Kabanata 06

1239 Words
Amethyst Point of view “Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakikipaglaban sa mga tauhan ng sindikato. Pagkatapos kong pakawalan ang huling bala ng aking baril ay buong lakas na ibinato ko ito sa lalaking palapit sa akin. Kasunod nito ay ang pag-ikot ng paa ko sa ere at tumama ang sipa na pinakawalan ko sa dibdib ng lalaking nasa likuran ko. Halos sabay lang din kaming bumagsak ng kalaban sa sahig dahil mabilis akong nagdive upang maiwasan ang bala ng kasamahan nito. Mabilis na umikot ako sa sahig at nagkubli sa likod ng pader na malapit sa akin. Pilit kong pinagsisiksikan ang aking sarili sa makitid na espasyo upang huwag lang tamaan ng bala. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko na ang aking kamatayan, dahil wala na ako ni anumang armas sa katawan. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan dahil hindi ko na makakasama ang lola ko, pati ang pinakamamahal kong si Angeline. Sinikap kong magpakatatag at kahit alam ko na wala ng pag-asa pa na makaligtas mula sa bala ng kalaban ay umaasa pa rin ako na malalampasan ko ito. “Black! Where are you? Dumating na ang mga parak, kailangan na nating makaalis dito!” Si Pisces mula sa kabilang linya, dinig ko ang pakikipagpalitan nito ng putok mula sa mga kalaban. “Save yourself, huwag mo na akong alalahanin.” Pabulong kong wika at muli na naman akong nag sumiksik sa sulok ng muling barilin ng dalawang lalaki ang aking direksyon. “S**t! Ayoko pang mamatay!” Ang naibulalas ko kaya narinig ko na natawa si Singko mula sa kabilang linya. “Don’t tell me, may balak ka pang magpakalat ng lahi mo?” Nang-aasar na wika nito na sinagot ko naman nang, “F**k you, Par!” Ani ko, ngunit natigil ako ng biglang bumagsak sa harap ko ang dalawang lalaki na bumabaril sa akin, kasunod nito ay mga yabag palapit sa kinaroroonan ko. “Save the bell, Par.” Si Singko na tila natutuwa sa mga nangyayari. Ngunit ibayong kabâ pa ang nararamdaman ko dahil sa presensya ng isang lalaki na kasalukuyang papasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko. S**t! Par, kailangan mong makaalis d’yan, delikado ang lagay mo!” Naaalarma na sabi ni Singko dahil tanging siya lang ang nakakakita ng mga nangyayari sa labas ng silid na kinaroroonan ko. “Move quickly, Par! Palapit sa Mr. Walker sa direksyon mo!” Bulalas nito sa kabilang linya na halos ikabingǐ ko. “S**t! Naririnig kita hindi mo kailangan na sumigaw!” Naiinis kong sagot, natanggal ko tuloy ng wala sa oras ang suot kong earphone sa aking tenga. Sino bang Walker ang tinutukoy ni Singko at ganun na lang takot nito sa presensya ng lalaking ‘yun? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Kilala ko naman ang mga anak ni Mr. Hades Walker, kaya iniisip ko kung alin sa kambal na Asher at Izer ang naririto ngayon sa barko. But I think hindi naman nakakatakot ang mga ‘yun dahil minsan ko na silang nakasalamuha mula sa isang misyon, dahil business partner ng mga ito ang subject ko. “Paano nakapasok ang mga hayop na ‘yan sa loob ng barko ko!?” Nanggagalaiti sa galit na tanong ng isang lalaki, natigilan ako dahil tila pamilyar sa akin ang boses nito. “Sir, bigo kami na mahanap ang taong ipina-hahanap mo sa amin.” Hinihingal na saad naman ng isa pang lalaki na marahil ay kararating lang nito. Maingat na lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at magaan ang mga hakbang na lumapit sa pintuan saka mabilis na dinampot ang baril na hawak ng lalaking nakahandusay sa aking harapan. Sa kasamaang palad ay nakita ako ng isa sa kanila kaya naudlot ang sanay sasabihin ng lalaking nakatalikod sa akin. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagharap nito at sumalubong sa aking paningin ang isang mukha na pamilyar sa akin. Dahil siya ‘yung lalaki na tinorture ko sa loob ng banyo. Saglit na nagtama ang aming mga mata, at kita ko na maging ito ay nagulat din ng makita ang mukha ko. Kaagad kong pinaputukan ang kanilang direksyon kaya mabilis silang nagtago sa mga silid na malapit sa kanila. Sinamantala ko ang pagkakataon at kaagad na tumakbo patungo sa kabilang silid na may tatlong dipâ mula sa kinatatayuan ko. Saktong pasok ko sa silid ay ang pagdaan ng mga bala sa tagiliran ko, napadaing pa ako ng wala sa oras ng madaplisan ng bala ang tagiliran ko. “F**k you! Don’t shoot her!” Galit na bulyaw ng lalaki sa tauhan nito kaya naman napangiti ako. “I see, you don’t want me to die, don’t tell me, type mo ko? Yucks!” Nang-aasar kong wika sa malakas na tinig upang marinig ng lalaki. “Shut up! Lumabas ka d’yan at harapin mo ako!” Galit na utos niya sa akin kaya natawa ako ng wala sa oras mukhang pikunin ang isang ito. Kaya naisip ko na asarin itong lalo. “Why? Do you want me to f**k your ass?” Ani ko na sinamahan ng nang-aasar na tawa, “I swear! Kakainin mo ang lahat ng mga sinabi mong ‘yan!” Nanggigigil niyang sagot kaya mas lalo lang akong natawa sa kanya. Sayang kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay marami pa sana akong pagkakataon na galitin ang lalaking ito. “Oh, come on, Mr. Lover boy, I haven’t time for chitchat. At huwag mo ng pangarapin pa na mag-krus muli ang ating mga landas dahil baka mabaliw ka lang sa karisma ko.” Mayabang kong saad bago mabilis na lumabas mula sa aking pinagtataguan at walang habas na pinagbabaril ko ang mga ito. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na tumakbo palayo hanggang sa nakarating ako sa dulo ng barko. Maingat ang bawat kilos ko at nanatili lang ako sa dilim upang walang makakita sa akin. Naririnig ko mula sa kabilang bahagi ng barko ang kumosyon ng mga pulis mula sa ilang tauhan ng mga sindikato. Habang walang tigil ang palitan ng putok sa ilang bahagi ng barko. Ngayo'y dumating na ang mga backup na pulis ay kailangan ng umalis ng grupo ko dito. Wala naman kaming dapat na ipag-alala dahil hawak na ng mga pulis ang mga aplikante na biktima ng sindikato, habang ang mga natitira pang kalaban ay kasalukuyan ng tinutugis ng mga alagad ng batas.” “Get after her!” Galit na utos ni Heussaff ng makita niya na patakas na ang lesbian na kanyang hinahabol. Naalarma siya ng walang takot na nagdive ito sa malalim na dagat. Balak sana niya itong sundan ngunit mabilis siyang naharang ng mga pulis. Nagulat siya ng bigla silang posasan ng mga ito kaya galit na hinarap niya ang mga pulis! “What do you think you're doing?” Galit na singhal niya sa pulis na naglagay ng posas sa kanyang mga kamay. Sa presinto na kayo magpaliwanag.” Seryoso na sagot ng pulis na mukhang hindi siya nakikilala nito. Wala naman talaga kasing nakakakilala sa kanya maliban lang sa mga taong nasa mataas na posisyon o di kaya ay mga negosyante. “S**t! Let me go!” Galit na sabi ni Heussaff ng sapilitan na siyang hilahin papasok sa loob ng barko kung nasaan naroroon ang iba pang inaresto. Walang nagawa si Heussaff ng tuluyan ng makalayo si Amethyst. Ngunit sinisiguro niya sa kanyang sarili na hindi pa ito ang huli nilang pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD