Chapter 8

1379 Words
“Magde-deliver muna ako,Olive. Ikaw muna bahala dito.” Masayang wika ni Phillip habang inaayos ang mga roses na idi-deliver nito. Ang dami kasing bumibili at nagpapa-deliver ng roses mula sa kanila dahil na rin iyon sa dami ng mga taong dumalo ng Spring Festival ng kanilang paaralan. Mula sa family ng students, alumni ng school at iba pang guests ay punong puno ang school ground ngayon. “Okay, ako na bahala dito.” Pagkasabi ay inihatid na lamang niya ng tingin si Phillip. She sighed looking at him. Kahit ilang beses na niyang sinabi rito na wala siyang planong makipagnobyo ay ipinipilit pa rin nitong maging magkaibigan na lamang daw sila. And she couldn’t shoo him away dahil ayaw din naman niyang maging heartless. Pababayaan na lamang niyang ito na mismo ang magsawa sa pangbabasted niya. “O, Kristel? Ba’t ang tagal mong nakabalik?” Tanong niya sa kaibiganna kadarating lang mula sa pagde-deliver ng bulaklak. “May dinaanan lang ako. O ano? umusta ang business natin habang wala ako?” Tanong ni Mona. “Mabenta talaga ang roses natin. Ang dami kasing in-love ngayon.” “Pansin ko nga. Ay girl! Magsuklay ka nga at mag-retouch. Oily ka na.” “Ha? Gano’n na ba ka-obvious?” Dahil sa sinabi ng kaibigan kaya kinuha agad niya ang bag niya at bumunot doon ng salamin. Maaring dahil kanina pa siya nagbebenta kaya pinagpapawisan na siya. Sinipat niya ang sarili sa salamin. “Hindi naman ah.” “Meron. Teka, tissue nga.” Ilang sandali pa ay nilagyan na siya ng kaibigan ng pulbo. Inayos rin nito ang buhok niya at pinaliguan pa siya ng pabango. “Tada! Iyan, okay ka na.” “Ang OA mo naman. Para magbenta lang ng roses kailangan super prepared?” “Oo naman. Para maengganyo ang mga customers.” “Sabagay.” Muli siyang nagbalik sa pag-aayos ng mga roses nila nang may customer na dumating. Si Mark pala iyon na kaibigan ni Rafael. “O,Mark. Bibili ka?” Tanong niya rito. “Hindi, may sinusundo lang ako.” “Sinusundo? Para saan?” “Para sa ‘Love Cuff’.” “Anong ‘Love Cuff’?” “New version ng Love Knot.” Paliwanag nito. “Ahh...” Napalingon siya sa magkabila niya ngunit walang siyang nakikitang iba kundi silang dalawa lang ni Kristel. “Naku, Kristel. Huhulihin ka ata.” “Hindi naman si Kristel ang pinunta ko.” “Sino?” “Ikaw Olive.” NANGANGALAY na ang kamay ni Olive habang nakaposas kasama si Rafa. Kahit plastic lang ang posas ay matigas pa rin iyon. Ilang minuto na rin ang dumaan mula nang dakpin sila at magkasamang iposas niMark. She’s bound to be handcuffed with him for three hours. Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ni Kristel sa kanya. Ito kasi ang nagbayad para i-love cuff silang dalawa ni Rafa. Nalaman lamang niya ito nang ibunyag ito ni Mark kanina habang pinoposasan sila. Bigla tuloy siya natakot baka isipin ni Rafa na siya ang may pakana niyon. Siyempre’t malapit silang dalawa ni Kristel. Inayusan pa siya ng kaibigan niyang iyon bago siya kunin ni Mark. Hindi malayong isipin ni Rafa na siya talaga ang nagplano nito. “Puntahan natin si Kristel. Ipabawi natin sa kanya ang ginawa niyang ito.” Suhestiyon niya kay Rafa. Naiilang na kasi talaga siyang kasama ito. Bukod sa hindi ito nagsasalita ay natatakot siyang baka marinig na nito ang tindi ng kabog ng dibdib niya. Only Rafa made her feel that crazy thumping of her heart. Hindi pa rin kasi nawawala ang nararamdaman niya para dito. “Malaki ang binayad niya. Sigurado akong hindi siya papayag na bawiin niya ito.” She already knew what Kristel is thinking. Naalala nga niya nitong huli na nai-share niya rito ang himotok niya sa sweetness nina Rica at Rafa. And how unfortunate of her to keep liking him even though he has someone else. “Mark, magkano ba ang babayaran namin kung gusto naming tanggalin to?” Tanong niya kay Mark na nagbabantay ng Love Cuff Booth. “Thrice the amount she paid. Since, she paid one hundred. Three hundred ang babayaran.” “Three hundred? Ang mahal naman!” Protesta niya. Isang lingo na niya iyong allowance. “That’s the rule. Sorry, Olive.” Napatingin siya kay Rafa na tila hindi interesado sa conversation nila ni Mark. “Uy, three hundred daw ang babayaran natin. May pera ka ba diyan? Maski one fifty na lang. Hati tayo.” “Wala akong pera.” Deretsong sagot ni Rafa na mas lalong ipinanlumo niya. “Paano ito? Nakakangalay na.” Palusot niya. Hindi rin naman niya kayang sabihin sa mukha nito na nahihiya siya. “Hintayin na lang natin na matapos ang three hours.”Suhestiyon niRafa. “Ha? Ang tagal naman. So tatlong oras tayong uupo dito?” “Bakit may gusto kang puntahan? Pwede tayong umalis muna dito.” Umiling na lamang siya. Paano sila makakapaglakadlakad ngayong makikita ng lahat na naka-handcuff sila? Ano na lamang ang sasabihin ng girlfriend nito? “Kuya Mark!” Isang magandang babae ang dumating at niyugyog ang kaklaseng lalaki. Kilala niya ito. Nakababatang kapatid ito ni Mark na si Kaye. Isa itong third year student sa eskwelahan nila. “Ano?” Tila nakukulitan na sagot ni Mark. “Gusto ko rin niyan!” Tinuro nito silang dalawa ni Rafa. “Sige na kuya. I-love-cuff mo kami ng crush ko. Magbabayad ako.” Inilabas nito ang wallet. Natawa siya kahit papano sa eagerness nito. “Hindi pwede. Mahal ang love cuff. Isang libo para sa’yo.” Humaba ang nguso ni Kaye. “Sige na kuya...” Akmang aalis si Mark nang habulin pa rin siya ni Kaye. Naiwan tuloy silang dalawa ni Rafa. At least Kaye knows who she wants. Ikaw, Olive, do you know what you want? Of course she does. She wanted to turn back the hands of time. Talagang mas nanaisin niya ang pagiging archenemy nila ni Rafanoon kaysa ngayong tila may cold war sa kanilang dalawa. Halos mabingi na kasi siya sa katahimikan na namamagitan sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas ay napaungol na siya sa pangangalay ng kamay niya. “Open your hand.” Nagulat siya nang biglang magsalita ito. “Ha? Bakit?” “Basta.” Kahit nalilito ay sinunod na lamang niya ito. Pero mas ikinagulat pa niya ang sunod na ginawa nito. He interlaced their fingers and held her hand tightly. Tama nga naman ito. Hindi na nga nakakangalay ang ganoong magkahawak ang kamay nila. Pero hindi naman niya maiwasang magtatalon ang puso sa tuwa at kaba. “Okay ka na?” Okay? Paano ako magiging okay eh gusto mo yata akong atakihin sa puso nito! “O-okay lang naman.” “Good. I want you to be comfortable, Ollie.” Her heart melted. “S-salamat.” “May utang kasi ako sa’yo kaya mabait ako ngayon.” Nalito siya. “Anong utang?” “When you treated me for snacks noong umuulan.” “Ahh...Wala iyon.” It has been months. Hindi pala ito nakakalimot. “So, mag-susundalo ka na ba?” Nagkibit balikat ito. “Hindi ko pa rin alam. Pero dahil sa payo mo, kakausapin ko si Papa. Sasabihin ko sa kanya ang gusto ko.” “That’s good to hear.” Mabuti pa ito at nakapagdesisyon nang sabihin sa ama ang tunay na pangarap nito. “Ikaw? Anong kukunin mo sa college?” Tanong nito sa kanya. “A-ako? Ah... Baka pumasok ako sa kumbento.” Agad napatingin si Rafa sa kanya. His forehead knotted as he stared at her face. “Seryoso ka?” Hindi pa rin makapaniwala ito. Tumango siya. “Weird ba kung magiging madre ako?” Ito naman ang tumango. “Really weird. But you have a good heart. I think it would suit you.” She smiled. “Thanks.” “Pero Ollie...Pwede kayang...” “Pwedeng ano?” “Ha? Ah...Wala. I’m happy you have that dream.” You don’t know what my real dream is Rafa. And I can’t tell you because you’re part of it. Pinigilan niyang hindi ipakita sa mukha ang lungkot ng puso niya. She will quietly move on. At gagawin niya iyon sa paraang alam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD