CHAPTER 05

1104 Words
“BAKIT hindi na lang retro ang theme natin. ‘Yong tipong 1970’s. Ano sa tingin mo?” Tanong sa kanya ni Rafa habang nasa students’ lounge sila at nagpaplano kung anong gagawin nila sa Talent Show. “Maganda iyon. Para maiba naman. I agree with the retro concept.” Sagot niya rito. Sa unang pagkakataon ay naging mahaba ang pag-uusap nila nang walang sagutang nagaganap. Kakaiba man ang pakiramdam na iyon ay nagustuhan naman niya. Nang tumunog na ang bell para sa pagsisimula ng klase ay sabay silang pumasok sa classroom. Pagkaupo ay kaagad siyang kinurot ni Kristel sa tagiliran. “Aray!” “Hoy! May di ka ba sinasabi sa akin? Ang close niyo na yatang dalawa ni Rafa?” Mapang-intrigang tanong sa kanya ni Kristel. “Dahil lang ‘to sa Talent Show natin. Kailangan naming mag-discuss para maplanuhan na ang mga detalye noon,” paliwanag niya. Iyon rin naman talaga ang totoo. Tinitiis lang niya si Rafa dahil sa Talent show. “Weh? Noong nakaraan lang ay nagbabangayan kayo, ta’s ngayon close na agad?” She sighed. “Wala naman akong choice. Kailangan kong makipag-usap sa kanya.” “Baka dahil doon sa nalaman natin noong nakaraang araw?” Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi ah! Hindi ko na nga inisip ang tungkol doon.” “Naku! Diyan nagsisimula lahat. Away-away. Then magbabati. Then magkakatuluyan! Ayeee!” “Heh! Walang magkakatuyan, Kristel! Pero okay na rin ‘to. Mabait naman siya pag seryoso ang usapan.” “Oh my goodness! Gusto mo na siya! Gusto mo na rin siya!” Napatingin siya sa direksyon ni Rafa. Hindi niya maitago ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Oh no. Di pwede ito. “Baka di mo lang napansin na gusto mo siya kasi nga lagi kayong nag-aaway. Pero ngayon di na, eh lumalabas na ang tunay na feelings niyo!” She looked at Rafa again. He’s reading a book seriously. Hindi niya maitatanggi ang patuloy na pagkabog ng kanyang dibdib. Kailanman ay hindi niya naramdaman iyon sa ibang lalaki. Kay Rafa lang. Pero bakit ngayon lang? Totoo kayang may gusto na rin siya kay Rafa? Nahuhulog na rin kaya ang loob niya para sa lalaki? EXCITED na pumasok nang umagang iyon si Olive. Natapos niya kasi ang draft ng program nila sa Talent Show. Isang lingo na lamang magaganap na ang event na iyon. Kahapon pa sana niya ipapakita ang draft na iyon kay Rafa kaya lamang ay hindi ito pumasok sa klase. Nang makarating sa classroom ay agad niyang inilapag sa upuan nito ang gawa niya. Gusto niya kasing ito ang unang una nitong titingnan pagkarating sa klase. Ngunit natapos na lamang ang buong araw ay hindi pa rin pumapasok si Rafa. Nag-aalala na siya rito dahil hindi pa nangyaring dalawang sunod na araw na lumiban ito sa klase. May sakit kaya ito? O baka may nangyaring hindi mabuti. Huwag naman sana. Kaya kahit umuulan ay dumaan siya sa bahay nito upang mangumusta. Wala kasi itong pasabi kung bakit ito wala sa klase. “Nagtatanong na kasi ang mga teachers natin kung bakit ka absent. Isa pa, natapos ko na ang draft ng program para sa Talent Show kaya dumaan na ako.” Ilang ulit na niyang minememorya ang sasabihin sa harap nito. Sa tingin niya ay maniniwala na ito sa rason niya kung bakit niya ito dinalaw. Alam niyang awkward na puntahan niya ito sa bahay pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili na hindi mag-alala. Kakatok na sana siya sa gate ng bahay nito nang marinig niya ang lakas ng mga boses mula sa loob. Kahit umuulan ay dinig na dinig pa rin niya ang sa tingin niya ay mga nagtatalo. Hindi niya ugali ang makinig ng mga ganitong usapan lalo’t wala naman siyang kinalaman, pero nagtataka talaga siya dahil isa sa mga malakas na boses na iyon ay galing kay Rafa. “Pabayaan niyo ako sa gusto ko! Bakit niyo ba ako pinipilit!” Parang tila piniga ang puso niya sa galit na nararamdam mula sa boses nito. It was the first time she heard him got angry like that. Noong nagtatalo silang dalawa ay hindi naman ganoon ito kung magalit. Ilang maiinit na palitan pa ng mga salita ang narinig niya bago siya nagdesisyon na umalis. Sa tingin niya ay ito na nga ang rason kung bakit lumiban ito sa klase. She turned around to leave when she heard the gate opened. Mula sa loob ay tumatakbo ang isang matangkad na lalaki palayo ng bahay. Rafa? Walang ibang nagmamay-ari ng matikas na pangangatawan na iyon kundi si Rafa lamang. Kaya kahit nakatalikod ito ay sigurado siyang ang kaklase niya iyon. “Rafa?” Tawag niya rito. Nagmamadali siyang lapitan ito dahil naliligo na ito sa ulan. Tila hindi siya narinig nito dahil patuloy na pa rin ito sa pagtakbo. “Rafa! Sandali lang!” Doon pa ito tumigil at tumalikod. Kahit ganoong malakas ang buhos ng ulan ay kitang kita pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito. Kaagad niyang pinasilong ito sa dalang payong. Hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa mukha niya. She wanted to tell him everything will be alright. Pero ni hindi niya alam ang buong istorya. Wala siyang karapatang magbigay ng false hopes. “Okay ka lang?” Sa lahat ng gusto niyang sabihin dito ay ang tatlong salita ang lumabas sa labi niya. She’s just hoping it would at least make him feel better. Sana maramdaman nitong isa siyang kaibigan ngayon. “Okay lang ako. Anong ginagawa mo rito?” Klarong ikinukubli nito ang sama ng nararamdaman. “Hindi ka kasi pumasok ng dalawang araw. Nag-aalala na kami.” Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi iyon ang inensayo niya na sasabihin kanina. Baka kung anong isipin nito. Baka isipin nitong worried na worried ako eh totoo naman. “Ah. Wala. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok.” “Talaga?” She has a gut feeling it wasn’t true. Mas gusto niya sana na magsabi ito ng totoo sa kanya. “Umuulan pa naman. Baka magkasakit ka lalo niyan.” “Ah. Okay na ako. Wala iyon.” “Mukhang nagmamadali ka. Nakalimutan mo ang payong mo. Saan ka ba pupunta?” “Ah, diyan lang. May pupuntahan lang ako.” Ngumiti siya rito at hinawakan niya ang kamay nito. It was so brave of her, pero wala siyang ibang alam na gawin upang maibsan niya ang nararamaman nitong kalungkutan. “Halika. May alam akong nagbebenta ng masarap na chocolate cake.” “Wait!” “Huwag ka nang umangal. Sagot ko ‘to.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD