Marco-1
"Savannah tumakbo ka na!" Sigaw ng Mommy niya sa kanya. Nanatili siyang nakatulala at hindi alam ang gagawin. Umiiyak siya, takot na takot habang nakatingin sa Mommy niya na umiiyak at takot na takot rin katulad niya.
"Susan! Savannah!" Sigaw ni Ramon na malakas mula sa loob ng bakuran.
"Tumakbo ka na Savannah iwan mo na ko!" Sigaw ng ina at pinagtulakan siya palabas ng gate, habang patuloy si Ramon sa pag sigaw ng pangalam nila.
"Pero, Mommy, hindi ko po kayo pwedeng iwan kasama ang demonyong iyan!" Umiiyak na sabi niya sa ina.
"Save yourself, anak I'll be ok. Ako na bahala kay Ramon, ang mahalaga ligtas ka anak. Huwag ka na muna magtungo dito, hindi ka sasantuin ni Ramon," umiiyak na pakiusap ng Mommy niya sa kanya.
"Pero, Mommy."
"Susan!" Savannah!" Sigaw ni Ramon napapitlag pa siya at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng gate ng malaking bahay ni Ramon, para mailigtas ang sarili sa kapahamakan, kahit labag sa loob niyang iwan ang ina.
Tumatakbo siya na hindi alam kung saan tutungo. Wala siyang sapin sa mga paa. Punit ang suot niyang manipis na pantulog. Magulo ang buhok niya, putok ang labi sa malakas na pagkakasampal sa kanya ni Ramon kanina. Sinaktan siya ni Ramon para magawa nito ang gusto nito sa katawan niya, nanlaban siya para hindi magtagumpay ang demonyon si Ramon.
Muntik na siyang mapagsamantalaan ni Ramon. Pinasok siya ng matandang alake sa loob ng silid na tinutuluyan niya sa bahay nito. Pinagtangkahan siya ng demonyon iyon habang tulog siya, at nang magising nanlaban siya kaya ito ang nangyari sa kanya. Mas mabuti pang mamatay na lang siya kesa mapagsamantalaan ng demonyong si Ramon.
Si Ramon ang bagong kinakasama ng ina. Isang kilalang direktor si Ramon, mga horror at action movies ang napapasikat nito. Isa namang palubog ng artista ang Mommy niya. Noong kabataan ng ina, ay isa itong sikat na sexy star, at ngayon ay palubog na ang karera ng ina dahil may edad na ito, pero patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga sexy role nito sa comedy.
Binahay ni Ramon ang Mommy niya, mga limang buwan palang nagsasama ang dalawa. Inimbitahan naman siya ng Mommy niya na tumuloy muna siya sa bahay ni Ramon sa San Ignacio, para makapamasyal at iwan saglit ang maingay na lungsod ng maynila. Ikalawang gabi palang niya sa bahay ng lalake ng pasukin siya nito sa guest room. Buti na lang at nanlaban siya at hindi nagtagumpay ang demonyon iyon sa balak nito sa kanya.
Patuloy ang pagtakbo niya habang umiiyak sa madilim na kalsada hindi siya pamilyar sa lugar, ito ang unang beses na nakarating siya sa probinsya ng San Ignacio, malayo-layo rin sa Maynila, kaya hindi niya malaman kung saan siya pwedeng humingi ng tulong sa kalagayan niya ngayon.
Siya si Savannah Cortez, isa siyang sikat na modelo, maraming nakakakilala sa kanya saan man sulok ng bansa, dahil kung saan-saan nalalagay ang maganda niyang mukha at katawan
At kung sakaling may makakita sa kanya ngayon gabi sa itsura at ayos niya ngayon, ay baka hindi siya makuhang makilala bilang Savannah Cortez na super model.
"Saan ako pupunta?" Tanong niya sa sarili at niyakap ang mga kamay sa katawan, nananakit na ang mga paa niya sa kakatakbo. Mukhang hindi naman siya sinundan pa ni Ramon, baka natakot din ito na may makakita rito sa labas at hinahabol ang babaing punit ang damit.
"Hayop siya!" Tagis bagang na sabi niya.
"Magbabayad ka rin Ramon! Tandaan mo iyan!" Mariing banta niya habang tumutulo ang luha sa pisngi.
Wala siyang mapupuntahan, nasa bahay ni Ramon ang kotse niya at bag, pati pera. Walang, wala siyang dala kahit singko.
Umiiyak pa rin siya at tumatakbo sa takot, kahit wala namang direksyon na patutunguan. Umaasa na sa may makitang pwedeng masilungan, ni hindi na nga niya nakikita ang paligid, dahil sa walang tigil na pag iyak.
Isang galitgit ng gulong ang narinig niya , napalingon siya, isang nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa kanya. Sinubukan niyang tignan ng mabuti ngunit hindi niya nagawa, dahil dumilim ang buong paligid at naramdaman ang pagbagsak ng katawan sa kalsada.
Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang silid siya na ngayon lang niya nakita buong buhay niya. Inikot ang mga mata sa kisame na maganda ang pagkakadesenyo. Dahan-dahan siyang bumangon, naramdaman ang pananakit ng buong katawan at mabigat na ulo, inikot naman ang mga mata sa loob ng silid, tanging liwanag na galing sa lampshades ang nakakalat sa buong silid.
"Asaan ako? Anong nangyari sa akin?" Magkasunod na tanong n'ya sa sarili. Napahawak sa nananakit na ulo, maay nahawakan siyang kakaiba sa may noo, mukhang nagkasugat siya sa noo at ginamot ng kung sino iyon.
Pilit inalala ang nangyari kanina, ang tanging natatandaan lang niya ay tumatakbo siya patakas sa bahay ni Ramon, naiwan ang Mommy niya doon. Sa kakatakbo niya nasilaw siya sa isang kotse, at pagkatapos heto na ang sumunod na nakita niya, nasa loob na siya ng isang silid, kung kanino ang silid na ito ay hindi niya alam.
"Si Ramon!" Nanghihinang sabi niya.
Mabilis niyang inalis ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Bababa na sana siya sa kama nang matigilan. Nanlaki ang mga mata nang makitang undies lang ang suot niya, wala siyang suot na bra, napahawak ang dalawang kamay sa dibdib. Pinakiramdaman ang sarili, lieral na masakit ang buong katawan niya, pero hindi naman sa parteng pilit niyang pinakikiramdaman.
"Pero bakit ako nakahubad?" Tanong niya sa sarili.
Binalot ang hubad na katawan sa kumot, saka mabilis na bumaba ng kama. Nglakad siya, naramdaman ang pananakit ng talampakan. Nagtatakbo kasi siyang walang sapin sa paa kanina sa kalsada.
Kinuha niya ang isang malaking vase na nakalagay sa side tabke. Sino man ang nagdala sa kanya rito at naghubad sa kanya, ay lalabanan niya. Kung si Ramon ito, magagawa niyang patayin ang demonyon iyon ngayon din.
Piniit ang lock ng pintuan, bumukas iyon. Ibig sabihin hindi iyon naka lock, hindi siya nakakulong sa loob ng silid, malaya siyang makalalabas.
Inihanda niya ang sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na tanging tumatakip sa katawan. Sa isang kamay naman, mahigpit din ang hawak sa vase bilang sandata niya sa kung sino man ang masasalubong.
May malilim na ilaw sa pasilyo ng makalabas siya ng silid, medyo nakahinga siya ng maluwag nang mapansin iba ang bahay, hindi ito bahay ni Ramon. Pero nasaan siya? Anong ginagawa niya dito? Kaninong bahay ito? Sinong nagdala sa kanya dito? Sunud-sunod na tanong niya sa sarili.
Nagtuloy siya sa may hagdan para makababa na. Natigilan siya may dulo ng hagdan nang may marinig na bumukas sarang pintuan mula sa ikalawang palapag na kinaroroonan niya. Napalingon siya sa paligid.
"You are awake," tinig ng isang lalake na unti-unting lumilitaw mula sa dilim.
Inihanda naman niya ang sarili. Inihanda rin ang hawak na vase. Kung kanina nagawa niyang matakasan si Ramon na isang demonyo, paniguradong matatakasan din niya kung sino man ang lalaking nagdala sa kanya sa bahay na ito.
Napasinghap siya nang tuluyang masilayan ang lalaking may ari ng tinig. Bahagya pa siyang kumunot sa noo nang tuluyang makita ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at jogger pant, wala itong sapin sa mga paa katulad niya, kung sa bagay malinis naman kasi ang sahig.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Pormal na tanong ng lalake sa kanya. Nakatingin ito sa mukha niya, hindi lang niya sigurado kung nakikilala siya nito bilang si Savannah Cortez na halos laman ng commercial sa TV at mga billboard sa maynila at sa mga malls.
"Sino ka?" Tanong niya. Napansin ang pagbaba ng mga mata ng lalake sa kumot na nakabalot sa katawan niya, napalunok pa siya. Naisip niyang ito marahil ang naghubad sa kanya kanina. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtikhim nito, mukhang naalala ang ginawa nitong paghuhubad sa kanya. Nagtaas naman siya ng mukha at nagtapang-tapangan para mabura ang pag init ng magkabilang pisngi sa ginawang pagsuri sa kanya ng lalake.
"Para saan ang vase na hawak mo?" Tanong nito nang malipat sa kamay niya ang mga mata nito.
Anong isasagot niya? Na ibabato niya ito rito kung gawan siya nito ng masama? As if naman sa itsura ng lalaking ito ay gagawan pa siya nito ng masama. Gwapo ito at may magandang pangangatawan, halatang habulin ng mga babae, kahit mukhang pormal, pero andoon ang malakas na s*x appeal nito, yung tipong titigan ka lang eh mabubuntis ka na. Ganyan kalakas ang s*x appeal ng lalaking kaharap niya.
"Sino ka?" Tanong niya. Hindi na pinansin ang tanong nito sa kanya.
"I am Marco, Marco Leonardo. And you are Savannah Cortez right?"
Kahit sa ganitong itsura niya nakilala siya ng gwapong lalake. Infairness gwapo talaga ang lalaking kaharap.