PARA BANG ayaw ng tumuloy ni Aniah sa pagsunod kay Evo nang makita niyang lumiko ito papasok sa isang eskinita. Kung saan dikit-dikit ang mga kabahayan. Humigpit ang kapit ni Aniah sa kaniyang shoulder bag at dalang lalagyan ng kaniyang lunch box at inumin. “Tama pa ba itong ginagawa mo, Aniah?” kausap pa niya sa kaniyang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. Iyon ang unang pagkakataon na naglakad siya sa ganoong klaseng lugar. Palibhasa, sanay siya sa kanilang village o ‘di kaya naman ay sa mga nagtataasang gusali sa Pagbilao City. Kakaiba itong lugar na napuntahan niya. Sa ganitong klaseng lugar ba talaga nakatira si Evo? “Naliligaw ka yata, Miss?” nakangisi pang tanong sa kaniya ng naraanan niyang binata. “H-hindi,” sagot niya na nagmamadali ng naglakad palayo roon. Mayroon pa si