Kabanata 12

1226 Words
“Amethyst! Pakiusap, huwag mo akong iwan!” Nakasakay na ako sa aking motor ng mula sa likuran ko ay bigla akong niyakap ni Angeline habang mariin na nakabaon ang mukha nito sa aking likod. Umiiyak ito habang nagmamakaawa siya sa akin. “Angeline, you know how much I love you, but if you really love me then, hindi mo hahayaan na magmukha akong tanga. Ako naman ang makikiusap sayo, hayaan mo na akong makaalis dahil kung nasasaktan ka ay higit na mas masakit ito sa akin. But still, thank you for being a part of my life, but we should to accept the reality na hindi talaga tayo pwede because they need you.” Ani ko sa malungkot na tinig at mula sa side mirror ay nakita ko ang malungkot na mukha ng asawa ni Angeline. Sa tingin ko ay mabait naman itong tao dahil nakikita ko sa kanyang mga mata kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa. Naramdaman ko na humigpit ng husto ang pagkakayakap ni Angeline sa aking katawan. Ngunit kalaunan ay dahan-dahan din itong lumuwag hanggang sa tuluyang bumagsak sa magkabilang gilid ng kanyang katawan ang dalawa nitong kamay. Oo masakit, pero kailangan kong magparaya dahil lumaki ako ng walang magulang at ayokong maranasan iyon ng anak ni Angeline. “Thank you.” Ito ang narinig ko mula sa asawa ni Angeline na hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat ng kanyang asawa. Kusang pumatak ang mga luha ko dahil talagang hindi ko maitago na labis akong nasasaktan sa paghihiwalay naming ito. Isang malungkot na ngiti ang naging sagot ko sa lalaki bago mabilis na pinagana ang aking motor. “A-Amethyst...” malungkot na tawag sa akin ni Angeline ngunit hindi na ako nangahas pa na lingunin ito. Tuluyan ko ng nilisan ang lugar nina Angeline at habang nagmamaneho ay patuloy ang pagbalong ng masaganang luha ko mula sa aking mga mata. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa tapat ng isang malaking bar na may pagka-high class ang dating nito. “Paradiso Bar.” Anya ng isip ko sa pangalan ng bar. Mabigat ang mga paa na pumasok ako sa entrance nito. Pagdating sa loob ay sumalubong sa akin ang isang dumadagundong na musika na talagang mapapaindak ang sinuman sa oras na marinig ito. Marami ng customer ang bar kaya wala na akong nakikita na bakanteng table. Seryoso ang mukha na inilibot ko ang aking tingin sa paligid ng bar, nagbabakasakali na makahanap ng available na space. Sa tingin ko ay sikat ang bar na ito base na rin sa dami ng kanilang customer. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ko ang isang table sa bandang sulok ng bar. Medyo madilim ang bahaging ‘yun at tanging isang bulto ng tao ang nakikita ko na nakaupo doon. Hindi naman siguro ito magagalit kung sakaling makikishare ako sa kanya? Gusto kong magpakalasing, para kahit ngayong gabi lang ay hindi ko maramdaman sakit. Mariǐn na naglapāt ang aking mga ngipin upang pigilan ang muling pagluha ng aking mga mata. Tahimik na humakbang ako palapit sa lamesa, ni hindi ko na tiningnan ang mga taong sumasayaw sa dance floor. “Paupo ha,” ani ko sa lalaking tahimik na umiinom, nakatagilid siya sa akin at medyo madilim kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nito. Kahit papaano ay may espasyo pa naman sa pagitan naming dalawa kaya malaya pa rin akong nakakakilos. Kaagad na lumapit sa akin ang waiter, ngunit napansin ko na parang nagulat yata ito ng tuluyang makalapit sa akin, “What would you like to order, Sir?” Nakangiting tanong sa akin ng waiter, “ kahit ano, bahala ka na.” Walang gana kong sagot, “right away, Sir.” Mabilis na sagot nito at kaagad na umalis sa aking harapan. Since na madilim naman ang bahagi ng bar na kinaroroonan ko ay tinanggal ko na ang suot kong itim na sumbrero. Hinawi ko ang aking buhok papuntang likuran, pagkatapos gawin ‘yun ay wala sa sarili na tumitig ako sa lamesa. Hindi ko na pinansin ang lalaking nakaupo sa tabi ko maging ang mga titig nito sa akin. Ilang sandali pa ay dumating ang waiter at ibinaba ang alak na inorder ko. Kaagad ko itong tinungga ngunit hindi ako nasiyahan sa lasa nito. “Wala na bang mas matapang pa dito?” Naiinis na tanong ko sa waiter, napakamot ito sa kanyang ulo na parang nahihiya. “Pasensya na po, papalitan ko na lang.” ani ng waiter at kaagad na umalis sa harap ko. “You know hard is bad for your health.” Anya ng baritonong tinig ng lalaki sa aking tabi kaya naman nag-init ang ulo ko. “Sabihin mo ‘yan sa sarili mo.” Pangbabara ko sa kanya, ang lakas ng loob na magpayo pero ang tinitira ay hard? See? Siraulo lang!? Sa inis ko ay kinuha ko ang whisky nito at ang alak na isinerve sa akin ng waiter ang siyang ipinalit ko sa harap nito. “Like what you’ve said, hard is bad for your health.” Sarkastiko kong saad at diretso na sa bote na tinungga ang alak na parang akala mo ay uhaw na uhaw. Ramdam ko ang pagkalat ng mainit na alcohol sa aking dibdib. Ilang sandali pa ay dumating ang waiter ay ibinaba ang order ko. Hindi ko na ito pinansin at malungkot na nagpatuloy sa pagtungga ng alak. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko dahil isa-isang pumapasok sa isip ko ang masasayang alaala namin ni Angeline. Marahas na hinawi ko ang mga luha na naglandas sa pisngi ko at muling nilagok ang matapang na alak. Hindi ko na iniinda ang pait nito dahil wala ng mas papait pa sa kabiguan na nararamdaman ko. Masakit, sobrang sakit na para bang unti-unti akong pinapatay nito. “B-Bakit?” Ito ang tanong sa aking isipan na hindi ko na namalayan na naisa-tinig ko na pala. Mabilis kong naubos ang alak ng lalaking katabi ko at aaminin ko na talagang matapang ang alak nito dahil mabilis kong naramdaman ang epekto nito sa katawan ko. “Enough.” Awat sa akin ng lalaki ngunit hindi ako nagpatinag. Mabilis na dinala ko ang bagong bukas na bote sa aking bibig. Halos sumakit ang lalamunan ko ng muling gumuhit ang matapang na alcohol sa aking lalamunan.” “S**t, a-ang sakit...” ito ang nasambit ni Amethyst sabay bayo sa tapat ng kanyang dibdib. Malakas na hinampas ng nakakuyom niyang kamay ang kanyang dibdib habang tahimik na lumuluha. Marahil dahil sa epekto ng alak ay tuluyan ng humulagpos ang emosyon ng dalaga kaya hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ang hindi alam ni Amethyst ay si Heussaff ang lalaking nakaupo sa kanyang tabi, dahil ang Paradiso bar ay isa sa mga negosyo na minana ni Heussaff mula sa kanyang ama. Nagkataon lang na gusto niyang magpalipas dito ng oras dahil dismayado siya sa resulta ng paghahanap ng kanyang mga tauhan sa tomboy na may malaking atraso sa kanya. Nagulat sila ng kanyang mga tauhan dahil sa biglaang pagdating ni Amethyst at nakishare pa ito sa kanyang lamesa. Sino bang mag-aakala na kusa itong lilitaw sa kanyang harapan at sa kanya pa talaga naglalabas ng mga hinaing nito sa buhay!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD