“Humimpil ang motor ko sa tapat ng aking bahay, pagkatapos ko itong maiparada ay kaagad akong bumaba ng motor at pumasok sa loob ng bahay. Kahit hinayaan akong makalayo ng lalaking ‘yun ay ramdam ko pa rin sa paligid ang kanyang presensya. Well, ano pa bang aasahan ko? Kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakatakas pa sa mga kamay ng lalaking ‘yun. Marahil, alam din niya na hindi ako basta makakalayo dahil nasa poder niya ang lola ko.
Pumasok ako sa loob ng bahay at sinigurado ko pa na nakalock ng mabuti ang pinto bago dumiretso sa loob ng banyo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Ngunit, ilang sandali lang ay biglang lumitaw sa balintataw ko ang eksena sa loob ng banyo kung saan halinhinan na pinagpala ng mga labi ni Heussaff ang aking dibdib. Naimulat mo ng wala sa oras ang aking mga mata at saka ko lang napagtanto na kanina ko pa pala hinihimas ang kanang dibdib ko.
“S**t! S**t! Bwisit talaga ang lalaking ‘yun! Pati ba naman sa utak ko ay nanggugulo ka pa rin!” Para na akong siraulo na kinakausap ang sarili ko. Talagang sinira na ng lalaking ‘yun ang buhay ko! Nawala na ang kumpiyansa ko sa sarili at halos hindi ko na kilala ang aking sarili.
Hubo’t hubad na tumayo ako sa tapat ng standing mirror at masusing pinagmasdan ang aking sarili. Narun pa rin ang ilang mga marka ng kagat at kissmark na iniwan ng lalaking ‘yun. Sa ilang araw na lumipas na kasama ko siya ay malaki kaagad ang nawala sa akin. Nagkaroon na ako ng pag-aalinlangan sa sarili ko at naguguluhan na rin ako kung ano ba talaga ako?
Pagkatapos na magbihis ay tumungo ako sa kusina, kaagad na binuksan ko ang pridyider at inilabas ang mga nakastock kong beer dito. Tila uhaw na nilagôk ko ang laman ng lata nang beer na halos umabot na sa kalahati ang natira. Bitbit ang alak na tumungo ako sa salas. Pagkatapos maibaba ang mga dala ko sa center table ay pabagsak na umupo ako sa single sofa. Masyadong tahimik ang buong kabahayan kaya binuksan ko ang TV at naghanap ng magandang palabas.
Ilang minuto na akong nakatulala sa TV pero wala naman dito ang atensyon ko. Bigla kasing sumagi sa isip ko si Angeline, kumusta na kaya siya? Matagal din ng huli ko itong nakausap. Hindi ganun kadali na kalimutan ang isang tao na kay tagal kong nakasama sa buhay. Marami kaming masasayang alaala na napakahirap kalimutan. Malungkot akong nakangiti ng maalala ko kung paano siyang maglambing sa akin.
Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kanya, nagtatampo lang ako dahil nagawa niya akong lokohin. But now, I realize na hindi rin naman niya kasalanan na nagmahal siya ng tulad ko. Ramdam ko naman kung paano niya akong minahal kaya batid ko na hindi niya ako ginamit. Sadyang kapag nagmahal ka talaga kahit alam mong mali ay susuungin mo pa rin.
“A-Amethyst?” Natigilan ako ng marinig ko ang isang tinig na tumawag sa pangalan ko. Akala ko ay guni-guni ko lang ito dahil siya ang iniisip ko ngayon. “Ame...” sa ikalawang pagkakataon ay nag-angat na ako ng mukha dahil talagang totoo na ito. Nagulat ako ng tumakbo palapit sa akin si Angeline at walang paalam na umupo ito sa aking kandungan. Mahigpit niyang niyakap ang aking katawan bago ibinaon ang mukha nito sa dibdib ko.
“S**t, anong ginagawa mo dito?” Nababahala kong tanong dahil nag-aalala ako para sa kaligtasan nito. Magulo ngayon ang buhay ko at ayokong madamay ito. “Don’t worry, hindi ako tumakas sa amin, at may basbas ng asawa ko ang pagpunta ko dito, gusto ko lang na sa huling pagkakataon ay makasama ka bago ko tuluyang bitawan ka.
Hindi naman iyon ang tinutukoy ko, pero dala ng awa at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit bago mariin na hinalikan ang ulo nito. Hindi ko itatanggi na sobrang namiss ko ang babaeng ito.
Nag-angat siya ng mukha at hindi ko inaasahan ng mapusok niyang halikan ang labi ko. May kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko, hindi ko na napigilan ang aking sarili at sabik na tinugon ang halik nito. Dahil sa ginawa ni Angeline ay nabigyan ng kasagutan ang mga isipin na gumugulo sa utak ko.
Ako pa rin ito, si Amethyst na sabik sa mga haplos ng isang babae , at kahit makailang ulit mang angkinin ng lalaking ‘yun ang katawan ko ay hindi pa rin nito kayang baguhin ang pagkatao ko.
Buong pananabik na hinagod ng mga kamay ko ang makinis na balat ni Angeline hanggang sa tuluyan ko na itong hubaran. Tulad ng madalas naming gawin noon ay binuhat ko siya upang dalhin sa loob ng kwarto. Humantong kami sa ibabaw ng kama at buong pagsuyo na dinama namin ang isa’t-isa. Para akong uhaw sa kalinga ng babaeng ito, isang buwan lang kaming hindi nagkita pero katumbas nito ay taon.
“Hmmmmp..” isang impit na ungol ang nanulas sa bibig ko ng tuluyang maglapat ang aming mga hiyas at para itong mga apoy na nagliliyab habang walang pakundangan na ikinikiskis sa isa’t-isa. Napuno ng mga ungol at halinghing ang buong silid, mga ungol na mas lalong bumabaliw sa akin. “A-Ame...” kay sarap pakinggan ng boses nito sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko habang umuungol. Batid ko na malapit na naming marating ang sukdulan. Sinibasib ko ng halik ang kanyang mga labi bago pinagbuti ang ginagawa hanggang sa tuluyang humulagpos ang bunga ng aming kapusukan.
Hinihingal na humiga ako sa tabi ni Angeline, napangiti ako ng kaagad naman siyang yumakap sa akin ng mahigpit, kaya halos naglapat na ang aming mga dibdib.
“Masakit para sa akin ang paghihiwalay nating ito, pero gusto ko lang malaman mo na hindi kita niloko. Noong mga panahon na nakilala kita ay kasalukuyan na kaming nagkakalabuan ng aking asawa. Nag-away kami, hanggang sa naghiwalay. Dinala n’ya ang aming anak, marahil kung hindi kita nakilala baka nasiraan na ako ng bait. Kung kailan okay na tayong dalawa saka naman siya bumalik. Nakiusap siya na ayusin naming muli ang aming pamilya. Ang tanging kasalanan ko lang ay nagmahal ako ng dalawang tao.
Ayokong mawala ka, Amethyst, pero ayoko ring mawala sa akin ang asawa ko. Hanggang sa napagtanto ko na napaka-unfair ko naman pagdating sayo. Kailangan na kitang palayain at kalimutan, dahil mahal kita.” Umiiyak nitong sabi, nakaramdam ako ng lungkot kaya kinabig ko ito palapit sa akin at mahigpit na niyakap.
“Hindi ako galit sayo, at nauunawaan ko ang damdamin mo. Natutuwa pa nga ako at mas pinili mo ang mag desisyon ng tama.” Malumanay kong saad. Maya-maya ay kumilos siya ay kinuha ang kanyang bag. Inilabas nito ang isang passbook at inabot ito sa akin.
“Itago mo ‘yan, mas higit na kailangan ng pamilya mo ‘yan.” Ang pera kasi na ito ay para sa kinabukasan naming dalawa, since na matatapos na ang lahat sa amin ay ibibigay ko na lang sa kanya ang pera para makapag simula sila ng panibagong buhay.
“S-Salamat...” malungkot niyang saad, bago muling yumakap sa akin, kahit papaano ay maayos kaming maghihiwalay ng walang ni anumang sama ng loob sa isa’t-isa.
Nagdesisyon kami na bukas ko na lang ihahatid si Angeline sa kanila dahil dis-oras na ng gabi.”
Sa kalagitnaan ng gabi, sa sobrang himbing ng tulog ng dalawang babae ay hindi na nila namalayan ang pagpasok ng isang lalaki sa loob ng silid. Ang mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit at nagbabanta ng panganib para sa kanilang kaligtasan.