The Gods.
Mapapaikot na lang talaga ang mata ko kapag naiiisip ko ang pangalan ng banda na sinalihan ni Naia.
We were both taking Chemical Engineering pero nagawan pa rin niya ng oras na magkaroon at sumali sa mga banda. Lalo na nga at ngayon ay nakasali ang grupo niya sa Battle of the Bands.
I thought her the chords for the music na kakantahin nila. Hindi naman kasi siya ganun kagaling sa piano unlike me kaya nagpapatulong siya sa akin.
Kung alam ko lang na ako ang papalit sa kanya ay hindi na sana ako pumasok ngayong araw. Bad trip na bad trip pa naman ako kay Ricardo.
"Ayan maganda ka na! Basta maganda ka na!" Sinuklay-suklay pa ni Xyla ang buhok ko habang papunta kami sa backstage.
Inabot niya pa sa akin ang in-ear monitor na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Bahala na basta may magamit. Importante pa naman ito ngayon.
Nauna na kasi si Porsche para iinform ang band mates ni Naia na ako muna ang proxy niya.
"I can't believe this, Xy. Hindi ko hilig ito and you know that," reklamo ko pa rin habang tinitignan sa cellphone ang chords ng tutugtugin ko.
"Mananalo kayo, Jia! Ikaw ang pinakamagaling na pianista na kilala ko. Hindi mo lang talaga ginagamit yung skills mo!" sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya at ang hindi ko ugaling kaba ay naramdaman ko habang palapit sa backstage.
"Andito na pala sila." Narinig kong sabi ni Porsche.
My eyes drifted immediately to Naia's bandmates. Hindi ko sila kilala dahil wala naman akong planong kilalanin ang lahat ng tao na nakakasalamuha ko. Para saan pa ba?
"Siya? Marunong ba siya?" tanong ng isang lalaki na may hawak na bass guitar.
"Oo! Siya ang nagturo kaya kay Naia sa pagtugtog ng piano." sagot ni Porsche.
Tumango-tango naman ang isa pang lalaki na may hawak na drumsticks pati yung may hawak ng electric guitar, samantalang yung may ng Dreadnought guitar, familiar siya sa akin. Sa pagkakaalam ko ay siya yung vocalist ng banda nila. Siya rin ba ang leader? Kung ganun, ang pangit ng pangalan na naisip niya. Wala man lang twist. Parang hindi pinag-isipan.
"Jia, mga bandmates ni Naia. Sina Jeric..." turo niya sa lalaking nagtanong kung marunong ba ako.
"Si Neil," sa lalaking may hawak na drumsticks.
"Si Pao," sa lalaking may electric guitar.
"Tsaka si Bryce, yung vocalist nila." turo niya sa huling lalaki.
Tipid na tinignan ko sila at hindi nagsalita habang nakatingin sa kanya.
"Si Jia, guys. Magaling yan. Alam niya rin yung tutugtugin ninyo ngayon. Maniwala kayo sa kanya." dagdag pa ni Porsche.
Lumapit yung Bryce sa akin at nilahad ang kamay niya, "Make us win." sabi niya sa akin.
Tinignan ko lang ang kamay niya bago siya inirapan at nagpunta na sa harapan ng stairs dahil mukhang sila naman na ang susunod na tutugtog.
"Hindi naman kami nainform na may winter pala sa Pilipinas. Sana nakapagdala kami ng jacket ngayon." Narinig kong sabi ng kung sinuman sa mga lalaking naroon.
Hindi ba nag-iisip yung leader nila na iyon? Make them win? Ano ako judge? Titipa lang ako sa piano pero hindi ko hawak ang boses niya. Siya ang magpapanalo sa banda nila at hindi ako.
"Sorry, ganyan talaga si Jia." Narinig kong sabi ni Porsche sa kanila.
Kung kanina ay kinakabahan ako ay mas lumala ata iyon lalo na at magaling masyado yung naunang banda kumpara sa sinamahan ko.
"And of course, last but not the least...the most awaited band for the night. Let's all welcome, The Gods!"
Malakas na palakpakan ang narinig ko kasunod ang sigawan ng mga taong nanonood.
"Go, Jia! Break a leg!" sigaw ng mga kaibigan ko.
Nauna na akong umapak sa stage. Hindi naman ako kilala sa school na ito unless ay may sumigaw sa pangalan ko.
I'm wearing differently compared to the boys. They were all wearing a black button-down polo long sleeves na tinupi hanggang elbow. I'm wearing white! For God sake, litaw na litaw ako sa mga ito.
"Good evening ladies and gentlemen. We are The Gods." Pakilala nung vocalist sa grupo nila.
Nagsigawan ang mga babae na nanonood. Ganun ba sila kasikat? Hindi kasi ako sumasama sa mga trainings ni Naia kaya wala akong idea.
Nagkatinginan naman ang mga magkakabanda. Pinagtama muna nung Neil yung drumsticks niya ng tatlong beses.
Dahil familiar ako sa kanta ay ako na ang tunog muna sa piano ang umalingawngaw sa buong stage bago ang guitar and drums.
[It's beautiful, it's bittersweet. You're like a broken home to me. I take a shot of memories and black out like an empty street. I fill my days with the way you walk and fill my nights with broken dreams]
Gusto ko sanang matigilan dahil sa ganda ng boses ng vocalist nila. Mas maganda ang version ng kanta niya kumpara sa orihinal na kumanta ng kantang ito.
Pero iniwas ko na lang ang tingin ko at nag-focus sa pagtugtog ng piano. Nahirapan pa ako dahil naririnig ko sa in-ear na suot ko ang sigawan ng mga babae.
[Beautiful mistakes I make inside my head...She's naked in my bed...And now we lie awake, making beautiful mistakes...I wouldn't take 'em back...I'm in love with the past...And now we lie awake, making beautiful mistakes]
Hindi nakakatulong ang malakas na boses ng mga taga-hanga nila. Hinihiling ko na lang na hindi ako magkamali kaya sinisigurado kong nababasa kong mabuti ang bawat chords.
Alam ko naman at kaya ko naman tumugtog kaya lang ang ingay kasi talaga.
The song went on at siguro ay sadyang magaling talaga yung vocalist nila dahil nagawa niyang isali ag audience sa pagkanta nung awitin. Kung paano niya nagawa iyon, hindi ko alam.
[Nah-nah-nah (in my head)...Nah-nah-nah (in my bed)...Nah-nah-nah (yeah, yeah, oh-oh)...Making beautiful mistakes]
And the music ended!
Hindi naman ako pawisin pero dala marahil ng pressure ay tumagaktak ang pawis ko ng hindi ko namamalayan. I removed my in-ear na bumagsak sa balikat ko. Naia's bandmates walked forward at nag-bow. Hindi naman ako bandmate nila kaya hindi na ako nakisali pa tsaka hindi gugustuhin ng mga female fans nila na kasama ako ng mga hinahangaan nila.