Kabanata 29

1417 Words
Tila gumuho ang mundo ko ng nasaksihan ko, kung paanong bumagsak sa lapag ang katawan ni Angeline. Base sa pamumutla ng mukha nito ay batid ko na patay na ‘to. “A-Angeline...” nangangatal na ang mga labi ko at kulang na lang ay takasan na ako ng ulirat. Dahil sa matinding takot at labis na pagkahabag para sa babaeng mahal ko. Halos walang tinig na lumabas sa bibig ko at namamaos na rin ang boses ko dala ng labis na pag-iyak. Bigalang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ang mga ito. Halos umaasa na lang ako sa lakas ng lalaking ito para lang manatiling nakatayo. “Sa susunod na suwayin mo ulit ako, isusunod ko ang lola mo.” Gusto ko silang patayin at butasin ng bala ang kanilang mga katawan. Subalit, nang marinig ko ang mga sinabi ni Heussaff sa tapat ng aking tenga ay biglang bumahag ang buntot ko. Hindi ko kakayanin sa oras na may masamang mangyaring sa lola ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib upang makahinga ako ng maayos. Kailangan kong maging matatag para sa kaligtasan ng aking Abuela. Ngunit, bigla akong nahimasmasan ng makita ko na sumenyas si Heussaff sa kanyang mga tauhan. Nagsimula na naman akong magpanik ng buhatin ng tauhan nito ang walang buhay na katawan ni Angeline. “S-saan n’yo dadalhin si Angeline? Angeline! P-Pakiusap, hayaan mo akong maiuwi ko ang katawan niya sa kanyang pamilya.” Pagmamakaawa ko kay Heussaff, subalit, hindi niya ako pinagbigyan. Bagkus ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking katawan at sapilitan akong hinatak palabas ng bahay. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makapag bihis. “Ano ba! Bitawan mo ako! Kailangan ako ni Angeline! Mga walang hiya kayo!” Nanggagalaiti kong sigaw. Sa huli kahit anong pagwawala ko ay wala ring nangyari. Maging ang mga pakiusap ko na sa huling pagkakataon ay mahawakan ko ang katawan ni Angeline ay hindi niya pinagbigyan. Napakasama ng lalaking ito at abot hanggang langit ang galit ko sa kanya. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay sisiguraduhin ko na malalagutan ito ng hininga mula sa aking mga kamay. Halos kaladkarin niya ako papasok sa loob ng sasakyan. Pagdating sa loob ay hinubad niya ang kanyang suot na polo at kaagad na isinuot ito sa aking katawan. Siya na rin ang nagsarado ng mga butones nito habang ako ay nanatiling nakatulala sa kawalan. Hindi ko sukat akalain na aabot ang lahat sa ganito, at magagawang patayin ni Heussaff si Angeline. Pagkatapos ng halos trenta minuto ay pumasok ang minamaneho nitong sasakyan sa loob ng isang malawak na bakuran. Bumaba si Heussaff at umikot sa kabilang bahagi ng kotse. Huminto siya sa tapat ko saka binuksan nito ang pinto. Marahas na hinila niya ako sa braso at sapilitan na pinababâ ng sasakyan habang ako ay patuloy lang sa pagtangis. Mula sa gitna ng malawak na lupain ay nakatayo ang isang modernong Villa. Napaka high class ng dating nito dahil puro salamin ang dingding ng villa. Halos kasing laki rin ito ng kanyang mansion, ang kaibahan lang ay walang tao sa paligid ng villa. Dahil ang mga bodyguard ni Heussaff ay naiwan sa entrance ng villa na may ilang metro ang layo mula dito. Hinatak niya ako papasok sa loob ng villa, pagpasok namin sa pintuan ay kusang bumukas ang lahat ng mga ilaw. Bumaha ang liwanag buong kabahayan at tumambad sa aking paningin ang mamahaling mga appliances. Maging ang mga sofa na batid ko na hindi biro ang halaga. Mula sa salaming kisame ay kita ko ang kahabag-habag kong itsura. Mugto ang aking mga mata, magulo ang buhok ko at tanging ang puting polo ni Heussaff ang suot ko na hanggang kalahating hita ang haba. Habang ang aking mga paa ay namumula na ng husto dahil kanina pa ako naglalakad ng walang sapin sa paa. Mahigpit na kinapitan ni Heussaff ang kanang braso ko saka marahas na hinatak ako paakyat sa malapad na hagdan. Halos magkasabit-sabit ang mga paa ko sa bawat baitang ng hagdan dahil pilit kong binabawi ang aking braso. “Isa! Huwag mong sagarin ang pasensya ko Amethyst, kung ayaw mong masaktan sa akin!” Matigas niyang bulyaw. Nagpatuloy siya sa paghakbang na para bang wala na itong pakialam sa akin. Pagdating sa loob ng malaking silid ay marahas niyang binitawan ang braso ko. “You must take a shower first.” Walang gana niyang utos akin. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato ko sa kanya na kulang na lang ay bumulagta ito sa harap ko. “Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi kita magugustuhan! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isang kriminal na katulad mo! Itaga mo ‘yan sa bato.” Matigas kong saad, ramdam ang matinding pagkasuklam ko sa kanya mula sa mga salita na lumalabas sa bibig ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ko ngunit ang mga mata niya ay tila may nais sabihin. Pagkatapos ng ilang segundo na pakikipag titigan dito ay nagdadabog na pumasok ako sa loob ng banyo. Padarag na isinara ko ang pinto, diretso kaagad ako sa tapat ng dutsa at binuksan ang gripo. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa ‘king katawan kahit na suot ko pa ang polo. Muling binalot ng matinding sakit ang puso ko at nanghihina na napaupo ako sa sahig. Mula sa ilalim ng shower, yakap ang mga tuhod na tahimik akong umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko ng maalala ko, kung paano bumagsak ang katawan ni Angeline sa sahig. Maging ang mga pagmamakaawa nito sa akin na tulungan ko s’ya, pero, wala akong nagawa! Hinayaan ko siyang mamatay sa mga kamay ng mga hayop na ‘yun! Patuloy ako sa impit na pag-iyak habang malakas na binabayo ng nakakuyom kong kamay ang aking dibdib. Parang gusto ko ng kitlin ang sarili kong buhay. Ngunit, sa tuwina ay sumasagi sa isip ko ang aking Lola Isay. Sa ngayon, kailangan kong isaalang-alang ang kaligtasan ng Lola ko. Kailangan kong pag-planuhan ang lahat. Matigas ang ekspresyon ng aking mukha na tinapos ko ang paliligo. Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na nadatnan pa si Heussaff sa loob ng silid. Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang doorknob. Tulad ng inaasahan ko ay nakalock ito, matamlay na lumapit ako sa kama at pabagsak na humiga dito habang nanatiling nakaapak sa sahig ang aking mga paa. Hindi na ako nag-abala pang magbihis at tanging roba lang suot ko. Mula sa kisame na gawa sa salamin ay malinaw kong nakikita ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nag-iisip ng magandang plano para sa kinakaharap na problema. Hanggang sa hindi ko na namalayan na iginupo na pala ako ng antok.” Sa kabilang banda... Halos manginig sa takot ang mga tuhod ni Angeline habang nakaluhod sa lupa. Dahil sa mga armadong lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Ilang sandali pa, mula sa pintuan ay pumasok si Heussaff na may mabagsik na mukha. Kulang na lang ay takasan ng kaluluwa si Angeline ng itutok nito ang baril sa tapat ng kanyang noo. “Sa oras na magpakita ka pa sa akin, buong pamilya mo ay papatayin ko. Sabay-sabay ko kayong ililibing ng buhay. Siguraduhin mo na kailanman ay hindi na magkukrus pang muli ang mga landas natin.” Nanginginig na tumango ng paulit-ulit si Angeline. Halos maligo na ito sa pawis at malakas ang panginginig ng kanyang katawan. “P-pangako, kahit kailan ay h-hindi na ako magpapakita pa kay Amethyst.” Pautal-utal na sagot ni Angeline. “Layas!” Napaigtad pa siya ng sumigaw si Heussaff, kaya natataranta na dinampot niya ang kanyang bag at nagmamadali na umalis sa harap ng lalaki. Hindi lingid sa kaalaman ni Amethyst na buhay pa si Angeline at hindi ito totoong patay. Ang gamot na ipina-inom ng mga tauhan ni Heussaff ay isang klase ng droga na kayang pahintuin sa loob ng sampung minuto ang t***k ng puso ng isang tao. Iyon ang dahilan kung bakit sapilitan na inalis kaagad ni Heussaff si Amethyst sa harap ni Angeline. Kung tutuusin ay kayang patayin ni Heussaff si Angeline anumang oras niya gustuhin, dahil wala naman siyang pakialam dito. Subalit, maging siya ay naguguluhan din sa kanyang sarili. “Bakit labis niyang kinatatakutan ang kamuhian siya ni Amethyst? Gayong wala naman siyang nararamdaman para dito, dahil ang katawan lang ng dalaga ang mahalaga sa kanya.” Ito ang tumatakbo sa isip ni Heussaff habang nakatitig sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD