I never felt this tired pagbaba ko ng stage. Hinding-hindi ko talaga gusto ang stage at ang limelight. Mas gugustuhin kung magkulong sa lab at pagsama-samahin ang mga chemical para makabuo ng kung anuman kaysa tumugtog.
It will never happen again.
Sinalubong ako nina Xyla at Porsche na pumapalakpak at aabutan sana ako ng towel at water bottle pero ang una kong inabot ay ang tali sa buhok na nasa kamay ni Porsche.
I tied my elbow length hair into high ponytail. Pawis na pawis ang batok ko! Nakakadiri! Inabot ko naman kaagad ang towel na binibigay ni Porsche.
"Ang galing mo talaga, Jia. Partida...wala pang practice yung ginawa mo," puri ni Xyla sa akin.
"Kaya nga! Nag-video kami nung performance niyo. Sinend namin kay Naia para mapanood niya," sabat naman ni Porsche.
Tumango ako sa kanila. Wala naman akong pakialam kung kumuha sila ng video or hindi. Ayoko naman na rin kasing balikan ang araw na ito. A lot happened today.
"Can I go now?" tanong ko sa kanila.
Pero bago pa ako makaalis ay dumating na ang mga kasamahan ni Naia. They were giving high fives to each other. Nilingon ko sila at tinaasan ng kilay. The vocalist came forward to me.
"You did great, Jia. Thank you for coming tonight. Kung hindi dahil sa'yo ay baka matalo kami," sabi niya sa akin.
I raised my gaze to him. Mas matangkad siya sa akin at hanggang balikat niya lang ako pero wala naman sa akin iyon.
"I did that for my friend. I hope your band win tonight. Can I go now?" tanong ko sa kanila.
Mukhang hindi naman napaghandaan ng mga lalaki na nagsalita ako. Tumagal kasi ang tingin sa akin nung bokalista nila.
I shook my head and turned to my friend. Win or lose, ginawa ko na ang tulong na pwede kong gawin para kay Naia. I should go now. "Text niyo na lang ako sa result. I'm tired na." sabi ko sa dalawa. Tinignan ko lang ulit yung magkakabanda bago naglakad palayo.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa ingay ay biglang sumabay sa lakad ko yung bokalista. Ano nga ulit pangalan niya?
"Ah...Jia," tawag niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad at tinaasan siya ng kilay. Hindi ba siya titigil sa akin? Napagbigyan ko na sila tapos nandito naman siya sa harapan ko.
Matagal na napatingin sa mukha ko yung bokalista bago ata mukhang nakabalik sa ulirat. I rolled my eyes habang nakatingin sa kanya. Ano bang gusto nito?
"If you have nothing to say, I will go now." Humakbang na ako palayo sa kanya ng hawakan niya ang braso ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin kaya tumaas ang kilay ko. I slap his hand that's holding me. Walang pwedeng humawak sa akin.
Mukha namang napaso siya at agad akong binitawan. "S-Sorry...G-Gusto ko lang magpasalamat sa tulong mo sa amin kanina."
Inirapan ko siya bago tinuon ang atensyon sa maingay na paligid. Andaming magkasintahan sa lugar kung saan pa niya ako naabutan. I can see familiar faces of my ex-pity boyfriends. Mga taong hindi makikilala kung hindi sa akin. Mga laging naghahabol sa ex nila at ginamit lang ako para pagselosin ang mga ex nila. Akala naman nila may silbi iyon.
"Nakapagpasalamat ka na kaya ayos na iyon. Now, can I go?" tanong ko sa kanya tsaka siya nilingon.
Nakatitig pa rin siya sa akin mabuti. Nakakainis yung paraan ng tingin niya. Hindi ako sanay sa ganun.
He cleared his throat ng mapagtanto niya na nagtatama ang mga mata naming dalawa. "G-Gusto sana kitang imbitahan mag-lunch bukas---"
"No." Pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin bago naglakad palayo sa kanya.
Ayoko nga. Kaya ko namang kumain kahit mag-isa. Hindi ko kailangan ng presensya niya habang kumakain ako.
Iniwan ko yung bokalista at agad na lumabas ng campus. Dumaan pa ako sa mahabang daan para lang makarating sa condo unit kung saan ako nakatira. May shortcut naman papunta sa building kung saan ako nakatira, kaya lang mas gusto kong maglakad nang mahaba. Sa ganung paraan ay nakakapag-isip ako.
Lumaki akong malayo ang loob sa ibang tao kahit sa mga magulang ko. Yes, they send me money as my monthly allowance, but other than that ay wala. My parents left me when they decided to go to New York and spend their whole damn lives there.
Ang huli kong balita ay nag-adopt sila ng isang bata, an American citizen na pwede siguro nilang mauto na sumunod sa mga plano nila sa buhay.
I really wanted to pursue music since doon ako magaling. I can play different musical instruments kahit isang beses ko lang aralin ang mga iyon. I can also sing well na hindi lang nadevelop dahil pinagkait ng mga magulang ko. They wanted me to continue their legacy in chemical industry kaya wala akong nagawa kung hindi kumuha ng Chemical Engineering.
How I wish na may iba na lang akong magulang para hindi ko nararanasan lahat ng ito. They were the reason kung bakit ang cold ko sa ibang tao. No one can understand me more than myself.
Pagdating ko sa unit ko ay agad na akong naglinis ng katawan. I didn't bother turning on the lights dahil maliwanag naman yung ilang ilaw mula sa school na tumatagos pa rin sa bintana ng unit ko. I wish na katulad sana ako ng ibang ka-edad ko ngayon. Enjoying their life like how they want it to be.
I'm different from them.
Very different.
Isang cotton silk na night dress ang napili kong suotin. I took a hot and long bath dahil iyon ang kailangan ng katawan ko. This day is too much for me.
Break-up with that ugly and unnoticed Ricardo and playing at the stage as pianist in that famous band in our school.
I sighed heavily after changing my clothes. Humanap lang ako ng instant noodles para makain. Nagugutom na rin naman ako pero wala akong planong umorder pa. Ayos na yung ganitong klaseng pagkain.
Hinihintay kong uminit ang tubig habang nakaupo lang sa sofa at nakatanaw sa bintana na nagbibigay reflection ng iba't ibang liwanag mula sa school.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko hudyat na mayroong isang mensahe. An unknown number sent me a message.
Binuksan ko naman iyon para mabasa kung sino ang naglakad loob na hingin ang number ko mula kung kanino.
From: Unknown
Hi, Jia! I just want to let you know that our band won for tonight. Thank you for being such a huge help. I would like to invite you for a dinner, tonight. I can fetch you if you want. ---Bryce
Sino naman si Bryce?
Nilapag ko na lang sa coffee table ang phone ko ng marinig ko ang pag-init ng tubig. I pour at my cup bago umupo sa espasyo sa bintana. The sight of flashing lights habang nakatanaw sa mga maliliit na pigura...lahat iyon ay kabisado ko na.
I've been doing this for several years at sa totoo lang ay nasasabik na rin akong itigil ito. It just...wala pa akong mapapasukan na trabaho after my college graduation.
Hindi nga alam ng mga magulang ko na running for Laude ako. Wala naman silang pakialam kaya bakit pa ba? Mabilis na kinain ko ang cup noodles na hawak ko habang nakatanaw lang doon. After eating ay nilinis ko lang ang kusina bago ako muling nag-sepilyo at nagpunta na sa kwarto ko.
The silence that my place gives me, gave me comfort na hinding-hindi ko nahahanap kung saan. Kaya ayoko rin na may ibang tao sa unit ko dahil masyado akong naiirita sa mga ingay na nililikha ng daldalan. I've been friends with Naia, Xyla, and Porsche for several years at kaya ko ng pagtiisan yung ingay nila.
I opened the small lamp shade beside me at inabot ang isang libro na hindi ko pa tapos basahin. Pampatulog lang dahil masyadong maraming tumatakbo sa isipan ko. I need diversion.
Nakatulog naman ako pagkaraan nun. Dala na rin siguro ng pagod ay naging walang pakialam na ako sa mga liwanag na sumisilip sa kwarto ko.
I woke up the next morning...still tired from what happened the last day.
Agad na naligo na lang ako at pinili ang oversize na t-shirt na nasa aparador. Wala naman akong planong puntahan ngayong araw kaya panty lang ang suot ko sa ilalim ng malaking damit na suot ko. I can breathe well kapag wala rin akong suot na bra. Nasisikipan kasi ako lalo na medyo malaki ang size ng dibdib ko.
I didn't bother combing my hair when I ordered from a nearby fast-food para sa breakfast ko. Maglilinis na lang ako ng bahay and then kapag gusto ko na lang siguro ay mag-go-grocery ako. Baka hindi na ako marunong magmaneho sa tagal kong inimbak yung sasakyan ko.
A notification hit my phone. Another message was sent to me.
From: Unknown
Good morning, Jia. Can I invite you for lunch today? This is Bryce anyway. I just want to thank you for your help to us.
I rolled my eyes at hindi na sinagot ang mensahe niya. Ang tigas din ng ulo ng isang ito. Hindi ba siya makaramdam na ayoko?
Kung paano man niya nakuha ang numero ko ay wala na rin akong pakialam basta't tigilan niya lang ako. Nililis ko ang kurtina na tumatabing sa unit ko. Nagbigay iyon ng natural na liwanag mula sa araw.
Wala naman akong gagawin sa school ngayon dahil festival pa rin naman hanggang ngayon. Isa pa ay ayoko ng tumambay sa school dahil wala namang gagawin. After grocery later ay mag-aaral na lang ako para sa mga upcoming exams. Mas importante sa akin iyon kaysa ang tumambay sa kung saan-saan.
Muling tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ang nagtext na iyon pero inabot ko na lang ang cellphone para mabasa kung anuman ang mensahe na naroon.
From: Unknown
Sorry. Hiningi ko yung number mo kila Naia. Gusto ko lang talagang magpasalamat sa'yo.
I rolled my eyes before typing a reply to him para matigil lang siya.
To: Unknown
No need to thank me so stop texting me.
Kapag hindi pa niya nakuha yung mensahe ko na iyon aba'y ewan ko na lang sa kanya. Binaba ko ang cellphone ko ng may kumatok sa pintuan ko. Malamang ay yung inorder kong pagkain pero laking gulat ko pa dahil pagbukas ko ng pintuan ay yung bokalista ng banda kahapon yung kaharap ko. He's wearing a crew uniform from that fast food na binilihan ko.
Halata rin ang pagkagulat sa kanya pagkakita sa akin. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya agad akong pumaewang sa kanya.
"Magkano?" tanong ko sa kanya dahil natulala siya pagkakita sa akin.
Ano bang problema ng isang ito?
"H-Ha?" nauutal na tanong niya sa akin.
I rolled my eyes once again bago dinampot ang wallet na nasa sofa lang. "Magkano lahat?" tanong ko sa kanya ulit.
Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko dahil binaba niya ang thermal bag na dala at nilabas isa-isa ang order ko. Lumuhod pa siya sa harapan ko para tanggalin iyon sa loob ng thermal bag.
Nakita ko ang paghinto niya at pagtingin sa binti ko. Hindi ko na binigyan ng ibang atensyon iyon dahil sanay naman ako sa mga ganung klase ng tingin ng mga lalaki sa akin.
Tumikhim ako para mabalik ang atensyon niya sa ginagawa pero nag-angat lang siya ng tingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Pwede na ba?" tanong ko sa kanya.
He cleared his throat pagkatapos ay marahang tumayo habang dala ang plastic ng inorder ko. "H-Huwag na. L-Libre ko na sa'yo." Nauutal na sabi niya sa akin matapos ilahad sa harapan ko ang plastic bag.
Tinaasan ko siya ng kilay bago tinignan ang resibo na naka-attach doon. Agad kong hinugot sa pitaka ko ang halaga na naroon matapos kong isabit sa kamay ko ang plastic. Inabot ko sa kanya ang tatlong one-hundred-peso bills.
"Hindi mo naman siguro ililibre lahat ng customer niyo di ba?" Nang hindi niya inabot iyon ay kinuha ko pa ang kamay niya para ilapag doon ang pera. "Keep the change." Walang sabi na sinarado ko na ang pintuan ng unit ko pagkatapos nun.
Ang tagal naman kasing magsalita. Ilalapag ko na sana sa mesa yung inorder ko ng may kumatok na naman sa pintuan ko. Nilingon ko naman kaagad para pagbuksan iyon kaya lang hindi ko pa nabubuksan ay biglang lumusot sa siwang sa ilalim ng pintuan ang binayad ko kasunod ang isang note.
Ganun ba kabait ang crew ng mga fast food chain na binilhan ko? Wala lang sa kanila yung bayad ng mga customers nila? Dinampot ko naman yung pera at papel na nasa lapag.
Ako na magbayayad ng inorder mo. Pasensya na at iyan pa lang naililibre ko sa'yo. Babawi ako sa susunod. Tsaka pala, masyadong sexy ang suot mo. Wear something decent next time, baka may mambastos sa iyo. -B.
Umakyat ata ang dugo sa ulo sa mensahe niya na iyon.
Aba't sino siya para diktahan ako sa suot ko? Nag-martsa ako papunta sa pintuan para sitahin siya kung naroon pa siya pero wala na siya.
Makita lang ng lalaking iyon talaga! Ang kapal ng mukha!
Kaya masama ang loob ko habang kinakain yung pagkain na inorder ko. Baka hindi pa ako matunawan sa pagkaing ito. Ang kapal naman kasing magsabi ng ganun samantalang hindi naman niya ako kilala.
Para ibaling ang inis sa iba ay inopen ko na lang yung Mood book account ko. Agad kong nakita ang post ng mga kaibigan ko na nag-dinner kagabi kasama si Naia at yung bandmates niya. Akala ko ba masama pakiramdam niya? Bakit nakapag-ayos pa at kumain pa sa labas?
Isa-isa kong pinasadahan ang mga larawan na naroon.
Minsan nakakaramdam ako ng inggit sa mga gatherings na ganun kaya lang hindi naman ako social butterfly at ayokong nakikipag-plastic an sa ibang tao.
Pinatatag na lang din ako ng panahon kaya iniiwasan ko na lang na maging sensitibo sa napakaraming bagay. Dahil kapag masyado kong nilagay yung emosyon ko sa isang bagay ay ako lang din ang masasaktan sa huli. People never understand me kaya iniintindi ko na lang iyon.
I pressed the like button at nagpatuloy sa pag-scroll sa feed ko. Nakita ko pa ang latest post ni Mommy kasama si Daddy at ang adopted daughter nila na si Emma. She's their eight-year-old adopted daughter. Mas priority na nila ngayon yung bata kumpara sa akin.
Wala naman sa akin iyon kaya lang tuwing nakakakita ako ng post lalo na kapag birthday ni Emma ay naiinggit pa rin ako. They do long post and message for her with party pero sa akin hindi man lang nila naaalala na birthday ko. Kaya nga hindi ko na ginagawang public ang info ko lalo na ang birthday ko. Kung maalala ng mga tao sa paligid ko, edi maganda. Kung hindi...fine.
It doesn't matter anymore. I can celebrate my birthday alone.
Abala ako sa pagkain at pag-scroll ng may mag nag-notify na friend request sa akin. I clicked onto that at nakita ang pangalan ni Bryce Magsaysay.
Agad kong pinindot ang delete request dahil ayoko siyang maging friend. Feeling close naman masyado.
Pero wala pang ilang segundo ay nakatanggap na naman ako ng friend request from him. Sa inis ko ay inopen ko ang account niya para tignan kung may katanggap-tanggap ba sa friend request na iyon.
Ang profile picture niya ay mula sa isang show. May hawak siyang gitara habang hindi nakatingin sa camera habang animo'y umaawit sa mikropono na malapit sa labi nito.
Puro tag pictures lang din ang nasa profile niya. Sinubukan kong tignan ang ibang pictures na naroon sa kanya. May isa pang profile picture doon na nakasuot siya ng pang-piloto na damit habang nakalingon mula sa cockpit ng isang eroplano.
So plano niya maging piloto?
Nagagawan pa niya ng oras iyon mula sa pagbabanda. Nag-scroll pa ako sa account niya. May iba't ibang stolen shots mula sa battle of the bands na nangyari kagabi. May ilan na nahagip pa ako ng camera.
Ito ang ayoko talaga! Nadadamay ako sa limelight ng ibang tao kahit ayoko naman.
Mas lalong hindi ko tatanggapin yung friend request niya. Ang alam ko mula sa mga kwento ni Naia sa amin ay hindi nawawalan ng babae sa paligid niya ang lalaking ito.
Baka maaway ko lang yung mga mag-li-link sa aming dalawa. Tinignan ko naman ang about section niya. Napataas ang kilay ko pagkabasa na nag-aral siya sa Ramon Magsaysay ng High School. Hindi ko siya napapansin ah. Sabagay malaking eskwelahan naman iyon kaya malamang na hindi ko nakikita ang lahat ng naroon.
Tinapos ko ang pagpasada sa account niya ng makatanggap naman ako ng message request mula sa kanya. Ang ligalig din talaga ng isang ito kahit kailan.
Bryce Magsaysay
Huwag mo na i-delete ang friend request ko. Gusto lang naman kita maging kaibigan.
Bakit ba masyadong obsess ang isang ito na maging kaibigan ako?
Ayoko nga!
Hindi ako nag-reply sa message na iyon at tinapos na lang ang pagkain at nagsimulang maglinis ng bahay. Nasa gitna na ako ng paglilinis ng banyo kaya basang-basa na yung katawan ko sa pinaghalong pawis at tubig ng may kumatok na naman sa pintuan ko.
"Sandali!" malakas na sigaw ko sabay sulyap sa orasan na nakakabit sa dingding. Pasado alas-onse na ng umaga kaya pala nakakaramdam na naman ako ng gutom.
Tumigil naman ang pagkatok bago ko binuksan ang pintuan.
"Ikaw na naman?" gulat na tanong ko pagkakita kay Bryce na nakatayo sa labas ng unit ko.
May dala siyang paper bag ngayon habang suot pa rin ang crew uniform nito. Halos manlaki ang mata niya pagkakita sa akin. Mabilis niya akong tinulak papasok sa loob ng unit ko.
"What the hell?" Singhal ko sa kanya. Wala akong panahon na makipag-kulitan sa kanya! "Bakit ka ba pumapasok dito?"
"Nakita mo na ba yung sarili mo bago ka magbukas ng pintuan? Mukha kang nakahubad na!" mataas na boses na sagot niya sa akin.
Agad naman akong nagbaba ng tingin sa suot ko. Ano ngayon? Wala naman magtatangkang pasukin ako dito!
"And so?" tanong ko sa kanya bago pinag-krus ang kamay sa dibdib para matakpan ang pwede niyang makita doon. Nakita ko ang pagsunod ng tingin niya doon kasabay ng pamumula ng mukha pero agad at mabilis din na iniwas tsaka ako tinalikuran.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya bago pilyang ngumisi at lumapit sa likuran niya. Inalis ko rin ang pagkakaalis ng kamay sa dibdib ko at sinadya kong ilapat ang basang katawan sa kanya.
Nakita ko ang pagtalon niya at mabilis na pag-iwas sa akin. He turned to me while closing his eyes. "D-Dinalan kita ng pagkain. Para sa'yo y-yan! S-Sige, aalis na ako." Humarap siya sa pintuan at hinawakan ang door knob para buksan ang pintuan.
Kaya lang mas mabilis ako sa kanya dahil hinarang ko ang katawan ko sa pintuan kaya nagulat siya sa ginawa ko.
I smiled seductively to him, "Saluhan mo na ako." Malambing na sabi ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya bago mabilis na umiling sa akin at tinapkan ang mata. "A-aalis na ako."
My smile disappeared while looking at him, "Then don't barge to someone else's house next time!" Singhal ko sa kanya bago siya tinulak palabas ng unit ko.
Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para magsalita dahil ayoko na siyang makita sa harapan ko pa.