“Tahimik akong nakaupo sa sulok ng bar habang patuloy na umiinom ng alak. Masama ang loob ko, dahil ni katiting na impormasyon tungkol sa babaeng iyon ay wala man lang nakuha ang mga tauhan ko. Sinubukan kong hanapin ang litrato nito sa social media ngunit wala rin akong napala. Masyadong pribado ang buhay ng babaeng iyon, dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tauhan ko na matunton ang kinaroroonan nito.
Hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga na wari mo ay pasân ko na ang mundo. Muli kong tinungga ang alak mula sa maliit na basong hawak ko. Sakto na pagbabâ ko ng baso ay may biglang umupo sa tabi ko, nakaupo na ito bago pa niya hingin ang permiso ko. Natigilan ako ng marinig ko ang boses nito dahil kahit mukha siyang lalaki ang timbre naman ng boses nito ay babaeng-babae. Napalunok ako ng wala sa oras at bigla ang pagsikdô ng puso ko ng makilala ko kung sino ang taong nasa tabi ko. Lalong nakumpirma na tama ang hinala ko ng hubarin niya ang kanyang sombrero bago hinawi ang gupit lalaki nitong buhok.
Napangiti ako ng bumalik ang bangs nito sa kanyang noo kaya bukod sa maganda na ito ay lalo pa siyang naging cute tingnan.
“Ang sakit! Hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang bukas. Ang mas masaklap ay nagmukha akong tanga sa loob ng maraming taon.” Matigas nitong sabi, halatang lasing na ito dahil sa dami ng kanyang nainom habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanyang mga hinaing. “Give up, and move on.” Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko para patulan ang sentimyento nito. Pagkatapos kong sabihin iyon ay kinuha ko ang baso niya at inubos ang laman nito.
Kanina lang ay wala kaming pakialam sa isa’t-isa pero ngayon ay iisang baso na lang ang gamit naming dalawa. And I love it, dahil nalalasahan ko ang matamis nitong laway. Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko para lang huwag halikan ang mga labi nito dahil kapag ginawa ko ‘yun ay maaari pa itong tumakas. Parang panos pa naman ang babaeng ito masyadong madulas kaya napakahirap hulihin. “But how? I-I love her,” bakit pakiramdam ko ay parang piniga yata ang puso ko ng marinig ko ang sinabi nito? Mabilis kong hinawi ang aking sarili at kaagad na ininom ang bagong salin na alak. Hindi ko na nga alam kung nakailang bote na kami, pero isa lang ang nasisiguro ko na kung meron mang malalasing sa aming dalawa? siya ‘yun.
“I gave her everything, tell me, ano pa ba ang kulang?” Naluluha niyang tanong sa akin, “Sword?” Tipid kong sagot sa patanong na pagbigkas. Marahas siyang tumayo at kiniwelyuhan ako nito saka hinatak palapit sa kanya. Mabilis na nag-react ang mga tauhan ko at sabay na tumayo ang mga ito mula sa kanilang mga kinauupuan. Umangat sa ere ang isang kamay ko kaya muling naupo ang mga ito.
“Nang-iinsulto ka ba!? Eh siraulo ka pala, eh!” Galit nitong saad habang mahigpit na hawak ang magkabilang kwelyo ng polo ko. “I’m just telling the truth, next time don’t ask me kung ako pa ang masama sa pagsagot ng walang kwenta mong tanong.” Seryoso kong sagot, ngani-nganing halikan ko na ang mga labi nito ngunit hindi ko pa rin ginawa. Padabog na binitawan niya ang kwelyo ko at muling naupo, dinampot niya ang bote at tinungga ito ng hindi gumagamit ng baso.
Ilang minuto pa ang lumipas at isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng makita ko na halos hindi na niya makaya ang kanyang sarili. Tumuwid ang isang paa nito ngunit sakto naman na padaan ang isang lalaki kaya sumabit ang paa nito sa kanyang paa. Nadapa ang lalaki at nagulat ang anim na lalaking kasama pa nito. “Putcha, ang yabang mong gago ka ah!” Ani ng lalaki ng tuluyan na itong makatayo, ngunit imbes na humingi ng sorry ang lesbian na kasama ko ay natawa pa ito kaya lalong nag-alburuto ang lalaki.
Hinatak nito ang kwelyo ni lesbian, ngunit hindi pa man nakaka-porma ang lalaki ay isang suntok na ang natanggap nito mula sa lasing na lesbian. Umangat ang isang kilay ko dahil nakikita ko ang galing nito sa pakikipagsuntukan. Minsan ko ng naranasan ang suntok nito kaya alam ko na masakit itong sumuntok. Dala ng kalasingan ay sumama rin ang katawan nito sa pagbagsak.
“Putcha babae pala ‘to bro?” Di makapaniwala na bulalas ng isa, tumayo na ako upang lapitan ang makulit na lasing ngunit bago pa man ako makalapit ay umikot ang katawan nito patalikod sabay angat ng isang paa nito sa ere. Sapul sa dibdib ang isa pang lalaki at sa lakas ng sipa nito ay bumalandra sa sahig ang lalaki. Nawala sa ere ang malakas na tugtugin at halos nasa kanila na ang atensyon ng lahat. Makikita sa mga mata ng mga kababaihan ang labis na paghanga para sa lasing na lesbian. Kaagad na sumenyas ako sa aking mga tauhan kaya mabilis na lumapit ito sa mga customer ng bar.
Nang lumabas ako mula sa dilim ay natigilan ang lahat, may ilan pa sa kanila ay nakaawang ang bibig. Labis na paghanga ang masasalamin sa kanilang mga mata na halos hindi na kumukurap ang mga ito. Marahil ay nakilala ako ng ilan sa kanila kaya kaagad na ibinaba ng mga ito ang kanilang mga hawak na cellphone. Paglapit ko sa nagwawalang lesbian ay isang suntok ang sumalubong sa akin na kaagad naman itong nasalo ng aking palad. Talagang wala na ito sa huwisyo dahil nakikita ko sa kanya na iniisip nito na tamaan na kung sino ang tamaan bahala kayo.
“Enough, let’s go.” Ani ko na ginamitan ng pwersa upang mapasunod ko ito. Mahigpit ko siyang inakbayan sa balikat at iginiya palabas ng bar. Pagdating sa labas ay kaagad na may humintong sasakyan sa aming harapan. Bumaba ang driver nito upang ipasa sa akin ang manibela. Nang maisakay at masigurado ko na maayos ang seatbelt ng babae ay saka ako umikot sa driver seat. Matulin kong pinapatakbo ang aming kotse at minuto lang ay nasa tapat na kami ng isang gusali na pag-aari ko.
“N-Nasaan ako?” Tila inaantok ang mga mata nito na tanong niya sa akin, hindi ko ito pinansin at kaagad na hinila ito papasok sa loob ng elevator. Hindi pa man tuluyang naglalapat ang pinto ng elevator ay kaagad ko ng sinibasib ng halik ang namumula niyang mga labi. Akala ko ay manlalaban pa ito ngunit di hamak na mas mapusok siya kaysa akin. Halos matigpal ang aming mga labi ngunit ni isa ay walang may balak na sumuko.”
“Finally, you're mine...” Anya ng isang mapanganib na tinig mula sa isipan ni Heussaff habang nilalasap ang tamis ng mga labi nang babaeng kanyang kinahuhumalingan.