TEN YEARS AFTER
Huminto ang apat na sasakyan sa harap ng gusali ng Dream Builders Ventures Company, kaya naman nagsimula ng mataranta ang lahat ng mga empleyado. Mabilis na gumawa ng isang maayos na linya ang mga ito sa magkabilang gilid ng mahabang hallway ng lobby. Halos sabay pa ang lahat na nagpakawala ng kanilang mga buntong hininga, halatang kabado sila sa pagdating ng CEO nang DBV company.
Makalipas ang ilang saglit, humigit-kumulang sampung lalaking nakasuot ng itim na suit ang lumabas mula sa tatlong sasakyan at pinalibutan ng mga ito ang magarang sasakyan na nasa gitna.
Bumukas ang pintuan ng nangingintab na black limousine at lumabas ang isang binata na may mabangis na ekspresyon. Nang makatapak sa sementadong lapag ang mga paa nito ay tumayo siya ng tuwid bago isinara ang nag-iisang butones ng kanyang mamahaling suit. Kasing init ng araw ang aura ng binata, kalmado man ang itsura ngunit ang mga mata ay tila nag-aapoy sa galit.
Makikita mo sa mukha ng lahat ang matinding paghanga na may halong takot. Ngunit mabilis na nagyuko ng kanilang mga ulo ang lahat ng empleyado habang tahimik na naglalakad sa gitna nila si Heussaff Walker ang may-ari ng kumpanya.
Mula sa makapal nitong mga kilay, mga mata na tila sa tigre kung makatitig, at maging ang ilong nito na wari moy nililok ng pinaka magaling na sculpture ay perpektong matatawag ang lahat sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya ng lobby ng biglang huminto sa paghakbang ang kanyang mga paa. Sa pagtigil ng paa nito ay tila tumigil din sa pagtibok ang puso ng mga empleyado.
Para sa lahat ay makapigil hininga ang bawat segundo dahil batid nila na may isa sa kanila ang mawawalan ng trabaho. Pumihit si Heussaff paharap sa isang babae na kasalukuyang nakayuko. “Your fire.” Matigas na bigkas ng kanilang CEO kaya mabilis na nag-angat ng kanyang mukha ang babae. Base sa kilos nito at gupit ng buhok ay malalaman mo kaagad na isa itong lesbian. Hindi makapaniwala na tumitig ang empleyada sa mukha ni Heussaff na dapat ay hindi na lang niya ginawa. Dahil mas lalong nag-init ang ulo ni Heussaff, nag-igting ang mga bagâng nito na para bang gusto na nitong suntukin ang kanyang kaharap.
“Get this girl out of here.” Mapanganib na wika ni Heussaff sa kanyang mga tauhan. “S-Sir?” Hindi makapaniwala sa tanong ng babae dahil wala siyang alam na dahilan para tanggalin sa kanyang trabaho . “N-No, Sir, maawa naman kayo kailangan ko ang trabahong ito.” Nakikiusap na sabi ng babae ngunit wala na siyang nagawa pa ng kaladkarin siya ng mga tauhan ni Heussaff palabas ng kumpanya. Nanginig sa takot ang lahat ng mga empleyado ng isa-isa silang sinipât ng tingin ni Heussaff. Saka pa lang sila nakahinga ng maluwag ng tuluyan ng umalis sa kanilang harapan ang binata.
Labis na nagtataka ang lahat kung bakit mainit ang dugo ng kanilang boss sa mga lesbian, dahil halos hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na nangyari ang eksenang ito. Wala ni isa man sa kanila ang nagbigay ng anumang komento dahil sa takot na baka sila naman ang sunod na mawalan ng trabaho.
Tahimik na pumasok si Heussaff sa loob ng kanyang malawak na opisina at wari moy hari na umupo sa kanyang trono.
“My Lord, ayon sa report ng isa sa ating tauhan ay tinanggihan ni Mr. Largo na pirmahan ang kontrata dahil hindi siya sang-ayon sa mga polisiya ng inyong kumpanya.” Si Mr. Mateo, ang kanang kamay ni Heussaff, nakatayo ito sa gitna ng kanyang opisina habang naghihintay ng magiging sagot niya. “Shut down their business.” Walang ganang sagot ni Heussaff na halatang walang pakialam kahit pa na maghirap ang pamilya ni Mr. Largo. Ni hindi man lang niya naisip ang magiging consequence ng padalos-dalos nitong desisyon.
“Masusunod.” Kaagad na sagot ni Mr. Mateo, pagkatapos nitong yumuko ay lumabas na ito ng opisina. Tumayo si Heussaff at lumapit sa counter na nasa gilid ng maliit na salas ng kanyang opisina. Nakadisplay ang iba’t-ibang mamahaling alak sa isang mataas na shelf. Pagkatapos na magsalin ng matapang na alak sa munting baso ay bitbit ito na lumapit siya sa glass wall ng kanyang opisina. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang nakatanaw sa malawak na Siyudad na nakalatag sa kanyang harapan. Ang kanyang tindig ay puno ng dignidad na wari moy isang pader na hindi matitibag ninuman.
“Kay bilis ng panahon at sampung taon na rin ang lumipas, malaki na ang pinagbago ko, hindi na ako ang dating Heussaff na pinagtatawanan ng lahat. Nasa akin na ang lahat, kapangyarihan, karangyaan at maging katanyagan. Umangat ang sulok ng aking bibig bago inisang lagok ang lamang alak ng basong hawak ko. Masyadong malayo na ang narating ko at batid ko na labis akong kinatatakutan ng lahat. Aware ako na ang tingin ng lahat sa akin ay isang halimaw. Well, kahit sino talaga ay hindi nanaisin na banggain ang isang tulad ko.
Ilang sandali pa mula sa aking likuran ay narinig ko na bumukas ang pinto, kasunod nito ang tunog ng taguktôk ng mga takong. Ni hindi man lang ako nag-abala na lingunin kung sino ang pumasok sa pintuan. Maya-maya, mula sa aking likuran ay yumakap sa bewang ko ang dalawang maputing braso. Masuyong hinaplos ng palad nito ang aking katawan habang ang kaliwang kamay niya ay huminto sa tapat ng nakaumbok kong p*********i.
“I miss you, Babe.” Malambing na wika ni Feliza bago ito lumipat sa aking harapan. Tumingkayad siya upang sanay halikan ako ngunit kaagad na ibinaling ko ang aking tingin sa sulok ng opisina kaya sa pisngi ko lumapat ang mga labi nitong namumula dahil sa makapal na lipstick. Batid ko na nainsulto siya sa ginawa ko but I don’t care, because she’s nothing but a piece of toy’s na anytime ay pwede ko ng idispatsa sa oras na magsawâ ako.
“What are you doing here?” Walang gana kong tanong bago umalis sa kanyang harapan. Lumapit ako sa counter at muling sinalinan ng alak ang maliit na baso na hawak ko.
“Ilang araw kang hindi nagparamdam sa akin tapos tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko dito?” Tila hindi makapaniwala na pahayag ni Feliza. Pagkatapos na ubusin ang alak sa baso ay tinatamad na umupo ako sa sofa. Humakbang palapit sa akin si Felisa at walang pasabi na umupo sa kandungan ko. Ngayon ang tingin ko sa kanya ay isang dumi na dumikit sa mamahalin kong suit. Matamis na ngumiti ang babae at katulad ng madalas niyang gawin ay gumapang ang namimilantik nitong mga daliri pababa sa aking katawan hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng aking sinturon.
Ni hindi niya tinangka na halikan ako sa leeg dahil alam niya na magagalit ako sa oras na ma-mantsahan ng lipstick nito ang aking damit. Habang nakatitig ang mga mata niya sa aking mga mata ay kinakalas na nito ang buckle ng aking sinturon. Ilang sandali pa ay kagat labi na hawak na ng kanyang palad ang aking kargada, halata sa mukha nito ang pagnanais na halikan ako ngunit hindi niya magawa.
Kusa siyang naghubad sa aking harapan kaya nahantad ang magandang hubog ng katawan nito na makailang ulit ko ng pinagsawaan. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan bago ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na bumaon ang akin na loob ni Feliza, hanggang sa nagsimula na itong magtaas-baba sa aking kandungan. Aminado ako na magaling si Feliza pagdating sa mga ganitong bagay, marahil isa sa dahilan kung bakit hinahayaan ko siyang manatili sa tabi ko.
Napuno ng mga ungol at halinghing ang buong opisina dahil sa walang humpay na paggiling nito sa aking kandungan. Hindi ko na alam kung gaano katagal na kami sa ganitong posisyon dahil nararamdaman ko na malapit ko ng marating ang sukdulan. Humigpǐt ang hawak ko sa hamba ng sofa ngunit hindi ko inaasahan ang kapangahasan na ginawa nito. Dahil biglang lumapat ang bibig ni Feliza sa aking mga labi. Naudlot ang kaligayahan na nararamdaman ko, dahil pakiramdam ko ay umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa ulo. Kusang umangat ang kanang kamay ko at isang malakas na sampal ang yumanig sa buong pagkatao ng babae.
Marahil ay hindi nito inaasahan na gagawin ko ang bagay na ‘yun at sa labis na pagkagulat ni Feliza ay nahulog siya sa sahig. Nanlilisik ang mga mata na tinitigan ko siya. Mabilis na dinukot ko ang panyo mula sa bulsa ng aking pantalon. Wari moy nandidiri na ipinahid ko ng panyo ang aking mga labi. Sunod kong nilinis ay ang nakahantad na pribadong bahagi ng aking katawan. Pagkatapos itapon ang panyo ay kaagad kong inayos ang aking pantalon.
“Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha mo sa aking kumpanya.” Matigas kong pahayag na siyang ikinasindak nito, marahil ay labis siyang nagugulumihanan dahil sa isang simpleng halik lang ay sumabog na ako sa galit. Mabilis na tumayo si Feliza at inayos ang kanyang sarili. Pagkatapos nitong magbihis ay matapang na hinarap ako nito.
“Napaka babaw mo! Nang dahil lang sa halik ay nag ka ganyan ka na!?” Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin habang ako naman ay kasalukuyang humahakbang patungo sa swivel chair. “Wala na ba akong halaga sayo Heussaff? Sa ilang taon na magkarelasyon tayo ay parang hindi mo man lang yata ako minahal?” Puno ng hinanakit na tanong niya sa akin.
“Get out.” Iyon ang naging sagot ko sa kanya na wala man lang epekto ang drama nito sa akin, bagkus ay naiirita pa ako. “Answer me!” Ani nito sa mataas na boses, at mula sa kanyang mga mata ay kita ko ang pagbangon ng galit nito sa akin.
“Yes, at alam mo ‘yan sa sarili mo na hindi ako naniniwala sa love na ‘yan, isa lang yang init ng katawan na kailangang mairaos. Satisfied? Now leave.” Anya sa makapangyarihang tinig, kaagad na pinindot ko ang red button sa aking tabi kaya mabilis na pumasok ang mga tauhan ko. “Napaka walang hiya mo! Ginamit mo lang ako h***p ka!” Nanggagalaiti na sigaw ni Feliza habang kinakaladkad ito ng mga tauhan ko palabas ng aking opisina. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago itinuon ang atensyon sa mga papeles na nasa harap ko. Walang pakialam na sinimulan ko ng buklatin ang mga folder na nasa harapan ko.”