Marco-7

1007 Words
Hindi niya maiwasan makaramdam ng awa para kay Savannah nang sabihin nitong umalis na ng San Ignacio ang Mommy nito dala pa ang kotse nito. Anong klaseng ina ang iiwan na lang basta ang anak sa isang lugar matapos ang muntik ng mapagsamantalaan, isama pang paano ito nakakasiguro na nakaligtas nga ang anak nito. Ganito ba kalupit ang mundo para isang katulad ni Savannah. Walang inang mag-aaruga, walang magulang na masasandalan. Walang mapagkakatiwalaan sa mga nakapaligid rito. Nakita niya ang takot kay Savannah kanina nang magtungo sila sa bahay ni Ramon, halos manginig ang buong katawan nito sa takot, kaya siya na lang ang kumausap kay Ramon para makuha ang mga gamit ni Savannah. Wala siyang magandang narinig mula kay Ramon tungkol kay Savannah. Pakawala daw ito at kung kani-kanino pumapatol. Sinabi rin ni Ramon na si Savannah raw ang umakit rito, at nagkagulo daw ang mga ito nang mahuli ang mga ito ng Mommy ni Savannah. Bagay malabo niyang paniwalaan kay Ramon. Ilang teenager na ba ang nagreklamo kay Ramon sa bayan nila, marami lang itong pera kaya hindi nakukulong. Kaya hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito. Isama pang halos mamatay na kagabi si Savannah nang mailigtas niya. Hindi niya lubos maisip na ang maganda at sikat na katulad ni Savannah ay puno pala ng lungkot ang buhay. Sa likod pala ng mga ngiti nito ay malalim na kalungkutan. Hindi siya sanay kumilatis ng tao, pero ang tingin niya kay Savannah isa itong mahina, na nagpapanggap lang na malakas, para maikubli ang kalungkutan. Marami ring sinabi sa kanya si Hazel na hindi maganda patungkol kay Savannah, well marahil nasabi lang ni Hazel ang mga iyon, dahil sa selos nito at galit kay Savannah. Ayaw niya sanang makialam pa sa mga ito, iyon nga lang pinakikiusapan sita ni Hazel, na tulungan niya itong ilayo si Savannah sa kay Francis. Kilala niyang babaero si Francis, alam niyang hindi lang si Hazel ang kinatatagpo ng lalaking iyon. Wala din siyang idea kung totoo nga ang mga paratang ni Hazel kay Savannah. Ganoon pa man bilang matalik na kaibigan niya si Hazel, pumayag na siyang ilayo si Savannah kay Francis. At nagsisimula na siya na hindi nahahalata ni Savannah. May driver siya na pwedeng maghatid kay Savannah sa Maynila, kaya din niya itong ihatid sa Maynila ngayon din, kaya lang hindi niya ginawa, dahil kay Hazel nasa Maynila daw kasi ngayon si Francis at sa friday pa daw ang balik ng San Ignacio, kaya mas mabuti kung manatili muna si Savannah sa San Ignacio, at nagawa naman niya. Mananatili hanggang biyernes bahay niya si Savannah. "Nagawa mo Marco, salamat," sabi sa kanya ni Hazel nang tawagan siya nito, para tanungin tungkol kay Savannah. "Basta Marco iyung bilin ko sa iyo, huwag na huwag kang maaakit sa makamandag na babaing iyan! Pwede mo siyang tikman at paglaruan, huwag ka lang mahuhulog," litanya pa ni Hazel sa kanya sa kabilang linya. "Oo na, alam ko na iyan," yamot na tugon niya at pinatay na ang tawag ng kaibigan. Wala naman siyang ibang maririnig rito kundi masasamang kwento lang tungkol kay Savannah. Instead na magalit nga siya rito, bigla siyang naawa sa dami ng pinagdadanan nito sa buhay. Nagpaalam siya kay Savannah na pupunta saglit sa opisina, mag pahinga muna ito at kumain. Kanina pa kasi ito hindi kumakain, ni hindi rin lumalabas ng silid. Hindi na siya nagulat pa nang makitang namamaga ang mga mata, marahil sa kaiiyak nito. Kahit naman gaano kasama ang isang tao, nasasaktan pa rin naman ito. Katulad ng nangyayari ngayon kay Savannah. "Magsabi ka lang sa kasambahay kung ano ang kailangan mo at gusto mong kainin. Pinagbilin na rin naman kita sa kanila. Kumain ka na baka mag collapse ka na lang bigla diyan," bilin niya kay Savannah na nahihiyang tumingin sa mga mata niya, dahil nahihiya nitong ipakita ang namamagang mga mata. "Salamat, Marco, busog pa naman ako, hintayin na lang kitang bumalik," tugon nito sa kanya. "Ikaw ang bahala Savannah," sabi na saka na nagpaalam na aalis muna. Kung hindi lang niya kailangan magtungo sa bahay ng mga magulang niya ay hindi na sana siya aalis. Kaya lang nagtawag ang Mama niya na sa bahay daw sila mag lunch. Pagdating sa malaking mansyon ng mga Leonardo namataan niya ang dalawang mamahaling sasakyang naroon. Late na naman siya, sa kanilang tatlomg magkakapatid siya ang laging late, siya ang panganay siya pa ang laging late. Panganay siya sa tatlong magkakapatid na Leonardo sa bayan ng San Ignacio. Kilalang nabibilang ang sa mayayamang pamilya ang mga Leonardo sa bansa. Marami kasi silang ibat-ibang negosyo sa loob at labas ng bansa. Kilala ang Papa niyang si Mario Leonardo na isang business tycoon sa loob at labas ng bansa. Kaya naman pati silang tatlong magkakapatid at nagsisimula na ring makilala sa larangan ng pagne-negosyo. Silang tatlong magkakapatid single pa, ayaw na ayaw nilang pumapasok sa relasyon, toxic at nakaka stress lang kasi pag nasa isang relasyon ka. Kaya silang tatlo patikim-tikim na lang sila ng mga babae at walang sineseryoso, at least wala silang sakit ng ulo. "Kuya Marco the always late," sita sa kanya ni Marcus nang makapasok na siya sa bahay nila. Si Marcus ang sumunod sa kanya, gwapo ito at mas matinik sa kanya pagdating sa babae. "Sa ganito lang naman ako nale-late, hindi katulad mo pati sa trabaho," ganti niya sa kapatid. "Oh, Kuya Marco the king of late," biro naman sa kanya ni Matteo nang makita siya. Katulad din nyang gwapo si Matteo, iyon nga lang may pagkapihikan ito pagdating sa babae, pero ganoon pa rin naman, mahilig ding maghanap ng ibat-ibang lasa ng babae. Pag magkakasama silang tatlong magkakapatid, hindi naman babae ang pinag-uusapan nila, kundi ang negosyo, kung paano pa mapapalago ang mga negosyo nila. Sila ang mga mayayamang nais pang yumaman. Pinag-aaralan pang lalo pang yumaman, kaya marahil hanggang ngayon, ni isa sa kanila wala pang balak mag asawa. Lalo na siya wala siyang balak mag asawa, hindi kasama sa goal niya ang magpatali sa isang babae at bumuo ng pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD