“May ilang oras na akong nagtitigil dito sa harap ng bahay ni Amethyst, subalit, may pag-aalinlangan sa isip ko kung papasukin ko ba ito o aalis na lang at ipagpabukas ang plano kong pakikipag-usap dito. Batid ko na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin, pero hindi na ako makapaghintay na masilayan muli ang maganda niyang mukha. Kagagaling ko lang sa kumpanya at dito kaagad ako dumiretso upang sunduin ito.
Ilang sandali pa ay lumalim ang gatla sa noo ko ng may biglang dumating na isang babae. Napakasimple ng itsura nito, maganda naman ang babae, pero para sa akin ay very common na ang ganitong mukha. Nagtaka ako ng makita ko na dumukot ito ng susi mula sa bulsa ng suot nitong pantalon.
Sino ang babaeng ito at bakit may sarili siyang susi ng bahay ni Amethyst? Iniisip ko na maaaring katiwala lang ito. Pero, iba ang sinasabi ng puso ko at narun ang munting pangamba dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.
Sa loob ng maraming taon na lumipas ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang kirot sa puso ko. At sa pagkakataong ito ay higit na mas masakit ‘to.
Malayang nakapasok ang babae sa loob ng bahay, Mas pinili ko ang magmanman muna hanggang sa lumipas ang ilang oras ay hindi na lumabas ang babae.
Tumingin ako sa aking relong pambisǐg at ganun na lang ang pagka gimbal ko ng makita ko na alas dose na pala ng madaling araw. Mas lalong lumakas ang hinala ko na may hindi magandang nangyayaring sa loob ng bahay. Dahil namatay ang ilaw sa silid ni Amethyst. Doon na ako nagdesisyon na bumaba ng sasakyan.
Nang mga sandaling ito ay parang wala na ako sa aking sarili, nagtaka pa ang mga tauhan ko ng mabilis kong binunot ang baril sa baywang ng bodyguard ko. Pagdating sa tapat ng pinto, walang pakialam na binaril ko ang doorknob. Tanging taginting ng bakal ang narinig sa ginawa kong pagbaril dahil may silencer ang baril na gamit ko.
Kaagad na binuksan ng tauhan ko ang pinto. Sumalubong sa akin ang madilim na salas. Hindi tumigil sa paghakbang ang mga paa ko hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng silid ni Amethyst.
Ewan ko ba kung bakit, pero, nanginginig yata ang aking kamay habang pinipihit ko ang doorknob. Hanggang sa...
Nahigit ko ang aking hininga at napatda ako sa aking kinatatayuan. Si Amethyst at ang isa pang babae ay kapwa hubo’t-hubad habang magkayakap at mahimbing na natutulog. Nagngangalit ang mga bagâng ko at pakiramdam ko ay parang pinunit ang puso ko. Tinalo ko pa ang isang asawa na pinagtaksilan ng kanyang kabiyak.
Gusto ko silang barilin hanggang sa mawalan ng buhay pero labis na tumututol ang puso ko dahil ayoko s’yang mawala sa akin.
“No! Hindi ako makakapayag na sa pagkakataong ito ay muli akong maagawan ng isang babae!” Anya ng nagwawalang tinig mula sa utak ko. Labis na nagpupuyos ang kalooban ko, masyado na kasing natatapakan ng mga babae ang p*********i ko.
Bakit ba laging babae na lang ang karibal ko sa tuwing may matipuhan akong babae?
Mas lalong tumaas ang tensyon sa buong sistema ko. Parang pasmado na ang aking mga kamay dahil sa malakas na panginginig nito.
Kumilos ang babaeng katabi ni Amethyst, marahil ay naalimpungatan ito ng maramdaman nito ang presensya ko. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.
“A-Ame, m-may tao!” Nahintakutan nitong sabi habang ginigising ang magaling na tomboy na ‘to. Napabalikwas ng bangon si Amethyst at kita ko ang labis na pagkasindak mula sa mga mata nito. “S**t! Magbihis ka Angie!” Matigas na utos nito sa tinawag niyang Angie. Natataranta na nagbihis ito mula sa likuran ni Amethyst habang ang magaling na babae ay nanatiling nakatitig lang sa mukha ko kipkip ang kumot sa tapat ng dibdib nito.
Habang ako ay problemado sa kakaisip sa babaeng ito, siya naman ay nagpapakasarap sa kandungan ng ibang babae. Talagang sinusubukan nito ang pasensya ko.
“So, ito pala ang gusto mo, kaya ka pala nagkukumahog na makaalis ng mansion?” Mapanganib kong tanong habang matalim ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. Hindi na bigyan ng pagkakataon na makapag bihis si Amethyst ng sumenyas ako sa aking mga tauhan. Mabilis na lumapit ang mga ito sa babae at kinaladkad ito palabas ng silid.
“A-Anong gagawin n’yo sa akin? Amethyst, tulungan mo ako, pakiusap!” Patuloy sa pagmamakaawa ang babae habang umiiyak, ramdam mo ang matinding takot mula sa nanginginig nitong boses.
Mabilis na tinalôn ni Amethyst ang kama at halos takbuhin na nito ang pintuan para bawiin ang babae mula sa aking mga tauhan. Ngunit, bago pa man ito makarating sa pinto ay kaagad kong nahuli ang maliit nitong baywang.
Umangat ang isang kamay nito para sikuhin ako sa mukha, habang nanatiling nakahawak ang isang kamay nito sa kumot na nasa tapat ng kanyang dibdib.
“Bitawan mo ako, hayop ka!” Galit niyang sigaw kaya tuluyan na akong napuno, pinilipit ko ang braso nito sa kanyang likuran saka inipit ang katawan nito sa pader, gamit ang sarili kong katawan.
“You don’t know me, Amethyst, sinagad mo ang pasensya ko, face the consequences ng mga ginawa mo.” Matigas kong bulong sa tapat ng kanyang tenga, ramdam ko na natigilan siya at sa isang iglap ang tapang sa mukha nito ay napalitan ng labis na pagkabahala.
“A-Ano ang binabalak mong gawin kay Angeline?” Nahintakutan niyang tanong, umangat ang sulok ng bibig ko bago binitawan ang kanyang braso. Mula sa likuran nito ay pumulupot ang braso ko sa kanyang dibdib para masiguro ko na hindi mahuhulog ang kumot na nakabalot sa hubad nitong katawan.
Iginiya ko ang kanyang katawan palabas ng silid upang masaksihan nito kung paanong patayin ng mga tauhan ko ang kinababaliwan nitong babae.
“May pagkakataon ka pang magpaalam sa laruan mo, Sweetheart. Gawin mo na dahil ito na ang huling pagkakataon na makikita n’yo pa ang isa’t-isa.” Naramdaman ko na nanigas ang kanyang katawan. Bumaha ang takot sa maganda nitong mukha, mabilis na pumihit si Amethyst paharap sa akin at nagsimula na siyang magmakaawa.
“P-Pakiusap, nakikiusap ako sayo, huwag si Angeline, hm? Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pakiusap huwag si Angeline. Hayaan mo na siyang makaalis! Sasama ako sayo kung ‘yun ang gusto mo.” Pagsusumamo niya sa akin habang mahigpit na hawak nito ang black suit ko.
“S**t!” Napamura ako ng wala sa oras dahil tuluyan nitong binitawan ang kumot, ngayon ay malaya ko ng nakikita ang kinababaliwan kong katawan nito. Mas lalong humigpǐt ang yakap ko sa kanya upang hindi mahulog ang kumot. Hindi ko hahayaang masilayan ng ibang lalaki ang pag-aari ko. Nang walang matanggap na sagot mula sa akin ay muling nilingon ni Amethyst ang babae. Nanlaki ang mga mata nito at nagsimula na siyang magwala.
“No! Please! Huwag! Huwag!!!” Naghi-hysterical na sigaw ni Amethyst, dahil ang aking mga tauhan ay pwersahang pinapainom ng gamot ang babae. Hindi ito makapalag dahil hawak din nila ito sa magkabilang braso. Pagkatapos isubo ang gamot sa bibig nito ay halos malunod naman ang babae ng sapilitan itong painumin ng tubig.
“Angeline! Bitawan mo ako hayop ka!” Nagwawala si Amethyst sa mga braso ko habang pilit na kumakawala ngunit wala siyang nagawa sa lakas ko. Ilang sandali lang ay tumigil sa pagwawala si Amethyst ng bumagsak sa sahig ang katawan ng babae. Wari moy natuyuan ng dugo ang pamumutla nitong mukha habang nakatulala sa babaeng nakahandusay sa sahig.
“Sa susunod na suwayin mo ulit ako isusunod ko ang lola mo.” Ito ang matinding banta ko sa kanya bago ko ibinaon ang aking mukha sa pawisan nitong leeg.”