Marco-6

2013 Words
Walang kumikibo sa kanila ni Marco habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ni Ramon. Hindi na nga maalala ang kung saan ang bahay ng demonyong iyon, buti na lang alam ni Marco, kung sa bagay ang lalaking ito nga pala ang nagmamay-ari sa pang mayamang Village na tinatahak nila. Huminto sila sa pamilyar na gate. Bigla niyang naramdaman ang panginginig ng mga paa niya. Nilukob din siya ng takot, habang nakatingin sa pamilyar na gate kung saan siya lumabas kagabi na walang sapin sa mga paa. Lumapit ang gwardyang naroon at kumatok sa salamin ng kotse sa may driver seat. Binuksan lang ni Marco ang salamin, walang salitang lumabas kay Marco, pero sumaludo ang guard rito, saka mabilis na tumakbo para buksan ang gate. Kumakabog ang dibdib niya habang tila nakikita niya ang mga eksena kagabi, sa bakuran na iyon, kung paano siya nagtatakbo para mailigtas lang ang sarili sa kapahamakan. "Andito na tayo," malamig na sabi ni Marco. Naging malamig bigla ang pakikitungo ni Marco sa kanya dahil kay Hazel, kung anu-ano marahil ang sinabi ng babaing iyon kay Marco para magmukha siyang masama. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan, natatakot siya, natatakot siyang bumaba at mag isang pumasok sa loob ng bahay ni Ramon, baka sa pagkakataong ito hindi na siya makatakas pa sa mga kamay ni Ramon. "Savannah, andito na tayo, bumaba ka na at kunin mo na ang mga gamit mo," utos sa kanya ni Marco. "Ah.. Eh...," tanging tugon niya nang sulyapan ito. "Ano kase.. Marco eh," sabi pa niya nang mapansin si Ramon na palabas ng pintuan ng malaking bahay. Nanalalaki ang mga mata niya, lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sa takot na naramdaman. Takot na takot siya, nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang makita ang demonyong si Ramon. "Savannah are you ok?" Narinig niyang tanong ni Marco sa kanya. Nanatili naman siyang nakatingin kay Ramon na kunot noong nakatingin sa sinasakyan nila. "O... Ok lang," putol-putol na tugon niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang hawakan ang handle ng pintuan, hindi tuloy niya mabuksan-buksan iyon, walang lakas ang mga kamay niya, dahil sa panginginig. "Savannah!" Mariing tawag sa kanya ni Marco, sabay hawak pa nito sa braso niya. "Ok ka lang ba?" Marco asked. "Namumutla ka at nanginginig ang buong katawan mo," sabi pa nito. "Ah... eh...," wala siyang alam sabihin. "Stay here, ako na ang bahalang kumausap kay Ramon, ako na rin ang kukuha ng mga gamit mo sa loob, dito ka na lang maghintay," litanya nito sa kanya. Ewan niya kung bakit pero sunud-sunod na tango ang naging tugon niya. Hindi niya kayang harapin si Ramon, hindi rin niya kayang pumasok sa loob ng bahay ni Ramon kung saan muntik na siyang mapagsamantalaan. "Lock the door paglabas ko, para hindi ka masyadong matakot, ako na ang bahala kay Ramon," bilin pa nito sa kanya, tanging tango lang ang nasasagot niya rito. Sinundan niya ng tingin si Marco nang bumaba ito sa kotse, agad itong sinalubong ni Ramon na may malapad na ngiti sa labi. Nanatili siyang nakatingin sa mga ito, nakita niyang nawala ang ngiti sa labi ni Ramon nang magsalita si Marco. Wala siyang naririnig sa pinag-uusapan ng dalawa, pero hula niya sinabi na ni Marco ang sadya nila. Mamahaling sasakyan ang sinasakyan niya, tinted marahil ang salamin kaya hindi siya nakikita ni Ramon mula sa labas. Mukhang hindi rin sinabi ni Marco na nasa loob siya ng sasakyan. Napasandal siya sa upuan at nagbuga ng hangin nang pumasok na sa loob ng bahay ang dalawa. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, alam niyang ligtas na siya sa mga kamay ni Ramon, salamat kay Marco. Marahil hindi lang siya ligtas kay sa mga pang iinsulto sa kanya ni Marco, at pangmamaliit. Habang naghihintay sa labas, nilingon niya ang paligid, wala sa bakuran ang kotse niya. Nagtaka siya kung saan naman dinala ni Ramon ang kotse niya, hindi naman iyon mamahalin para pag interesan pa nito. "Saan kaya nila tinago?" Bulong pa niya. Halos trenta minutos na ang lumilipas hindi pa rin lumalabas si Marco, naiinip na nga siya kahihintay, sadyang hindi lang siya makalabas ng sasakyan dahil sa trauma, kaya kailangan na lang niyang maghintay pa sa loob ng sasakyan. Maya-maya pa lumabas na si Marco kasama ang isang kasambahay na bitbit ang mga gamit niya, hindi na niya nakita si Ramon na lumabas pa ng bahay, nagtaka rin siya kung bakit hindi rin lumabas ng bahay ang Mommy niya para makita siya. Bumukas ang pinto ng kotse sa may likod, at inilagay ng kasambahay ang lahat ng gamit niya roon, agad niyang hinila ang bag at hinanap ang cellphone niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makita iyon. "Ang Mommy ko?" Agad na tanong niya kay Marco pagsakay nito sa driver seat. "Wala ang Mommy mo sa loob," tugon nito. "Ah? Nasaan?" Kunot noong tanong niya. Hindi agad nakasagot si Marco sa kanya kinailangan muan nitong magmaniobra para makalabas ng gate. Matiyaga naman siyang naghintay. Low bat din kasi ang cellphone niya kaya hindi pa niya matawagan ang Mommy niya. "Ang sabi ni Ramon umalis daw dala ang kotse mo,'' sabi ni Nico sa kanya. Kaya pala ang kotse niya sa bakuran ni Ramon. Saan naman kaya nagpunta ang Mommy niya. Baka hinahanap na siya non, baka nag-aalala na sa kanya ang Mommy niya. Kailangan niyang matawagan ito agad. "Pwede ba kong makahiram ng charger?" Tanong niya. "Walang charger dito, kung gusto mo bumalik muna tayo sa bahay," tugon nito. "Pwede ba tayong bumalik?" Alanganing tanong niya. "Oo," tanging sagot nito. Mas ok na rin siguro na bumalik na muna sila sa bahay ni Marco, para na rin malaman niya kung ano ang napag usapan nito at ni Ramon. Isa pa hindi naman siya basta-basta makaaalis dahil wala ang kotse niya. Naisip niyang baka kung saan-saan na siya hinahanap ng Mommy niya, baka alalang-alala n ito sa kanya ngayon. "Pwede bang pakibilisan mo, baka kase nag-aalala na sa akin ang Mommy ko," pakiusap pa niya. Walang naging tugon sa kanya si Nico, pero naramdaman niyang bumilis ang takbo nila. Seryoso ang mukha ni Marco, habang nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Pagdating sa bahay nito agad na siyang nag charge ng phone para matawagan ang Mommy niya. Pag bukas niya ng cellphone umaasa siyang mag text sa kanya ang Mommy niya o di kaya missed calls, pero wala. Wala ni isang text o tawag man lang galing sa Mommy niya. Sinubukan niyang tawagan ang Mommy niya, para sabihin rito na ok na siya, at ligtas siya, iyon nga lang walang sumasagot. Nakailang subok siya sa pagtawag wala itong sagot. Nag text na rin siya sa ina para ipaalam na ok siya. "Natawagan mo na ba ang Mommy mo?" Tanong sa kanya ni Marco nang puntahan siya nito sa sala at dalhan ng juice, nagpasalamat naman siya rito. "Hindi pa," iling ulong tugon niya. "Ah. Marco, ano nga palang pinag usapan niyo ni Ramon?" Curious na tanong niya. "Wala naman hindi na importante iyon," tugon nito. "Tawagan mo na ang Mommy mo, para malaman niyang ok ka," sabi pa nito. Tumango naman siya at sinubukang tawagan muli ang ina, sa pagkakataong ito sumagot naman ito. "Mommy," masiglang tawag niya sa ina nang marinig ang boses nito, at least ligtas ito, walang ano mang ginawa rito ang demonyong iyon. "Oh, Savannah, napatawag ka, may kailangan ka ba? Hinahanap mo ba ang kotse mo? Pasensya ka na ah ginamit ko muna, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko dito sa San Miguel," mahabang litany ng Mommy niya. Nalungkot siya bigla, ni hindi man siya kinumusta nito kung ok ba siya? ligtas ba siya? Kung saan siya nagpalipas ng gabi? Napansin niyang nakatingin sa kanya si Marco, bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili. Bakit ba tila hindi man nag-alala sa kanya ang Mommy nito? Nagawa pa nitong gamitin ang kotse niya, at nagpunta ito sa malayo, iniwan siya sa San Ignacio mag isa. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa ina, mula pa naman noon, wala na itong pakialam sa kanya, mabango at kinakausap lang naman siya nito sa tuwing hihingi ng pera sa kanya. Pero ni minsan hindi nga pala siya nito kinumusta kung ok lang ba ang trabaho niya, kung ayos lang ba ang mga katrabaho niya. Dapat lang na masanay na siya, huwag na siyang umasa pa na concern sa kanya ang ina. Sadyang inilabas lang siya nito sa mundo at pagkatapos bahala na siya kung paano niya bubuhayin ang sarili. "Sige ho Mommy," tanging tugon niya sa ina nang sabihing mag bus o di kaya mag taxi na lang siya pabalik ng Maynila, dahil matatagalan pa daw ito sa San Miguel, palalamigin muna daw nito si Ramon. Hindi na siya magtataka na paglipas lang ng ilang araw o linggong kasama na naman ng Mommy niya ang demonyon iyong. Ganya na lang siguro talaga ng Mommy niya, buti na lang kaya niyang buhayin ang sarili, at kaya din niyang ipagtanggol ang sarili. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha nang matapos na ang usapan nila ng Mommy niya. Wala man lang idea ang Mommy niya kung nasaan siya, paano hindi ito nagtanong. "Are you ok?" Nagulat pa siya kay Marco na naroon nga pala. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi. "Yeah," tipid na sagot niya ang hinila ang baso ng juice. "Susunduin ka ba ng Mommy mo?" Marco asked. "No," amin niya. Nais lang niyang maging totoo kay Marco, para naman at least may idea siya kung normal ba ang Mommy niya. Na halos ma rape at mamatay na siya kagabi, ni hindi nito alam kung saan siya na padpad, wala pa ring pakialam ang Mommy niya. Tila ang nais lang yata nito ay ang malayo siya kay Ramon. "Why?" Nagtatakang tanong ni Marco. "Busy siya kasama ang mga kaibigan niya," tugon niya saka ngumiti, ngiting mapait, masakit sa lalamunan. "Mas mahalaga pa ba ang mga kaibigan niya kesa sa iyo?" "Parang ganoon na nga," tugon niya. "Halos mamatay ka na kagabi, tapos hindi man siya nag-alala sa iyo?" "Hindi," tugon pa rin niya. "What the f*ck?" Mura ni Marco. Napangiti siya ng mapait. "Na sa Mommy ko ang kotse ko, nasa San Miguel ito at magtatagal daw ito roon. Ano ba ang magandang sakyan ko pabalik ng Maynila?" Tanong niya kay Marco. "Wala ka bang kaibigan na pwedeng sumundo sa iyo?" Marco asked. "Wala, ayokong may ibang makaalam sa dinanas ko rito sa San Ignacio," tugon niya. Pinakatitigan naman siya ni Marco, hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga nito. "Pwede kitang ihatid ng Maynila, pero hindi ngayon, may trabaho pa kasi ako." "Sa driver mo?" "Wala akong driver." "Bukas pwede na?" Tanong niya. "Hanggang bukas pa ko busy sa trabaho. Bukas makalawa pwede na kitang ihatid ng Maynila," tugon nito. Hindi siya nakakibo, ibig sabihin kailangan niyang mag stay pa rito ng dalawang araw bago siya pwedeng ihatid ni Marco sa Maynila. Wala naman siyang ibang maaasahan sa ngayon, wala ang kotse niya. Si Marco lang naman ang pwedeng tumulong sa kanya ngayon wala ng iba. Isa pa ligtas naman siya sa bahay ni Marco, hindi siya masusundan ni Ramon. "Kung kailangan mo na talagang makabalik ng Maynila pwede kang mag taxi," suhestiyon nito. Sa totoo lang may takot siya sa taxi sa dami ng mga nababalitaan niyang krimen, kaya ayaw niya ang taxi. Kung mag bus naman siya, baka pagkaguluhan pa siya pag may nakakilala sa kanya, isama pang mabagal pag bus ang sinakyan niya, dahil bawat bahay hihinto ito. So wala talaga siyang choice kundi ang mag stay sa bahay ni Marco at hintayin kung kailan siya nito pwedeng ihatid. "Hihintayin ko na lang siguro na maihatid mo ko sa Maynila," lakas loob na sabi niya kay Marco. "Sige," tugon nito at tumango pa sa kanya. "Ipapaakyat ko na muna ang mga gamit mo sa guest room, umakyat ka na rin muna roon, para makapagpahinga," sabi pa nito sa kanya. "Salamat, Marco," pasalamat niya sa lalake na kahit ayaw sa kanya ng kaibigan nito tinutulungan pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD