Heussaff Point of view
“Bagsak ang balikat na nilisan ko ang International task force Intel Agency dahil bigo ako na makita ang babaeng iyon. Mula sa pagsasaliksik ng aking mga tauhan ay nalaman nila na isa pala ito sa mga empleyado ko. Nagkaroon ako ng hinala na isa ito sa mga miyembro ng special task force na binuo ko upang protektahan ang aking mga nasasakupan. Nang ibigay sa akin ng assistant ko ang lahat ng dokumento tungkol sa pagkatao ng aking mga empleyado ay doon ko lang nalaman na ang babaeng hinahanap ko ay si Amethyst Davis.
Natatawa na lang ako sa aking sarili dahil wala akong kaalam-alam na piangpaplanuhan na pala ako ng aking mga tauhan. Successful naman ang kanilang misyon ngunit sa akin natuôn ang kanilang atensyon. Palibhasa kasi ay masyadong pribado ang buong pagkatao ko kaya hindi nila ako kilala. Isa rin naman ito sa dahilan ko kung bakit hindi ko inilalantad ang aking sarili sa paningin ng publiko. Upang madali kong malaman kung sino ang mga nagta-traidor sa akin.
Pagdating sa loob ng sasakyan ay pabagsak na naupo ako at nahahapo na i-sinandal ko aking likod sa sandalan. Ilang araw na ang lumipas simula ng nakatakas ang babaeng iyon, halos halughugin ko na ang buong bansa ngunit bigo pa rin ako na makita ito. Kung tutuusin ay wala naman akong mapapala sa babaeng iyon maliban lang sa tawag ng laman. Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ay buong buhay kong pagsisisihan sa oras na hindi ko siya makuha? Muli na naman akong namuntong hininga at problemado na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Tumambad sa aking paningin ang malawak na lupain na pag-aari ng aking pamilya, wala kang ibang makikita dito kundi tanging malawak na parang. Sa gitna ng malawak na lupain ay nakatayo ang isang malaking mansion, ito ang mansion na ipinamana sa akin ng aking Abuela. Ilang dekada na rin ang lumipas na hindi ako umuwi sa bahay na ‘to. Habang palapit ang sasakyan ay unti-unting lumalaki ang bahay sa aking paningin. Ngunit mula sa ‘di kalayuan ay natanaw ko ang isang taong mabilis na pinapatakbo ang isang itim na kabayo.
Naningkit ang aking mga mata ng makilala ko ang kabayong gamit nito. Ito ang paborito kong kabayo na si Handra pero ngayon ay walang pakundangan na ginagamit ito ng sinuman. Pakiramdam ko ay umakyat na yata ang dugo ko sa ulo ngunit sa isang iglap ay biglang naglaho ang galit ko ng makilala ko ang taong sakay ng aking kabayo. Biglang umangat ang sulok ng bibig ko ng matitigan ko pa ng husto ang mukha nito. Hindi ako maaaring magkamali, ang babaeng naka one night stand ko na kasalukuyang hinahanap ng aking mga tauhan ay sa mismong lupain ko pala nagtatago. Tila nagdiwang ang kalooban ko dahil sa pagkakataong ito ay siguradong hindi na niya ako matatakasan.
Habang pinagmamasdan ang galing nito sa pangangabayo ay biglang lumitaw sa aking balintataw ang ilang mga alaala nung katorse pa lang ako.
“Pssst! Kabayo mo ‘yan?” Tanong ng isang maliit na boses ng batang babae, natigil ako sa aking ginagawa at luminga-linga sa paligid ngunit wala naman akong ibang nakitang tao sa paligid. “S**t!” Anas ko ng may biglang tumama na isang bagay sa likod ng ulo ko kasunod nito ang pagbagsak ng isang maliit at lumang tsinelas sa lupa. Galit na pumihit ako sa aking likuran at bumaba ang tingin ko. Tumambad sa aking mga mata ang isang munting batang babae na anak ng foreigner.
“Bakit mo ako binato ng tsinelas? Salbahe ka.” Galit kong tanong sa batang babae na sa tingin ko ay nasa edad pito o walong taong gulang pa lang ito. “Eh, nang-aano ka eh, nangangasar!” Katwiran nito sa akin na hindi man lang nakadama ng takot kahit nakikita na niya na galit ako. “Paanong inaasar eh ni hindi ko nga alam na nandyan ka?” Kunot noo na tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang cute nitong mukha.
“Huh? Tatanggi ka pa! Eh tinawag nga kita di ‘ba? Tapos nitingin ka pa sa paligid na parang akala mo ay wala ako. Dahil ba maliit ako? Kaya akala mo duwende ako?” Galit na wika nito kaya natawa na ako ng wala sa oras. Yumuko ako at itinukod ang aking mga kamay sa magkabilang tuhod ko upang magpantay ang aming mga mukha. “Sorry, nakita mo naman na may ginagawa ako di ba? Kaya hindi kaagad kita nakita.” Hinging paumanhin ko sa kanya sa mapagpakumbabang tinig ngunit ang batang ito ay mukhang galit pa rin sa akin dahil inismiran ako nito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon na wari moy nagsusungit. Dinampot ko ang kanyang lumang tsinelas at ibinaba ito sa tabi ng kanyang paa.
Hinaplos ng awa ang puso ko ng makita ko na ang kabilang tsinelas nito ay kinabitan lang ng pardibli para magamit pa rin. “Ganito na lang, sumama ka sa akin na mangabayo para bati na tayo. Okay na ba sayo ‘yun?” Nakangiti kong tanong, nagliwanag ang mukha nito at kaagad na lumapit sa akin at kinuha ng maliit niyang kamay ang kamay ko. “Tara?” Masaya niyang aya sa akin kaya tuluyan na akong natawa, binuhat ko siya at iniupo sa likod ng kabayo. Sunod ay ako naman ang sumakay, humanga ako sa tapang ng batang ito dahil hindi mo kakikitaan ng takot ang mukha nito bagkus ay matinding pananabik ang nakikita ko sa kanya. “Yeah!” Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ang kabayo habang sa likuran namin ay nakasunod ang mga tauhan ng aking ama bilang mga bodyguard ko. Parang gusto kong bumunghalit ng tawa ng gumalaw ang katawan ng bata dahil ginaya nito ang ginawa ko kanina.
“Bakit amoy araw ka?” Nakangiti kong tanong habang hawak ng isang kamay ko ang renda at ang kaliwang kamay ko naman ay nakayakap sa maliit nitong katawan. “Makikiamoy ka na nga lang nagrereklamo ka pa.” Tuluyan na akong natawa dahil sa sinabi nito, para siyang matanda kung magsalita ngunit batid ko na inosente ito sa kanyang mga sinasabi. “Wow! Kuya, ang ganda naman dito!” Bulalas nito ng malapit na kami sa mismong palengke ng makati, halos nasa amin na ang atensyon ng lahat nang tao dahil sa kabayong gamit namin. Sa panahon ngayon ay madalang na ang gumagamit ng kabayo, lalo na at nasa Siyudad kami nakatira. Sadyang mahilig lang talaga akong mangabayo kahit may sarili akong sasakyan.
Bumaba ako ng kabayo at binuhat ko ang makulit na batang ito habang siya naman ay nakayakap ang isang braso sa leeg ko. Pumasok kami sa isang shop ng mga tsinelas at sapatos habang nakasunod sa likuran namin ang dalawang bodyguard ko. “Wow, may bago na akong tsinelas at sapatos! Salamat kuya.” Masaya niyang wika habang tuwang-tuwa ito na sinusukat ang binili kong tsinelas at sapatos.
Dahil sa labis na pagkagiliw sa batang kasama ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Ginabi na kami ng uwi dahil kung saan-saan pa kami namasyal, nawala na sa isip ko na baka hinahanap na ito ng kanyang mga magulang. Buhat ang makulit na batang ito na sumakay ako ng kotse, “kuya, bukas ma mamasyal ulit ba tayo?” Nakangiti niyang tanong sa akin. Ngunit nakadama ako ng lungkot sa tanong nito, “aalis si kuya bukas, eh, siguro pagbalik ko na lang, ano nga pa lang pangalan mo?” Nakangiti kong tanong habang pinagmamasdan ang light brown nitong mga mata na pinarisan ng mahahabang pilik-mata.
“Amethyst po!” Anya sabay litaw ng inosenteng ngiti mula sa cute niyang mga labi...”
“Amethyst?” Ito ang nanulas sa mga labi ni Heussaff habang nakatitig sa mukha ng dalagang nangangabayo. Pero sa pagkakataong ito ay ang tinutukoy niya ay ang batang babae na nakilala niya labing limang taon na ang lumipas. Hindi makapaniwala na nakatitig siya sa mukha ng lesbiang si Amethyst dahil hindi niya sukat akalain na muli silang pagtatagpuin ng tadhana.