INAGAHAN ni Aniah ang pagpasok kinabukasan sa The Kings. Alam naman niya na sa isang negosyo, bawal ang late. Lalo na at ang mga panganay niyang kapatid, ang isa sa mga motto ng mga ito ay Time is Gold. Naka-ponytail ang kaniyang buhok at may clip pa siya sa gilid ng kaniyang buhok na kulay puti. Inaasar pa nga siya kanina ni Dos na para daw siyang estudyante at hindi empleyado na papasok sa trabaho. Hinayaan na lamang niya dahil ayaw niyang masira ang maganda niyang mood para sa araw na iyon. Sinigurado din niya na mabangong-mabango siya. Hindi rin siya nakalimot na magdala ng lunch box. Chicken Adobo ang kaniyang pinaluto para sa lunch niya. “Good morning po,” nakangiti pang bati ni Aniah nang makasalubong niya sa may back door ang kanilang store manager na si Miss Chu. “Good mornin