CHAPTER 06

1233 Words
“IKAW lang naman ang masisiyahan diyan sa chocolate cake eh.” Maktol ni Rafa nang umorder siya ng dalawang servings ng paborito niya. “Aba! Ikaw na nga ang ililibre magrereklamo ka pa.” “Hindi naman sa ganoon. Pwede bang samahan mo na rin ng hot choco? Nilalamig ako eh.” There was his famous grin again. At least for now, sa tingin niya ay medyo naibsan na ang sama ng loob nito. “Ang OA mo ha. Pagkain lang pala ang katapat mo.” “Sabi mo libre diba? Kaya lulubuslubusin ko na.” “Abusado ka ha.” He grinned again and that made her happier. Humugot muna siya ng hangin bago magsalita. “Ano dinadrama mo kanina?” Tiningnan siya nito at umiling. “Wala naman. Ayos lang ako.” “You can tell me. Hindi naman ako chismosa. Promise, hindi ko ipagsasabi.” Ngumiti ito sa kanya. And there she knew he caught him. “Ang erpat ko. Pinipilit akong mag-aral ng business course.” Oh so the other voice she heard was his father’s. “Hindi ko naman gusto iyon. All I wanted is to become a soldier.” “Sinabi mo na ba sa kanya ang gusto mo?” “Oo, pero ipinipilit pa rin niya ang gusto niya.” Isang negosyante ang ama nito. Maaaring nais lang niyon na mayroong sumalo sa mga negosyo nila. “There’s still a lot of time to think about it. Malayo pa ang June.” December pa lang may ilang buwan pa para mapag-isipan nito kung ano talaga ang kukunin nito sa kolehiyo. “Sa tingin ko hindi na magbabago ang isip niya. He’s still gonna insist on what he wants. Hindi ko man lang maramdaman na tatay ko siya kapag ganoong may gusto siyang gawin ko. Pinipilit niya kasi, hindi niya tinatanong kung gusto ko ang pinapagawa niya.” “Papa mo pa rin siya. Iniisip niya lang ang kapakanan mo. Huwag ka naman magalit sa kanya nang ganyan.” Tumango muli ito. Matalino si Rafa. Alam niyang naiintidihan nito ang punto niya. “Inumin mo na iyang hot choco mo. Lumalamig na.” “Bakit ka nagpunta sa bahay? ‘Yong totoo?” Siya naman ang nanlamig sa kaba. Hindi ba na-absorb nito ang sinabi niya kanina? O gusto lang nitong ipaulit sa kanya na nag-aalala siya rito? “Here! Draft ng program sa Talent Show. Nandyan na rin ang ibang plans tungkol sa invitation at decorations.” Sabi niya sabay bigay ng papel dito. It was the next big convincing reason she could think of. “Looks good. You’re smart enough to do it by yourself.” “Of course! I know I got something in me.” She likes it when they start bickering again. It feels so normal that way. “Pero aminin na natin, mas matalino ako sa iyo.” Sagot naman nito. Tumaas ang kilay niya. But she knew he would say that. Si Rafa ang tipo ng hindi susuko agad sa tagisan nilang dalawa. “Matalino...Sige na. Balato ko na iyan sa iyo. Pero hindi naman puro talino lang diba?” Tumawa na lang ito. “Tama ka! Kaya ano pa bang hahanapin mo sa akin. Matalino, gwapo at matikas.” “Ang lakas talaga ng hangin dito. Hindi lang yata to dahil rainy season. Bagyo na ‘to!” “Bakit mo ba idine-deny ang nararamdaman mo sa akin? If I know, you find me handsome.” “Mahangin, oo.” “Insecure ka sa mga kakompetensya mo sa akin.” “Wala akong pakialam sa mga nagkakagusto sa iyo.” “Alam ko mahal mo ako.” Natigil siya nang bahagya pero di siya nagpahata. “F-feeling mo lang iyon.” She found herself smiling with the bickering they do. It wasn’t the same like before but this time she found it much sweeter. Aminin man niya o hindi lahat ng sinabi ni Rafa ay may sense. But when he said she’s in love with himsa tingin niya ay wala nang mas totoo pa rito. NAGPALAKPAKAN ang mga estudyante, guro at mga magulang nang matapos ang Talent Show nila. May mga nakakabilib na biritan, tugtugan ng banda, comedic acts, sayawan at marami pang iba. Kahit puppet show nga ay mayroon sila kaya wala nang mahihiling pang iba ang mga manonood. “Nang sinabihan ko ang adviser niyo na kayo ang gawin director ng talent show medyo kinabahan pa ako. Pero ngayon ay naburang lahat ng inhibitions ko. You two did a very good job!” Hindi mawaglit sa mga labi nila ang ngiti habang palabas ng classroom ang principal nila. Hindi niya pa rin siya makapaniwala sa papuri na ibinigay nito sa kanila. It was a victory for the whole class but it was also a victory especially for them. “Rafa, we made it!” Ecstatic, she closed the distance between them and threw her arms around Rafa. Siya man ay nagulat sa sarili at gayun din si Rafa. Ngunit sandali lamang iyon. Nang makahuma ay naramdaman din niya ang mga braso nito na lumapat sa likod niya. Pagkatapos ay binuhat siya nito at masayang umikot ikot. Nang tumigil ay napatitig sila sa isa’t isa. Nandoon pa rin ang saya sa mga mata nito. At malamang ay ganoon din sa kanya. And everything in the past suddenly feels like a funny memory. Sa tingin niya ay nawala na talaga ang pangit na nakaraan nilang iyon bilang magkaaway. At napalitan ng bagong emosyon. And now she’s certain. She likes Rafa. She likes him more than she has hated him before. The good thing is that Rafa likes her too. And she’s willing to give them both a chance. Pero paano na si Mama? Paano na ang pangarap nitong maging madre siya? “Girl, nakita ko sa armchair mo.” Masayang sabi ni Kristel sabay abot sa kanya ng isang stem ng white rose. Ilang beses na rin siyang nakakatanggap niyon mula umano sa ‘secret admirer’ niya. “Salamat, girl.” Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa kaibigan. Na-gets agad iyon ni Kristel dahil nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang katabi kundi Rafa. “Pansin ko, marami ka nang natatanggap na white roses.” Wika ni Rafa nang makaalis na si Kristel. Lihim siyang napangiti. You think hindi ko alam? “Oo nga, hindi naman nagpapakilala. Ewan ko ba dito.” “May note pa oh. Basahin mo nga.” If I know. Sus... Ang luma ng style mo ha. Tahimik niyang binasa ang note na kasama ng white rose. Natutop niya ang bibig sa pagkabigla. Pero kinalma niya ang sarili. Hindi siya maaring maging masyadong obvious kay Rafa na may gusto rin siya dito. Siyempre, magpapakipot pa rin siya. “Makikipag-eyeball na siya sa akin. Ang luma ng style.” “Hindi mo type?” “Ah hindi naman sa hindi ko type. ‘A’ for effort naman din itong secret admirer ko. Kaya pagbibigyan ko na.” “Sugurado ka?” “Why not? I think walang masama kung makikilala ko siya.” “Kailan mo siya i-me-meet?” “I’ll just leave a note for him para malaman niya kung kailan at saan.” If I know, excited ka rin sa eyeball natin. Nakapagdesisyon na siya. She’s really determined to accept Rafa now. At sana ay matanggap iyon ng nanay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD