“ANG dami mong puwedeng gawing experience,” ani Kaizen kay Aniah matapos nilang mag-dinner. “Pero hindi ko pa rin ma-gets kung bakit pag-wi-waitress ang napili mo.” “Bakit ba mas mukha kayong problemado kaysa sa akin?” gagad niya sa kapatid. “I’m just wondering. Okay. It’s my fault. Dinala pa kita sa The Kings. Kung ano-ano tuloy ang naiisipan mo. At pinagbawalan mo pa talaga akong pumunta roon.” “At ano naman ang gagawin mo doon? Ibubuking mo ako sa mga workmate ko na may kapatid akong billionaire?” Ngumiti sa kaniya si Kaizen. “Magkakape.” Pinaningkitan naman ni Aniah ng mga mata si Kaizen. “Kilala kita, Kaizen. Malakas din ang sapak mo sa utak. Baka mamaya, bigla ka pang magkalat doon. Don’t you dare.” Mukhang hindi pa tapos sa pangungulit sa kaniya si Kaizen dahil may pagsunod pa