Chapter 17

2014 Words

“EVO, bakit ba kailangan mo pa akong isama sa kakainan mo? I told you, diet ako ngayon,” giit pa ni Aniah sa binata. “Diet?” gagad pa ni Evo sa sinabi ni Aniah. Bahagya pa siya nitong nilingon bago ibinalik ang tingin sa daan. “Kailan ka nag-start mag-diet? Kahapon nang tanghali? Nakadalawang mangkok ka pa nga ng lugaw kahapon ng umaga. Imposibleng diet ka sa lagay na ‘yon. Isa pa, kulang na lang ay pangdalawahang tao ang kain mo sa lunch break.” Napakurap-kurap si Aniah. Pati ba naman iyon ay napansin ni Evo? Lihim siyang napalunok. Mukhang wala ring balak si Evo na bitiwan ang kaniyang kamay. Nang pagmasdan niya ito, wala rin siyang nakitang hawak nito na bag na posibleng kinalalagyan ng maluto nito. “Wala ka bang dalang lunch mo?” usisa pa niya. “Wala.” Nagkataon lang ba iyon? Hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD