NANG makabawi si Aniah ay nagbawi siya ng tingin at sinikap kumuwala sa pagkakaalalay sa kaniya ni Evo. “Bitiwan mo ako.” Pero bago siya bitiwan ni Evo ay inalalayan muna siya nito sa pagtayo. Ayaw niyang lumingon. At kung maaari, ayaw niyang makita si Evo. May kirot man siyang nararamdaman sa kaniyang isang paa ay tiniis muna niya. Sinikap niyang makapaglakad palabas sa naturang bar. Wala na siyang pakialam kung makita man siya ng mga katrabaho niya sa The King na nag-aabang ng dadaang taxi sa lugar na iyon. Ngunit kay linis ng kalsada. Napakadalang ng nadaang sasakyan. Kung may dumaan man ay private vehicle pa. Nararamdaman na niya ang tama ng alak sa kaniya kaya gusto na rin niyang makauwi. Nahihilo na siya. Hilo na sinisikap niyang labanan. Kung mag-ho-hotel naman siya, hindi puwe