’t make any sense.” “Do you want me to ask him straightforward? Kaya ko iyon.”Presenta ni Kristel. “No! Don’t. Pag-iisipan ko muna ito.” Kristel smiled at her. “You like him don’t you?” “Ewan.Ang alam ko lang is I hated him all of my life. Now tell me how would I like that guy?” “If you don’t like him, tell him directly. So he would stop. Alas mo na ito against him. You’re free to use it.” Sabi ni Kristel. “No. I can’t just hurt him like that.” “Oh my god! You love him too!” “Oh shut up, Kristel! Hindi ganoon ‘yon.” I have to think this over. I can’t overreact. Rafa, bakit may gusto ka pa sa akin? We’re supposed to be enemies here! “Bago matapos ang klase, gusto kong i-remind sa inyo ang nalalapit na Talent Show. That would be two weeks from now. Lahat ay kasali. Pwedeng by group, by two’s or solo ‘yong performances. Ngayon pa lang ay gagawa na tayo ng list ng performers. Para mahanda na ng director ang buong show.” Patay! Halos mahulog siya sa kinauupuan sa sinabi ng guro. Wala naman kasi siyang maisip na talent niya. Hindi siya marunong kumanta, sumayaw o umarte. Every year ay nagsasagawa ang mga senior students ng talent show at this time it’s their turn to do it. Marami agad ang nagpalista sa guro. Pero siya naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. “Sa mga hindi pa makapag-isip kung anong gagawin or kung sino ang makakasama sa number magsabi lang kina Rafa at Olive.” Napatingin siya sa direksiyon ni Rafa, sumulyap din ito sa kanya na tila nagtataka din kung bakit sa kanila ipinaubaya iyon ng guro. Nang magtama ang mga mata nila agad siyang nagbawi ng tingin. Hindi kasi iya matagalan angmga mata nito. Simula nang malaman niyang may gusto ito sa kanya ay lagi na lamang siyang kinakabahan tuwing naglalapit sila. It felt so awkward for her to think that Rafa has liked her despite all the troubles the two of them has been through. “Teka Ma’am, bakit sa amin?” Hindi niya mapigilang tanong sa guro. “Because you two will direct and host the show.” Pagkasabi ay ang buong klase naman ang hinarap nito. “Sige class, I’ll see you tomorrow. Class dismissed.” Bago pa makaalis ang guro ay nilapitan na niya ito.“Ma’am, bakit po kami ni Rafa ang magiging director ng Talent Show?” “The principal asked for it. Wala akong magagawa doon. Isa pa, mayroon bang problema kung magkapares kayong dalawa?” Malaki po! Sobrang laki! “W-Wala naman po.” “Just coordinate with Rafa okay? I know you two are talented enough to do the task.” Aalis na sana ito nang magpahabol pa ito ng salita. “Alam kong hindi kayo masyadong nagkakasundo ni Rafa since I could remember. Pero I guess that has changed recently. Right?” Nang mga huling araw ay napansin siguro ng mga ito na hindi na sila masyadong nag-aaway. Bukod sa iniiwasan niyang mapagalitan muli ng principal ay hindi rin niya talaga alam kung paano ang magiging reaksyon niya pag lumapit ito. Everything has changed when she knew he has feelings for her. Nang makaalis ang guro ay naiwan siyang nakatayo sa loob ng classroom. Napabuntong hingina na lamang siya habang iniisip ang magiging partnership nila ni Rafa sa gagawing Talent Show. Mas madali pa sigurong kumanta at sumayaw kahit hindi siya marunong kaysa sa mag-direct ng program na iyon kasama si Rafa. “Ayaw mo talaga akong makasama ano?” Halos mapatalon siya sa gulat nang may nagsalita sa may pintuan. Nandoon pala si Rafa at nakamasid sa kanya. She’s not sure if she saw tenderness in his eyes pero nararamdaman niyang hindi ito tulad ng dati. May kakaiba dito ngunit hindi niya iyon matukoy. Ito ba ang sinasabi ni Kristel na uri ng titig ni Rafa sa kanya? She started to feel her cheeks warming ay his gaze. Bakit pa kasi ikaw ang kapareha ko mag-direct ng talent show?Pero hindi niya magawang sabihin iyon. “Hindi naman. First time ko lang kasing mag-direct ng talent show. Kaya hindi ako ganoon ka-confident.” Palusot niya. “Himala. Ngayon pa lang kitang naringgan na may hindi ka kayang gawin. Are you really OliveTorres?” Sa unang pagkakataon ay napangiti siya nito. It wasn’t a sarcastic remark. Naramdaman niyang totoo ang sinabi nito. “Mukhang hindi pa rin nagsasawa ang principal na pagbatiin tayo.” Sabi niya. “I think so too. Should we give her what she wanted?” “Na magbati na tayo? Mukhang ikaw yata ang kakaiba ngayon. I feel like I’m not talking with the real Rafa Montaner.” Tumawa ito. She doesn’t know why it seems like everything about him is different today. Alam niyang sumisingkit ang mga mata nito kapag tumatawa pero ngayon lang niya napansin na cute pala talaga ito kapag ganoon ang hitsura. Sa tagal nilang magkakilala ay bakit ngayon lang niya napansin ang napaka-charming nitong katangian? Kaagad niyang inalis ang mga mga mata niya mula sa mukha nito ngunit tila huli na siya. Nahuli na siya nitong nakatitig. Shit! What am I doing? She actually saw him grinning when she took her eyes off his handsome face. Nagrigodon ang puso niyang kanina pa hindi mapakali. “U-uwi na ko. B-baka hanapin na ako ni Mama.” She was stammering. “Ihahatid na kita sa inyo.” Halos tumalon siya sa kinatatayuan nang magsalita muli ito? Is he gonna confess today? Anong gagawin ko? “Ah, huwag na. Nakakaabala pa ako sa iyo.” Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Rafa. Mabilis niyang kinuha ang mga gamit ay tumakbo palabas ng classroom. It was really stupid but she couldn’t stopherself from feeling such weirdness around him. And everything changed when she knew he was her secret admirer. Karma na ba niya ito? Ang magkagusto na rin sa lalaking kinaiinisan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD