Kabanata 17

1185 Words
Kasalukuyang nagaganap ang isang meeting sa pagitan ng buong team ni Singko, dahil pinag-uusapan nila ang malaking problema na kinakaharap ng kasamahan nilang si Black. “Kailangan nating mag-isip ng paraan kung paano mapipigilan si Mr. Walker sa mga binabalak nito.” Matigas na pahayag ni Pisces na ang tanging iniisip nito ay ang kapakanan ng kaibigan niyang nasa alanganing sitwasyon. Nanatili lang na tahimik sina Singko, katana at Stone na halata naman na malalim ang kanilang iniisip. “But how? Gayong masyadong agresibo ang kilos ng kalab”- hindi na natapos pa ni Katana ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang may nasa labing limang kalalakihan na pawang mga nakasuot ng itim na suit at seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Humilera ang mga ito sa magkabilang panig na wari mo ay pinaghahandaan ang pagpasok ng sinuman mula sa pintuan. Wala sa sarili na napatayo ang apat habang nakapako ang kanilang tingin sa direksyon ng pintuan. Ni isa sa kanila ay walang gumagalaw dahil sa labis na pagkabigla. Katamikan… Ang bawat segundo ay naghahatid ng ibayong kabâ para sa apat na kasamahan ni Amethyst na nasa loob ng conference room. Hanggang sa narinig nila ang mga yabag mula sa isang tao na kasalukuyang patungo sa kanilang direksyon. Ilang sandali pa ay nahantad sa harapan nila ang taong labis na gumimbal sa kanilang lahat. Sii Heussaff Walker na may seryosong mukha ngunit ramdam mula sa madilim nitong awra ang panganib na hatid nito para sa kanilang grupo. “P-paanong nalaman ng lalaking ito ang aming hideout?” Hindi makapaniwala na tanong ni Singko habang nanlalaki ang kanyang mga mata, maging sina katana at Pisces ay hindi agad nakahuma dahil sa labis na pagkagulat habang ang kasamahan nilang si Stone ay seryosong nakatitig sa mukha ng bagong dating na binata. Ngayon nila napatunayan kung ano ang kakayahan ng taong ito kaya mas lalo silang nabahala. Patuloy lang sa paghakbang ang mga paa ni Heussaff, tumigil lang ito ng makarating sa sentro ng mahabang lamesa na kinaroroonan ng grupo ni Singko. Pa dekwatro na naupo si Heussaff sa bakanteng swivel chair habang nanatiling tahimik ang mga tao na nasa kanyang harapan. “Huwag na tayong mag paligoy-ligoy pa, batid ko na alam n’yo kung ano ang pakay ko sa grupo n’yo. Now tell me where’s she?” Seryosong tanong ni Heussaff habang isa-isang sinisipat ng tingin ang mukha ng mga taong nakatayo palibot sa mahabang lamesa. “We don’t know who you're talking to, and besides you are trespassing here.” Matapang na pahayag ni Pisces habang matalim ang titig nito sa mukha ng binata. Nagtaka ang lahat kung bakit biglang natawa si Heussaff bago hindi makapaniwala na tumitig sa mukha ni Pisces. “You know, pinupuri ko kayo dahil sa pagkakatuklas n’yo sa isang malaking sindikato, hindi ba kayo nagtataka kung bakit naglahong parang bula ang lahat ng miyembro ng sindikatong ‘yun?” Seryosong pahayag ni Heussaff habang ang apat ay sabay na kumunot ang kanilang mga noo na halatang naguguluhan sa mga sinabi nito. “I’m the owner of this agency.” Napatigalgal ang lahat sa isiniwalat ng binata at hindi makapaniwala na tumitig sila sa mukha ng kanilang kausap. Nahulog sa malalim na pag-iisip ang mga kasamahan ni Amethyst habang pilit na inaarok ang katotohanan sa mga sinabi ni Heussaff. Maaring tama ito ng sinabi ngunit may bahagi ng kanilang isip ang nagsasabi na huwag basta maniwala dito. Isang nagdududang tingin ang ibinato nila sa mukha ni Heussaff kaya naman lumitaw ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. “Do you think, hahayaan ko lang na sirain ang sarili kong reputasyon? Ako ang may-ari ng barkong ‘yun na ginamit ng mga sindikato at pag-aari ko rin ang ahensya na tumugis sa kanila. See? Dahilan kung bakit mabilis na nadismiss ang kaso, hinired ko kayo para bantayan ang mga nasasakupan ko pero hindi ko sukat akalain na ako na pala ang sunod ninyong target.” Anya bago napasinghal pa ito dahil natatawa sa mga nangyayari. Natahimik ang lahat at ni isa ay walang makapagsalita dahil iniisip nila na may katotohanan ang mga isiniwalat nito. Isa sa magpapatunay ay ang walang hirap na pagpasok nito sa kanilang teritoryo. “Honestly, hindi ko kilala ang bawat isa sa inyo pero natutuwa ako na malaman na hindi nagkamali ang assistant ko sa pagpili ng bawat isa sa inyo. Personal ko na kayong hinarap para sabihin ninyo sa akin kung nasaan ang babaeng ‘yun.” Seryosong tanong ni Heussaff, nakalarawan ang determinasyon sa mukha nito na makita ang dalagang hinahanap. Nang mahimasmasan ang apat ay saka palang sila tumayo ng tuwid at sabay na sumaludo sa harap ng kanilang boss. Hindi sila makapaniwala na sa ganitong sitwasyon pa nila makikilala ng personal ang mismong may-ari ng ahensya na kanilang pinagtatrabahuhan. “I’m sorry, Sir, we don't even know where Black is.” Seryosong sagot ni Pisces, mahigpit na kumuyom ang mga kamay ni Heussaff at maging ang mga mata nito ay halos maningkit dahil muling nabuhay ang galit sa kanyang dibdib. Tumayo si Heussaff at seryoso ang mga mata na tumingin siya sa mukha ng apat. Nararamdaman niya na hindi pa rin ganap na nagtitiwala sa kanya ang mga ito kahit na nalaman nila na siya ang boss ng mga ito. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita. “Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para iharap sa akin ang babaeng iyon dahil kung hindi, lahat kayo ay mawawalan ng trabaho.” Matigas niyang banta sa mga kasamahan ni Amethyst. Tinalikuran na sila nito at tuluyang nilisan ang conference room. Natitilihan na naiwan ang grupo ni Singko at ilang sandali pa ay hindi makapaniwala na nagkatinginan ang mga ito na wari mo ay iisa ang tumatakbo sa kanilang mga utak. Kaagad na bumalik sa kanyang kinauupuan si Singko at nagsimulang tumipâ ang mga daliri nito sa keyboard ng kanyang laptop. Nag-unahan naman ang tatlo na makalapit sa kanya at dumukwang sa screen ng laptop. Pagkatapos maiconnect sa line one ang linya ni Amethyst ay narinig na nila ang tinig nito. “Yes Par, anong update?” Tanong ng dalaga na halatang nabigla sa biglaang pagtawag nila, “Umamin ka nga sa amin Black, ano ba talaga ang totoong nangyari?” Seryosong tanong ni Singko, napangiti ang lahat ng biglang nanahimik ang dalaga mula sa kabilang linya. “Par, hinahanap ka ng asawa mo.” Si Pisces na halatang may balak mang-asar. “Si Angeline?” Sagot naman ni Amethyst, halatang nagtataka ito kung paano nalaman ng kanyang mga kasamahan ang tungkol sa kanyang nobya. Nanghaba ang nguso ni Pisces dahil alam naman niya na tangging kamatayan ang kanyang kaibigan. Batid nila na kahit anong gawin nila dito ay hindi pa rin ito aamin. “Pasensya na kayo kung pati kayo ay nadamay sa gulo na pinasok ko, don’t worry aayusin ko ang lahat ng ito sa lalong madaling panahon.” Hinging paumanhin ni Amethyst sa kanyang mga kasamahan ngunit ang hindi nito alam ay iniisip na ng kanyang mga kasamahan na may relasyon ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD