Kabanata 09

1138 Words
“Madilim ang mukha na lumabas ako ng selda habang inaayos ang nagusot kong damit. Kalmado man akong tingnan ngunit ang dibdib ko ay nagpupuyos sa matinding galit. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na maranasan ang makulong. Isa akong respetadong tao ay tinitingala ng lahat pero ngayon ay nagmukha akong katawa-tawa sa paningin ng lahat. Muli, naramdaman ko na naman ang ganitong pakiramdam. ‘Yun bang pakiramdam na nawalan ka ng dignidad dahil sa matinding kahihiyan? Na para bang gusto mo na lang ang magkulong sa loob ng silid na walang nakatingin sayo. Walang humpay ang pagtunog ng aking mga ngipin dahil kanina pa nagngangalit ang aking mga bagâng. Parang gusto ko ng sunugin ang presinto na ito para kasamang matupôk ang mga walang hiyang pulis na nagposas sa akin. Kung kanina ay ang tatapang ng mga pulis habang hinuhuli ako ngayon ang mga hitsura nito ay parang mga pinitpit na luya. Dahil ngayon lang nila nalaman kung sino ang kanilang inaresto, ang ekspresyon ng kanilang mga mukha ay wari moy katapusan na ng mundo. Kaagad na tumungo ang mga ito ng makita ako, walang pakialam na diretso akong lumabas ng presinto, ni hindi ko na sila pinag-aksayahan pa ng oras na tapunan ng tingin. Tanging ang limang abogado ko ang naiwan sa presinto upang ayusin ang lahat at siguraduhin na hindi lalabas sa publiko ang nangyaring raid sa loob mismo ng aking barko. Pagdating sa labas ng presinto ay sumalubong ang aking mga tauhan na nakahilera sa mamahaling sasakyan na naghihintay sa akin. Tahimik na sumakay ako at hinayaan ang mga tauhan ko na dalhin ako sa aking patutunguhan. Matapos ang trenta minutong biyahe ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking warehouse. Nang makababa ng sasakyan ay kinalas ko ang dalawang butones sa tapat ng aking dibdib, pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga dahil sa matinding galit. Para akong isang bomba na sasabog anumang oras. Nagsimula akong humakbang papasok sa loob ng warehouse at pagdating sa loob ay tumambad sa akin ang mukha ng tatlong lalaki na kasalukuyang nakaluhod sa sahig. Sobrang tahimik ng buong paligid na tanging ang mga yabag ko lang maririnig. Napasinghal ako ng napansin ko na nanginginig ang mga katawan ng tatlong lalaki at bakas ang matinding takot sa kanilang mga mukha. Mabilis na kumilos ang tauhan ko at kaagad na naglagay ng isang upuan sa harap ng mga ito. “Tahimik na tinanggap ko ang isang sigarilyo mula sa aking tauhan bago umupo, saka isa-isa sinipat ng tingin ang mukha ng tatlo habang marahang pinapa-talbog ang dulo ng stick ng sigarilyo mula sa kuko ng aking hinlalaki. “"Huh? So it was you who dared to enter my territory to carry out your illegal transactions? Tsk, I can't believe you had the audacity to use my name. Unbelievable.” Seryoso kong wika bago inipit ang dulo ng sigarilyo sa pagitan ng aking mga labi. Mula sa aking likuran ay narinig ko na humakbang palapit sa akin ang aking tauhan at tumigil ito sa mismong tabi ko na may tatlong dangkal ang layo sa akin. Sinindihan muna niya ang sigarilyo bago nagsalita. “Sir, tulad ng nais ninyong mangyari, ang lahat ng kanilang hideout maging ang mga inooperate nilang mga bar ay ating naipasara. Bukod pa run, kasalukuyan ng pinaglalamayan ang kanilang mga tauhan, at tulad ng utos mo ay wala ni isa sa kanila ang buhay.” Seryosong paghahayag ng aking tauhan, bigla ang pag-angat ng mukha ng tatlong lalaki at hindi makapaniwala na tumitig ang mga ito sa mukha ko. Umangat ang sulok ng bibig ko ng makita ko kung paano na pangilabutan ang mga ito. “Mr. Walker, hindi namin sinasadya ang nangyari, h-hindi ko alam na sayo pala ang barkong ‘yun, maniwala ka, pinagsisisihan namin ang pagkakamali ng aking mga tauhan. I-pinapangako ko na kailanman ay hindi na ito mauulit pa.” Pagsusumamo sa akin ng lalaking sa tingin ko ay naglalaro sa edad singkwenta. “Tama ang sinabi niya, maniwala ka sana na hindi namin ginusto ang lahat ng nangyari, dahil walang basbas mula sa amin ang ginawang kapangahasan ng aming mga tauhan!” Ramdam ko ang matinding pagsisisi mula sa kanilang mga boses ngunit wala akong makapa na anumang awa sa kanila. Hithit-buga ang ginawa ko sa usok ng sigarilyo habang walang emosyon na nakatitig ang mga mata ko sa kanilang mga mukha. “And do you think ay paniniwalan ko kayo? Huh? Come on, huwag na tayong malokohan pa dito, we know kung gaano kahalang ang mga kaluluwa n’yo but sad to say ay mas halang ang kaluluwa ko kaysa sa inyo.” Pagkatapos na magbitaw ng ilang mga salita ay labis na nasindak ang tatlong lalaki ng mabilis na umangat ang kamay ko na may hawak na baril. Walang awa na inasinta ko ang noo ng mga ito hanggang sa dilat ang mga mata na bumagsak ang mga katawan nito sa sahig. Pagkatapos gawin iyon ay saka ko itinapon ang sigarilyo sa umaagos na dugo ng mga ito. “Anong balita sa babaeng hinahanap ninyo?” Mapanganib kong tanong na kaagad na sinagot ng aking tauhan. “Hinalughog na namin ang lahat ngunit bigo kami na makahanap ng pagkakakilanlan ng babae ipinapahanap mo sa amin. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon para matunton ang kinaroroonan niya.” Maingat sa pagsasalita ang aking tauhan na wari moy iniiwasan ang galit ko. Wala sa sarili na napahawak ako sa aking ibabang labi habang patuloy ang pagdaloy ng mga alaala sa mga nangyari sa pagitan namin ng babaeng iyon. “Iniisip ko na marahil ay kasama siya ng mga sindikatong ito dahil sa galing niyang humawak ng baril. Halata ring sanay na makipaglaban ang babaeng iyon. Pinasuri ko na rin ang hanay ng mga kapulisan ngunit wala rin dun ang babae, at ang labis na ipinagtataka ko ay wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa tomboy na ‘yun. Namatay na’t lahat ang miyembro ng mga sindikato ay wala man lang kaming nakuhang impormasyon tungkol dito. “Go on, young lady, galingan mong magtago dahil sa oras na mahuli kita ay aalisan kita ng maskara. At isasampal ko sa mukha mo na isa kang babae, isang babae na nakalaan para sa akin.” Anya ng isang nagbabantang tinig mula sa isipan ko. Aminado ako na nakuha ng babaeng iyon ang atensyon ko at ngayon ko napagtanto ko na she’s my lust. Kailangan ko siya hindi para mahalin kundi para paligayahin ako sa kama. Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa bibig ko bago tumayo at walang pakialam na iniwan ang tatlong bangkay.” Walang kaalam-alam si Amethyst na ang sindikato na kanilang tinutugis ay ibinaon na ni Heussaff sa ilalim ng lupa. At ngayon ay nahaharap siya sa isang matinding panganib mula sa mga kamay ng isang Walker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD