“Click!” “‘Yun Oh! Tulala sya! Don’t tell me, babae ka na ngayon?” Nang-aasar na tanong sa akin ni Pisces pagkatapos pumitik ng mga daliri nito sa tapat ng mukha ko. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako tulala sa hangin habang lumilipad ang isip ko sa mga nangyari samin ng lalaking ‘yun. Aminado ako na mali ang ginawa ko sa kanya, at sa totoo lang ay huli na bago ko pa naisip na humingi sana ng tawad sa lalaking ‘yun. Ano nga ba ang pumasok sa utak ko at naging bayolente ako sa kanya? Pero kung hindi ko gagawin ‘yun siguradong baka ako naman ang malagay sa alanganin. Tsk, sayang gwapo pa naman ang isang ‘yun at higit sa lahat ay malakas ang karisma nito.
“Hell no! Mas gwapo ako kaysa sa lalaking ‘yun!” Kaagad na kontra ng kabilang bahagi nang utak ko, parang sira-ulo na ipinilig ko ang aking ulo sabay subo ng pizza na kanina ko pa pala hawak. “May balita na ba sa kaso?” Seryoso kong tanong ng hindi pinapansin ang sinabi ni Pisces.
“Ayon kay chief ay kasalukuyan ng gumugulong sa korte ang kaso, Par, sa oras na manalo ang kaso at tuluyan ng mahatulan ang lahat ng mga nakipag sabwatan sa sindikato ay isa itong malaking achievement. Bonus is waving ika nga.” Ani ni Pisces na sinundan ng isang ngiting tagumpay. Ang grupo namin ay sakop ng isang pribadong organisasyon na tumatanggap ng trabaho mula sa iba’t-ibang kliyente. Legal ang bawat transaction ng grupo namin dahil bago kami magsagawa ng isang operasyon ay nakikipag-coordinate kami sa mga kapulisan. Ngunit sa oras na malawak ang impluwensya ng aming target ay nagkakaroon muna kami ng malawak na imbestigasyon upang madali naming malaman ang limitasyon ng kalaban.
Mahirap kasing banggain ang isang makapal na pader lalo na at hindi naman kami kasing yaman ng mga ito. Isa lang akong simpleng empleyado ng isang agency kaya ang lahat ng mga desisyon namin ay nakadepende sa nakatataas sa amin.
“Sana madaliin ang kaso, hindi mapapanatag ang loob ko hanggat hindi nasintensyahan ang mga kriminal na ‘yun.” Ani ko sabay subo ng maliit na piraso ng pizza. “Hindi na makakatakas ang mga ‘yun, sa tibay ba naman ng ebidensya na hawak natin? I’m sure mabubulok silang lahat sa loob ng kulungan.” Kumpiyansa sa kanyang sarili na sagot sa akin ni Pisces kaya isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa mukha ng kaibigan ko. Sa totoo lang ay maganda ang kaibigan kong ito, isang klase ng ganda na hindi nakakasawang titigan.
Sinubukan kong magpahaging dito ng kuno ay nararamdaman ko para sa kanya ngunit tinabla lang ako nito. Hindi daw kasi niya type ang mga tibo, hindi ko naman na ipinagpilitan ang sarili ko sa kanya, and besides, masaya na ako na makita siyang masaya sa piling ng kanyang boyfriend. “Putcha, Par! Huwag mo kong titigan ng ganyan, sa paraan ng tingin mo eh parang hinubaran mo na ako!” Nakasimangot niyang wika kaya natawa na lang ako dahil ang cute niyang magtampo.
“So paano, una na ko sayo.” Ani ko sabay kindat dito, napahagalpak ako ng tawa ng mabilis na namula ang kanyang mukha. “Lumayas ka na nga at pinagtitripan mo na naman ako!” Napipikon niyang wika, hindi na ako tumigil sa katatawa habang naglalakad palapit sa nakaparada kong motor. Pagkatapos na mai-suot ang aking helmet sa ulo ay kaagad na akong sumakay sa aking ducati. Matulin ko itong pinatakbo. Makalipas ang halos trenta singkong minuto at kaagad akong nakarating sa bahay.
Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan ng masilayan ko ang unang ari-arian na naipundar ko mula sa aking trabaho. Simple lang ang bahay na ito at may tatlong kwarto lamang ang loob nito. Napangiti ako ng makita ko ang malagong mga halaman at Kasalukuyan pa lang na namumukadkad ang mga bulaklak nito. Hindi nawawala ang ngiti ko habang pinipihit ang seradura ng pinto bago maingat na itinulak ito pabukas. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong kaagad sa akin ang mabangong amoy ng adobo na nagmumula sa kusina. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras dahil bigla akong ginutom.
“Babe!” Masayang tawag sa akin ni Angeline na kasalukuyang palabas mula sa pintuan ng kusina. Nang masilayan ko ang magandang mukha ng aking nobya ay napawi ang lahat ng pagod ko. Mabilis na tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya. Sa sobrang pagkasabik nito ay napalundag pa siya sa akin na parang akala mo ay bata. Natatawa ako habang buhat ko ito. Mabilis na inilapat nito ang kanyang mga labi sa bibig ko at isang banayad na halik ang aming pinagsaluhan. Sa loob ng halos isang buwan na hindi ko nasilayan ang maganda niyang mukha ay natutulirô na ang utak ko.
Si Angeline na lang ang meron ako at hindi ko kakayanin sa oras na maagaw siya ng ibang lalaki sa akin. Nanggigigil na pinupog ko ng halik ang buong mukha nito habang siya ay natatawa na yumakap sa aking leeg. Magaan lang naman ang dalaga at hindi rin naman siya katangkaran. Simple lang ang taglay nitong ganda, marahil ang higit na bumihag sa puso ko ay ang kabaitan nito at sobrang maalaga pa.
“Bakit ngayon ka lang, hm?” Tila nagtatampo na tanong niya sa akin, umupo ako sa sofa habang siya naman ay nanatili sa kandungan ko. Buong pananabik na niyakap ko ang balingkinitan niyang katawan habang siya naman ay inalis ang suot kong itim na sumbrero. Naantig ang puso ko ng hawiǐn ng malambot nitong kamay ang aking buhok saka naglalambing na ibinaon ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko.
Mabilis na naginit ang aking pakiramdam kaya naman nagsimula ng gumapang ang palad ko sa loob ng suot niyang t-shirt. “Minsan iniisip ko trabaho mo ay baka isa kang hold-upper, dahil lagi ka na lang umaalis, tapos ang suot mo ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan.” Dahil sa sinabi nito ay bumunghalit na ako ng tawa at mas lalo pang humigpǐt ang pagkayakap ko sa kanyang katawan.
“May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Naaasar na tanong niya sa akin na tila nagtataray. “Sobra ka namang mag-isip sa akin, sa gwapo kong ito napagkakamalan ba akong hold-upper?” Nakangiti kong sagot habang masuyo itong hinahagod sa likod.
“Alam mo naman ang klase ng trabaho ko, kung saan-saan ako nadi-destino.” Malumanay kong sagot. Ang alam ni Angeline ay isa akong representative ng aming kumpanya na kung saan may project ay doon ako ipapadala kumpanya. Kaya madalas ay nawawala ako ng ilang buwan at tanging ang nobya ko na lang ang naiwan dito sa bahay. Pero sa pagkakaalam ko ay sa tuwing umaalis ako ay dun siya nag titigil sa bahay ng kanyang ina.
“So, kumusta ka naman habang wala ako?” Malumanay kong tanong sa kanya na patuloy ko pa ring hinahaplos ang nakalitaw nitong braso habang nakasandig ang ulo niya sa dibdib ko.. Nagtaka ako kung bakit bigla siyang natahimik, matagal bago siya nakasagot. “Okay naman ako kaso ilang araw din akong nagbantay sa hospital, halos dalawang linggo na kasing naka-confine si Nanay.” Malungkot niyang sagot, hinaplos ng awa ang puso ko kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa katawan nito.
“Don’t worry sasamahan kita bukas sa hospital at ako na ang bahala sa lahat ng gastusin. Nakangiti kong wika, nagsimulang yumugyog ang mga balikat nito at naramdaman ko na nabasa ng mga luha niya ang suot kong itim na t-shirt. Saksi ako sa hirap na kinakaharap ng kanilang pamilya kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang makatulong sa kanya. Sa ngayon ay nagdadialysis ang kanyang ina at malaking halaga ang kailangan nito. Ngunit muli na naman itong na hospital kaya dobleng dagôk ito sa kanilang pamilya. Pero nandito naman ako at handang gawin ang lahat para makatulong sa pamilya ng nobya ko.”