IYONG mabilis na kabog sa dibdib ni Aniah ay hindi pa rin nawawala. Hindi rin naman kasi niya inaasahan na bago matapos ang araw na iyon ay muli niyang makakasama si Evo. Sinulyapan pa niya ang binata na nasa labas ng tricycle ang atensiyon ng mga sandaling iyon. “Manlilibre ka ba ulit ng dinner?” biro pa niya kay Evo para lamang mawala ang tensiyon na nararamdam niya sa kaniyang dibdib. Saka lang nito nagawang magbaling ng tingin sa kaniya. At dahil magkalapit na magkalapit lang sila, halos dalawang dangkal lamang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. “Nasasanay ka naman sa libre.” “Ikaw ‘yong bigla na lang akong isinama papunta sa Chelary Mall. Dapat lang na ikaw ‘yong manlibre sa akin.” Tinaasan pa niya ito ng isang kilay. “Dapat pauwi na ako. At least, sa bahay namin, libre ang din