Marco-5

2009 Words
"Hindi mo ba kilala ang babaing ito Marco?" Tanong pa ni Hazel kay Marco na sa kanya naman nakatingin. Napakagat labi siya, sa dinami-dami naman kasi ng tao sa mundo bakit kailangan pang kakilala ni Marco ang Hazel na ito. Ang babaing akala mo kung sino, masyadong mataas ang tingin sarili, at mababa ang tingin nito sa katulad niyang modelo, kung sa bagay anak yata ito ng isang kilalang negosyante, kaya ganoon na lang kataas ang tingin nito sa sarili nito. "I know her," narinig niyang tugon ni Marco at sinulyapan siya. "Pwede mo ba kaming iwan saglit, Marco," sabi pa ni Hazel kay Marco. "I don't know the issue here, but fine, tapusin niyo agad iyang pag-uusap na iyan," sabi ni Marco na sa kanya pa rin nakatingin, saka na ito humakbang palayo. Hindi niya alam kung ano pa ba ang pag-uusapan nila ni Hazel, hindi na rin naman siya nakikipagkita kay Francis, isa pa si Francis naman ang habol ng habol sa kanya, hindi lang din naman siya ang babaing kinatatagpo ni Francis. Isa din naman siya sa niloko ni Francis noon. Si Francis ang unang nobyo niya, pero hindi rin naman nagtagal ang relasyon nilang dalawa, paano wala nang ibang nais si Francis kundi ang masolo siya, ilang beses nitong sinubukan na may mangyari sa kanila, pero hindi siya pumapayag. Wala siyang balak magpagamit sa lalaking hindi siya sigurado kung pakakasalan siya. Buti na lang din at walang nangyari sa kanila ni Francis dahil manloloko ito, matakaw sa babae. Isama pang hindi matanggap ni Francis ang Mommy niya, kinahihiya nito ang trabaho ng Mommy niya, siya ang gusto nj Francis hindi kasali ang pamilya. Alam niyang wala siyang maipagmamalaki sa pamilya niya, lalo na ang trabaho ng Mommy niya. Kaya ganoon nalang kaliit din ang tingin ni Francis sa kanya at sa Mommy nito. Well, galing din sa mayamang pamilya si Francis. Mukhang ang mga tulad niya ay isa lang laruan sa mga mayayaman. "Ano ito Savannah? Pagkatapos mo kay Francis si Marco naman? Ang galing ah, mas big time na ngayon ang na target mo," panunuya ni Hazel sa kanya, habang pinamamaliit siya nito gamit ang mga mata nito. "Look at yourself, wala kang pinagkaiba sa nanay mong bold star," taas kilay pa na sabi nito. Kinuyom niya ang mga kamay, nagpipigil siyang sampalin ang lapastangan na babaing nasa harapan niya. Ok na sana kung siya lang ang insultuhin nito huwag nang isama ang Mommy niya. "Sa tuwing magkikita na lang ba tayo wala ka nang ibang gagawin kundi insultuhin ako at ang nanay ko?" Taas mukhang sabi niya. Pinagsalikop pa ang mga kamay sa dibdib niya. Sanay siya sa mga taong wala nang ginawa kundi isultuhin siya at ang nanay niya, madalas nga hindi na tumatalab sa kanya ang ano mang pang-iinsulto ng mga ito. "Oo, dahil isa kang malanding babae!" Asik nito. "Hazel," kalmadong tawag niya sa babae. Wala siyang planong patulan ito ngayon, dahil nasa bahay siya ng taong nagligtas sa kanya. Hindi niya alam kung magkaanu-ano ang dalawa. Bilang respeto na lang niya kay Marco, hindi siya gagawa ng eksena sa ngayon. "Ikakasal na kayo ni Francis hindi ba?" She asked. "Oo, dahil hindi ka niya kayang pakasalan at iharap sa pamilya niya, lalo na ang bold star na nanay mo," tuya nito. "Ganoon naman pala ano pa ang kinatatakot mo?" Tanong niya at humakbang palapit sa kay Hazel na nakataas ang mukhang nakatingin sa kanya. "Ayokong nakikita iyang nakakainis mong mukha, Savannah!" "Pareho lang naman tayo, Hazel, huwag na sana tayong magkita pa. Dahil baka sa susunod hindi na ko makapagtimpi at masampal na kita, dahil sa napakatabil mong dila!" Mariin niyang sabi. "Tinatakot mo ba ko ah babaing malandi?!" Asik nito sa kanya at akmang sasampalin siya ni Hazel nang isang kamay ang pumigil sa braso ni Hazel. Nakita niya si Marco na nakatayo sa tabi ni Hazel. "Bitiwan mo ko Marco!" Hiyaw ni Hazel. "Tama na Hazel, hindi ka dapat manakit!" Sabi ni Marco habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ni Hazel. "Malandi ang babaing ito Marco! Mayayaman lang ang target niya, baka ikaw na ang sunod niyang biktima!" Sumisigaw na sabi ni Hazel. Mukha pang nais nitong magwala sa galit sa kanya. Kalmado naman siya, nakakahiya kay Marco kung gagawa siya ng gulo sa bahay nito. "Alam mo Hazel, hindi lang ako ang dapat mong bantayan, dahil maraming babae iyang si Francis," Taas mukhang sabi niya saka na siya tumalikod para umiwas na. "Hoy! Babae!" Sigaw ni Hazel sa kanya. Nagpatuloy siya sa pag akyat ng hagdan. Iiwas na lang siya bago pa magkagulo. "Savannah! Bumalik ka dito!" Sigaw pa rin ng sigaw si Hazel. "Hazel tama na, kumalma ka nga," pigil ni Marco rito. "Kainis bakit hanggang dito sa San Ignacio umabot ang babaing iyon? Magka anu-ano kaya sila ni Marco? Bwisit talaga sinusundan siya ng malas!" Inis na sabi niya nang makapasok na sa loob ng silid kung saan siya tumutuloy. Hindi na siya dapat pang lumabas ng silid hangga't nariyan pa ang Hazel na iyon, tiyak na magwawala lang ito ng magwawala dahil masyado itong inlove at baliw na baliw sa Francis na iyon, eh manloloko naman. Nagpabalik-balik siya sa loob ng silid, kagat-kagat niya ang kuko. Ilang minuto na siya sa loob ng silid, hindi pa rin siya makalabas baka nasa ibaba pa anh baliw na iyon. Hindi pa rin naman siya kinakatok ni Marco. "Nakaalis na kaya siya?" Bulong na tanong niya. Nasa ganoong pag-iisip siya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Marco. "Nakaalis na ba si Hazel?" Tanong niya at hinarap ito. "Yes," malamig na tugon ni Marco sa kanya. "Pasensya na sa nangyari Marco. Aalis na ko ngayon, kung ok lang pahiramin mo ko ng maayos-ayos ng damit bago ko puntahan ang bahay ni Ramon," litanya niya. Hindi naman nag-aalis ng tingin sa kanya si Marco. "Totoo ba? Isa ka sa mga babae ni Francis?" Tanong nito na hindi pinansin ang sinabi niya. Nagkibit balikat siya at bumuntong hininga, hindi niya alam kung maniniwala ito pag sinabi niyang isa lang din siya sa niloko ni Francis. "Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin, lalo na't paniguradong nakausap mo na si Hazel, at kung anu-ano na ang sinumbong sa iyo," mataray niyang sabi. Nais niyang magmukha pa rin matapang at mataas, kahit mababa na ang tingin sa kanya ng marami. Dahil para sa kanya hindi siya isang mababang babae. "Ikakasal na sila ni Francis kung ano man ang ugnayan niyo ni Francis, itigil muna, huwag kang sumira ng isang relasyon, Savannah, marami pang lalake diyan," seryosong litanya ni Marco sa kanya. "Wala akong sinisira!" Pagmamatigas niya. Nagulat siya nang marahas na hilahin ni Marco ang braso niya. Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya, napangiwi siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya, ramdam na ramdam niya ang kuko nito sa balat niya. "Nasasaktan ako," himpit na sabi niya. "Kilala ko ang mga babaing katulad mo, wala kayong pakialam kahit makasira kayo ng relasyon, wala rin kayong hiya!" Gigil na sabi sa kanya ni Marco at lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Nasasaktan na talaga siya. Nagawa pa niyang hampasin ito sa balikat, pero balewala lang rito. "Bitiwan mo ko!" Sabi niya habang pilit kumakawala. Sa kinikilos ni Marco ngayon sigurado na siyang naniwala ito sa ano mang sinabi ni Hazel rito, hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon para ipaliwanag ang sarili niya. Bahala na ito sa kung anong gustong paniwalaan nito. Hanggang ngayon na lang naman sila magsasama nito, once na makaalis na siya ng San Ignacio at makabalik ng Maynila wala ng rason pa para magkita silang muli ng gwapong lalakeng kaharap. "Layuan mo na si Francis, hayaan mo na siya kay Hazel, humanap ka na lang ng ibang pwede mong maging lalake!" Mariing sabi nito sa kanya, na halos kahibla lang ang layo ng kanilang mga labi. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito, isama pa ang mamahaling cologne nito. Pakiramdam nga niya hindi siya humihinga, habang nakatingin sa itim na mga mata ni Marco. Nakakatakot oo, pero wala siyang dapat ikatakot dahil alam niya ang totoo, malinis ang konsensya niya, wala siyang sinisirang relasyon, biktima lang din siya ni Francis. "Tigilan mo ang panggugulo kay Hazel at Francis, kung hindi ako ang makakaharap mo!" Mariing banta nito sa kanya na katulad ng kuko nito na bumabaon sa balat niya ang lalim ng salita nito sa kanya. Hindi siya kumibo, alam niyang magsasayang lang siya ng laway. Napatili siya nang marahas siyang itulak ni Marco, bumagsak siya sa malambot na kama. "Diyan ka lang, huwag kang aalis. Ipapabili kita ng gagamitin mo para makaalis ka na sa bahay ko!" Sabi pa nito sa kanya, na tila ba napakawalang kwenta niyang tao. Hindi siya kumibo, naiiyak siya kaya kinagat niya ang ibabang labi para hindi tumulo ang luha niya, hangga't kaya niyang tiisin ang sakit gagawin titiisin niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan at malakas na pagsara non. Mula pagkabata ganito siya tratuhin ng lahat, para bang isa siyang basura na walang kwenta. Para bang hindi siya isang tao na kailangan din ng respeto, dahil ba sa pagiging anak ng isang s*xy star? Hindi ba siya pwedeng maging iba sa nanay niya? Ginawa naman niya lahat para hindi matulad sa Mommy niya. Mula noong highschool marami ng nanliligaw sa kanya, pero sa takot na maging katulad siya ng ina ay iniiwasan niya ang mga lalake. Buong buhay niya isang lalake palang ang nakarelasyon, iyon ay si Francis wala ng iba. Sa dami ng mga lalaking lumalapit sa kanya nag-iingat siya, iyon nga lang minalas siya sa isa. Akala niya matino si Francis, buti na lang at hindi pa naging ganoon kalalim ang relasyon nila. Nagpapasalamat siyang nakipaghiwalay agad kay Francis, iyon nga lang nagkasabit pa dahil sa mapaghinala at insecure na fiancee ni Francis. Mukhang patuloy siya susundan ng Hazel na iyon at ipapahiya sa marami, kahit wala naman siyang ginagawa. Insecure at selos na selos lang naman sa kanya ang babaing iyon. Naghintay siya sa loob ng silid, gaya ng utos ni Marco sa kanya. Isang oras yata ang lumipas bago bumalik si Marco sa silid, may bitbit itong malaking paper bag ng kilalang brand. "Magbihis ka na, para masamahan kita sa bahay ni Ramon, para na rin makaalis ka na ng San Ignacio, baka dito kapa mag asik ng lagim," litanya ni Marco sa kanya. Inikot niya ang mga mata ay hinablot niya ang paper bag kay Marco, saka nagpasalamat rito. "Pagkakuha mo ng sasakyan mo sa bahay ni Ramon bumiyahe ka na pabalik ng Maynila," sabi pa ni Marco sa kanya. Tumango lang siya rito at lumakad patungo sa bathroom, bitbit ang paper bag. "Kalma lang Savannah, hindi sa lahat ng oras at tao, kailangan mong sabihin ang side mo. Hayaan mo sila, magsasawa din ang mga iyan," bulong niya habang isa-isang inilalabas ang damit na pinamili para sa kanya ni Marco. Napailing pa siya ng ulo nang makitang makapal na jacket, pantalon, sapatos, bra at panty ang binili sa kanya ni Marco. Well haharapin niya ang isang rapist na tulad ni Ramon, tama lang na balot na balot siya, para hindi na siya maisipan pang gawan ng masama ni Ramon. Matapos magbihis agad na siyang bumaba ng hagdan, may nakita siyang puting cap na mamahalin sa may sala, kaya dinampot na niya iyon at sinuot. Bilang modelo, alam na niya kung ano ang babagay sa suot niya. Hinanap niya si Marco para samahan na siya nito sa bahay ni Ramon. Nadatnan niya ito sa may kalagitnaan ng malaking bahay na ito. Napatingin pa ito sa kanya at pinagmasdan ang kasuotan niya. "Mukha kang inosente pag ganyang balot na balot ang katawan mo," komento pa sa kanya ni Marco. "Salamat," walang emosyong pasalamat niya. Wala siya sa mood patulan ang mga pasaring nito. Isa pa kahit papano may utang na loob siya rito, dahil niligtas siya nito. Maganda nang huwag na itong patulan. "Aalis na ba tayo?" She asked. Handa na siyang harapin ang demonyong manyakis na si Ramon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD