CHAPTER 07

1196 Words
“ANG ganda mo girl!” Masaya si Kristel nang matapos na siya nitong make-up-an “Salamat.” Tulad ng plano niya ay nakatanggap siya ng confirmation mula sa ‘secret admirer’ niya na magkikita na nga sila. Isang note ang iniwan nito sa upuan niya at nakalagay doon kung kailan at saan sila magkikita. “Okay na ako, Kristel. Pwede na ka nang umuwi. Salamat sa lahat ha?” Tinulungan kasi siya nito namag-ayos. Siyempre ay kailangan niya magpaganda. Ika nga nila, ‘This is the moment’ for her. “Dapat mas seksi pa ang sinuot mo kasi. Maganda naman itong turtle neck na suot mo. pero mas maganda kung low neckline ng kaunti.” Payo ni Kristel. Umiling siya. “Naku! Hindi pwede. May peklat ako sa dibdib kaya pangit tingnan.” “Fine. Basta ngumiti ka lang and be pretty okay?” Hindi pa rin matapos na payo ni Kristel. “Opo. Thank you ulit ha?” “No problem girl. Basta happiness mo ay okay na okay ako..” It was a big step for her to take pero desidido na siya. At plano na rin niyang sabihin sa ina ang totoo. She will tell her what she really wants. Susundin niya ang puso niya. Nang makaalis na ang kaibigan ay naglakad na siya papasok sa restaurant. Isa iyong sikat na pasyalan sa lugar nila. It was above a hill and overlooking the whole town. With the soft glow of the lights it made the place even more romantic. Iniisip pa lang niya na mag-uusap sila doon ni Rafa ay kinikilig na siya. It was like a dream. She looked at her wristwatch. It is ten minutes before seven. Usapan nilang magkikita ng seven o’clock pero inagahan na niya. Excited eh! “Excuse me, kayo po ba si Miss OliveTorres?” Napalingon agad siya sa pinanggagalingan ng boses. Isa pala iyong waiter ng restaurant. “Yes?” “Meron pong table nakareserve sa inyo. This way po.” Pagkarating sa table ay isang bouquet ng white roses ang bumulaga sa kanya. Gusto na niyang maglupasay sa kilig pero pinigilan lamang niya ang sarili. It would be very foolish to be seen like that kaya umupo na lamang siya at inamoy ang halimuyak ng mga rosas. Napapikit siya sa bango noon. Isn’t he romantic? She’s even thinking of more surprises that he must have prepared for her. Baka may singsing or kwintas? “Hey.” Biglang naputol ang imagination niya at kaagad na napamulat. He’s here! And far from what she thought of him being so handsome tonight, he exceeded her expectations. Even with just his leather jacket and jeans, he is close to perfect. He was smiling and his eyes glowing at the sight of her. She couldn’t think of other adjective to describe him. He was absolutely an epitome of gorgeousness! Nakatitig ito sa kanya at tila mas pinaparami pa ang mga paru-parung nagliliparan sa loob ng kanyang tiyan. “Hey.” Matipid niyang sagot rito. Alam niyang nagawa naman ni Kristel na pagandahin siya ng gabing iyon. Kaya lamang ay kinakabahan pa rin siya. Paano kung hindi nito magustuhan ang ayos niya? Ahh! Ano ba? Nakaka-tense naman to. “You look perfect.” Now that’s a compliment. Wait did he just said I’m perfect? Nagtitili na ang utak niya pero nanatili siyang pormal. She can’t show him her creepy side now. “Thank you.” “Of course she’s perfect.” Isang boses ang narinig niya mula sa likuran ni Rafa. He brought a company? But it was supposed to be a date for two? Nang makita na niya ang bagong dating ay agad niyang nakilala ito. Isa itong sa mga naging kaklase nila noon kaya lamang ay nalipat ito sa ibang section. “Phillip?” “Salamat at dumating ka, Olive. I’ve been waiting for this day na magmi-meet tayo. Finally, it happened.” Napadako ang mga mata niya kay Rafa. Hindi man lamang ito nagsasalita. He was still there pero nawala na ang mga ngiti nito. He was looking away na tila nakikinig lang sa bagong dating. “Did you like the roses? I hope you did. A white rose means purity. And that’s what you are to me.” Napamaang na lamang siya sa sinabi ni Phillip. So does this mean hindi si Rafa ang nagbigay ng mga bulaklak sa kanya? “Aalis na ako Olive. Have a nice evening.” Said Rafa who started moving. “Teka, Rafa. A-ano pala ang ginagawa mo rito sa restaurant?” “Ah, ako?” “We came here to have dinner.” Nagulat siya nang may isang babae sumagot sa tanong niya. Hindi tuloy niya maintindihan kung bakit ang daming sumusulpot na tao sa usapan nila ni Rafa. Where do these people come from? Itinuon niya ang paningin sa bagong dating. Iyon din ang babaeng gustong gustong magpaturo kay Rafabasketbll. If she’s not mistaken, her name was Rica. Hindi nga lang niya alam na malapit na pala ang mga ito sa isa’t isa. “Diba Rafa?” Tumango naman si Rafa sa sinabi ng babae. “Dumaan lang ako para mag-hi.” “Tapos na ba kayong kumain?” Tanong ni Phillip sa mga ito. “Tapos na. We’re about to leave actually. Sige iwan na namin kayo. Enjoy your date.” Sagot ni Rica habang ipinupulupot ang kamay sa braso ni Rafa. Hindi niya alam kung anong dapat isipin. Paanong nangyaring nakita niya si Rafa na hawak hawak ang rosas na iyon sa upuan niya? Tila ba piniga ang puso niya sa sakit. She was expecting too much at ngayon ay sobrang sakit ang nararamdaman niya. She was ready to accept him. She was dreaming about the happy things that they will do together in the future. She even planned on disobeying her mother for Rafa. How come it would end up like this? And now the truth is staring at her face. Rafa didn’t really have feelings for her. Oo nga naman. Siya lamang ang nag-isip na may gusto ito sa kanya. She quickly concluded that he was her ‘secret admirer’ when she saw him holding that rose. Mukhang nakiamoy lang pala ito sa bulaklak na iyon at hindi pala talaga ito ang nagbigay. How stupid of her? And worse, I like him a lot... or maybe already love him. Inihatid na lamang niya ng tingin ang dalawa habang papaalis na ang mga ito. Hindi pa rin siya makapagsalita. Bukod sa nabigla siya ay hindi pa rin niya tanggap ang nangyari. Nakita niyang umupo na sa harapan niya si Phillip and was smiling genuinely at her. Anong gagawin niya? Phillip is the one who actually likes her. And he’s the one staying with her. But she doesn’t want to be with anyone else but Rafa at this very moment. Pero wala na siyang magagawa pa. Ang taong gusto niyang makasama ay iniwan na siya roon at kasama pa ang ibang babae. Babaeng maaaring mahal na nito. Pinigilan na lamang niya ang mapaiyak. Maybe she should wake up from this dream already. And maybe this is a sign from God that she’s meant to be a nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD