Kabanata 16

1170 Words
“Mabilis ang ginawa kong pagdapâ ng makita ko ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa bahay ko. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay dahil sa matinding galit, kilala ko ang mga lalaking nagbabantay sa bahay ko, at ito ang mga tauhan ni Mr. Walker. Kaagad akong umalis sa aking pinagtataguan bago pa man ako makita ng mga taong humahanting sa akin. Para tuloy akong isang kriminal na nagtatago gayong wala naman akong ginagawang masama. Malaki ang mga hakbang na binaybay ko ang makipot na eskinita, hindi kasi ako pwedeng dumaan sa national road dahil malaki ang posibilidad na makita ako ng mga tauhan ni Mr. Walker. “H***p kang lalaki ka! Pasalamat ka at wala akong dalang baril noong gabing iyon dahil kung nagkataon ay pinatay na sana kita.” Bubulong-bulong kong saad habang naglalakad. Ang masaklap pa ay suot ko pa rin ang damit ng lalaking iyon at tanging sarili ko lang ang dala ko. Nang makarinig ako ng isang tawag mula sa cellphone ko ay kaagad ko itong sinagot. “S**t black! Anong nangyari? Paano nalaman ni Mr. Walker ang tungkol sa pagkatao mo!?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Singko kaya natigil ang mga paa ko sa paghakbang. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot sa tanong nito. “Nakaenkwentro ko siya sa loob ng restroom hanggang sa nahantad ang mukha ko sa kanyang paningin. Hindi ko naman kasi alam na siya pala si Heussaff Walker, at ngayon ay natunton na nila ang bahay ko.” Malungkot kong pahayag, tanging iyon lang ang sinabi ko at inilihim ko sa aking kasamahan ang mga namagitan sa amin ng lalaking iyon. Hindi pala biro ang kakayahan ni Mr. Walker, dahil sa isang iglap lang ay nalaman na niya ang lokasyon ko. Bukod pa run ay hinold din niya ang ducati ko na nakaparada sa tapat ng bar na pag-aari mismo nito. Nakakatanga pala ang maging broken hearted dahil hindi na gumagana ng matino ang utak ko. “S**t, malaking problema ‘to! Siguradong malalagay ang buong team sa panganib.” Naibulalas ni Singko. “Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong, narinig ko na namuntong hininga si Singko mula sa kabilang linya ngunit patuloy pa rin ang pagtipâ ng kanyang mga daliri sa keyboard ng computer nito. “Lumiliit na ang mundong ginagalawan mo, dahil base na rin sa mga pagsasaliksik ko ay ginamit ni Mr. Walker ang kanyang connection para matunton ang kinaroroonan mo. Isa-isa na niyang natutonton ang lahat ng mga lugar na madalas mong puntahan. Kailangan muna nating magpalamig habang hindi pa humuhupa ang tensyon. Aabisuhan ko muna ang lahat ng mga kasamahan natin para hindi sila madamay at mapag-initan ng mga galamay ni Mr. Walker. Save your ass, Par, dahil ang balita ko siraulo ang lalaking ‘yun.” Ito ang mahabang pahayag ni Singko bago siya tuluyang nawala sa kabilang linya. “F**k you s’ya! Ako ang dehado dito! Ako ang nawalan pero bakit siya pa ang may ganang maghabol sa akin!? Hyttsss! Yeah! Huwag ka lang magpapakita sa akin dahil mapapatay kita!” Galit kong sigaw habang nakatingin sa langit, bigla kong naitikom ang aking bibig ng maramdaman ko ang presensya ng ilang tao sa paligid ko na nakatingin pala sa akin. Biglang sumeryoso ang mukha ko at nagmamadali na humakbang palayo. “Kawawa, kagandang bata pero maagang na buang.” Narinig kong komento ng isang ginang habang hinahabol ako nito ng tingin. Napahawak ako sa aking batok dahil sa matinding kahihiyan. Napagkamalan pa tuloy ako na isang baliw. Ilang sandali pa ay natigilan ako ng napagtanto ko na isang makapal na pader ang binangga ko at ang katotohanan ay sumasampal sa akin na kahit saang aspeto tingnan ay wala talaga akong laban sa lalaking ‘yun. Tama si Singko hindi ako pwedeng magpadalos-dalos sa aking mga desisyon dahil maaring ikapahamak ito ng buong team. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang pansamantalang magtago habang bumubuo ng magandang plano kung paano ako makakaganti sa lalaking ‘yun. “Anak!” Masayang tawag sa akin ni lola Isay ng makita ako nito na kapapasok lang sa higanteng gate ng mansion na pinagtatrabahuhan nito. Wala akong pagpipilian kundi ang pansamantalang manatili dito at ma-masukan bilang isang kasambahay. Hindi naman problema sa akin na maging katulong dahil nakagraduate ako sa pagiging working student ko. Kaya hindi na bigdeal sa akin ang magsimula muli sa ibaba. Isa pa ay hindi ko ikinahihiya ang pagiging katulong ng lola ko dahil isa itong marangal na trabaho at dito kami nabuhay na mag-lola. “La! Masaya kong tawag sa kanya at nang makalapit ito ay mahigpit kong niyakap ang may katabaan nitong katawan. Sinubukan ko pa siyang buhatin ngunit pinagtawanan lang niya ako dahil bigo ako na magawa iyon. “La, hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin nagbabawas ng timbang? Nawala lang ako ay pinabayaan ka na nila sa kusina.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko mula sa kanya kaya napangiwi ang mukha ko. “Abay, bastos kang bata ka, minsan mo na nga lang akong dalawin dito ay titirahin mo pa ako!?” Nagtatampo nitong wika ngunit lalo lang napangiwi ang mukha ko dahil sa sinabi nito. “La, naman ang samang pakinggan ng salitang titirahin masyadong bulgar dapat gumamit ka ng ibang term.” Ani ko sa malumanay na tinig, sabay halik sa matambok niyang pisngi bago umakbay sa kanya. “Aba’y anong pakialam ko sa mga term, term mong ‘yan!? Huwag mo akong gamitan ng mga english mo at baka maghalo ang balat sa tinalupan!” Pagalit niyang saad na siyang ikinatawa ng dalawang bagong katulong. Nasabi ko na mga bago ito dahil ngayon ko lang sila nakita, isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanila na may kasamang kindat. Lihim akong natawa ng mamula ang kanilang mga pisngi. Well, I think hindi naman ako maiinip dito, dahil sa mga naggagandahang mga katulong. “La, anong meron bakit bigla yatang dumami ang mga katulong dito sa mansion ng mga Silvia?” Nagtataka kong tanong, lumitaw ang isang magandang ngiti sa labi ng aking abuela na parang akala mo ay teenager na kinikilig pa ito. “Darating na ang apo ni Madam Marie, at ang balita ko ay mag-aasawa na raw ‘to at dito na sila titira ng kanyang magiging asawa.” Nakangiti niyang sagot sa akin, habang ako ay walang pakialam na nagpatuloy sa paghakbang. “Mabuti pa ang apo ni Madam ay mag-aasawa na, hindi katulad ng iba d’yan puro tilapya ang tinitira kaya hindi mabayô ang palay.” Pasaring na wika ni lola na malinaw pa sa sikat ng araw na ako ang pinaparinggan nito kaya napapakamot na lang ako sa ulo habang umiiling. “Kung alam mo lang, La, maraming beses ng binayo ang palay at baka bukas ay bigas na ‘to.” Ito ang nais kong isagot sa pahaging ng aking lola ngunit nanatili na lang ito sa aking isipan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD