Kabanata 08

1513 Words
“Masuyong hinaplos ni Angeline ang dibdib ko habang patuloy kami sa paghahalikan. Saka lang kami na hulasan ng tuluyang naglaho ang init ng aming mga katawan. Hinihingal na humiga ako sa tabi ng aking nobya habang ito ay mabilis na yumakap sa akin at isinandig ang kanyang ulo sa aking dibdib. Kapwa kami hubo’t-hubad at katatapos lang ng isang mainit na pagtatalik na namagitan sa aming dalawa. “We need to take a shower, dahil maaga tayong aalis ngayon para mamilǐ nang mga bagong gamit mo. Matagal na rin ng huli tayong nag shopping.” Ani ko kaya umalis si Angeline mula sa aking dibdib at nauna na siyang bumangon. Walang pakialam na tumayo ako at hubo’t hubad na humakbang patungo sa loob ng banyo. Natigil ang akmang pagpasok ko sa pintuan ng banyo ng naramdaman ko ang mga titig ni Angeline sa aking likuran. Nagtataka na pumihit ako paharap sa kanya at nakita ko na tahimik lang siyang nakatingin sa akin. “Babe, may problema ba?” Kunôt noo kong tanong, imbes na sumagot ay isang nahihiyang ngiti ang lumitaw sa mga labi nito. “Hindi ka ba sasabay sa akin?” Tanong ko, na ang tinutukoy ko ay sabay kaming maligo. “Sa totoo lang, nahihiya akong sumabay sayo na maligo, pakiramdam ko ay may kasama akong artista.” Anya sabay ngiti kaya natawa ako ng wala sa oras. Umiiling na humakbang ako pabalik sa kama at sapilitan siyang hinila patayo. “Ngayon ka pa nahiya sa akin ilang taon na tayong nag sasama.” Natatawa kong wika hanggang sa napapayag ko na rin ito na sabay kaming maligo. “Alam mo kung nagpaka babae ka lang talaga walang sinabi ang ganda ko sa sayo. Baka dumugin ka ng mga kalalakihan.” Ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo ngunit ang lahat ng kanyang tinuran ay tinawanan ko lang. “Then sorry sila, dahil ito na talaga ako, and besides masaya na ako sa buhay ko ngayon lalo na at kasama kita.” Malambing kong sagot sabay bukas ng gripo. Natawa ako ng halos mapalundag si Angeline dahil sa lamig ng tubig. Tulad ng nakasanayan naming gawin ay hindi nawawala ang harutan sa‘ming dalawa kaya ang sanay bente minutong paliligo ay inabot ng isang oras. “I think, bagay sayo ‘to.” Nakangiti na wika ni Angeline habang hawak ng isang kamay nito ang isang kulay khaki na polo. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa Mall at namimili ng mga gamit para sa aking nobya. Hindi naman ako nag kumento pa dahil mas gusto ko ang atensyon na natanggap ko mula sa aking nobya. “Sa ganda n’yo pong ‘yan lahat ng damit ay siguradong bagay sayo.” Komento naman ng Sales lady na nakatayo sa harapan ko. Kanina pa nito hindi inaalis ang tingin sa mukha ko at halatang kinikilig din ang babae na wari mo ay nakita ang kanyang first love. “Thank you.” Nahihiya ko namang sagot ngunit nagulat ako ng pagalit na idinikit ni Angeline ang hawak niyang polo sa dibdib ko sabay bitaw nito kaya kaagad kong nahawakan ang damit bago pa ito mahulog sa sahig. Naalarma ako ng basta na lang niya akong iniwan, nahihiya na hinarap ko ang sales lady bago ibinigay dito ang damit. “I’m sorry.” Hinginging paumanhin ko sabay matamis na ngumiti. Tila kinilig naman ang babae at hindi maikakaila ng masaya niyang mukha na may gusto ito sa akin. May pag-aatubili na iniwan ko na ang babae upang habulin si Angeline. Nang maabutan ko ito ay inakbayan ko siya sa balikat ngunit pagalǐt na tinabig niya ang braso ko paalis sa kanyang balikat. Nakaramdam ako ng hiya dahil naagaw namin ang atensyon ng ibang tao pasalamat na lang ako at mabilis maglakad ang nobya ko kaya kaagad kaming nakalayo sa mga taong nakatingin amin. “Babe, huwag ka ng magtampo, wala ka namang dapat na ikagalit sa akin.” Halos pabulong kong sabi sabay kabig sa kanyang baywang. “Anong wala? Eh halatang ang sweet ninyo ng babaeng iyon, at kung makangiti ka sa kanya wagas!” Napalunok ako ng wala sa oras ng bahagyang tumaas ang boses nito. “Angeline ano ba, nakakahiya.” Ani ko at napakamot pa sa aking ulo. Hindi kasi ako sanay na maexpose sa paningin ng lahat kaya pasimple kong ibinaba ang suot kong sumbrero upang maitago ang aking mukha. Napansin ko na natigilan si Angeline, marahil ay napagtanto nito ang kanyang ginawa kaya malungkot na pumihit siya paharap sa akin. “I’m sorry, nadala lang ako ng emosyon.” Hinging paumanhin niya sa akin.” Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago lumapit sa kanya at kinabig ang katawan nito palapit sa akin. “It’s okay, I understand, ang mabuti pa ay mamili ka na ng mga gusto mong bilhin dahil baka naghihintay na sa atin si Nanay.” Ani ko sabay kuha sa kanyang kamay at hinila na siya patungo sa isang shop ng mga damit. Naupo na lang ako sa isang bakanteng sofa habang si Angeline ay abala sa pamimili ng mga damit at sapatos na gusto niyang bilhin. Nawala ang atensyon ko kay Angeline ng tumunog ang cellphone ko, kaagad ko itong dinukot mula sa bulsa ng suot kong maong na pantalon. “Yes?” Patanong kong sagot, si Pisces ang kasalukuyang tumatawag at batid ko na hindi maganda ang sasabihin nito. Kilala na namin ang isa’t-isa at tumatawag lang siya sa akin sa tuwing may problema. “Black, malaki ang problema natin, na-dismissed ang kaso!” Problemado nitong wika, ramdam ko ang pag-aalala mula sa tinig nito. “What!? But how?” Naguguluhan na tanong ko sa kanya dahil ikalawang araw pa lang simula ng iakyat sa korte ang kaso kaya kahit na sino ay magugulat sa bilis ng mga pangyayari. “Kalokohan! Paanong madi-dismiss ang kaso kung hindi naman ito dumaan sa hearing?” Pabulong kong tanong sa nanggigigil na tono. “Kasalukuyan pang inaalam ni Singko kung sino ang nasa likod ng lahat nang mga nangyari. And you know kung ano ang mas masaklap? Naglahong parang bula ang mga suspect. Maging ang lahat ng kanilang mga hideout na binabantayan ng ating grupo ay mga hindi na nagpa-function. At nakapagtataka na ang lahat ng biktima ay biglang nanahimik, walang may nais na magsalita.” Ramdam ko ang labis na pagkamangha ni Pisces sa mga nangyari at maging ako ay hindi rin makapaniwala. Hindi ko na namalayan na wala na pala sa kabilang linya si Pisces at nabalik lang ang kamalayan ko sa reyalidad ng tapikin ni Angeline ang aking balikat. “Babe, are you okay? Kanina ka pa tulala d’yan?” Nag-aalala na tanong niya sa akin. Ilang beses na pumikit ang aking mga mata bago lumingon sa mukha ng aking nobya. “Babe, I’m sorry, pero mukhang hindi na kita masasamahan sa pagdalaw kay Nanay. Tumawag kasi ang boss ko at pinagre-report ako sa opisina.” Nakita ko na tumamlay ang kanyang awra ng magpaalam ako, ngunit kalaunan ay ngumiti rin siya sa akin. “It’s okay, nauunawaan ko, basta lagi kang mag-iingat.” Malambing niyang sagot, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng marinig ko ang kanyang sinabi. Mabuti na lang ay malawak ang pang-unawa ng girlfriend ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad na hinatid ko ng motor si Angeline sa tapat ng hospital. Pagkababâ niya sa motor at kaagad na hinagkan ko ang kanyang mga labi saka ko pinaharurot palayo ang aking motor.” “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay ni Tonton dito, alam mo naman na ngayong araw lalabas si Nanay.” Ito kaagad ang sermon ng lalaking nadatnan ni Angeline sa loob ng silid ng kanyang ina. “Pasensya na ipinag shopping pa kasi ako ni Ame.” Alanganing sagot ni Angeline, halatang nagulat ito ng datnan niya ang asawang si Robert. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya na hindi na siya sinamahan ni Amethyst sa pagdalaw sa kanyang ina dahil kung nagkataon ay magkikita sana nito ang kanyang asawa. “Sinasabi ko sa sayo, Angie, hiwalayan mo na ang tomboy na ‘yan kung ayaw mo na ako mismo ang magsabi sa kanya na maayos na ang pamilya natin!” Ito ang matinding banta ni Robert na labis na ikinabahala ni Angeline, habang ang kanyang ina na nasa higaan nito ay malungkot na nakamasid sa kanyang anak. “P-Pakiusap, Robert! Huwag mong gawin ‘yan, mahal ko si Ame at ayokong mawala siya sa akin. Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto mo. Ang tanging hiling ko lang ay pabayaan mo na kami ni Ame.” Pagsusumamo ni Angeline habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. Ilang segundo na tumitig si Robert sa mukha ng kanyang asawa, tutol man sa kahilingan nito ngunit wala siyang magawa kundi ang manahimik at magkuwaring bulag dahil sa labis na pagmamahal niya dito. Aminado siya na higit na mahalaga para kay Angeline ang tomboy na si Amethyst at natatakot si Robert na baka iwanan siya ni Angeline.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD