Kabanata 04

1607 Words
"The enemy's location is forty kilometers away from you, Par.” “Copy.” Nang marinig ko ang sinabi ng kasamahan ko mula sa kabilang linya ay mas dinoble ko pa ang bilis ng takbo ng aking motor. Kailangan ay maunahan ko ang mga kalaban bago pa sila makarating sa pantalan. Ngayong gabi nila balak na ilabas ng bansa ang kanilang mga bihag, at hindi namin pwedeng pahintulutan na magtagumpay sila dahil ilang beses na kaming nalusutan ng sindikatong ito. Limang buwan din ang aming ginugol sa pagmamanman sa sindikatong ito. Ngunit, sa lawak ng kanilang impluwensya ay nahirapan kami na matunton ang bawat transaction ng kanilang grupo. Nagpapanggap ang sindikatong ito bilang isang recruitment agency na nangangako ng magandang trabaho sa ibang bansa. Subalit ang mga aplikante na kanilang nabibiktima ay pinatutuloy nila sa tinatawag nilang free accommodation. Isa itong klase ng resthouse kung saan ay ikinukulong ang mga aplikante na kanilang biktima. Walang kamalay-malay ang mga aplikante na hawak na sila ng sindikato. At ngayon, kasama ng mga bihag ang isa sa aming kasamahan na nag-undercover bilang isang civilian. Halos paliparin ko na ang aking motor para lang mas maagang makarating sa fifty five minutes na katumbas ng forty kilometers. Umalingawngaw ang ingay ng aking motor sa katahimikan ng gabi, alas dos na kasi ng madaling kaya wala ng masyadong sasakyan sa highway. “Check point, Par.” Paalala sa akin ni Singko mula sa kabilang linya, siya ang naka-assign sa monitoring. Nakikita niya ang lahat ng mga nangyayari sa paligid mula sa computer na gamit nito. Sa pamamagitan ng pagha-hack niya sa ilang cctv ay malaya siyang nagkakaroon ng access dito. “Thanks, Par.” Ani ko kaya biglang bumagal ang takbo ng aking motor, akma lamang sa speed na itinakda sa highway na ito. Nakita ko na sumenyas ang pulis sa akin kaya huminto ako sa mismong tapat nila. “Sorry, Sir, pero meron kaming operasyon ngayon, maaari po bang makita ang mukha nila?” Ito ang request sa akin ni sarge, kaagad kong sinunod ang utos nito at hinubad ang aking helmet. Hinawi ko muna ang aking buhok patalikod bago ngumiti sa pulis kaya lumitaw ang mga ngipin ko na nababalutan ng brace. “Okay na po ba, Sir?” Kaswal kong tanong ngunit napansin ko nakatulala lang ito sa mukha ko na parang akala mo ay na engkanto. “Klick!” Bigla itong natauhan ng pumitik ang mga daliri ko sa tapat ng kanyang mukha. “Naku, Ma’am, pasensya na po, napagkamalan pa kitang lalaki. Saan po ba ang punta n’yo?” Magalang niyang tanong sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa aking mukha. “It doesn’t matter, Sir, actually pauwi na po ako dahil ka-a-out ko lang sa trabaho. Isa po akong call center at panggabi ang duty ko.” Magalang ko ring sagot bago itinuro ang aking ID na nakasabit sa leeg ko. Nakakaramdam na ako ng inis dahil nauubos na ang oras ko dito. “So, pano sarge, kailangan ko ng umalis dahil nahihilo na ako sa antok.” Ani ko at mabilis na isinuot ang aking helmet. “No problem, Ma’am, pasensya na sa abala.” Ani nito, imbes na sumagot ay sinaluduhan ko na lang ito bago muling pinatakbo ang aking motor. Nang makita ko mula sa side mirror na malayo na ang mga pulis ay saka ko isinagad ang speed ng aking motor na parang akala mo ay nakikipag habulan kay kamatayan. “S**t, Black, where are you? Paalis na ang barko.” Nag-aalala na tanong sa akin ni Pisces mula sa kabilang linya. “Just a few minutes.” Ani ko bago ipinarada ang motor sa isang liblib na lugar. Nataranta ako ng makita ko na nakaalis na nga ang malaking barko mula sa daungan nito. Nagmamadali na hinubad ko ang aking helmet at mabilis na tinakbo ang madilim na bahagi ng pier at walang takot na nagdive ako sa dagat. Mabilis akong lumangoy patungo sa papaalis na barko. Nang medyo tant’yado ko na ang layo nito ay kaagad kong binunot mula sa aking likod ang rope gun. Nagpalutang-lutang ako sa tubig habang inaasinta ang gilid ng barko, nang pakawalan ko na ito ay mabilis na kumapit ang bakal nito sa rehas. Mabilis akong nakaakyat sa barko ngunit natigil ako sa ere ng may biglang dumaan na isang armadong lalaki. Isa kasi itong private ship kaya masyadong mahigpit ang seguridad. Nang lumampas na ito sa aking kinaroroonan ay walang hirap na sumampa ako sa railings ng barko. Namangha ako ng makita ko ang loob nito, mukhang para lang yata ito sa mga mayayaman na kumikita ng milyon. Marahil kung isa lang akong ordinaryong tao ay baka manliit ako sa aking sarili sa oras na tumapak ang mga paa ko marangyang barko na ‘to. Subalit batid ko na ang lahat ng ito ay huwad dahil ginagamit ng sindikato ang kanilang pera para lang maitago ang mga krimen na kanilang ginagawa. Walang ingay na humakbang ako palapit sa nakasaradong pinto. Sinuri kong mabuti ang bahagi ng barko na aking kinaroroonan upang masigurado ko lang na nasunod ko ang ibinigay na instruction sa akin ni Pisces. Nang makita ko na walang tao sa corridor ay mabilis akong pumasok sa loob ng restroom nang mga lalaki. Kaagad na pumasok ako sa ikatlong cubicle. Mula sa loob ng water tank ay nilabas ko ang damit na itinago ni Pisces. Pagkatapos na magbihis ay isinuot ko ang makapal na salamin sa mata at ikinabit sa ilalim ng ilong ko ang pekeng bigote. Nang masiguro ko na maayos na ang aking itsura ay saka ako nagdesisyon na lumabas. Ngunit napatda ako sa aking kinatatayuan ng sumalubong sa aking paningin ang isang lalaki na may mabagsik na mukha. Matangkad naman ako ngunit di hamak na mas matangkad siya kaysa sa akin dahil umabot lang ako hanggang sa kanyang baba. “Get lost.” Mapanganib niyang utos ng hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi na lang ako umimik para hindi na humaba pa ang usapan dahil kailangan ko ng magmadali. Subalit nakaka dalawang hakbang pa lang ako ng pigilan ako ng lalaki, “Wait.” Ani ng malagom nitong boses. Napalunok ako ng wala sa oras habang nanatiling nakatayo sa aking kinatatayuan. Ilang segundo ang lumipas ng marinig ko ang mga yabag nito palapit sa akin. “Who are you?” Mapanganib niyang tanong, namangha ako dahil sa lakas ng pakiramdam ng lalaking ito. Pasimple akong nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga bago nakangiti na pumihit paharap sa kanya. “I am a new employee on this ship, Sir." Magalang kong sagot, ngunit ng marinig niya ang boses ko at nagdilim ang mukha nito at labis kong kinagulat ang sunod niyang ginawa. Mabilis niyang tinawid ang aming pagitan at umangat ang isa nitong kamay. Mabilis kong nahulaan ang balak niyang pagtanggal sa aking pekeng bigote kaya matigas na pwersa ang ginamit ko sa pagtabǐg ng kamay nito. Marahil ay hindi niya inaasahan na gagawin ko ‘yun kaya isang nakamamatay na tingin ang ibinato niya sa akin. Ngayon ko lang natitigan ng husto ang kanyang mukha at masasabi ko na isa siyang mapanganib na tao. Umangat ang sulok ng kanyang bibig at sa paraan ng tingin niya sa akin ay parang may balak ito na patayin ako. Sa ikalawang tangka niya na paglapit sa akin ay mabilis akong dumukot ng barya sa bulsa ng aking pantalon. Inasinta ko ang kanyang tuhod gamit ang baryang hawak ko. “F**k!” Daing nito at naitukod niya ang isang tuhod sa sahig. Sinamantala ko ang pagkakataon at kaagad na pinilipit ang isang braso nito sa kanyang likod upang mailock ito. Medyo nahirapan pa ako ng tangkain niyang lumaban. Nagtagumpay ako na ma-itali ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran.” “S**t! I’m going to kill you sa oras na maalis ang tali sa mga kamay ko- hmp!” Hindi na naituloy ni Heussaff ang sanay sasabihin pa niya ng talian ni Amethyst ang kanyang bibig gamit ang sarili nitong panyo. Naghihimagsik ang kanyang kalooban ng matuklasan niya na may nakapasok na isang lesbian sa kanyang barko. At nang mga oras na ito ay parang gusto na niyang patayin ang babaeng ito dahil mabilis na naitali nito ang kanyang mga kamay gamit ang mismong necktie niya. “I hope so,” tila nang-aasar na sagot naman ni Amethyst sa banta ni Heussaff, pagkatapos siyang mahila nito papasok sa loob ng isang cubicle. “Uagggh...” daing ni Heussaff ng suntukin pa ng dalaga ang kanyang sikmura. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa kanya sa loob mismo ng kanyang teritoryo. Masyado yata siyang naging kampante na malabo itong mangyari sa kanya kaya naisahan siya ng tomboy na ‘to. Pagkatapos iyong gawin ni Amethyst ay nagmamadali na siyang lumabas ng cubicle ngunit ng makarinig siya ng mga yabag ay mabilis siyang bumalik sa loob ng cubicle upang magtago. Pagpasok niya sa loob ay sumalubong sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Heussaff. Ngunit, ang mas lalong ikinabahala ni Amethyst ay ng matanggal ng binata ang nakataling panyo sa bibig nito. “You’re”- naudlot ang sanay sasabihin ng binata ng mabilis na lumapat ang bibig ni Amethyst sa kanyang bibig. Dahil sa labis na pag kataranta ng dalaga ay ginamit na niya ang kanyang mga labi para lang patahimikin ang binata dahil tuluyan ng nakapasok ang mga lalaki sa loob ng restroom. Nanlaki ang mga mata ni Heussaff at hindi siya makapaniwala sa ginawa ng tomboy na ito sa kanya. Ngunit ang mas gumimbal sa kanya ay bakit tila nagustuhan pa niya ang mga labi nito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD