CHAPTER 9

1280 Words
“MAGPAKABAIT kayo ha? Makinig kay Sister Fe palagi.” Ginulo niya ang buhok ng mga batang ulila na hinahatid siya palabas ng gate ng St. LuciaHouse of Joy. After senior high, just as promised to her mom, she entered the convent. At dahil seventeen pa lamang siya noon ay hindi pa agad siya naging qualified maging candidate bilang madre. But the sisters were so kind to take her in the convent while she was studying literature in college. Naging working student siya sa kumbento para makabayad ng sariling tuition. Nang magtapos siya sa kolehiyo ay bente uno na siya. It was the right time for her to be finally accepted as a candidate. During the candidacy, she spent two years studying ministry and theology. Nang makapasa ay doon pa lamang siya nayanggap bilang novice nun. And now that she has spent her two years of her novice life studying to become a professed nun, binigyan siya ng Novice Mistress ng dalawang linggo upang makapag-reflect outside the convent. Ayon sa madre ay gagamitin raw niya ang dalawang linggong iyon para makapagdasal sa panginoon upang maliwanagan siya at lalong maging handa sa pagtanggap ng bokasyon ng pagmamadre. Kung siya ang tatanungin ay masaya naman siya sa buong panahong nanatili siya kasama ang mga madre. At mas lalong naging masaya siya dahil sa buong walong taon niyang pananatili sa kumbento ay naging guro din siya ng mga batang ulila. Binigyan siya ng mga ito ng kakaibang fulfillment sa puso. Pero sa loob-loob niya ay mayroon pa ring pagdadalawang isip. Hindi kasi niya maitatanggi na kahit lumipas na ang maraming taon ay mayroon pa ring hindi mawala-walang damdamin niya para sa isang espesyal na tao. Kaya naman malaking tulong sa kanya ang bakasyong ito para makapagdesisyon na nang maayos. “O sige na mga bata. Pumasok na kayo sa loob.” Utos ni Sister Fe sa mga bata. Nagpaalam naman ang mga ito sa kanya bago tuluyan silang iwan ni Sister Fe sa may gate. Di tulad niya na novice pa ay matagal na itong madre “Sister Fe, pwede bang magtanong? Saan ka nagpunta noong binigyan ka ng dalawang linggong ng bakasyon noong novice ka pa?” Medyo napapaisip siya kung anong gagawin niya at saan siya pupunta sa loob ng dalawang linggo. Nasanay na siya sa buhay sa kumbento sa loob ng walong taon. “Sa totoo lang? Hindi naman ako binigyan ng Novice Mistress noon ng panahon makapag-reflect. And I didn’t ask for it too. Nararamdaman ko rin naman kasi na ito talaga ang calling ko. Kaya pagkatapos kong maging novice, agad akong nag-take ng vow.” She wondered. Bakit siya ay binigyan pa ng dalawang linggo upang makapag-reflect? Did the Novice Mistress see something in her? “Should I wonder why the Novice Mistress gave me the two week vacation?” Hindi niya mapigilang itanong. Umiling si Sister Fe at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Everything has a reason. Pero isipin mong lahat ng ito ay parte ng gusto ng Diyos. He has a greater plan and the Novice Mistress is just a means to it.” Tumango siya. Naniniwala din naman siya sa sinabi nito. The Lord alone is whom she’ll trust. Nagpaalam na siya sa madre bago niya binuhat ang sariling bag. Still without a plan she took the passing jeep headed to the bus terminal. Ipinagdasal na lamang niya sa Diyos na ito ang magdadala sa kanya kung saan siya dapat magpunta. HER old High School is larger now than it was ten years ago. Maraming gusali ang itinayo sa gilid ng main building kung saan sila nagkaklase noon. Pero kahit may malaking pagbabago sa anyo ng eskwelahan ay hindi pa rin niya maitatanggi ang nostalgia na kanina pa niya nararamdam mula noong ibinaba siya roon ng bus na sinasakyan. She has no plans of going back to her old school, pero tila tadhana na rin na dumadaan dito ang bus na sinakyan niya pauwi sa kanila. And like an impulse, she found herself asking the driver to drop her off the school. Tahimik ang paligid dahil Sabado. Napangiti siya nang bigla niyang naisip kung kasing ingay din ba nila noon ang mga estudyante ngayon. And just like a river, the memories of her high school days rushed through her. It should be a good memory to cherish, pero hindi niya alam kung bakit tila may kurot sa kanya ang mga alaalang iyon. Napasinghap siya nang marating ang Grade 12 classroom nila. Marami sa mga gamit na nandoon ay iba na. Pero may mga bagay pa rin na hindi napalitan roon. Ang pintuan, bintana at upuan ay ganoon pa rin. And she can help but remember more things from the past. The white rose... Ipinilig niya ang ulo. Hindi kasi mabuti ang pakiramdam niya tuwing naaalala ang tungkol sa bulaklak na iyon. “Excuse me, Sister.” Napalingon siya sa gilid niya at doon na niya napansin ang isang naka-uniporme na security guard. She was astounded when she recognized him. “Manong Guard?” Kumunot ang noo ng gwardia na mukhang hindi na maalala siya. “Manong, si Olive po ito.” The guard seemed more confused but it was just brief. Ngumiti ito ng malapad at tumango-tango. “Olive? Ikaw ba ‘yan?” “Opo, Manong.” “Madre ka na ngayon? Hindi ako makapaniwala.” “Masyado bang pangit ang reputasyon ko noon kaya hindi niyo po akalaing magma-madre po ako?” Tumawa ang gwardia. May iilang wrinkles na ito sa gilid ng mata. Dala na rin siguro ng pagtanda. “Hindi naman. Naaalala ko pa kasi kung ilang beses ko kayong naihatid sa principal’s office noon. Ang gugulo niyo kasing mga bata kayo. Ikaw pati na si Rafa.” She felt a sharp pain in her chest when she heard the old man spoke of Rafa. Huminga siya ng malalim upang maalis ang hinding magandang pakiramdam na iyon. “Ah...Oo nga po. Ang kulit namin noon.” “Teka, bakit ka nga ba nandito Sister Olive?” “Olive na lang po. Hindi pa rin naman po talaga ako madre pa. Pero malapit na rin.” Ngumiti ang gwardia. “Ganoon na rin iyon. Pero hala sige. Olive na lang ulit ang itatawag ko sa iyo.” “Napadaan lang po ako dito. Tumitingin-tingin sa paligid kung may nagbago ba. At mukhang marami ngang nagbago.” “Siyempre, maraming magbabago dahil ilang taon na rin nang gumradweyt kayo.” “Kaya nga medyo weird ang pakiramdam eh.” “Teka, kasama ka ba doon sa mga iinterbyuhin ng media ngayon?” Siya naman ang kumunot ang noo nang marinig ang tanong ng matanda. “Po? Ano pong interview?” “Ah, hindi ba? Kasi naka-schedule na gagawa ng documentary para sa buhay ni Kristel. Iyong batch mo na Miss World?” “Si Kristel?” Tila may nabuhay na excitement sa loob niya. She never had seen Kristel in like four years since she became a candidate in the convent. . Alam naman niyang nanalo ang kaibigan sa Miss World. Pero hindi pa niya ito nakakausap dahil mula noong nagtapos sila ng college ay nagkahiwalay na sila ng landas. “Oo. Nandoon sila sa gym dahil kumukuha ng video doon ang mga reporter.” Agad siyang nagpaalam sa matanda upang puntahan si Kristel sa gym. It was the one of the strangest coincidence she ever had in her life. Ang galing niyo po talaga, Lord. Kaya pala pinahinto niyo ako dito sa school. She can’t wait to see her old friend. Maybe this is the reason why she was given the vacation. And she can’t help but to feel more blessed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD