NAGULAT si Aniah nang sa paglabas niya sa kaniyang silid ay bumungad sa kaniya ang bungkos ng mga pink na rosas. Sa sobrang laki ng bouquet, halos hindi na niya makita kung sino ang may hawak niyon. “Wow,” bulalas niya dahil napakaganda naman talaga ng bulaklak na iyon. Lalong lumawak ang ngiti ni Aniah sa kaniyang mga labi. “The way you react, mukhang nagustuhan mo.” Nabura lang ang ngiti ni Aniah sa kaniyang mga labi nang sumilip ang mukha ng kaniyang Kuya Tres. “Umuwi ka na pala, Kuya Tres.” Ngumiti ito sa kaniya. “For you.” “Ano ‘yan? Peace offering? Suhol?” Umiling si Tres. “Hindi. You’re doing well sa work mo. Deserve mo ‘to.” Nakasimangot na hinawakan niya ang bouquet at sinamyo ang bulaklak. “Anyway, thank you for the flowers, Kuya Tres. Ikaw na ang magpasok sa room ko at