4

3258 Words
Pumasok ang panibagong linggo bago magkaroon ng Paskuhan sa school. Andami masyadong events na nagaganap, may kailangan pang i-organize na activity kaming mga seniors para sa mga juniors namin. “Eto napakadaya talaga. Isang linggong hindi nagpakita sa amin,” sabi ni Naia pagtabi sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa ng note para sa magiging quiz namin mamaya. “Eh kung isalba ka na naman niya? Malamang aayaw na iyan.” Sagot naman ni Xyla dito. Sumandal ako sa kinauupuan ko bago ko pinag-krus ang hita ko. Wala bang planong mag-review ang mga taong ito at ako lang ang gustong daldalin? “Pero teka! Malapit na Paskuhan. Sino ang ka-date ninyo?” Porsche squealed by that question. I rolled my eyes sa tanong na iyon. Required ba na mayroong ka-date kapag Paskuhan? Hindi ba pwedeng mag-isa lang at i-enjoy yung gabing iyon? Gah! Are we really going to depend on boys na ang habol lang ay katawan namin? “Sasagutin ko na si Xian Romero ng basketball team natin,” kinikilig na sagot ni Xyla. “Talaga? OMG! Ang tagal ka rin na hinintay nung isang iyon. About time na rin naman na sagutin mo siya.” Sagot naman ni Porsche dito. “Nasa New York pa yung kapalaran ko kaya baka single and ready to mingle lang ang ganap ko sa Paskuhan.” Ani naman ni Naia sa tabi ko. Kung ano-ano pang kwento o eksena ang naiisip nila na gagawin sa Paskuhan. Nanatili lang ako na nagbabasa kahit sumasabog na yung tenga ko sa ingay nila. “Uy magical iyon habang tumutugtog yung banda ng The Gods tapos yayakapin ako ni Rush and then maghahalikan kaming dalawa! Wah! Hindi na ako makapaghintay!” Pinalo-palo pa ako ni Porsche na nasa gilid ko lang. Malakas na tinampal ko ang kamay niya kaya umayos ito ng tayo. Ano ba naman itong mga ito? Kailangan bas a pagbuo ng pangarap kasama yung mga lalaki nila? Ang dami masyadong alam. “Ikaw ba Jia, sinong ka-date mo sa Paskuhan?” tanong ni Naia naman sa akin. “Wala yan! Break na sila ni Ricardo di ba? Nakita ko nga nung event last week, kasama na naman si Asuncion. Akala ko ba break na sila?” sabat naman ni Xyla. The mere mention of that bastard’s name can make my blood boil from anger. Ayoko na talagang maalala na pumatol ako sa isang loser na kagaya niya. “May applicants ka pa ba sa mga pity boyfriends mo?” usisa naman ni Naia sa akin. Umiling ako sa kanya. Wala akong planong magkaroon ng boyfriend muna ngayon. Gusto kong matapos ang school year ng walang iniisip na sakit ng ulo. Marami pa naman masyadong request yang mga boyfriend na ‘yan. Akala mo naman mga pinagpala ang mukha. Biglang umalis si Naia sa tabi ko at lumipat kina Xyla. Nagbulungan ang mga ito kaya hindi ko na lang pinansin. Wala akong mapapala kung makikinig lang ako sa mga chismis nila. Dumating na rin ang professor namin kaya nagpulasan ang mga kaklase ko at bumalik na sa tamang pwesto. Kaming apat lang ang babae sa major namin kaya litaw na litaw kami sa class. Hindi naman ako nagpapadaig sa mga kaklase kong lalaki dahil nagagawa kong sagutin ang mga tanong ng teachers namin. We had our quiz na mukhang nakalimutan ng karamihan kaya angal nang angal. Kaya ang naging ending ay lima lang kaming pumasa sa quiz kabilang na ako doon. “Bakit hindi mo sinabing may quiz sa amin?” reklamo ni Xyla sa akin habang papalabas kami ng building. Gusto raw kasi nilang kumain sa Dapitan kaya dadaan kami sa likuran na gate para makapunta doon. Ang dami namang kainan sa loob pero sa labas pa talaga ang nais. “Nakita niyo na akong nagbabasa, hindi niyo pa ginaya.” Sagot ko naman. Kasalanan ko ba na hindi sila gumaya sa ginagawa ko? Tsaka masyado silang abala sa pag daydream nila. “Mahilig kang magbasa mars! Malay ba namin!” alma naman ni Porsche. May point naman siya kaya lang hindi nila ako dapat sisihin sa pagiging careless nila sa pag-aaral nila. Hindi ko obligasyon na ipaalala nang ipaalala sa kanila ang lahat ng bagay na iyon. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanila habang papunta kaming Dapitan. Napakaraming hilera ng kainan pero wala pa silang maisip na kakainan. Mabuti na lang at ang susunod na klase pa namin ay dalawang oras pa mula ngayon. Kaya tahimik na sumunod na lang ako sa kanila habang nagtatalo-talo. “Dapat kasi nag-P.Noval na lang tayo.” Reklamo ni Porsche habang nakapila kami sa labas ng Tiger Winx. Medyo mahaba kasi ang pila at ang init-init pa. “Wala roon si Rush! Nandito lang sa Dapitan yung jowa mong iyon.” Ani naman ni Xyla. I rolled my eyes to them. Kung pwede lang umuwi na lang at doon na lang sa bahay maghintay. Kaya lang tatamarin na akong bumalik sa school kapag nanggaling ako sa bahay. Mas mabuting ganito na lang. “Uy sina Bryce!” turo ni Naia sa kung saan. Wala sana ako planong tignan iyon kaya lang naalala ko na naman yung inis ko sa Bryce na iyon. That was the last time na nakita ko siya sa building ko pero lagi na lang siyang kakatok at mag-iiwan ng pagkain sa labas. Hindi ko nga lang siya nakikita kaya malamang ay mabilis siyang umaalis para hindi ko masinghalan. I automatically crossed my arms over my chest ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. He waved his hand towards us. Feeling close naman masyado ang isang ito. “Small Dapitan nga naman. Dito rin kayo kakain?” tanong nung may hawak ng drumstick noong nakaraan, I think his name is Neil. Sunod-sunod na tumango naman ang mga kaibigan ko habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Bryce. His friend request will remain in my request section lang kahit ang message request niya sa akin. I have no intention of making friends with him. “Tara, pila na kayo dito. The more, the merrier!” sagot naman ni Porsche. Mabilis ang lingon na binigay ko kay Porsche. Talaga nga naman at napagkasunduan pa nila! Sasagot pa sana ako ng tumabi naman sa gilid ko si Bryce. He’s holding his bag pack habang suot ang tourism uniform niya. Ang linis niyang tignan pero ayoko pa rin sa kanya. “Hi, Jia.” Bati niya sa akin. Hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin. Bahala siyang magsalita nang magsaita diyan sa gilid ko. Hindi ba niya alam ang pagkakakilala sa akin sa school? “Sana kinakain mo yung dinadala kong pagkain sa’yo. Hindi na ako nagpapakita sa’yo kasi baka magalit ka na naman sa akin.” Dagdag niya pero mahina lang ang pagkakasabi. Abala rin kasi sa pakikipag-usap yung ibang bandmates niya sa mga kaibigan ko. I remained my gaze at the glass door ng Tiger Winx. Hindi pa ba magpapapasok ng mga customers ang mga ito? Gusto ko na lang makalayo sa taong katulad niya. “Ano nga palang gusto mong dinner mamaya? Dadalhan ulit kita. Baka kasi nagsasawa ka na sa pagkain na dinadala ko.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong sinabi na magdala siya nang magdala. Kaya ko namang bumili nun at hindi ko kailangan ang pera niya. “Ah…oo nga pala, Jia. Mayroon ka na bang ka-date para sa Paskuhan. Kung wala, iimbitahan sana---” Mabilis ang lingon na binigay ko sa kanya, “Gusto mo ba ako?” diretsang tanong ko sa kanya. Naririndi na kasi ako sa kakasalita niya. Isa lang naman ang pakay ng mga ganyang tao sa akin. Natahimik ang mga kasama namin samantalang napatitig siya sa akin. He swallowed hard kaya nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng Adam’s apple niya. Right, may gusto nga siya sa akin. “Jia.” Tawag ng mga kaibigan ko sa akin pero tinaas ko lang yung kamay ko para mahinto sila. “What? Do you like me, Mr. Magsaysay?” tanong ko pa sa kanya. Ang inaasahan ko na pag-iling ay hindi nangyari. Instead, he nodded before walking closer towards me. “Yes, Jia, I like you. May mali ba doon?” matapang na sagot niya sa akin. I smirked at that. Matapang ah. Pinasadahan ko siya ng tingin. Mataas siya, maputi pero mas maputi pa rin ako kumpara sa skin complexion niya. He has a natural hooded deep black eye, a small pointed nose, and natural red lips. Ngayon ko lang din napansin na kapag nagsasalita siya ay may maliit na biloy sa ilalim ng labi niya na lumalabas. His hair flow freely with the air. Maayos ang pananamit niya at maganda ang pangangatawan. Sigurado na hinahabol ito ng mga kababaihan kaya bakit siya nangungulit sa akin. “You don’t look pitiful at all. Libog lang yan, Mr. Magsaysay. Magkaiba ang gusto sa libog,” diretsang sabi ko sa kanya. I heard gasps from my friends and his bandmates. Nakita ko naman ang pagdaan ng emosyon sa mukha niya. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Masama bang magsabi ng totoo? He put his bag on his other shoulder before walking really close to me. Halos magkalapit kaming dalawa sa ginawa niya. Akala ba niya ay hahakbang ako palayo? Nagkakamali siya. Taas-noo ko siyang tinignan sabay baba ng kamay ko na naka-krus sa dibdib ko. “Maraming naghahabol sa’yo kaya settle to them. I’m not part of your parade so stop going near me.” “Alam ko ang kaibahan ng sinasabi mo, Jia. I like you…hindi ito libog na kagaya ng sinasabi mo,” sagot niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sagot niya sa akin, “Really, huh? Well then, I don’t like you.” Diretsang sagot ko sa kanya. “Uy tigilan niyo na ‘yan.” Pagpigil nung isang kabanda ni Bryce sa amin. Hinihila nila si Bryce palayo sa akin pero hindi ito natinag man lang, “Bry, pinagtitinginan na tayo.” Sagot nung isang lalaki. Mabilis ang tingin na binigay ko sa mga nakikiusyoso na customers’ din. Free entertainment ba? Binalik ko ang tingin ko kay Bryce na mariin pa rin ang tingin sa akin. “Baka kapag naging kaawa-awa ka sa mata ko, bigyan kita ng atensyon. But you are nowhere near there.” Sabi ko sa kanya. Bryce swallowed hard while looking at me. “Paano ba ako magiging kaawa-awa sa mata mo?” tanong niya sa akin. A smirked décor my face kaya marahan kong pinaglandas ang daliri ko sa mukha niya, “Fail your exams, baby. Do something na nakakalungkot para sa parte mo. Baka sakali maging kaawa-awa ka sa mga mata ko.” Mahina kong tinampal ang pisngi niya bago siya tinulak palayo sa akin. Nilingon ko ang mga kaibigan ko, “I won’t eat. See you at our next class.” Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon na magsalita pa dahil lumakad na ako palayo. Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa paligid na nakakita ng eksena namin na iyon. Nakakaasar! Kaya pinili kong mag-take out na lang ng Dimsum bago ako bumalik sa loob ng campus. I decided to stay at one of the waiting areas tsaka tahimik na kumain doon. Gusto ko munang nasa tahimik. Ang gulo lagi ng paligid ko kapag kasama ko yung mga kaibigan ko. Nabubwisit pa ako sa impaktong Bryce na iyon. Nakasama lang isang beses, masyadong feeling close na. “Camilla!” Napapikit ako nang mariin sa tumawag sa pangalan ko. Handa na akong bugahan ng apoy ang kung sinuman na iyon kaya lang nabitin ang iba kong sasabihin ng makita si Jacob na lumalapit papunta sa akin. He’s our classmate as well, masyado siyang mabait sa lahat at napakatalino. I like him for being not a nuisance to me. Minsan lang kami magpansinan dalawa kaya nagkagusto ako sa kanya. Agad na nawala ang inis na nararamdaman ko ng umupo siya sa tabi ko. May dala pa siyang mga folders na tingin ko ay mula sa pagiging batch rep namin for our graduation. Hingal na hingal pa siya pero hindi nawala nun ang pagiging gwapo niya kahit hinihingal siya. Ang bango niya tignan kahit may mga pawis na tumatagaktak sa kanya. Siya lang ata ang kayang makipagsabayan sa akin sa mga kaklase ko. “Pwede ba ako humingi ng favor sa iyo?” tanong niya sa akin kaagad. Walang atubili na tumango ako sa kanya. Kahit ano! “May pinagagawa kasi sa akin yung batch president natin para sa batch rep ng bawat klase. Hindi ako makakapasok para sa next class natin. Okay lang na ba na ikaw na magpasa nito sa prof natin? Ito yung mga assignments natin na kinolekta ko last last week. Ngayon lang niya kasi hiningi sa akin. Ayos lang ba? Hindi ko kasi maiwan sa iba nating kaklase kasi wala akong tiwala sa mga iyon.” Tumawa pa siya pagkasabi nun sa akin. Tumikhim naman ako para hindi mapangiti sa sinabi niya. Ang cute niyang tignan. Mukha siyang good boy sa kahit saang anggulo ko siya tignan. “No problema. Ako na bahala.” Kinuha ko mula sa kanya ang napakaraming folder. “Idadaan ko sana kay Ma’am Perez kaya lang wala siya sa faculty. Baka matabunan lang kaya mabuti na lang na ipasa ng personal sa kanya.” Paliwanag pa niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Pasalamat siya at hindi ko siya mahindi-an. Umalis din siya pagkaraan. Nangako pa siya na ililibre na lang daw niya ako bukas. Kahit hindi naman ay walang kaso sa akin. Sapat na yung nakasama ko siya kahit sandali ngayon. Hindi pumasok yung tatlo sa next class namin. Kung naoffend man sila sa nangyari ay hindi ko alam. Willing to apologize ako kung napahiya ko sila, pero hinding-hindi ako mag-a-apologize sa ginawa ko sa Bryce na iyon. He doesn’t deserve those words from me. I hate how he really pushes himself to me. Hindi naman kami magkaibigan at higit sa lahat ay ayoko sa kanya. After ng last class namin ay dumiretso na rin ako ng uwi sa bahay. Katulad ng normal na routine ay naglinis muna ako ng katawan bago ako nagdesisyon na mag-aaral. I’m wearing the most comfortable clothes for me this time. A loose sando without my bra and lace underwear lang ang bottom. This is how I want to wear my clothes. Wala namang papasok sa loob ng bahay lalo na at wala naman akong inaasahan na bisita. After studying ay tahimik na nag-Yoga lang ako na sinusundan ko lang sa television. This is the peace that being alone in home creates. Kaya hinding-hindi talaga ako magkakaroon ng kasama sa bahay dahil hindi ko na makukuha yung ganitong klase ng kapayapaan. Tumagal lang iyon ng kalahating oras dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy. Wow, first time. I didn’t turn on my video dahil ayokong makita niya ako sa ganitong ayos. Mukha raw akong p********e kapag maluluwag na damit ang suot. Hindi ba pwedeng komportable lang ako dito. Minsan nga ay natutulog ako na walang saplot. So what? Doon ako masaya, doon ako komportable! “Open your camera, Camilla.” Mom said. Kasama niya si Emma habang nakakalong ito sa kanya. Iling ang sinagot ko kahit hindi naman niya ako nakikita. “I’m sweaty, I’m doing Yoga. What is it?” Ayoko naman siyang makausap dahil sigurado ako na ipagmamalaki na naman niya ang paborito niyang anak na si Emma. Sawang-sawa na ako marinig ang mga achievements ng “anak” nila. Samantalang, never naman sial naging proud sa mga nararating ko sa buhay. “Well, Emma wants to say something to you…Go on, Emma.” Untag nito sa bata. Emma waves her hand; her blonde and curly hair flows freely at her back. Ang swerte rin ng batang ito. Lahat ng pagmamahal ay natatanggap niya mula sa mga magulang ko. “Hi, Ate Camilla. I just wanted to let you know that I won another English competition in our school. Mom and Dad were so happy for me. They wanted to bring me to Disneyland which is I really want ever since!” nakangiting sabi nito sa camera. My mom looks so proud of her pero hindi ko naranasan yang ganyan mula sa kanila. They already expect that from me kaya kapag bumagsak ako ay malaking pagkakamali na iyon. “Really? Congratulations, Emma. You deserve that reward. I hope I had the same treatment like yours.” Walang emosyon na sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkuha ni Mommy sa cellphone at paglapag kay Emma. “Go and tell your dad that we are going to leave, Emma.” “Yes, Mom. Bye, Ate Camilla!” Emma runaway papasok sa loob ng bahay, Mukhang iba ata pagkakapaliwanag ng mga magulang ko sa kanya. “Ano na naman yan, Camilla?” tanong ni Mommy sa akin. I shrugged my shoulder kahit hindi naman niya nakikita iyon. “Wala. I’m just telling her na sana ay parehas ang treatment niyo sa kanya at sa akin. Is that a bad thing?” tanong ko. “You’re saying non-sense, Camilla. We are giving you everything you want. Kahit ang allowance mo ay nagiging doble na. Anong mali pa ba doon?” sumbat niya sa akin. I smirked, sabi na nga ba at babalik na naman kami sa ganung usapan. Hiningi ko ba sa kanila na kailangan ko ng pera? Hindi ah. Atensyon nila ang kailangan ko. Pagmamahal at oras nila sa akin pero narinig ba nila ako? Hindi. “Nothing. Sige na. You called me just to tell me about Emma’s achievements, right? I have to drop this call kasi mag-aaral pa ako.” Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata ni Mommy. My mom was one of the renowned pianists in Asia. Sa kanya ko natutunan mahalin ang musika at mga instrument. I learned from her. I wanted to pursue music before pero ayaw nila kaya nanatili akong nakakulong sa isang kurso na hindi ko naman gusto kahit kailan. “You have no respect, Camilla. Pinalaki ka ba naming ganyan ha?” sermon niya sa akin. Yes. Iyan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero pinigilan ko na lang. Wala rin namang mangyayari kapag pinilit ko pang makipagtalo sa kanya. Alam ko naman na pagkatapos ng tawag na ito ay ako pa rin ang masama sa paningin nila kaya hinahayaan ko na lang. “Meron pa ba kayong sasabihin? Kasi kung wala na, tapusin niyo na po itong tawag na ito.” Sabi ko sa kanya. Mom sighed heavily kahit alam kong inis na inis siya sa akin, “A package is on the way to you. Baka by the end of this month ay matanggap mo na. Do whatever you want to do in that package, that’s yours anyway. I also sent your allowance for this month and p*****t for your bills.” She told me before hanging up the call. Para akong nanghina pagkatapos ng tawag na iyon. Laging ganun naman ang sinasabi niya sa akin. Ni hindi man lang nila ako nagawang kumustahin. Magpapasko at bagong taon na naman na hindi nila ako binabati. Sanay naman na ako kaya lang kapag iniisip kong mag-isa na naman ako sa Pasko at Bagong Taon ay hindi ko maiwasang malungkot. Sana ay hindi na lang nila ako naging anak para hindi ko nararamdaman ang lahat ng ito. Manhid man pero nakakaramdam pa rin ako kahit papaano. I don’t deserve this treatment from them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD