Chapter 05

1805 Words
NAGKATINGINAN ang mag-asawang Karzon at Tanya sa sinabi ni Aniah sa mga ito. Unang nakabawi ang ina ni Aniah. “A-anak, seryoso ka? Sobrang bored ka ba kaya naisip mo ‘yan?” Buhat sa pagkakatingin sa kaniyang magkahawak na kamay ay saka lang umangat muli ang tingin ni Aniah sa kaniyang ina. “Seryoso po ako.” Saka lang nagawang tumikhim ni Karzon. “Aniah, anak, ang dami mong puwedeng gawin. Gusto mo ba, magpatayo tayo ng sariling coffee shop at ‘yon na lamang ang i-manage mo? Kaysa naman gustuhin mo ang ganoong klase ng trabaho.” Nagpaalam kasi siya sa mga magulang niya na parang gusto niyang sumubok magtrabaho sa isang coffee shop bilang isang empleyado lang. Susubukan lang niya kung maganda ba o hindi? May isa pa rin siyang malalim na dahilan. Isang linggo na naman kasi ang matulin na lumipas at kay dami niyang naisip na gawin. At isa na nga roon ang sumubok ding magtrabaho. Lalo na kung ano ang pakiramdam nang nasa middle class. “Wala naman po akong nakikitang mali sa gusto ko, Dad.” “What? Wala kang nakikitang mali? Anak, ang gustuhin pa lang na mag-apply sa ganoong klase ng trabaho, mali na. Hindi ako nagpakapagod sa pag-ma-manage ng family business natin ng maraming taon kung doon ka lang babagsak.” “Dad, hindi naman forever, eh. Experience lang,” giit niya. “Sa Lucena ko po gustong mag-work para naman hindi ako makilala agad na anak ninyo o kapatid nina Kuya Uno.” Tumayo na ang Daddy Karzon ni Aniah. “Ipahinga mo muna ang sarili mo, Aniah. O kaya naman, mag-travel ka. Kung ayaw mo sa abroad, bumisita ka sa Cebu o Davao. Libangin mo ang sarili mo. O kaya naman mag-asawa ka na.” Napaawang ang labi ni Aniah sa huling sinabi ng kaniyang ama. “Dad, gusto ko lang mag-work bilang waitress. Pati pag-aasawa ay nagawa pa talaga ninyong isangat.” “It’s a no for me.” “Sa akin din,” anang mommy ni Aniah. Napabuntong-hininga si Aniah nang iwan siya ng kaniyang mga magulang sa study room. Mukhang bokya siya sa kaniyang plano. Pagkalabas niya sa study room ay sakto naman na makakasalubong niya ang kaniyang Kuya Tres. Gusto sana niyang humingi nang tulong dito para mapapayag ang mga magulang nila ngunit nagbago ang isip niya. “Totoo ba ‘yong sinabi nina Mommy?” Napahinto si Aniah sa paglalakad dahil sa bungad na iyon sa kaniya ni Tres. “H-ha?” “Gusto mo raw mag-apply bilang isang waitress sa isang coffee shop sa Lucena?” Nasabi na agad dito ng mga magulang nila? Hayon na naman ang pagbuntong-hininga ni Aniah. Tumango siya. “Pero ayaw nila. Gusto ko lang namang ma-experience ‘yong ganoong klase ng work.” “Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon. Puwede naman kaming mag-open ng coffee shop para sa iyo.” “Kuya, gusto kong ma-experience ‘yong work na may amo ako na hindi naman ako kilala.” “Walang hindi makakakilala sa iyo, Aniah.” “Kayo ang mas kilala, Kuya. Hindi naman ako.” “Isa kang Montejero.” Oo nga pala. “Ahm, puwede naman sigurong magpagawa ng resume na iibahin ‘yong iba kong details? Saka, pekeng mga ID?” “Bigyan mo ako nang isang matinding dahilan, Aniah. Baka sakaling gawan ko ‘yan ng paraan.” Biglang nagliwanag ang mukha ni Aniah. “Really?” Humalukipkip si Tres. Kapag kuwan ay sumandal sa pader ng hallway. “Hmm.” “Well, gusto ko lang talagang ma-experience ‘yong klase ng buhay na malayo sa atin. Kung ano rin ba ‘yong pakiramdam na maging waitress. Since mahilig akong kumain din naman sa labas. Alam mo ‘yon? Gusto ko ring maranasan kung ano ang ginagawa nila. Sigurado ako, madadala ko ‘yong experience na ‘to hanggang sa pagtanda ko.” “Aniah, baka nga paghawak ng basahan para punasan ang table, hindi mo magawa? Mandiri ka? Paano kung makabasag ka pa? Eh, ‘di first day of work mo pa lang ay tanggal ka na?” “Kuya, tanggal agad? Wala bang second chance?” “Ipagpalagay na binigyan ka pa ng second chance.” “Kapag nagkamali ulit ako at tinanggal, then, titigil na ako. Saka gusto kong matuto.” “Ang dami mong gustong matutuhan, ‘yon pa?” “Kuya, sige na. Pumayag ka na. Gawan mo ‘to ng paraan.” “Na-i-imagine ko pa lang, it’s a no na kaagad, Aniah.” Kung ganoon, hindi rin niya mapapapayag ang Kuya Tres niya? Halos maluha na iniwan niya ang kapatid. Para bang walang gustong sumeryoso sa kaniyang gusto. GUMUHIT ANG MATAMIS na ngiti sa labi ni Aniah nang makarating sa The Kings. Hindi rin nakatiis sa hindi niya pamamansin ang Kuya Tres niya. Ito pa ang gumawa nang paraan para magawa niya ang gusto niyang trabaho at mapapayag ang kanilang mga magulang. Ibinalita nito sa kaniya kahapon na ngayon ang unang araw niya sa kaniyang trabaho sa The Kings. Sinikap din nito na walang makakaalam sa kaniyang totoong identity. Na isa siyang Montejero. Hindi naman matunog ang pangalan niya kaya malamang na walang makakaalam na isa siyang Montejero. Mga Kuya lang naman niya ang sikat dahil UHB Men ang mga ito. Well, sa high society, marami ang nakakakilala sa kaniya. Pero tingin naman niya ay walang maliligaw sa The Kings na taga-Pagbilao City. Aniah Silvila, iyon ang kaniyang buong pangalan sa lugar na papasukan. Gamit niya ang apelyido ng kaniyang ina noong ito ay dalaga pa. Light lang din ang kaniyang ayos para simple lang ang dating. Simple yet very beautiful. Napagtanto niya na bagay din sa kaniya ang uniform ng The Kings. Kahit na ano naman ang isuot niya ay bumabagay sa kaniya. “Ikaw ba si Aniah Silvila?” agad pang tanong sa kaniya ng babaeng sumalubong sa kaniya sa loob ng The Kings. Sheryl ang pangalan niyon. Nakita niya sa suot nitong nameplate. “Opo,” nakangiti naman niyang wika. Napa-second look pa ito sa kaniya. “Naging costumer ka na ba rito?” “H-ho?” kunwa’y taka niyang tanong. Kapag kuwan ay nakangiting umiling. “Hindi ko po afford ang kape rito,” pagsisinungaling pa niya. “Pero afford mo ang magpalagay ng nail extension?” Napatingin kaagad si Aniah sa kaniyang mga kuko. Lihim siyang napamura dahil sa ganda nga naman ng kaniyang kuko. Tapos hindi afford ang kape sa The Kings. “Ah, ito po?” aniya na ipinakita pa rito ang mga kuko niya. “‘Yong kapitbahay ko po kasi na nagtatrabaho sa nail salon, sinubukan ‘yong bagong design nila para sa shop nila. Kamay ko po ang ginamit. Side line na rin po.” “I-nail cutter mo ‘yang kuko mo. Masyadong mahaba.” Sa isip ay nanglaki ang mga mata niya. Bumaba pa ang tingin niya sa mga kuko niyang natural ang haba at ganda ng hubog. Puputulin niya ang kuko niya? Oh, my God! Aniah! Ginusto mo ‘yan kaya panindigan mo! Napalunok si Aniah. “S-sige po.” “‘Yon ang una mong task. Pag-okay na ‘yong kuko mo at hindi na mahaba, puwede ka ng mag-training muna. Panoorin mo kung ano ang ginagawa ng mga kasama mo para matuto ka. Maliwanag ba?” “Opo,” nakangiti pa niyang tugon. Binigyan din si Aniah ng name plate, bukod sa nail cutter. “Doon ka sa likod mag-nail cutter.” Dahil hindi naman niya alam ang daan papunta sa likod na tinutukoy ni Sheryl, kaya ito na rin ang nagsama sa kaniya roon. “Bilisan mo riyan,” bilin pa ni Sheryl sa kaniya bago siya roon iwan. Nang mapag-isa naman si Aniah ay napatitig pa siya sa nail cutter. Iniisip niya kung paano iyon gamitin? Hindi naman siya marunong. Dahil simula’t sapul ay mayroong nail salon na nag-aasikaso ng kaniyang mga kuko sa kamay at paa. “Matagal ka pa raw ba diyan?” Napakislot si Aniah nang marinig ang nagsalitang iyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay natigilan pa siya nang makita ang mukhang iyon. Kung bakit para bang sinipa ng kabayo ang dibdib niya. Kumunot ang noo ni Evo nang makita siya. Bumaba pa ang tingin nito sa suot niya bago ibinalik sa kaniyang mukha. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” taka nitong tanong. Paano kung sabihin nito kay Sheryl na customer siya roon? Baka sabihan siyang sinungaling. “Nakasuot ka pa ng uniform dito.” Napalunok si Aniah. “Magkakilala ba tayo?” kunwa’y tanong pa niya. “Ngayon lang kita nakita. Kaya ‘wag kang umasta na para bang kilala mo ako.” “Naubusan ka na ba ng pambili ng kape at—” Agad na itinakip ni Aniah sa bibig ni Evo ang kaniyang kamay. “Ang ingay mo. Sinabi na ngang ‘wag kang maingay. Never tayong nagkita sa buong buhay natin. Ngayon lang. Maliwanag ba?” Inalis naman ni Evo ang kamay niyang nasa bibig nito. “Ano’ng trip mo?” hindi pa rin tumitigil na paninita nito sa kaniya. “Just shut your mouth,” aniya na mas pinoproblema ngayon ang kuko niya. Kung paano ba iyong mani-nail cutter? “Marunong ka ba nito?” tanong niya kay Evo na ipinakita pa rito ang nail cutter. “Hindi mo alam kung paano gamitin ‘yan?” taka pa nitong tanong sa kaniya. Umiling siya. Lalo itong napapalatak. “Ah, rich kid ka nga pala. ‘Di ba nga, kaya mong bilhin ang lugar na ‘to?” Nang-aasar ba talaga ito sa kaniya? Hindi talaga tumitigil ang bibig nito. Ang sarap lagyan ng zipper. “Hindi ka ba titigil?” O baka naman hindi pa rin ito maka-move on sa mga encounter nila kaya naman nananadya ito sa kaniya ngayon? Baka naman iyon na ang una’t huli niyang araw sa lugar na iyon? Huwag naman sana. “First of all, wala akong pakialam sa iyo,” ani Aniah kay Evo. “Kaya ‘wag ka munang umeksena kung gustuhin ko mang magtrabaho rito. Gusto ko ng experience.” “Sa lugar na ‘to?” “Hoy, baka naman isipin mo na dahil sa iyo? ‘Wag kang assuming, ha? Gusto ko ‘yong ambience ng lugar na ‘to saka ‘yong kape nila rito kaya ito ‘yong napili kong lugar.” “Tss,” tanging reaksiyon ni Evo bago siya iwan. Nasundan naman ni Aniah ng tingin si Evo. Kapag kuwan ay saka lang niya nagawang huminga nang maluwag. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib at napalunok. Hindi niya expected na naroon pa si Evo. Buong akala niya nag-iba na ito ng trabaho. O baka naman sideline lang din nito iyong sa Mall at sa Pagbilao City?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD