Kabanata 26

1036 Words
“Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa taong kasabay kong kumain dito sa hapag. Tinapos ko muna ang mga gawain ni lola kaya late na akong nakakain ng tanghalian. Subalit, nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Heussaff dito sa dining at walang paalam na umupo sa tabi ko. Kaya naman mabilis na humilera ang mga katulong sa aking likuran upang paglingkuran ang lalaking ito. Tahimik na nakapalibot ngayon ang mga katulong sa amin, at kahit mga nakayuko ang mga ito ay alam ko kung ano ang tumatakbo sa kanilang mga utak. Imagined, kasabay kong kumakain sa lamesa ang aming Amo, kahit sino talaga ay mag-iisip na may relasyon kami nito. Ngunit, ang totoo ay wala kaming mutual understanding nito kundi isang f**k buddy lang ang namamagitan sa ‘aming dalawa ng lalaking ito. “Anong tinitingin-tingin mo d’yan?” Napipika kong tanong ng mahuli ko siyang nakatitig sa mukha ko. “Don’t tell me naga-gwapuhan ka sa akin?” Sarkastiko kong saad, ngunit ng ngumiti ito ay mas lalo lang akong napikon. Mula sa ilalim ay pasimple kong sinipa ang paa nito. Hindi talaga ako makaporma ngayon dahil nasa harapan namin ang lola ko na seryosong nakatitig sa aming dalawa. “Amethyst, umamin ka nga sa akin, may relasyon ba kayong dalawa?” Diretsahang tanong ni lola kaya nasamid akong bigla at pakiramdam ko ay bumara na yata sa lalamunan ko ang lahat ng kinain ko. Mabilis namang hinagod ni Heussaff ang aking likod kaya nandidiri na tinabig ko ang kamay nito. “Huwag mo nga akong hawakan.” Naiinis kong wika halatang nagpipigil lang ako sa lalaking ito. “Lola Isay, hindi ba nasabi sayo ni Amethyst na mag boyfriend na kaming dalawa?” Kalmadong pahayag ni Heussaff na siyang ikinasinghap ng lahat. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na napatingin sa mukha ng magaling na lalaking ito! “Huh? Talaga!?” Natutuwa na tanong ng lola ko na akala mo ay nakarinig ng isang magandang balita. “Yes po, pagkatapos niya akong ligawan ng ilang araw ay naging kami na.” Natigilan ang lahat at hindi makapaniwala na sabay pang tumingin sa akin ang mga ito. Hindi na ako nakapag timpi at talagang sumabog na ako sa galit! Marahas akong tumayo mula sa aking kinauupuan at hinatak ang suot niyang t-shirt. Nagkagulo ang lahat ng mga katulong sa paligid namin at mabilis na nagsilapit ang mga ito sa akin. Nang umangat ang isang kamay ko para sana suntukin ang mukha ng lalaking ito ay mabilis na kinapitan ito ng apat na kamay kabang may dalawang braso naman ang nakapulupot sa bewang ko at pilit akong hinahatak palayo kay Heussaff. “Mangilabot ka nga sa mga pinagsasabi mo! Mas mabuti pang itikom mo ‘yang bibig mo dahil nakakapanginig ka ng laman!” Nanggagalaiti kong sigaw habang hatak ko pa rin ang damit nito. “Amethyst, maghunos dili ka! Baka mawalan kami ng trabaho sa ginagawa mong ‘yan!” Nahintakutan na sabi ng isa sa mga kasambahay. Pinukol ko ng isang nakamamatay na tingin ang lalaking ito bago marahas na binitawan ang kanyang damit na ngayon ay sira na. “I’m sorry, Lola.” Hinging paumanhin ko sa aking lola bago mabilis na lumabas ng dining area.” Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Heussaff bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Kaagad na nagyuko naman ng kanilang mga ulo ang lahat ng kasambahay, nakahinga lang sila ng maluwag ng tuluyang mawala sa harapan nila ang kanilang boss. “Nay Isay, Swerte ng apo mo, biruin mo siya pa ang nagustuhan ng amo natin?” Hindi makapaniwala na pahayag ng isa sa mga kasambahay. Walang naging sagot dito si Lola Isay, bagkus, nanatili lang itong tahimik na wari mo ay kay lalim ng kanyang iniisip. Hindi kasi niya maunawaan kung ano ang nararamdaman sa mga nangyayari sa pagitan ng anak-anakan niya at ng kanyang amo. Nagdadabog na lumabas ng mansion si Amethyst dahil gusto niyang lumayo muna sa lugar na ‘to. Pakiramdam niya ay nasasakal na siya dito. Subalit pagdating niya sa labas ng mansion ay limang kalalakihan ang kaagad na humarang sa kanyang dinadaanan. Wari moy sa mata ng tigre ang kanyang mga mata dahil sa talim nito kung makatingin. Walang takot na nagpatuloy lang siya sa kanyang paghakbang ngunit, nagmatigas ang mga tauhan ni Heussaff at hinarang ng mga ito dalaga. Dalawang hakbang bago pa man ito makalapit sa kanya ay isang sipa ang tumama sa dibdib ng lalaki na may isang dangkal ang taas sa kanya. Hindi pa man nakakabawi ang lalaki ay muli itong nasundan pa ng isa pang sipa na siyang tuluyang nagpaatras sa lalaki. Muling umabante ang mga paa ni Amethyst patungo sa kinapaparadahan ng kanyang motor. Sa pangalawang pagkakataon ay nagtangkang lumapit sa kanya ang tatlo pang tauhan ni Heussaff. Mabilis na umikot si Amethyst at pinatamaan ng siko ang dibdib ng isa sa mga ito bago sumuntok sa ibang direksyon. Ngunit, nasalo ng lalaki ang kanyang kamao. Umangat ang tuhod niya na kaagad namang tinabla ng lalaki gamit ang palad nito. Lalong nag-alburuto ang dalaga kaya magkakasunod na suntok ang kanyang pinakawalan. “Enough! Amethyst!” Galit na sigaw ni Heussaff, ngunit nagkataon na naagaw na nito ang baril ng kanyang tauhan at kasalukuyan itong nakatutok sa sintido ng kanyang tauhan. “Could you please let me go, even one day? Nakakasakal ka na.” May halong pakiusap ni Amethyst kay Heussaff. Natigilan ang binata ng makita niya ang nakikiusap na mga mata ni Amethyst. Marahas na itinulak ni Amethyst ang lalaki palayo sa kanya at malaki ang mga hakbang na lumapit sa kanyang ducati. Pagkatapos umupo ay kaagad niyang dinukot ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon at isinuksok ito sa susian. Pinagana muna niya ang makina ng motor bago hinawi ang kanyang maikling buhok. Isinuot na niya sa ulo ang kanyang helmet at walang lingon likod na iniwan niya si Heussaff na nakamasid lang sa bawat kilos nito. Pagkatapos ng ilang busina ay bumukas ang gate, halos paliparin ng dalaga ang kanyang motor palayo sa mansion ni Heussaff. Pansamantala munang pinagbigyan ni Heussaff ang nais ng dalaga, ngunit sinigurado niya na may mga nakabantay sa bawat kilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD