NAPAHINTO sa paglalakad si Aniah nang bigla na lamang sumulpot sa kaniyang daraanan ang kaniyang Kuya Dos. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. “Kuya,” apila niya dahil ginulat siya nito. “Bakit parang wala kang balak mag-quit sa pinasok mong trabaho?” seryoso pang tanong ni Dos sa kaniya. “Kuya, sinabi ko naman sa inyo na gusto kong magtrabaho na iba ang amo. ‘Yong hindi ako ituturing na boss o VIP dahil lang isa akong Montejero. Disney Princess no more, Kuya Dos.” “Kung ganoon, masyado mong ini-enjoy ang trabaho mo.” “Mukha bang hindi?” “What do you want? Makapasok sa loob ng UHB Leisure Club o magpatuloy sa trabahong pinasok mo?” UHB Leisure Club? Natigilan na naman si Aniah dahil sa inilalatag na offer ng kaniyang kapatid. “Papayagan mo akong makapasok sa loob