Kabanata 03

1756 Words
“Yeah! Yeah!” Ang bawat sigaw ko ay sumasabay sa mga yabag ng kabayo, lalong bumilis ang takbo ng kabayo ng tapikǐn ng aking paa ang katawan nito. Imbes na matakot ay sinimulan ko ng baguhin ang posisyon ko sa likod ng kabayo. Tumayo ako ng pa-baliktad at tanging ang dalawang kamay ko lang ang nakatukod sa likod ng kabayo habang ito ay patuloy sa mabilis na pagtakbo. Binalot ng matinding kasiyahan ang puso ko ng sa wakas ay nagawa ko rin. Halos araw-araw akong nagpa-praktis para lang makuha ko ito. Malapad ang ngiti na mabilis kong inayos ang pagkakaupo sa likod ng kabayo saka ko hinila ang renda nito. Kasabay ng pagsigaw ng kabayo ay huminto ito sa pagtakbo habang nakaangat ang dalawang paa sa ere. Sabik na bumaba ako mula sa likod ng kabayo bago masuyo itong niyakap sa ulo. Sa totoo lang ay hindi ko sukat akalain na mapapaamo ko ang matapang na kabayong ito. Ayon sa lola ko ay nagmula pa raw ito sa rancho sa ibang bansa. Si Blacky ang paboritong kabayo ng apo ni Madam Marie. At hindi biro ang milyong halaga nito kaya maingat ang lahat pagdating sa kabayong ito. Tanging ako lang ang nakakalapit kay Blacky dahil alam ng katiwala dito sa Mansion na marunong akong mag-alaga ng kabayo. Dati kasi akong nagtatrabaho sa isang rancho, noong college student pa lang ako. “Why so handsome blacky?” Nakangiti kong tanong sa kabayo, honestly, hindi ko talaga alam ang pangalan ng kabayong ito at naisip ko na tawagin na lang siyang blacky dahil ang kulay niya ay kasing itim ng uling. Ngunit, base sa tindig at tikas ng kabayo ay malalaman mo kaagad na hindi ito basta kabayo lang. Nang subukan kong magresearch tungkol sa kabayong ito ay nalaman ko na si blacky ay isa pa lang Trakehner horse. Ang pumapangalawa sa pinakamahal na kabayo sa buong mundo. Tulad ng inaasahan ko ay umungol ito ng malakas na tila tumututol sa pangalan na itinawag ko sa kanya. Masuyo kong kiniskis ang aking pisngi sa gilid ng mukha ng kabayo bago ito hinayaan na pumasok sa kwadra. “Ame!” Napalunok ako ng wala sa oras ng marinig ko na tinatawag na ako ng aking Lola Isay. “Saan ka na naman ba galing?” Galit niyang tanong sa akin, tinakbo ko ang aming pagitan, at nang makalapit ay hinawi ko muna ang maikli at dark brown kong buhok papuntang likod. Nakasanayan ko ng hawiǐn patalikod ang gupit-lalaki kong buhok kahit alam ko naman na useless din ang ginagawa kong ito dahil babalik at babalik pa rin ang bangs nito sa aking noo. Nang makalapit kay lola ay inakbayan ko siya sa balikat ngunit napaigtad ako ng bigla na lang niyang kurutin ang aking tagiliran. “Ouch! La, masakit po, hindi na ako bata para kurutin pa.” Reklamo ko habang hinihimas ang nasaktan balat. “Abay, kahit dalaga o binata ka man ay kukurutun parin kita sa oras na maging pasaway ka.” Nanggigigil na saad ni lola habang sabay kaming naglalakad papasok sa loob ng Mansion nang mga Silvia. “Wala ka ng ginawa kundi ang takasan ako para lang mangabayo. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ka lalaki, Isa kang babae! Kaya ayusin mo ang kilos mo. Twenty three ka na Amethyst, paano pa ako magkakaapo kung ang tinitira mo ay babae!” Ouch! Kahit kailan talaga si lola kung magsalita ay diretsahan, tagos hanggang balunbalunan. “La, naman, hindi ba pwedeng konting preno, malay mo merong himala at ma-buntis ko si Angeline- OUCH!” Anya ngunit hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng muli na naman akong nakatikim ng kurot mula rito. Halos napalukso pa ako palayo kay lola dahil sa sakit. “Abay bastos kang bata ka! At bakit sa palagay mo ba ay may mabubuo na bata kung panay lang ang salpukan ng dalawang tilapya- hmp!” Mabilis kong natakpan ang bibig ng lola ko dahil hindi na namin napansin ang mga ilang katulong sa aking likuran. Halos magkulay kamatis na ang buong mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan lalo na ng makita ko na pinagtatawanan ako ng dalawang kambahay. Tsk, sobrang nakakahiya talaga dahil mga dalaga pa ang mga ito. Masyadong matabil talaga ang dila ng lola ko, kaya minsan ay lagi ko na lang siyang tinatakasan para makaiwas sa bibig nito. “La, naman, nakakahiya.” Ani ko sa malumanay na tinig bago muling yumakap sa aking lola at masuyo itong hinagkan sa pisngi. Sa totoo lang kahit ganito magsalita ang lola ko ay mahal na mahal ko siya, dahil kahit hindi niya ako kadugo ay itinaguyod pa rin niya akong mag-isa. Naging ama’t- ina siya sa akin. Ako si Amethyst Davis, nagtapos sa kursong Bachelor of Science. Itinuring ko ng ulila ang aking sarili dahil wala akong magulang na kinamulatan. Tanging ang biyudang si Isabella Cruz o lola Isay ang kinilala kong magulang. Ang Mansion ng mga Silvia ang naging tahanan naming maglola. Dahil ayon sa aking lola ay bago pa man ako dumating sa kanyang buhay ay isa na siyang kasambahay sa mansion na ito. Para sa kanya ay isang malaking blessing ang dumating sa kanya noong araw na natagpuan niya ako sa isang basurahan. Maraming hirap ang dinanas ko noong bata pa ako, dahil matinding pambubully ang naranasan ko mula sa mga taong nakapaligid sa akin. Isa ito sa dahilan kung bakit mas pinili ko ang maging isang lesbian. Upang maprotektahan ko ang aking sarili mula sa mga salbaheng tao. Hindi kasi normal sa isang Pinay ang itsura ko, dahil mula sa light brown kong mga mata at blonde kong buhok, lalo na ang kulay ginto kong mga balahibo mula sa maputi kong balat ay mabilis na malalaman na hindi ako purong pinoy. Para sa akin ay napaka walang kwenta ng babaeng nagsilang sa akin, wala siyang puso dahil nagawa niya itapon sa basurahan ang isang tulad ko. Pero bakit? Ito ang Isang malaking katanungan na labis na gumugulo sa utak ko mula noong bata pa ako at hanggang ngayon na ganap na akong dalaga. Hindi naman ako pangit, sa katunayan nga ay lagi akong nakukuha sa mga beauty pageant na labis ko namang tinututulan. Ayoko lang na maexpose sa paningin ng lahat lalo na at kulang ako sa confidence. “At bakit? totoo naman ang sinasabi ko. Titigil lang ako sa kakasermon sayo, kung makipag hiwalay ka sa Angeline na ‘yan at mag-aasawa ka ng isang lalaki. Maganda ka, Iha, kung nagdadamit-babae ka lang ay siguradong pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan! Hindi ‘yung puro tilapia na lang ang tinitira mo!” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil kilala ko si Lola, siguradong matatagalan bago matapos ang misa nito. “Pasensya na, La, pero sinubukan ko naman talaga, mag boyfriend kaso madikit lang sa balat ko ang balat nila ay kinikilabutan talaga ako.” Ani ko na bahagya pang nanginig ang aking katawan. Wala na itong nagawa kundi ang umiling, “sige na maligo ka muna at maghahain na ako ng pananghalian.” Malumanay na utos ng aking lola. Isang malutong na halik ang iginawad ko sa matambok niyang pisngi bago nagtungo sa silid na ginagamit naming maglola. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Lola na magtrabaho dahil kayang-kaya ko siyang buhayin. Kaso kahit anong pilit ko ay ayaw niyang umalis sa mansion na ito, kahit na binilhan ko na siya ng bahay na tama lang sa aming dalawa ay hindi ko pa rin siya nakumbinsi na umalis dito. Halos sa mansion na ito umiikot ang buhay n’ya. Wala naman ang mga amo namin dahil isang beses sa isang taon lang kung umuwi dito si Ma’am Marie. Medyo may katandaan na rin si Ma’am Marie kaya mas ginusto nito ang manirahan na lang sa Canada. Pagkatapos maligo ay kaagad akong dumulog sa hapag, ngunit nagtaka ako ng datnan ko ang limang kasambahay na nagkukumpulan sa may kusina kasama ang lola ko. “May sinabi ba kung anong araw darating ang apo ni Madam?” Excited na tanong ni Ina, halatang kinikilig pa ito. “Hindi nabanggit sa akin ng Assistant ni Madam, basta ang pagkasabi sa akin ay bigla na lang daw darating ‘yun si Sir, kaya kailangan nating mag-general cleaning.” May pag-aatubili na sagot ng isa, ngunit napansin ko na maging ito ay parang kinikilig din. Hindi maikakaila na excited ang lahat sa pagdating ng Apo ni Ma’am Marie. Sa ilang dekada na pananatili ko dito ay ngayon lang yata nagkaroon ng interest ang isa sa kanila na manirahan dito. Tahimik akong lumapit sa lamesa, nakaupo na ko’t lahat ay ni hindi man lang ako napansin ng mga ito dahil abalâ sila sa pag tsi-tsimisan. Patuloy lang ako sa pagsubo habang ang tenga ko ay nanatili sa kanilang usapan. “Anong meron, La?” Nagtataka kong tanong kay lola sa pagitan ng aking pagsubo. “Dumating kanina ang assistant ni Madam Marie at ayon sa kanya ay ang Mansion na ito’y ipinamana na sa kanyang apo. Hindi ko alam kung sino sa mga apo nito ang nagmana ng mansion, dahil si Asher pa lang ang nakadaupang palad ko mula sa mga anak ni señorita Steffany.” Napapatango na lang ako sa mga sinasabi ni Lola dahil ni isa sa mga pamilya ni Madam Marie ay wala pa akong kilala. Hindi ko pa kasi sila nakikita simula ng magkaisip ako. Dahil sa tuwing darating ang sinuman sa kanila ay hindi ako pinalalabas ng kwarto ni Lola. “La, kailangan ko na nga po palang umalis, tapos na kasi ang isang linggong leave ko sa trabaho.” Nalungkot ang mukha ng aking abuela ng marinig ang sinabi ko. “S’ya, mag-ingat ka lagi, ilang buwan na naman ang hihintayin ko bago tayo magkitang muli?” Matamlay na tanong sa akin ni lola. Tumayo ako at saka malambing na niyakap ang katawan nito na may katabaan. “Hindi pa po ako sigurado kung kailan, pero sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon ay uuwi po agad ako dito.” Ani ko sa malambing na tinig bago ko ito hinagkan sa ulo. Hindi naman ganun kalayo ang bahay na binili mo mula dito sa Forbes Park Makati kaya madali lang para sa akin na bisitahin si Lola. Nagkataon lang na masyadong busy ako sa trabaho kaya hindi ko magawang dumalaw dito araw-araw. Alam ko naman na kahit papaano ay nalilibang siya dito sa Mansion dahil nandito naman ang mga kaibigan niya na ilang dekada na niyang nakasama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD