Kabanata 01
“Wow, ang gwapo naman talaga ng anak ko, tell me, may date ka no?” Malambing na tanong sa akin ni Mommy, nang masilayan ko ang magandang ngiti nito ay tila kinilig ang puso ko. Lumapit ako sa aking ina at masuyong hinagkan ang makinis niyang pisngi.
“Yes, Mom, and later ay makikilala mo na rin ang nobya kong si Leren dahil pumayag na siyang sumama dito sa bahay.” Nagagalak kong sagot kaya lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Mommy. Ito kasi ang unang pagkakataon na may ipapakilala akong babae sa aking pamilya. Actually, Leren is my first love and my first girlfriend. At balak ko na siyang pakasalan.
Kahit na nineteen years old pa lang ako ay may sarili na akong kumpanya na pinamamahalaan. Dahil minana ko ang talino ni daddy sa pagma-manage ng mga negosyo. If ever na maisipan ko na mag-asawa sa edad kong ito ay walang problema, dahil kaya kong buhayin ang magiging pamilya ko.
Isa lang akong simpleng binatilyo, tama lang ang katawan ko sa aking edad ngunit ang taas ko ay hindi pangkaraniwan. Wala akong matatawag na anumang masel sa katawan, dahil ang buhay ko ay umiikot sa harap ng computer at mga papeles sa opisina. But I think hindi naman sagabal ang hindi ko pagkakaroon ng magandang pangangatawan na katulad ng mga modelo dahil madalas ay pinagkakaguluhan naman ako ng mga babae. Marahil, ang lamang ko lang sa ibang mga kalalakihan ay gwapo ako, dahil ako ay kawangis ng aking ama. Ngunit, ang kagwapuhan na iyon ay nagkukubli sa suot kong makapal na salamin sa mata.
“Kung ganun, mukhang mapapalaban na naman si Mommy sa kusina.” Nakangiting saad ng aking ina. Natatawa na yumuko ako at hinagkan ko ito sa pisngi, we’re so lucky dahil nagkaroon kami ng isang mapagmahal at very supportive na ina.
“I will call you, Mom, kung anong oras kami darating ng nobya ko.” Nakangiti kong saad bago nagpaalam dito. It’s a Saturday morning at balak ko na surpresahin ang girlfriend ko sa tinutuluyan nitong dorm. Wala naman kaming usapan nito na magkikita ngayon, ako lang ang nagdesisyon na ipakilala na siya sa aking mga magulang. At wala rin siyang ideya na ngayong araw mismo ang plano ko na alukin siya ng kasal.
Tahimik kong binabaybay ang kahabaan ng highway ng hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Hanggang sa humimpil ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada. Pinaghandaan ko ang pagkakataon na ito kaya suot ko ngayon ang isang mamahaling blue polo shirt na naka tuck-in sa aking itim na slacks. Pagkatapos ng limang minutong paglalakad ay huminto ako sa tapat ng dorm ng aking nobya. Lumalim ang gatla sa noo ko at napalis ang magandang ngiti sa labi ko ng sakto naman na palabas mula sa gate ng dorm ang nobya ko. Bitbit niya ang isang maleta habang magkahawak kamay sila ng isa pang babae na halos kaedaran lang din namin.
“Babe?” Nakangiti kong tawag sa girlfriend ko kaya huminto siya sa paghakbang at dahan-dahan na humarap sa akin ng hindi binibitawan ang kamay ng babaeng kasama nito. “Babe, Where are you going? Why are you carrying a suitcase?” Nagtataka kong tanong habang humahakbang papalapit sa aking kasintahan. Ngunit, nang akmang yayakapin ko na ito ay bigla siyang umatras ng isang hakbang at ang isang kamay nito ay lumapat sa aking sikmura. Napansin ko rin ang pag-alma ng kasama nitong babae na parang akala mo ay gusto na akong upakan. Masasabi ko na matapang ang babae dahil ang lakas ng loob nito para pag-isipan ako ng hindi maganda.
“Heussaff, we need to talk, let’s clear everything between us, you know, I-I’m sorry, I’m sorry because we need to break up. I love Liza, and nagdesisyon na kami na magsama.” Ito ang mga binitawang salita ng nobya ko na labis na gumulo sa utak ko.
“What are you talking about?” Naguguluhan kong tanong sa kanya habang palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Leren at ng babaeng kasama nito. Sino ba naman ang hindi maguguluhan? Bakit naman siya makikipaghiwalay sa akin ng walang dahilan? Kahapon lamang ay napakasweet pa niya sa akin, at makailang ulit din niyang inihain ang sarili para lang patunayan kung gaano niya ako kamahal.
“Pinuputol ko na ang anumang relasyon ko sayo, wala ng tayo.” Seryoso niyang wika bago mabilis na tumalikod sa akin. Nang mga sandaling ito ay binalot ng matinding takot ang puso ko. “B-but why? Tell me, may ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo at itatama ko.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay natataranta na hinawakan ko si Leren sa braso upang pigilan ito. Dahil nagsimula na silang humakbang palayo sa akin, ngunit marahas na hinawi ng kasama nitong babae ang aking kamay. “Don’t touch her.” Matigas nitong wika sa tono na tila nagbabanta. Marahas ko siyang tinulak at akmang susuntukin sana ang mukha nito ngunit tumigil sa ere ang kamao ko dahil hindi ko kayang manakit ng babae.
“Heussaff!” Nakikiusap na tawag sa akin ni Leren at humarang siya sa pagitan namin ng babaeng pinagpalit nito sa akin. Ilang segundo na naghinang ang aming mga mata at nakikita ko mula roon ang determinasyon na makipaghiwalay sa akin. Pakiramdam ko ay parang sinasakal ang puso ko kaya malakas ang tahǐp ng dibdib ko, marahil ay dala ng matinding galit. Nahimasmasan lang ako ng makita ko na nakasakay na ang dalawang babae sa kotse at kasalukuyan ng paalis ang mga ito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, at halos hindi na ako makahinga sa bigat ng dibdib ko habang nakatanaw sa papalayong sasakyan.
“Hahaha, baka siguro hindi marunong magpaligaya at marahil ay mas masarap mag romansa ang tomboy, kaya siya iniwan.” Narinig kong wika ng isang estudyanteng lalaki sa tono na nang-aasar. Saka ko lang napansin ang maraming tao sa paligid ko na pawang mga nakangiti. Tila natutuwa pa ang mga ito sa mga nangyari, katawa-tawa nga naman ako sa paningin ng lahat dahil nagawa akong ipagpalit ng nobya ko sa isang tomboy na wala namang b***g. Napatiǐm-bagang ako habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay. Parang gusto kong magwala at patayin ang lahat ng tao sa aking harapan ngunit mas pinili ko na lang ang tahimik na bumalik sa aking sasakyan.
“Son, Ang aga mo naman yatang bumalik hindi pa ako tapos na magluto.” Di makapaniwala na salubong sa akin ni Mommy, bakas ang labis na pagtataka sa mukha nito habang panay ang silip mula sa aking likuran na wari mo ay may hinahanap. Walang imik na lumapit ako sa aking ina at bigla kong ibinaon ang mukha ko sa pagitan ng kanyang leeg. Mahigpit akong yumakap sa kanyang katawan at mula sa balikat nito ay tahimik akong umiyak. Natahimik ang aking ina at walang salita na hinagod niya ang likod ko na para bang naunawaan na nito kung bakit ako nagkakaganito.
“Everything will be okay, Son, you’re still young, and there’s so much you have to know in this world. Pain is a part of our life so that we can learn and grow.” Malumanay na pahayag ng aking ina habang ako ay tahimik lang na umiiyak sa kanyang balikat. Yes, my Mom is right, it’s really hurt from my heart, pero ang hindi ko matanggap ay ang ego ko na dinurog ng mga taong iyon.
“Thanks, Mom.” Ani ko sa malungkot na tinig bago dinampian ng isang banayad na halik ang pisngi ng aking ina. Pagkatapos kong gawin iyon ay seryoso na akong pumanhik sa pangalawang palapag ng Mansion. Diretso akong pumasok sa loob ng library kaya na gulat ang aking ama na kasalukuyang abalâ sa kanyang trabaho. Nang mapansin nito ang ekspresyon ng aking mukha ay tumiǐm ang tingin niya sa akin.
“Dad, nais kong ibigay mo sa akin ang posisyon mo.” Matatag kong pahayag na siyang ikinaseryoso ng mukha nang aking Ama. Sa klase ng tingin niya sa akin ay batid ko na nauunawaan niya kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Noon pa man ay hinihikayat na ako ni Daddy na akuin ang posisyon nito na ilang beses ko namang tinanggihan kaya batid ko na ikinatuwa pa nito ang naging pahayag ko.
“I won't ask why, but I just want you to know that once you accept this heavy responsibility, there's no turning back.” Seryosong pahayag ng aking ama habang diretso na nakatitig ang matalim nitong mga mata sa aking mata na wari moy inaarok ang determinasyon sa awra ko. Imbes na sumagot ay umangat ang sulok ng bibig ko habang matiǐm na nakatitig sa aking ama. Isang simpleng ngiti ngunit malalim ang kahulugan ang siyang lumitaw sa sulok ng bibig nang aking ama.
I am Heussaff Walker, the eldest son of the most feared man in this country, Mr. Hades Walker. My father is the leader of a black organization in the underground world. Our family is the wealthiest in the country. So, I will make everyone see who they have been mocking.”