NANG makabawi si Evo mula sa pagkakayakap ni Aniah ay saka lang din nito nagawang magsalita. “Iilang minuto lang akong nawala, Aniah. Imposible namang na-miss mo agad ako?” “Hindi kita na-miss,” agad niyang sagot. “Bakit may pagyakap ka pa?” “Natatakot ako. Paano kung totoo ‘yong sinabi mo kanina na hindi naman safe na matulog dito? Paano kung habang natutulog ako, bigla na lang may masamang loob na pumasok dito para gawan ako ng masama?” Nagpakawala nang isang buntong-hininga si Evo. “Sa susunod, matuto kang mag-ingat sa sarili mo. Masyadong malakas ang ulan sa labas kaya hindi rin ako makaalis.” Maulan pa rin sa labas? Sabagay. Baka katulad na naman kahapon na halos ayaw ng tumila ang ulan. Saka lang nagawang kumalas ni Aniah mula sa pagkakayakap kay Evo. “Kung okay lang sa iyo,